Chapter 03

1509 Words
Chapter 03 Natalie's POV " Saan ka galing at ganitong oras kana umuwi? Kababae mong tao inaabutan ka ng umaga sa daan?" wika ng tinig mula sa aking likuran. Napaigtad ako sa gulat. Gumapang ang takot sa katawan ko kulang na lang mabitawan ko ang hawak na isang basong tubig. Nakaramdam ako ng uhaw kaya dumiretso ako dito sa kusina. Hindi na ako nag-abala na magbukas pa ng ilaw. Medyo tipsy din ako dahil pinilit akong uminom ng alak nila Renz para hindi siya mapahiya sa barkada namin pinagbigyan ko siya. Nagbar kami at ito nga alas-dos na ng umaga ako nakauwi. Pero alam ko parin naman kung ano ang ginagawa ko. "A-amery..." nauutal kong banggit sa pangalan niya. Sa entry way ng kusina at pantry room nakahilig ang lalaki. Ang isang kamay ay nasa kanyang sout na pantalon. " Tinatanong kita, Señyorita. Saan po kayo galing?" tila naiinis ang tinig ng boses niya. Binuksan niya ang ilaw napapikit ako ng mga mata, nasilaw ako bigla sa liwanag. Pagdilat ko, mataman akong nakatitig sa kulay brown niyang mga mata.I rolled my eyes, akala mo kung sino siya kung maka-asta. FYI lang wala siyang papel sa buhay ko. Galit ang mga mata niyang nakatitig sa akin na halos pakiramdan ko, matutunaw ako sa mga tingin niya. " My Goodness, Amery. Sino kaba para pagsabihan ako?" galit kong tanong sa kanya. Baka sakaling magising siya sa katotohanan na wala siyang ambag sa buhay ko. "Isa pa, bakit ba talo mo pa ang Daddy sa paghihigpit sa akin. Ikaw ba ang Daddy ko?" naniningkit ang mga mata kong sabi sa kanya. Mabilis niya akong hinatak, payakap. Bigla niya lang akong siniil ng halik na ikinabibigla ko. Marahas at madiin ang halik na iyon. My plams was on his chest and trying to push him. Nasasaktan ako sa halik niya pero nangingibabaw sa akin ang init na dala nang labi ni Amery na nakalapat sa labi ko. Sa hindi ko malaman na kadahilanan, natagpuan ko ang aking sarili na nagugustuhan ko ang kanyang mga halik. Ang kanina'y marahas ay naging banayad at matamis ang bawat hagod ng malalambot niyang labi. Pareho kaming hingal ng bitawan niya ako. Nagkatitigan kami nang matagal bago ko narealize mali ang halik na iyon at lalong mali ang pagtugon ko sa kanyang halik. Hindi ko siya boyfriend kaya wala siyang karapatan na halikan ako at lalo na sa lahat hindi ko matanggap na isang hardinero lang namin ang unang nakahalik sa akin. Isang malakas na sampal ang pinalipad ko na tumama sa kanyang pisngi. Napailing siya sa lakas nang sampal na ginawa ko. "Bastos ka," bulyaw ko sa kanya. Patuya lang siyang ngumiti hinawakan ng kamay niya ang pisngi na sinampal ko, pinahid niya ang daliri sa gilid ng labi niyang may dugo. " Pero nagustuhan mo?" panunuya niya sabay kagat ng pang-ibabang labi niya. Napalunok ko sa ginawa niya! He looked so seductive sa ginawa niyang pagkagat-kagat sa pang-ibabang labi niya. Parang gusto ko maulit ang mga halik niya. " I-in your dreams..." bulyaw ko sa kanya. Aakmang sasampalin ko siya ulit bago pa lumapat ang palad ko sa pisngi niya. Mabilis niya itong sinalag mahigpit niyang hinawakan ang aking pulso-pulsohan. Halos bumaon ang mga daliri niya doon at nasasaktan ako sa ginagawa niya. "Subukan mo, Señyorita, hindi ako magdadalawang isip nahalikan kita ulit," he declared boldly, wala na kahit konting remorse sa kanyang tinig. Natulos ako sa kinatatayuan at dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko. " That was my very first kiss, Amery, pero hindi mo man lang iningatan at kinuha mo ng ganun-ganun lang. How dare you?" asik ko sa kanya, nang makabawi ako sa nangyayari, bago ko siya tinalikuran. Huminto ako sinulyapan ko si Amery. Nakatingin siya sa akin at sumilay sa labi niya ang isang makahulugan na ngiti. Nang gigil akong napakuyom ng kamao nang muling ihakbang ang mga paa ko. Halos patakbong inakyat ko ang hagdanan patungo sa aking silid. Pagdating ko sa aking kwarto ay agad kung sinara ang pintuan. Napasandal ako sa pinto. Hindi ko mapigilan ang aking daliri na damahin ang aking labi. Pakiramdam ko nakalapat parin sa labi ko ang malalambot na labi ni Amery. Napapikit ako na muli ko itong damhin. Bakit parang ang sarap nang kanyang halik? Napapailing na lang ako ng ulo at pabagsak na hiniga ang katawan ko sa kama. Ang galit ko kay Amery ay biglang naglaho,ang tanging naiisip ko ang kanyang mga halik. Hangang sa dahan-dahan na sumara ang talukap ng mga mata ko. Nakatulog akong iniisip ang mga halik nang binata sa akin. Pagkagising ko sa umaga ay nakaramdam ako ng pananakit ng ulo. Lumakad ako patungo sa pinto ng veranda at binuksan iyon para lumabas. Mataas na ang araw medyo masakit na ang sinag na tumatama sa aking balat. Then i saw him. Abala siya sa pag-aayos ng mga bulaklak ni Mommy. Napadako ang paningin ko sa hubad na katawan ni Amery. Hinagod ko ito ng tingin hangang napadako sa bumubukol sa gitna ng dalawang hita niya. Nagbawi agad ako ng tingin. Kumaway ito sa akin nang matanaw niya ako dito sa veranda. I was hesitant to wave back. My pulse started to drum in my ear. I was mesmerized by seing a man who like flower's. Samantala ako na babae walang kahilig-hilig sa mga bulaklak. Minsan napapaisip ako baka bakla itong si Amery? Hell no? May bakla bang, masarap humalik? Bigla akong pinamulahan ng maalala ang tagpo sa amin sa kusina kagabi? Napahawak ulit ako sa labi ko at muling dinama ng daliri ko. Muli akong tumingin sa pinagkaka-abalahan ni Amery. Naglilipat siya ng mga bulaklak sa pot. Hindi ako makapaniwala na ang isang katulad ni Amery ay umiiral. Muli itong tumingin sa direksiyon ko at kumaway ulit pero tinaasan ko na nang kilay. Bumalik ako sa loob at muling nahiga sa kama. Masakit ang ulo ko baka dahil sa nainom kung alak kagabi. Isang marahan na katok ang naririnig ko, sumungaw mula doon si Amery. Napabalikwas ako nang bangon sa pagpasok niya. Abot tenga ang ngiti niya tulad nang dati may dala itong pagkain. Imbes mainis ako nakaramdam ako nang katuwaan sa ikalaliman ng puso ko. Manipis at maiksi lang ang sout kung pantulog pero hindi ko pinagkaabalahan na takpan ang sarili ko. Inilapag ni Amery sa side table ang tray. Pinagmasdan niya ako at sinalubong ko ang mga titig niya. Naupo siya sa gilid ng kama at napapahilot nang sentido niya. " I'm sorry about last night, Señyorita?" he murmured saka muling tumayo at kinuha ang isang isang tasa at inabot sa akin."Para sa hang over Señyorita?" Tinitigan ko ang tasa muna bago ko inabot. Isang mainit na kape ang inabot niya sa akin. " Nag so-sorry ka for kissing me?" " Hindi. Kung paano kita hagkan kagabi..." Natawa ako.Kahit na mag-inarte ako talaga namang nagustuhan ko ang halik na iyon. Kinuha ko ang daliri niya at dinala sa labi ko,saglit siyang nagulat sa ginawa ko pero agad din siyang nakabawi. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Amery. " Pwede mo naman ulitin, Amery. Now!" bulong ko sa kanya. Natigilan si Amery sa sinabi ko pero seryoso ako. Gusto ko ulit na halikan niya ako. " Hindi mo alam ang sinasabi mo, Señyorita, nabigla lang ako kagabi. Pero hindi ko pinagsisihan na hinalikan kita." " Then gawin mo ulit i commanded you, Amery , kiss me," matigas kung utos sa kanya at nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Ilang pulgada na lang ang pagitan ng mga labi namin. Bumaba ang tingin ko sa mapupula niyang labi. Halos nanlaki ang mga mata niya,hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.Parang wala siyang balak gawin ang inu.utos ko kaya ako na ang humalik sa kanya. Nagulat man siya sauna pero tinugunan niya din ang bawat mga halik ko.Ginaya ko ang ginawa niya sa akin kagabi.Ikinawit ko ang dalawang kamay ko sa leeg niya at kumandong ako sa kanya. "A-amery..." i groan nang maramdam ko ang mga labi niya na gumagapang sa aking leeg napaliyad ako para mas lalong damhin ang malambot niyang labi na gumagapang sa leeg ko,his hands tightening on my flesh. I can't control the delicious moan that come out from my lips.Lalo na nang hawakan ni Amery ang dalawang dibdib ko at marahan na minamasahe. "Señyorita, baka hindi ko macontrol ang sarili ko baka kung saan pa tayo umabot," Amery said against my lips, groaning...something like despair.. My eyes widened and i realize hindi ito tama. " No...No," iyon ang sinisigaw nang aking isip pero iba ang ninais nang aking katawan sa mga halik niya.Itinulak ko siya at umalis ako sa ibabaw niya.Hindi ko siya matingnan ng diretso kaya tumakbo ako sa loob nang banyo. Agad kung kinandado ang pinto at sumandal ako.Ano ang nangyayari sa akin?Bakit parang nahuhumaling ako sa mga halik niya?I swallowed the thougts. Binuksan ko ang shower at hindi na ako nag-abala pa na maghubad ng mga damit ko.Basta ang alam ko lang kailangan ko mahimasmasan sa kahibangan ko.Baka sa pamamagitan nang malamig na tubig ay magising ako sa katotohanan. ITUTULOY.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD