Chapter 10

1251 Words
Chapter 10 Natalie's POV Wala sa klase ang buong atensiyon ko kundi nasa wall clock na nakasabit sa dingding. Pakiramdam ko ang bagal ng oras, hindi na ako natuloy na sumama kay Amery dahil bigla na akong hinila ni Elaiza. Kung may kakayanan lang akong hatakin ang oras ginawa ko na. Mas gusto kong kasama si Amery kaysa pumasok sa klase. "Hoy, bruha! Ano 'yong kaartehan mo kanina at ayaw mo ipahawak sa akin si Amery? Day, matagal ko ng pinapantasyahan 'yong boy niyo. Iyon lang yata ang pinaka hot na hardinero na nakita ko sa buong buhay ko," tila naiinis nitong turan sa akin na may kasamang kalandian sa kanyang tinig. "Tumigil ka nga diyan, bruha , may boyfriend ka pero sa iba ka nagpapantasya," asik ko sa kanya na may kasamang pagtaas ng kilay. Sumilay ang pilya na ngiti nito sa labi at malanding kinagat-kagat ang dulo ng kanyang ballpen. "Iba kasi ang dating ni, Amery , makalaglag panty. Sa tingin mo malaki kaya ang ala—" Natapal ko ito sa noo, kung ano-ano na lang ang iniisip niya. Pati ba naman 'yon itatanong pa niya. Aba! Malay ko hindi ko pana man nasilip! Napangiti ako sa isip ko, naramdam ko lang naman 'yon kaninang umaga habang nakadagan siya sa akin. Alam ko naninigas 'yon minsan naiisip ko parang gusto ko itong makita at mahawakan, hindi lang hawak gusto ko rin itong maramdaman sa loob-loob ko. Iyong tipong mapapaungol ako katulad ng mga napapanood ko sa mga pelikula. Hmmmm...Masarap kaya talaga ang bagay na iyon? Kapag naguumpukan ang katawan ng dalawang tao? Kung may pupunit man ng p********e ko gusto ko si Amery. Kapag hingiin niya sa akin ang bagay na iyon hinding-hindi ako magdadalawang isip na ibigay sa kanya. "Ame...." mahinang bulalas ko. Nagulat ako ng bigla akong mahinang paluin ni Elaiza ng ballpen sa ulo. Napukaw ako sa kabastusan ng isip ko. "Day dreaming!" Nakataas kilay niyang saad. "Wag mong sabihin..." sinadya nitong bitinin ang sasabihin at tinitigan ako ng puno ng malisya. "May pagnanasa ka rin sa kanya, noh?" Halos umusok ang ilong nito sa inis at kumibot-kibot ang gilid ng labi nito. "Paano na si Renz? Kung makapagsabi ka sa akin, akala mo naman wala ka ring bf." "Hihiwalayan ko na siya," mariin na sabi ko na walang pagsisisi sa boses ko. "Ibalato mo na sa akin ang hardinero niyo," pakiusap nito na tila seryoso sa sinasabi. "Grabeng pagnanasa 'yan, lai , manahimik ka nga diyan. Hindi premyo ng lotto si Amery para ipamalato," pagalit kong wika sa kanya. "Ang arte mo, paayaw-ayaw ka pa 'nung una pero nasa ilalim pala ang kulo mo! Nakakainis kang, bruha ka," tila nagtatampong wika nito. Tinawanan ko lang siya! "Anong ingay 'yan?" Sabad ng titser namin sa Management. I'm taking up, major in management para pagdating ng araw. Alam ko na kung paano hahawakan ang negosyo ng mga magulang ko. "Wala po, prof!" Sabay na tanggi namin ni Elaiza. Muli akong napatingin sa orasan, may dalawang oras pa bago mag alas-dose parang hindi ko kayang hintayin ang tanghali. Nanabik na akong makita ulit ang aking kasintahan. Hindi ko alam kung bakit sobra ang mga pananabik ko sa kanya. Hindi pumapasok sa isip ko ang dinidiscuss ng professor namin. Palibahasa na kay Amery lang ang isip ko. Nakakabadtrip pa bigla niya akong tinawag. Napakamot na lang ako ng ulo dahil wala akong maisagot. "Maupo kana lang, Miss. Hernandez , mukhang nasa ibang planeta ang isip mo," galit na saway nito sa akin. Pagak akong ngumiti sa kanya at sa lahat. Pangiti-ngiti naman sa akin si Elaiza na para bang tuwang-tuwa sa nangyari. Nang siya naman ang tawagin ay nga-nga din. Hangang sa matapos ang aming klase. Dumiretso agad ako sa gate baka sakaling andito na si Amery. Ngunit bigo ako dahil wala pa ang kotse na ginamit niya kanina. Laglag ang mga balikat ko ng bumalik sa loob. Nang bigla may umakbay sa akin. It's Renz, malapad ang mga ngiti nitong ibinigay sa akin ngiting hindi ko magawang suklian. Marahas kong tinanggal ang kamay niya sa balikat. Agad akong humakbang palayo sa kanya. Hinabol niya ako. "What's wrong with you?" Galit na tanong niya sa akin. "Ayaw kitang kausap, Renz!" sagot ko sa kanya na patuloy lang sa paglalakad papalayo sa kanya. Dinala ako ng mga paa ko sa library. Pero sinundan niya parin ako. Humila ako ng isang upuan at naupo. Umupo naman siya sa harapan ko. "Anong nangyari sayo?" Tinitigan ko siya diretso sa kanyang mga mata. Kailangan ko ng makipaghiwalay dahil hindi ko naman talaga siya mahal. At hindi rin tama na makipagrelasyon ako sa kanya, kung may Amery na ako. "I'm breaking up with you, Renz, i'm sorry," aniko sa walang emosyon na tinig. Tumawa ito na hindi makapaniwala sa sinabi ko. "What?" Gulat na tanong niya sa akin "Are you breaking up with me?" Paglilinaw niya at hindi maitago sa mukha niya ang galit. "You heard me, Renz , tinatapos ko na ang relasyon natin pati ang usapan natin. I'm falling inlove with him," walang paligoy-ligoy na wika ko sa kanya. He smirk! Napuno ng galit ang mukha ni Renz! Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao niya sa ibabaw ng mesa. "Damn! Ipagpapalit mo ako sa, boy niyo?" puno ng pang-uuyam ang boses nito. Malaki ang naituro sa akin ni Amery nasa pag-ibig hindi mahalaga ang estado sa buhay. Kung dati mahalaga sa akin ang estado sa buhay ngayon hindi na simula ng maramdaman ko sa sarili na mahal ko si Amery. Hindi basehan ang estado sa buhay para husgahan ang isang tao. Dahil wala ng mas mahalaga sa akin ngayon, kundi ang pagmamahalan namin ni Ame. Sa ilang buwan kong nakilala si Ame kahit hindi ko pa siya ganoon ka kilala. I know there was a connection between the two of us. Tumayo ako pero hinarangan ako ni Renz, itinulak ko siya para ng malakas para makadaan ako. "Ang babaw ng taste mo, Natalie," wika niya na sinamahan pa ng pagtataas ng boses at nakakainsultong ngiti. "Kapag nalaman ng, boy , niyo ang naging laro natin, hindi ko lang alam baka iwanan karin," dagdag pa niya ng tuluyan ko siyang talikuran. Hindi ko siya pinakinggan dire-diretso akong naglakad patungo sa gate. Wala akong paki-alam sa naging usapan namin noon. It was a game natalo ako pero pinag-sisihan ko na iyon. Alam ko naman na hindi maniniwala si Amery sa kanya. Lumiwanag ang mukha ko nang makita ang kotse na nakaparada sa gilid ng kabilang kalsada. Nakita ko si Amery na nakayukong nakasandal sa pintuan ng kotse. "Babe..." malakas na sigaw ko para mapatingin siya sa akin sabay kaway sa kanya. Sumilay ang mga ngiti niya sa labi ng makita ako. Nagpalinga-linga muna siya sa magkabilaang side ng kalsada bago tumawid para salubungin ako. Pagkarating niya sa kinaroroonan ko bigla ko itong hinalikan sa labi para makita ng lahat na siya ang boyfriend ko. Para hindi na rin siya pagpantasyahan pa ng ibang kababaihan. In my peripheral vision, nakita ko ang gulat sa mga mukha ng mga estudyanteng tumambay sa labas. Kahit si Amery ay nagulat sa ginawa ko. Ang saglitan na gulat ay napalitan ng kasiyahan. Ramdam ko na ikinatuwa niya ang ginawa ko. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Kinuha niya ang dala kong bag at libro siya ang nagbitbit ng mga gamit ko. Hinawakan niya ang isang kamay ko bago kami tumawid sa daan. Para akong isang mamahalin bagay na sobrang ini-ingatan ni Amery. ITUTULOY.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD