Chapter 17

2658 Words
Chapter 17 "Good morning!" Magiliw na bati ko sa kanila nang dumungaw ako mula sa veranda. Nakita ko si Dad at Amery sa hardin na nagkakape. Natutuwa akong pagmasdan ang dalawang taong napakahalaga sa buhay ko na nagkakasundo at ang pagtanggap ni Dad sa lalaking mahal ko. Kumaway silang dalawa sa akin kasabay nang napakatamis na ngiti mula sa kanilang mga labi. And i waved back. "Bumaba ka na dito at magsabay–sabay tayong magalmusal." Sigaw ni Dad. Tanging tango lang ang itinugon ko at agad na tumalikod. Nagtungo ako sa harapan nang salamin and i combed my hair at pa side to side kong tinitigan ang aking sarili. Abot–tenga ang mga ngiti ko bago ako umalis sa harapan ng salamin. Pakanta–kanta pa ako nang lumabas ng kwarto hangang makababa ng hagdanan. Nakasalubong ko pa ang nakangiting si Nanay Eva. Her eyes sparkled. "Inspired ang aming Prinsesa." Tila nanuksong wika niya. "Naman! Sobra po, Nanay Eva!" Niyakap ko pa ang may edad na babae bago tumalikod. Walang sinuman ang pwedeng magpaliwanag nang aking abot–abot na kaligayahan. Nang marating ko ang hardin lumapit ako kay Dad at humalik sa kanyang pisngi. Isang masuyong ngiti ang pinakawalan ni Amery sa akin at matamis na ngiti ang ibinigay ko sa aking kasintahan. Tumayo si Ame at hinila ang isang upuan para sa akin. I murmured my thanks along with my smile. "I'm sorry, hindi ako agad nagising! Napahimbing ang tulog ko," hinging–paumanhin ko. Tulog mantika ako kagabi dahil mayroong peace of mind ang aking kaisipan sa nakuha namin ni Ame na pahintulot sa aming relasyon mula sa pinakamamahal kong mga magulang. "It's okay, sweety , may pinag–uusapan din kaming importante ni Ame," ani dad, isang nakakaunawang ngiti ang ibinigay sa akin. "Ano ang pinag–uusapan niyo?" Tumingin ako kay Ame with my curious eyes baka kung ano na naman ang pinaki–usap sa kanya ni Daddy. Hinawakan ni Ame ang isang kamay ko at masuyo na ngumiti. Napasinghap ako, medyo nabunutan nang tinik ang lalamunan ko. Paranoid lang siguro ako natatakot ako baka bigla na naman niya akong iwan. "Bago ka bumaba'y napag–usapan namin na ituturo ko lahat kay, Amery , ang pagpapatakbo ng mga negosyo natin lalo na ang manggahan." "That's an excellent idea, Dad," i agreed cheerfully. "Para may makatuwang narin kayo, Dad , wala naman ibang tutulong sa inyo kundi si Ame. Thank you, Daddy!" Napatayo ako sa kinauupuan at niyakap ang daddy. I can't explain the excitement sa narinig mula kay Dad. And my father made a right decision. Dapat lang dahil wala namang deserving kundi si Ame. Dahil sigurado akong si Amery ang makakasama ko habang buhay. Ngayon pa lang iniisip ko na magkaroon kami nang anak para magkaroon ng buhay itong aming malaking bahay. Mas maganda siguro pagmasdan kong may mga batang naglalaro dito sa harden at mga apong aalagaan ang mommy at daddy. Tumango si Dad kasabay ng buntong–hininga habang tinapik–tapik ang braso kong naka–akap sa kanya. Masaya akong sumulyap kay Amery. Hinalikan ko sa pisngi ang Daddy bago ako muling naupo sa tabi ni Amery. "My sweet little girl, Natalie. I love you so much for you're happiness my child," malambing na wika ni Dad. "Dad, i'm not a little girl anymore," kontra ko sa kanya at sumimangot ako. "May boyfriend na ako, Daddy," sabay na matamis akong ngumiti kay Amery. Malakas na tawa ang pinakawalan ni Daddy sa sinabi ko. Naramdam ko ang braso ni Ame na pumalupot sa bewang ko. "May boyfriend ka man o wala hindi magbabago ang reyalidad na ikaw parin ang baby ko," nasisiyahang wika ni Daddy at binalingan si Amery. "Aalis tayo mamaya at uumpisahan ko na ang pagtuturo ko sayo." Marahang napahugot ng hininga si Ame. Pagkuwa'y tumingin sa akin, ipinatong ko ang isang kamay ko sa kamay niyang nasa ibabaw ng mesa at pinagsalikop ko ang aming kamay. Tinanguan ko siya. "Sige po, Sir!" Nahihiyang sagot niya kay Dad. "Wag mo na akong tawaging, Sir , it's too formal. Pwede namang tito or—" "Daddy." Agap ko. Bahagyang nagulat ang Daddy pero agad din siyang nakabawi and Amery smile was without humor, makikita sa mukha niya na medyo alanganin siya sa sinabi ko. "Wala akong nakikitang mali sa sinabi mo, Natalie. Na kay Amery parin kong tatawagin niya akong, Daddy...." halos idiin ni Dad ang salitang Daddy na may kasamang pag–ngiti sa kanyang labi. Nanlaki naman ang mga mata kong bumaling kay Amery. "Narinig mo iyon, babe..." tuwang–tuwa ko na sabi sa kanya. Sa halip na sumagot ay tahimik niya akong tinanguan lang ako. Naulinigan ko ang bahagyang may alanganin si Ame pero benalewala ko iyon. Ilang saglit na tinitigan niya ako pagkuwa'y matipid na ngumiti. Mas maganda na rin para masanay siya. Maya–maya dumating ang mommy kasunod ang mga kasambahay. Dala–dala ng mga ito ang mga pagkain. "Good mornig, sweety , hijo!" Nakangiting bati sa amin ni mommy. Tumayo si Amery upang ikuha ng upuan ang mommy sa tabi ni Dad. Nagkukwentuhan muna kami habang inaayos ng mga katulong ang mesa. "Bakit hindi tayo magpaparty dito sa bahay, hon?" Suhestiyon bigla ni mommy. At tumingin kay Daddy nagkibit ng mga balikat. Saglit nag–isip ang daddy bago sumagot. "And what a better way to start, bilang may bago tayong miyembro ng pamilya," nakangiting deklara ni dad at matamis na ngumiti kay mom. Masayang tumango ang mommy kahit ako'y tuwang–tuwa din sa suhestiyon ni mommy. "You can invite your friends, sweety , and you Amery." Tipid na ngumiti si Ame. "I don't have friends but acquaintances, mga nakikilala ko lang po diyan sa labas mga tambay po." "Okay lang 'yan, hijo , imbetahin mo sila," nakangiting saad ni dad na sinang–ayunan ni mom. "Tutulungan kita magplano, mommy. At sasabihin ko kay Nanay Eva magluto siya ng dinuguan," pahabol ko at naramdaman ko ang pagpisil ni Ame sa palad ko. Nagkatinginan naman ang mga magulang ko sa sinabi ko. Naisip ko lang ang dinuguan dahil bigla kong naalala 'nung kumain kami ni Ame sa karinderya, nasarapan lang kasi ang sa lutong iyon. Tuwing may okasyon dito sa bahay walang ganoong luto. "Oh, magpapacater tayo. Para hindi tayo mahirapan ganoong mahirapan, Anak." I pout my lips. "Ay, sayang naman." "It set then," nasisiyahang wika ni Dad. Sinulyapan ko si Amery na tahimik lang sa tabi ko. Alam ko at nararamdaman ko, kung ano ang nasa isip niya. Mamaya pagkatapos naming mag–almusal kakausapin ko siya. Pagkatapos naming mag–almusal naiwan kami ni Amery sa harden. Magkaharap habang titig na titig siya sakin at nasa malayo naman ang aking isipan. Biglang pumasok sa isip ko, kung ano kaya ang buhay ni Amery? Kung titingnan kasi siya ng mabuti hindi siya mukhang mahirap sa tindig at hitsura. Kung susuriin siyang mabuti para siyang may kaya sa buhay. Tulad nang sabi ni Dad, may pamilya kaya siya? Nanlulumo ako sa katanungan na iyon pero dahil mahal na mahal ko siya benabalewala ko. Kaya dito lang dapat si Ame sa tabi ko, hindi siya pwede umalis nang bahay na hindi ako kasama. Baka biglang magbalik ang alaala nito at tuluyan na akong hindi balikan pa. Kapag mangyari iyon, yon na yata ang pinakahirap na katotohanan na hindi ko kayang tanggapon. "You look si lovely in that dress, Natalie," he commented huskily, cutting off my thoughts. A half smile curved on my lips. "Thank you." "Bakit parang ang layo ng iniisip mo? Iniisip mo ang tungkol sa akin? Kung sino talaga ako or kung saan ako nanggaling?" Tanong nito na ikinagulat ko. Bakit parang nahulaan naman niya yata ang iniisip ko. "No!" Nagulat pa ako sa karahasan ng tono ko. "No, I don't...." idinugtong ko sa may banayad na tinig. "Ako kasi iniisip ko? Kagabi pa, lahat nang sinabi sa akin ng daddy mo. Kahit sabihin pang okay na sa kanya ang tungkol sa atin hindi parin maiwasan na mag–isip ako. I kept growing more curious about my real identity." "Pleass, Ame , stop that hindi naman importante, right? Hindi ko gustong pag–usapan ang mga bagay na iyan." "What if, Natalie? Paano pala kong kriminal ako sa nakaraang buhay ko? Hindi naman natin alam, dba? Malay mo, mamahalin mo parin kaya ako..." seryoso niyang wika at nauulinigan ko ang matinding disappoitment sa buntong–hininga niya, ilang saglit niya akong tinitigan at pagkatapos kinuha niya ang kamay ko at pinisil–pisil niya. Saglit akong natahimik sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. I smile a little. "Kung isa kang criminal di mapapakanta na lang ako. Nang I'm inlove with crimanal. Ang gwapo mo namang kriminal, babe..." may himig na pabiro ang sinagot ko sa kanya. Binitawan niya ang kamay ko at banayad siyang napahilot ng sentido. He winced! Marahil hindi siya natuwa sa biro ko. "Seryoso ako, Natalie. What if nga?" Tila naiinis ito. "Hindi rin ako nagpapatawa, Amery." Sumeryoso din ako, tumayo at niyakap ko siya mula sa kanyang likuran ipinatong ko ang akin baba sa kanyang balikat. Gumapang ang mga labi ko sa pisngi niya. Naririnig ko ang mga malalim niyang paghinga. "Paano kong may pamilya ak–" Tinakpan ko agad ang labi niya ng labi ko. Iyon ang ayaw ko marinig sa lahat sabihin na niya kung anong gusto niya, tawagin niya kahit na ano ang sarili niya. Wag lang ang sabihin niya na may pamilya siya. Dahil iyon ang isa sa mga katotohanan na hinding–hindi ko matatanggap. Muling napahugot ng malalim na paghinga si Amery sa pagitan ng paghalik ko sa kanya. "Kalimutan na natin ang tungkol sa mga negatibong pala–palagay, babe," aniko ng bahagya kong bitawan ang labi niya. "Ang isipin natin ay ngayon, kasama natin ang isa't–isa at masaya." "Tama ka, I love you babe..." ayon niya. "Pero minsan ay hindi ko maiwasang 'di mag–isip tungkol sa nakaraan ko pero ngayon wala na akong ibang iisipin kundi ikaw, Natalie , ang bukas nating dalawa na magkasama. Bumuo ng mga pangarap kasama ka at bumuo ng pamilya na kasama ka. I love you so much, Natalie." Uminit ang bawat sulok ng mga mata ko sa sinabi ni Ame ang sarap pakinggan. But i blinked those threatening tears away! Ngunit hindi iyon nakawala sa paningin ni Amery. Kahit siya'y may napapansin akong pagkislap ng mga mata niya. Pinunasan ng mga daliri niya ang mga luha ko na tuluyan ng kumawala mula sa mga mata ko. At isang masuyong halik sa noo ang iginawad niya sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit na pakiramdam ko hindi na ako makakahinga pero hinayaan ko ang yakap na iyon. Dahil napakasarap makulong sa mga bisig niya. Pinakawalan din niya ako pagkalipas ng ilang segundo at sabay kaming napangiti sa isa't–isa. "Do you believe in love at first sight?" Tanong nito sa akin na may kasabay na kindat. "Yes! Dahil unang kita ko palang sayo noong nakatayo ka sa tabi ni Dad crush na kita pero secret ko lang 'yon." Nagbitiw ng malakas na tawa si Amery ng may kasamang pagsundot sa tagiliran ko. Napaliyad ako sa ginawa niya. "Ang arte mo, pa–ayaw–ayaw ka pa sa akin sa una. Kunwari nagmamaldita pero malaki pala ang pagnanasa sa akin." Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Pero totoo naman ang sinasabi niya. "Siyanga pala okay lang ba sayo ang suhestiyon ni, daddy , na tulungan mo siya sa pagpatakbo ng negosyo niya?" Tanong ko nang maalala ang kaninang usapan. Hindi agad nakasagot sa akin si Ame. Marahan siyang napahimas ng batok. "Ayoko sana, dahil sa maaring isipin ng mga tao pero may sinasabi ang puso ko natulungan ko ang Daddy mo. Okay lang ba?" Sinuklay–suklay ng mga daliri ko ang buhok niya at matamis akong ngumiti sa kanya. "Masayang–masaya ako dahil nakikita ko ang tiwala ng Daddy ko sayo, para din sa ating dalawa ito. Kung mayroon mang tutulong kay Dad, mas higit na ikaw 'iyon." Muling inabot ni Amery ang labi ko nang biglang may umubo sa likuran namin. Sabay kaming napaitlag, nakita namin si Dad na kampanteng nakapamulsa patungo sa amin. Lumayo ako nang kaunti mula kay Amery. "Gusto mo sumama sa amin ni, Amery?" Umiling ako. "Kayo na lang po, dad , basta ibalik niyo sa akin si Amery," i said cheekily mas maganda na iyong ipaalala ko lagi kay Dad. Hindi ako sasama kasi kakausapin ko ang mommy. Tungkol sa isang bagay kay mommy ko unang sabihin dahil pareho kaming babae at gusto ko siya na rin ang kukumbinsi kay dad. "Opo, mahal na prinsesa. Iuwi ko siya dito ng buong–buo," nakangising wika ni Dad. "Alis na kami, babe..." paalam ni Ame at tumayo na ito sa kinauupuan. Humalik muna ako sa pisngi ni Dad at ganun din kay Amery bago sila tumalikod sa akin. Hinatid ko na lamang ng tingin ang dalawang lalaking palayo sa aking paningin. Nang makalayo na sila ay dali–dali kong hinanap ang mommy sa kusina ko siya natagpuan. "Hi, sweety. Tamang–tama nagba–bake ako ng cake samahan mo ako," nakangiting wika ni mommy habang nilalagay niya ang heart–shaped decor sa ibabaw ng ginagawa niyang cake bilang final touch. Pagkatapos ay sinipat nang mabuti ang ginagawa. Then slowly, her lips curved into a smile and her eyes glittered. Ang ganda ni mommy kahit may edad na ito hindi maitatanggi ang kanyang taglay na kagandahan. I swallowed! Hindi ko alam kung paano uumpisahan ang gusto kong sabihin sa kanya. Ayoko sirain ang kanyang magandang araw pero hindi ako makakapaghintay hindi pwedeng mamaya o bukas pa. "Gusto ko magtabi kami ni Amery na matulog, Mommy , may nangyari na sa amin." Walang bwelo–bwelo na sabi ko sa kanya. Parang na estatwa ang mommy hindi ito nakakilos sa kinatatayuan ni kurap hindi niya ginawa at tamang–tama ang pagpasok ni Nanay Eva. "Mom...." untag ko sa kanya. Kumurap siya ng ilang beses bago humarap sa akin. Naka–awang ang mga labi nito at halos manlaki ang dalawa niyang mga mata. Napansin ko ang panginginig ng labi niya at bahagyang pamumutla. Natakot ako sa nakita ko kay mommy nabigla siya sa sinabi ko. Kapag may masamang mangyari sa kanya ako ang masisisi. Masyado ko atang nabigla ang mommy. Napahawak siya sa kanyang dibdib at napasandal sa marble na tiles ng lababo. "I–Isinuko mo na ang i–iyong perlas ng silangan sa kanya...." napabuntong–hininga ang mommy. Si Nanay Eva naman ay napasign of the cross. Napangiwi ako sa OA nilang reaction. May kababalaghan ba sa pagkawala ng aking V at mamutla ng ganyan ang mommy at mapasign of the cross si Nanay Eva. "Batang–bata mo pa, Natalie , masyado pang maaga. Bakit ang bilis mo naman bumigay Anak hindi mo man lang siya pinahirapan na makuha niya iyon sayo," halos hindi makapaniwala na bulalas ni mommy. Kaswal akong nagkibit ng mga balikat. "Mahal ko siya, kaya pumayag na kayo, Mommy. Tabi na kami ni Ame na matulog at mamuhay na parang tunay na mag–asawa," dagdag ko pa na may kasamang pagnining–ning ng mga mata para convincing. Inalis ni mommy ang paningin sa akin at bumuntong–hiniga. "Kakausapin ko ang daddy mo..." Ngumiti ako sa narinig. "Thanks, Mom!" Mabilis kong tinalikuran ang mommy agaran akong pumanhik sa aking kwarto para ayusin ang aking higaan. Nakatayo akong nakapamewang abot tenga ang mga ngiti ko. Ini–imagine ko palang ngayon ang maaring mangyari sa gabi–gabi naming pagtatabi ni Amery. Sa kilig na nararamadaman ko pabagsak kong hiniga ang katawan sa kama at dinala ang aking kaliwang hintuturo sa aking labi. Si Amery lang ang laman ng isip at puso ko. ITUTULOY..............
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD