Chapter 11

1689 Words
Chapter 11 Natalie's POV "What do you want to eat?" Tanong sa akin ni Ame, dito niya ako dinala sa isang karinderya. Hindi ko sana gusto ang lugar mausok dahil may nagluluto ng barbecue sa gilid ng entrance nang karinderya. Maingay at maraming nakaparada na tricycle sa gilid. May nakikita pa akong matabang lalaki na nakataas ang t-shirt, kitang-kita ang malaki nitong tiyan may totothpick pa sa gilid ng kanyang bibig. Ang lakas nilang magtawanan. Na para bang sila lang ang mga taong kumakain. But i have no choice, hangang dito pa lang ako kayang dalhin ni Amery. Hindi ako pwedeng maging choosy. I have to accept the fact na hindi mayaman ang boyfriend ko. At kasama ito sa pagtanggap ko sa pag-ibig niya para sa akin. Inulit ni Ame ang tanong nang isa-isa niyang binuksan ang takip ng mga ulam. Infairness mukha naman silang masasarap ang pagkaluto sa mga ulam. "What is this?" maarteng tanong ko sabay turo sa ulam na may maitim na sarsa. "Why it's color black?" Narinig ko ang pagtawa ni Ame niyakap niya ako kasabay nang paghalik sa noo ko. "Dinuguan 'yan, babe." "Ow..." pagkuwa'y na sambit ko. Tumaas ang kilay ko! Hindi ko kasi nakikitang nagluluto nang ganito si Nanay Eva sa mansiyon at never pa ako nakatikim ng dinuguan. Tinitigan kong mabuti hindi siya kulay black kundi may pagka-kulay brown. But whatever it is! I wanna try it! Mukha siyang yummy! Lalong tumaas ang kilay ko ng makita ang dalawang serbadurang nakatitig kay Ame. Ang lagkit ng mga titig nila, mga titig na nakakainis. Agad kong ikinawit ang braso ko sa braso ni Ame. Just to remind them that this man is mine! Dahil sa ginawa ko nagbaba agad sila ng kanilang mga ulo. "Gusto mo dinuguan?" "Yeah! Gusto ko siyang tikman." Isa iyon sa mga inorder ni Ame. Pumasok na kami sa loob ng kainan sa gilid na kami pumuwesto dahil ito na lang ang bakante. Hinila ni Ame ang isang upuan para sa akin. "Thank you!" mahinang sambit ko at naupo si Ame sa tabi ko. Hindi mapuknat ang mga ngiti sa kanyang labi habang nakatingin lang sa akin. Pagkuwa'y sumeryoso ! "Okay lang ba sayo na dito kita dinala? Pasensiya na babe...Wala pa akong bud—" Mabilis kong tinakpan ng aking hintuturo ang labi niya at pinaglandas ko sa kanyang labi. Napakagat labi akong napatingin roon. "It's okay, babe! Mukha namang masarap ang pagkain nila." He smiled sweetly. "Thank you babe... Gagawin ko ang lahat maging masaya ka lang sa feeling ko, Natalie. I promised you that..." he said with conviction. I belived in him! Nangislap ang mga mata ko dahil sa mga sinabi niya. Dahil kay Amery nakakalimutan ko na ang high standard ko sa pagpili ng mga lalaki. I had met many men in my life. Dahil sa estado ng aming buhay, mahilig ako pumunta sa mga parties kaya dami akong nakikilala na anak mayayaman. I also went out on dates. Nagkaboyfriend narin ako, that was Renz buong akala ko mahal ko pero hindi pala. I had never felt the way Amery was making what i feel right now. I remember the first day i saw him on my eigthteen birthday. I really admired him. But i ignore the feelings. Ang lagi ko iniisip noon hindi kami magkalevel. Now, i realized i really loved this man! Siya ang kinatatakutan kong mawala sa akin. "The foods are here," mahinang sabi ni Ame bago ko naramdaman ang paghaplos niya sa pisngi ko na may hatid na bolta-boltaheng kuryente sa aking kaibuturan. He smiled! Isang uri ng ngiti na para bang nagbabadya ng isang tagumpay. I couldn't believe of what happening to me. Maraming inorder na pagkain si Amery hindi ko alam kong kaya naming ubusin ito lahat. May bulalo na gawa sa baka, pakbet, may inihaw na pusit, adobong karneng baboy at ang napili kong dinuguan. Umuusok ang kanin. Katakam-takam parang gusto ko kainin lahat. Nakakainspire pala ang magkajowa, napapasarap ang kain mo. Gutom na gutom narin ako sa mga oras na ito. Napatingin ako sa ginagawa ni Ame nang lagyan niya ng sabaw ang soap bowl ko. "Have soap first. Para mainitan ang sikmura mo before the heavy meal," anito. Pasimple akong napangiti sa sinabi. Simple gestures it makes my heart flutter. Ang sweet niyang boyfriend. "Hmmm...Ang dami mo namang inorder, mauubos ba natin ito?" Tanong ko. Hinawakan ni Amery ang kamay kong may hawak na kutsara sa ibabaw ng mesa. "Relax. Mauubos din natin ang lahat ng ito," anito. He was looking intently to me. "Eat first. Ako na ang bahala kung sakaling may matira basta ang importante, mabusog ka. Kumain ka ng marami, babe , para tumaba ka. Everything's going to be alright." I furrowed my brows. Isa sa mga hinahangaan ko kay Amery. Kapag nagsalita siya ng english mayroon siyang foreign accent. Which is, maganda pakinggan sa tenga parang bihasa siya sa wikang english. Nilagyan niya ng maraming kanin at ulam ang plato ko at hindi lang iyon. Hinipan niya ang kanin na nasa kutsara bago niya sinubo sa akin. Para akong bata sa ginawa niya na kailangan pa subuan. Napayuko ako! Nag-init ang bawat pisngi ko. Medyo nakakahiya pero hindi ko maitago ang aking kilig na nararamdaman sa kasulok-sulukan ng aking mga buto-buto. Dahil napapansin kong pinagtitinginan kami. "Tense?" mahinang tanong niya sa akin, halos magkadikit ang bibig ni Amery sa tenga ko. Humarap ako sa kanya at matamis akong ngumiti. "Ini-spoiled mo ako baka hanap-hanapin ko 'yan," sabay sundot sa tagiliran niya. Napaitlag siya at tumawa. "Masanay kana, dahil araw-araw kitang aalagaan." "Kumusta ang nahanap mong trabaho? Kailan ka mag-umpisa?" tanong ko pagkatapos niya ulit akong subuan. "Sa monday, waiter sa isang restaurant. Okay lang ba na trabaho para sayo?" aniya na may pananantiya sa kanyang tinig. Saglit akong nag-isip! Waiter? Saan? Baka maraming babae doon? "Saan?" "Seafood restaurant siya." Patango-tango ako nang biglang mapako ang paningin ko sa isang lalaki na nakaupo sa sulok. Panay ang titig niya kay Amery, magbabawi at yuyuko na parang may tinitingnan sa ilalim. At napapansin kong may pailing-iling ng kanyang ulo. "Ew...!" mahinang sambit ko, kasabay ng paglabas ng paghinga. "Are you saying something?" takang tanong ni Ame at sinundan niya ng tingin ang taong tinitingnan ko. He pinched my nose para mapasinghap ako at bumalik sa kanya ang atensiyon ko. "Iyong lalaki sa sulok kung makatingin sayo para bang, type ka," pabiro kong sabi kanya. Tumawa naman si Amery. Kitang-kita ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin. "Kung ano-ano lang ang naiisip mo," hinawakan niya ang isang kamay ko sabay pisil-pisil doon. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa kotse. May pasok pa ako! Nagulat kami pareho nang habulin kami ng lalaking nakaupo sa sulok kanina. Lumapit siya kay Amery at bigla-biglang niyakap ang binata. Sa gulat ay nakatulala lang si Amery. Pagkuwa'y agad din niyang binitawan ang binata. Nakikita ko ang pangingilid ng mga luha sa kanyang mga mata. Animo'y may pananabik sa kanyang mga mata. "Senyorito, Ethan Alistair Hayes, ikaw nga!" Aniya kay Amery, manghang-mangha ang kanyang hitsura habang titig kay Amery. Pareho kami napakunot ang noo ni Amery. Ano ang pinagsasabi ng lalaking ito? Sino si Ethan Alistair Hayes, upang pagkamalan niyang ito si Amery? "Hindi ho siya Ethan, Amery po siya, Manung!" paglilinaw ko sa mataray na tono. "Tama po siya, Amery , po ang pangalan ko," pagkaklaro din ni Ame sa kanya. Umiling ito ng ulo! "Sigurado ako na ikaw si Senyorito Ethan, akala namin patay kana Señyorito," may paniniguro sa kanyang tinig. "Hinihintay ka ni Senýora Adelaida ang iyong Lola." "Tulad po ng sabi ko kanina ako si Amery, hindi po ako ang hinahanap ninyo. Pasensiya na po mali-late na po ang girlfriend ko, ihahatid ko pa po siya," mahinahon na sagot ni Amery kay Manung. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng may edad na lalak. Makikita ang matinding pagkadismaya sa mukha ni Manung. May dinukot mula sa kanyang bulsa pero nagmadali na si Amery. Hindi niya ito pinansin agad niya akong pinasakay sa passenger seat at mabilis pinaandar ang sasakyan papalayo. Nakita kong nakapokus lang ang paningin ni Amery sa daan. Kanina pa siyang hindi umiimik tila malalim ang iniisip niya. Tungkol kaya ito sa lalaking lumapit sa amin kanina? He groaned silently. At panay ang buntong-hininga niya! "Are you okay?" I teased him sa biglaan niyang pagtahimik. Matagal bago siya sumagot. "Yeah," matabang niyang sagot. "Wag mo akong isipin, hihintayin kita mamaya. Hindi na ako uuwi ng mansiyon," sumulyap siya sa akin at ngumiti. "Kilala mo ba ang lalaking iyon, babe?" Nagkibit-balikat lang siya. "Kanina ko lang siya nakita. Baka kamukha ko lang ang tinutukoy niya na Ethan. Impossible naman kasi na ako 'yon lumaki ako sa bukid, namulat ang mga mata ko sa pagmimina sa isang minahan, doon namin kinukuha ang ikinabubuhay namin bago ko nakilala ang Daddy mo, lumaki akong kasama ang kapatid ni Nanay Eva na kinikilala kong ama-amahan." I was little bit shock, kaya pala malapit siya kay Nanay Eva at kay Faye dahil dati na silang magkakilala. "Tapos, anong nangyari at naisama ka ni, Dad?" curious kong tanong sa kanya. "Sumabog ang minahan, that's the last time i remember." Nagkibit-balikat lang ito. I shook my head! "Why?" "I don't know, kung bakit sumabog? Negligence i think, nawalan ako ng malay mga ilang araw daw at sa ospital ako nagising and—" He stopped! Tila may bumabagabag sa kanya. "And..." hindi natuloy ang sasabihin ko dahil hinawakan niya ang kamay ko, sabay taas at dinala sa labi niya. He kissed my knuckles! "Hindi na importante ang bagay na 'yon, babe..." Nakangiting tumango ako sa kanya. May punto naman siya hindi mahalaga ang nakaraan niya, ang mahalaga kung ano ang meron kami. Makalipas ang ilang minutong biyahe nakabalik kami sa University. Tulad nga ng sabi niya kanina pinarada niya ang sasakyan sa labas ng eskwelahan. Hinatid niya ako sa hangang sa gate. Humalik ako sa labi niya bago ako tuluyan na pumasok. Nakita iyon ng lahat pati ang galit na galit na mukha ni Renz. Ngunit wala akong paki-alam sa opinyon niya basta ang alam ko masaya ako sa bisig ni Amery. ITUTULOY........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD