Chapter 04

1970 Words
Chapter 04 Natalie's POV Pagkatapos kong maligo lumabas na ako nang kwarto at bumaba ako ng hagdanan. Hindi ko alam kung bakit hinahanap ng mga mata ko si Amery. Dumiretso ako sa kusina pero walang katao-tao doon.Tumingin ako sa aking wrist watch it's 10 in the morning. Kapag ganitong oras nasa kusina ang tambayan ni Amery nakiki-pagkwentuhan kay Nanay Eva habang nagkakape, kahit si Nanay Eva ay wala din. Where all the people here? I shrugged my shoulder baka may pinuntahan lang ang lalaki. And what the hell i care? Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nagtungo ako sa sala dumapa ako sa isang couch at inabala ang sarili na basahin lahat ng mga fashion magazine na nakita ko. Nabasa ko na lahat-lahat wala parin akong nakikitang Amery. Nababagot akong tumayo, naglakad-lakad ako hangang sa dinala ako ng mga paa ko sa likod nang mansiyon. Patungo mismo sa kwarto kung saan natutulog ang lalaki. Atras-abante ang ginawa ko hindi ko alam kung kakatok ba ako o hindi. My mind was so confused, kung ano itong ginagawa ko dito. Tatalikod na sana ako nang bumukas ang pinto. Iniluwa ang nakatapis lang nang tuwalya na si Amery. Napamaang akong nakatitig sa dibdib na may butil-butil na tubig na dumadaloy pababa sa pusod niya hangang napako ang mga paninigin ko sa natatakpan ng tuwalya. I could not barely imagine kung ano ang meron doon? Amery muttered something unprintable. Napatakip ako ng mata ko bigla hindi ko alam kung bakit nahiya ako sa kanya. Samantala kanina lang hindi man lang ako nahiya na kumandong at makipaghalikan sa kanya. "May kailangan ka ba, Senyorita?" he asked in his husky voice. "Wala," pataray kung sagot saka tinalikuran ko siya. I heard him chuckled. "What's funny ?" i asked angrily then i furrowed my brows. "Nothing po, Señyorita," he shooked his head. "Amery, tayo na hinihintay na nila tayo," napalingon ako sa pinang-galingan ng boses. It's Faye and she smiled to Amery very sweetly. I wrinkled my forehead. I smell something fishy to this woman. "Just a minute, Faye! Magbibihis lang ako," aniya at isinara niya ang pintuan ng kanyang kwarto. Ang kaninang nakangiti na mukha ni Faye ay biglang naglaho. When i looked at her with curiousity and i don't like the way she looked to Amery. Naiinis ako! "Saan ang punta niyo?" pagkuway na tanong ko may kasamang pagtaas ng kilay ko. Na tip to toe ko si Faye. Ang iksi ng sout niyang maong short pero infairness makinis din naman ang mga hita niya. Naka fitted blouse ito, kahit papano may hubog din ang katawan niya. "Sa farm po Señyorita, nagpaalam na po kami kay Tita Eva at pinayagan niya po kami," she answered in her small voice. "Really?" walang ganang sambit."Hindi ba makati doon, tapos ang iksi ng shorts mo?" panunuya ko sa kanya. Natahimik siya sa sinabi ko. Maraming higad doon for sure pero ito siya ang iksi nang sout na short. Mahigad sana!I prayed ! In just a minute lumabas na si Amery. His wearing a cow boy hat. Fitted sleeveless shirt na kulay gray ang blue ripped jeans. Para siya 'yong napapanood ko sa isang mexican telenovela na Passion De Amor. Showing his muscle and his body built, kung susuriin mo siyang mabuti para siyang hindi basta hardinero lang. Damn! He was exceptionally good-looking man and look so hot. I swallowed my own saliva. Hindi ko maalis-alis ang buong paningin ko sa kanya. "Baka matunaw ako niyan, Señyorita?" pukaw niya sa akin. Napakurap ako at bumalik ang katinuan ng isip ko. "You can go with us if you want." Amery asked me with a good english accent. Parang sanay na sanay siyang mag-english. And i get shocked a bit. " Yeah sure...I mean...No....I think kayo na lang. Baka makadistorbo pa ako sa inyo," nalilitong sabi ko. Hindi ko matiyak kung ano ang tamang isagot. Naghahati ang isip ko. May kalahating gusto at may kalahating ayaw. But i relied to my instinct at ganoon din sa nararamdaman ko. Na hindi ako dapat sumama sa kanila. But deep inside of me. I was jealous? I dont get it if that's the right word. Sinundan ko na lamang nang tingin ang papalayong bulto nina Amery at Faye. And i felt too much irritated sa paakbay na ginawa ni Amery kay Faye. Padabog akong naglakad pabalik sa loob ng mansiyon. Kulang na lang pabagsak kung isinara ang pintuan ng aking kwarto ng makapasok ako. Padapa akong nahiga sa kama, sinubsob ko ang aking mukha sa unan at galit na galit akong pinokpok ang mga kamay ko sa kama. I hate this feeling of mine! Bakit parang iba yata itong nararamdaman ko.Tumihaya ako at nakatingin lang sa kisame. I feel so exhausted but still stated. I was thinking im just overreacting. Maybe? Ngunit hindi ko mapigilan mag overthink. Saglit akong nag-isip! Maya-maya lang i smiled playfully. Susunod ako sa farm, mababaliw ako sa kakaisip kapag dito lang ako. Agad akong tumayo at nagbihis! *** "Magandang tanghali, Señyorita!" "Ang ganda talaga ni Señyorita Natalie." "Sabay na po kayo sa amin kumain, Señyorita." Mga salitang sumalubong sa akin nang makarating ako dito sa manggahan. Bilang respeto ko sa mga tauhan namin ngumiti ako sa kanila na may pag-galang. Agad hinanap ng mga mata ko si Amery,sa di kalayuan nakita ko ang lalaki. Nakasakay ito sa malaking kabayo, ito ang paboritong kabayo ng Daddy. Kumaway siya sa akin si Amery na may magandang ngiti sa kanyang labi. I filled my lungs with air. This time, i waved back with a smile in my face. But my smile faded away ng makita kung inalalayan ni Amery si Faye na sumakay sa kabayo. Nakakapang gigil sa inis ! "Mahulog ka sana," mahina kong bulong at tumalikod ako nang biglang may sumigaw. Napalingon ako sa kinaroroonan nila Amery. Abot tenga ang ngiti ko ng makitang nahulog nga si Faye. "Ha ha ha..." pasimple akong napahalakhak ng tawa. Kung minsan talaga may kasamang kasamaan itong aking dila. Aba! Nagkatotoo nga nahulog. Ngunit nawala ang ngiti ko. Napabuga na lang ako ng hangin sa ere nang makita kung binuhat ito ni Amery in bridal position si Faye. Pinihig pa ni Faye ang ulo niya sa dibdib ng lalaki. Napakuyom ako ng kamao sa gigil ko. Alang-alala si Amery ng dalhin niya sa kinaroroonan namin si Faye. Binaba niya ang babae at maayos na pina-upo sa isang bench na nasa ilalim ng puno ng mangga. "Masakit ba dito?" naririnig kong tanong niya kay faye habang hinilot-hilot ang binting napuruhan ata. "Mapilay sana! Bwesit!" i curse almost in whispered at pasimple akong sumulyap sa kanila. Ganyan ba talaga kung mag-alala ang isang, Amery? Alagang-alaga ka?Napangisi ako. Isang kapilyahan ang naisip ko. Pumunta ako sa kinaroroonan nang kabayo ni Daddy. Hinimas ko ang katawan nito, sumipa sa ere ang isang paa nito. Muli akong napatingin sa kanila at isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi ko. Sa oras na may masamang mangyari sa akin. Lahat sila mananagot kay Daddy lalo kana, Amery. Kaya humanda ka! Bibigyan kita ng sakit nang ulo. Sa inis ko ginalaw ko ang tali ng kabayo. Sumipa ulit siya sa ere. Halos lahat sila nakuha ko ang atensiyon at napatingin ang mga mata nila sa akin, lalo na si Amery. Mabilis kung inakyat ang saddle ng kabayo. Hindi naman ako nahirapan na akyatin ito dahil sanay ako. Bata palang ako tinuturuan na ako ni Daddy na mangabayo. Noong nagdalaga ako nawalan lang ako ng interes mas gusto ko kasama ang mga mayayaman kung friends. Bago makalapit sa akin si Amery. Pinalo ko ang likod ng kabayo, para mapatakbo ito ng mabilis papalayo sa manggahan. "Señyorita Natalie! Wala sa kondisyon ang kabayo baka mahulog ka," sigaw ni Amery. Hindi ko sila nilingon, kahit ako din nagulat sa bilis nang takbo ng kabayo. Napakapit ako sa tali para hindi ako mahulog. Kahit anong tahan ang ginawa ko sa kabayo mas lalo lang bumilis ang takbo nito at ang kanyang pagwawala. Amery is right, wala sa kondisyon ang kabayo. "As stupid as always," saway ko sa sarili. " Matigas kasi ang ulo ko kaya ito na ang premyo ko," kastigo ko sa sarili ulit. Papasok sa loob ng kagubatan, dinala niya ako sa masukal na parte ng gubat. Wala na akong ideya kung nasaan na ako never pa akong napadpad sa lugar na ito. Kumalma din ang kabayo katagalan, liblib na ang tinatahak namin. Malamig na simoy ng hangin na halos nanunoot sa aking kalamnan. Ang pawis ko nanlalamig na din. My heart beat so fast. Nakaramdam ako nang sobrang takot sa dibdib ko. " Where am i ?" mahinang sambit ko. I think i'm lost. Pahamak talaga ang naisip kung kalokohan. Sa akin pala ang balik ng lahat. Napahigpit ang kapit ko sa tali niya sa leeg takot na takot akong pakawalan ang kabayo. Napalunok ako ng laway at nagsisitayuan ang balahibo ko. I heard strange noises, then ang mga huni ng ibon na kakaiba at parang mga atungal na kung anong klaseng hayop. "Ano ba itong ginawa mo, Natalie? Ang tanga mo talaga!" Kastigo ko sa sarili. Sabay, kaming nagulat ng kabayo nang makita namin na may gumalaw sa bandang unahan namin. Nagsigalawan ang mahahabang damo at parang may naghahabulan. Tumaas sa ere ang dalawang paa ng kabayo bigla itong tumakbo ng mabilis. Para mawalan ako ng balanse at mahulog ako sa damuhan. Tatayo na sana ako ng bigla akong napahiga nakapalupot pala ang isang paa ko sa tali ng kabayo, nakaladkad ako. "Oh s**t!" Naptili ako, pinilit ng dalawang kamay ko ang kumapit sa damuhan pero hindi iyon sapat para malabanan ko ang pagkaladlad sa akin. Nakaladlad pa ako papalayo tiniis ko ang sakit. Hangang sa natanggal din ang nakapalupot na tali sa paa ko, nabitawan ako ng kabayo.Pakiramdam ko nabugbog ang buong katawan ko.Ramdam ko ang hapdi at sugat sa katawan ko. "Oucchhhh....ang sakit..." daing ko habang nakatihayang nakahandusay sa damuhan. Karma hits me so hard ! This is Amery's fault ! Siya ang may kasalanan ng lahat na ito Dahan-dahan akong tumayo, palinga-linga ako sa paligid hindi ko na makita ang kabayo. "Ahh...Shit..." sigaw ko ulit ng makaramdam ako na parang nabali ang tadyang ko. Hindi ako makatayo ng maayos. Napatumba ulit ako sa damuhan, im about to cry. Napatingin ako sa siko ko may mga sugat ako, kinapa ko ang tuhod ko may mga gasgas ako. Nasira ang makinis kong kutis dahil sa katangahan ko. "I hate you, Amery ! I hate you..." pagsisigaw ko. Sinubukan ko ulit tumayo nagawa ko. Kailangan ko makabalik baka maabutan ako ng gabi dito sa gubat. Baka may mga mababangis na hayop dito. Paika-ika akong naglakd halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko.Ang hapdi pa ng mga sugat ko at gasgas sa katawan ko. Pati ang sout kung damit nagkapunit-punit pa. Hindi ko narin napigil ang sarili umiyak na ako. Hindi ko makita ang tamang daan, pagod na ako at grabe ang pananakit ng katawan ko. Napaupo ako sa gilid ng malaking puno isinandal ko ang pagod kung katawan. Pagod at uhaw ang nilalabanan ko ngayon. Wala akong makita kahit sapa man lang or stream. Napatingala ako sa taas ng matataas na puno. Kahit araw ay hirap makalusot mula eito dahil sa kapal ng mga dahon. Maya-maya may mga butil ng tubig pumapatak mula sa taas. Unti-unti lumakas ang patak na iyon, umuulan. Binuka ko ang aking bibig para makainom ako ng tubig. Refreshing ng makarating sa lalamunan ko ang tubig. Nilasap ko ang bawat patak ng ulan. Hindi ko na iniisip kahit mabasa ako. "Ang malas ko talaga," mahina kung sabi." Kung nanahimik na lang sana ako sa mansiyon, di sana wala ako ngayon dito," sising-sisi na wika ko sa sarili. Pinikit ko ang mga mata ko, papahinga muna ako. Hindi ko kayang magpatuloy ang sakit ng buong katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD