Chapter 02

1907 Words
Chapter 02 Natalie's POV Naghikab akong nakatingin sa kisame habang yakap-yakap ang isang unan.Hindi parin ako makapaniwala na sinagot ko na si Renz, bago niya ako naihatid dito sa bahay kahapon. Napangiti ako at napakagat labi.Nang may marinig akong mahihinang katok sa pinto, hindi na ako nag-abala na bumangon pa.Napasimangot ako ng makitang sumungaw si Amery. May dalang tray ng umuusok na pagkain at gatas.Napabangon ako bigla at inayos ang cover-up na sout ko baka mamaya niyan masilipan pa niya ako. Nakakasira siya ng magandang umaga ko. Sinuyod ko siya ng tingin mula ulo hangang paa.Wala man lang itong sout na pang-itaas na damit, tanging pantalon lang ang sout niya. May t-shirt naman ito pero nakasukbit sa balikat niya. "Good morning, Señyorita ! " nakangiting bati niya.Napadako ang paningin ko sa katawan niya.Napalunok ako!Malapad ang mga balikat niya,may muscles at bumabakat ang abs niya. May magandang katawan din palang tinatago ang lalaking ito.Agad akong nagbawi ng tingin nang mapansin niyang nakatingin ako sa katawan niya.Baka isipin pa niyang pinagnanasaan ko siya. Napangiwi ako sa kaisipan na iyon.Infairness pwede siyang pang modelo ng brief. "Asan ba si Nanay Eva at ikaw ang nagdala niyan dito?" walang ka gana-ganang tanong ko sa kanya. "Inutusan lang po ako ni Nanay Eva,kasi may gagawin lang siya saglit," nilapag niya sa ibabaw ng kama ko ang tray ng pagkain."Unahin niyo po inumin itong gatas habang mainit pa, Señyorita?" "Pwede ba Amery wag mo akong turuan kung ano ang uunahin ko sa mga dinala mo at wag mo akong madalhan-dalhan ng pagkain dito sa kwarto ko," pataray kung turan sa kanya. Natahimik siya at nagyuko ng ulo."Saka magdamit ka nga nasa harapan ka ng amo mo tapos nakahubad ka," naiinis na dagdag ko. Agad siyang humingi ng pasensiya at isinuot ang t-shirt na nasa balikat niya.bAng totoo na di-distruct ako sa mga pa muscle-muscles niya. Bakit ba kasi ang ganda ng hulma ng katawan nito,kayumanngi ang kulay ng balat niya pero ang kinis niya. Kakainis talaga! "Ano naman po ang masama kung dalhan kita ng almusal mo, Señyorita? Ayaw mo 'nun hindi kana mapapagod bumaba," aniya at ngumiti pa. I smirk. "Masama Amery, ayoko ! As in Ayoko," matigas kung sabi sabay diin sa salitang huling binanggit ko."Pwede ba gawin mo na lang ang trabaho mo bilang hardinero, Okay !Hindi mo trabaho ang dalhan ako ng pagkain," angil ko sa kanya.Nakakairita!Hindi marunong umitindi ng salitang ayoko!Talagang ipilit pa ang sa kanya. Nagyuko muli ito ng ulo."Kung yan po ang gusto mo, Señyorita !" mahina niyang sagot sa akin saka tumalikod na. Sinundan ko na lamang ito ng tingin hangang tuluyan na itong makalabas ng aking silid. Napabuntong-hininga ako at muling ibinagsak sa malambot kung kama ang aking katawan. Ni wala akong interes na kainin ang dala niyang pagkain. Nang muling may kumatok sa pinto, nakangiting sumungaw si Nanay Eva.Napabangon ulit ako at magiliw na ngumiti sa kanya. "Ako ang nag-utos kay Amery na dalhan ka ng pagkain. Ang sabi niya tinarayan mo na naman siya," Nag-arko ang kilay ko at talagang nagsumbong pa.Kapag nakita ko siya mamaya pepektusan ko talaga ang lalaking iyon. "Ayoko na dinadalhan niya ako ng pagkain, Nanay Eva! Kumukulo ang dugo ko sa kanya," naiinis kung sagot kay Nanay Eva Tinawanan ako ng matanda, sabay abot sa akin ng gatas. Naguguluhan naman ako sa tawa niya. May nakakatawa ba sa mga sinasabi ko. Nagtaas ako ng mga kilay ko. Huminga ng malalim si Nanay Eva."Ano ba ang ayaw mo kay Amery? Mabait naman siya at ang gwapo pa ! " nakangiting saad niya na parang kinilig pa sa huling sinabi niya. No doubt for that ! Gwapo talaga si Amery at mabait, bulag na ang hindi makakita ng mga katangian ni Amery.Hindi ko talaga alam sa sarili ko, kung bakit ayoko sa kanya.Marahil hindi siya ang tipo ko. "Nanay Eva!" nanlaki ang mga mata ko ininom ko ang gatas na inabot sa akin."Huwag kang magsalita nang ganyan at baka isipin talaga ni Amery na totoo ang mga sinasabi mo," aniko ko ng ibaba uli ang baso ng gatas sa tray. Napangiti si Nanay Eva sa sinabi ko."Bakit hindi ba totoo?" diin niya." Malay mo 'yang pa ayaw-ayaw mo kay Amery mauwi sa pagma—" "Nanay Eva, kayo talaga ! " agap ko at hindi ko mapigilan na mapasigaw. Pakiramdam ko namumula ang mga pisngi ko. Kahit ako din hindi ko maintindihan kung bakit parang kinilig ako sa sinabi niya. "Hindi mahirap mahalin si Amery.Ikaw lang itong nag-aalangan sa kanya at hindi ko alam sayong bata ka.Kung saan ka humuhugot ng inis mo kay, Amery!" Muli kung dinampot ang baso ng nangangalahating gatas. Napatitig ako kay Nanay Eva ang mga tingin nito sa akin ay tila ba nanunukso.Inabot ko ang linen napkin sa tray at nagpahid sa bibig ko. "Imposible ang sinasabi niyo, Nanay Eva , hindi-hindi ako magkakagusto sa isang hardinero lang," diin ko at humugot ako ng malalim na paghinga."Sinagot ko na si Renz,boyfriend ko na po siya," pag-amin ko, pinilit kung ngumiti. Halos lumuwa ang mga mata ni Nanay Eva sa gulat.Hindi siya makapaniwala sa pinagtapat ko, may nakikita akong gumuhit na lungkot sa kanyang mga mata niya. "Sinagot muna ang mayabang na iyon?Sigurado kaba diyan, Natalie Jane ?" bulalas niya. I forced a smile and shook my head. Alam kung una palang ayaw ni Nanay Eva sa lalaking iyon. Kaya lagi niyang pinapa-alala sa akin na magpakipot ako. May pagka arogante si Renz at pagkamayabang, dahil siguro anak ito ng Mayor namin.Pero bulag ako pagdating sa kapintasan ni Renz, kasi gusto ko talaga ang binata, noon pa. Alam kung maiintindihan ako ni Nanay eva. "Opo ! Nanay Eva ! Sinagot ko na siya kahapon," wika ko na hindi ko rin madama sa puso ko ang kasiyahan.Bagay na hindi ko maintindihan sa sarili. "Basta wag kalimutan ang limitasyon napakabata mo pa, Natalie!," paalala niya sa akin."Kung saan ka masaya susuportaan kita," may katiyakan sa himig ng boses ni Nanay Eva at dinampian ako ng isang halik sa noo. "Salamat sa unawa, Nanay Eva," "O, siya mamalengke muna ako!Ano ang gusto mong tanghalian at ipagluluto kita?" magiliw na tanong niya sa akin. "Bahala na po kayo, kahit ano naman po lulutuin niyo.Alam kong masarap basta kayo ang magluto," nakangiting tugon ko sa kanya.Ngiti lang ang itinugon niya sa akin,bago siya tuluyan na lumabas ng aking silid Bigla akong napaisip sa sinabi niya kanina. It's a big " NO " na magugustuhan ko si Amery. *** Pagkatapos kung kumain, naligo ako at nagbihis. Bago ako bumaba ng kwarto ko patungo sa salas. Wala akong makitang tao, si Mom and Dad baka nasa Farm na sila. Anihan ngayon ng aming malawak na manggahan aabot ito na halos dalawang-daan na ektarya. Bukod doon meron din kaming hotel sa bayan at tatlong restaurant. Nag iisa akong anak, kaya lahat ng naisin ko agad kung nakukuha.Sunod ako sa layaw at spoiled brat. Nakarinig ako nang malakas na tawanan sa likod bahay. Agad akong nagtungo doon,naabutan kung nagkakatawanan sina Amery at Faye. Mukha silang masaya tingnan at napapansin ko dito kay Faye may gusto siya kay Amery. Sa mga titig palang nito sa binata may kahulugan na. Bagay naman sila parehong katulong dito sa bahay.VDapat lang na magsama sila. Ngunit hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko naiinis ko sa iniisip ko.VHindi ko maunawaan ang damdamin ko, kung sakaling may mamagitan sa kanila. I cleared my throat para makuha ang atensiyon nila, nagsabay pa silang napalingon sa akin. "Kayo pala,Señyorita," sambit ni Amery. Kumuha ito ng upuan at binigay sa akin. Napatitig ako sa kamay niya may hawak siyang kutsilyo at mangga. Nangasim ako bigla lalo na nang mahagip ng paningin ko. Ang sawsawan sa ibabaw ng maliit na mesa sa gitna nila ni Faye. Ang sarap tingnan ng bagoong at marami silang sili na nilagay. Napatulo tuloy ang laway ko. "Mangga po,BSeñyorita ! " alok sa akin ni Faye nang iabot sa akin ang mangkok na may laman na mangga. Gusto ko sanang tumanggi dahil ayoko makipagbonding sa kanila. Di ko kasi sila ka level. Pero hindi ko mapigil ang pagtulo ng laway ko, nag-alangan akong kumuha. Ngunit nanaig ang tawag ng aking sikmura.Kumuha ako at sinawsaw sa bagoong. Napapikit ako sa asim at parang naginhawaan ako ng matikman ko ito. Kaya napaupo na ako at naki.kain narin. Napapansin ko ang pagliwanag ng mukha ni Amery, liwanag na hindi ko maunawaan. Inalis ko ang paningin sa kanya, itinuon ko na lang ang pansin sa mangga habang ang tenga ko nakikinig lang sa kwentuhan nila na hindi ko maunawaan. Sa gilid ng mga mata ko,napapansin ko ang mga sulyap sa akin ni Amery. Mga sulyap na makahulugan. Pero hindi ko nilalagyan ng malisya,ayoko talaga sa kanya. "Ito pa Señyorita, mas masarap ang indian manggo kapag madilaw-dilaw na," aniya,habang binabalatan ang mangga. Tumango lang ako nang mapatingala ako sa taas. May manggang nakabitin sa uluhan ko, gusto ko ang hitsura niya.Kaya tumuntong ako sa upuan ko upang abutin ang mangga.Itinaas ko ang aking kamay pero hindi sapat ang aking taas. Kaya tumingkayad ako para maabot ito pero nawalan ako ng balanse,nang maramdaman ko na may malalaking kamay na humawak sa bewang ko. Ang sunod ay nakalutang ako sa ere. Napatili ako ng tuluyan akong bumagsak sa matigas niyang dibdib. Nagkatitigan kami matagal bago ko binawi ang paningin ko.Hindi ko maintindihan ang gumuhit na damdamin sa kanyang mga mata. " Okay lang po kayo,Señyorita?" nag-alalang tanong ni Amery sa akin. Ang sindak ko ay nauwi sa galit.Galit na hindi ko alam, saan galing? Dapat pa nga ako magpasalamat sa kanya, pero ito ako nagsusungit na naman.Naningkit ang mga mata kung nakatingin sa kanya. "Get off me, Asshole !" galit na bulalas ko,sabay tulak sa dibdib niya. Nagulat siya sa ginawa ko, pero nagawa parin niya akong ibaba ng maayos. " Hindi niyo na lang po sinabi sa akin para ako na ang kumuha para sayo," malumanay na sabi sa akin ni Amery. " Kaya kung abutin,epal ka lang talaga," i hissed. " Mas lalo mo akong tinakot sa ginawa mo," bulyaw ko na may kasamang pag-taas ng mga kilay ko. " Hindi ko naman intensiyon na takutin ka, Señyorita. Ako po ang natakot sa ginawa niyo kaya agad kitang sinalo bago pa kayo bumagsak sa lupa, " paliwanag niya." Maari niyo naman pong iutos sa akin." Dagdag pa niya. Napailing ako ! Ang galit ko ay nabawasan nang mahimigan ang pag-alala sa tono ng boses ni Amery. Whatever his reason hindi ko parin tanggap 'yon. " Bahala ka sa buhay mo, " i said in dry amusement. Hindi niya kailangan magpakasuper hero para matuwa ako sa kanya. Hindi parin siya nakakatuwa,that's it!Tiningala ko ang mangga sa taas,mataas pala talaga siya at kaya-kaya niyang abutin dahil matangkad siya. Tingin ko six footer at mahigit pa, ang taas niya. Kung tutuusin mas matangkad siya kay Renz na may height lang na six flat. Inismiran ko siya nang muli ko siyang harapin.Hindi ko matiyak, subalit may ngiting gustong sumilay sa mga labi ni Amery na pinipigilan niya lang. Nakakainis ang lalaking ito, kahit tarayan ko siya araw-araw. Nagagawa parin nitong ngitian ako.Pagpasensiyahan, marahil amo niya ako. Ano paba? Natural lang respetuhin niya ako. Or manhid lang siguro ang lalaking ito. Padabog akong tinalikuran sila, aalis na lang ako ng bahay.Makikipagkita ako sa mga kaibigan ko,kahapon nagyaya si Renz na magbar kami.Pupunta ako kasi boring dito sa bahay at nakakainis lang ang mga tao dito.Lalo na si Amery ! ITUTULOY......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD