Chapter 16

2068 Words
Chapter 16 Natalie's POV "Natalie!" Dahil sa boses na narinig ko mas lalo akong bumalalas nang iyak. Ang lalaking akala ko iniwan ako ay nasa harapan ko. Dahan–dahan akong nag–angat nang aking paningin kahit sa kabila ng panlalabo ng mga mata ko dahil sa walang tigil na pag–iyak. Malinaw na malinaw ko siyang nakikita. Ang buong–buo na si Amery na nakatayo sa harapan ko. He smiled a little! The love of my life! Hindi niya ako iniwan! Bumalik siya, binalikan niya ako. Dahan–dahan siyang lumapit sa akin nilahad niya ang kanyang kaliwang kamay sa nanginginig kong kamay inabot ko ito. Nang makatayo ako isang mahigpit na yakap ang binigay sa akin ni Amery. Nagtaas–baba ang kanyang dalawang balikat at naririnig ko ang kanyang mumunting paghikbi. "A–akala ko kaya kong iwan ka, Natalie. Hindi pala, hindi ko pala kaya! Hindi ko kayang isuko ang pagmamahal ko sayo dahil lamang sa wala akong maalala. Mahal kita at handa akong maghintay na magbalik ang alaala ko na kasama ka," umiiyak na wika niya at naramdaman ko ang pag–angat ng dalawang paa ko sa ere hindi ko man lang namamalayan na binubuhat niya ako. Naisubsob ko ang aking ulo sa kanyang balikat habang patuloy lang ako sa pagiyak at ang mga kamay ko nakapalupot lang sa kanyang batok. Ang dalawang binti ko ay naka–angkla sa kanyang balakang at ang dalawang kamay niya mahigpit ang hawak sa aking dalawang pang-–upo. Wala kaming paki–alam kahit maraming tao dito sa terminal at pinagtitinginan nila kami. Isa lang ang malinaw sa akin ngayon, ýakap–yakap ko si Amery. Pakiramdam ko sa mga oras na ito kaming dalawa lang at humina ang bawat galaw ng mga bagay–bagay sa kapaligiran. "Nakakainis ka sobra–sobra mo akong pinapakaba at pinag–alala. Wag mo na gawin ulit sa akin ito dahil hindi ko kaya, Amery. Hindi ko kaya!" "I–i'm sorry... Mananatili ako sa tabi mo, hindi na mahalaga sa akin kung ano paman ang naging nakaraan ko. Dahil wala nang mas hahalaga pa sa kasalukuyan, ikaw ay sapat na para maging masaya sa kabila ng may kulang sa akin. Pagmamahal mo, sapat na para punuan ang kakulangan na iyon." Itinaas ko ang aking ulo at tumingin ako sa mga mata ni Amery. His looking at me intently! Nakikita ko sa mga mata niya ang buong pagmamahal sa akin. Itinaas ko ang dalawang kamay ko at masuyo kong hinaplos ang kanyang magkabilaan na pisngi. Hindi na akong nagdalawang isip pa nahalikan siya na malaya niyang tinugunan. Hindi ko alam kong ilaw minuto bago namin pinakawalan ang labi ng bawat isa. Pagkatapos, nakarinig kami nang malakas na palakpakan mula sa mga tao nasa palagid namin. Binaba ako ni Amery! Again, i sobbed na tila bata. Ngumiti siya sa akin, niyakap muli at masuyo akong hinagkan sa ibabaw ng aking ulo. "Hush, babe. Natatakot ako kung ano man ang naging nakaraan ko." Banayad niyang hinaplos ang buhok ko. At sabay kaming naglakad habang hawak–hawak namin ang kamay ng bawat isa. "I don't care about your past. Nothing else matters except you being with me. Ang mahalaga sa akin nagmamahalan tayo. Mahal na mahal kita, Ame." Niyakap niya ako at hindi ko na naman mapigilan ang umiyak at pasimple ko siyang hinampas sa balikat niya. Gamit ang hintuturo niya pinunasan niya ang mga luha ko. Nagtungo kaming dalawa sa tricycle na sinakyan ko kanina. Kahit sa loob nang tricycle ay hindi ko maawat ang sarili na hindi titigan si Amery. Ipinilig ko ang aking ulo sa kanyang dibdib. At ang mga kamay niya malayang pahaplos–haplos sa aking buhok. "Wag mo na gawin 'yon ahh!" muli kong paalala sa kanya. Hinalikan niya ang likod nang palad ko, ang tungko ng ilong ko at ang labi ko. "Hinding–hindi na, babe....kahit anong mangyari, ipaglalaban kita. Kahit ano pa ang sabihin sa akin ng Daddy mo! Naiintindihan ko siya iniisip niya lang ang kapakanan mo dahil natatakot siyang hindi kita maalala kung sakaling bumalik ang alaala ko kung sino man ako." Puno na determinasyon na wika ni Ame. Nangilid ulit ang mga luha ko sa aking mga mata nang tumingala ako sa kanya.Tama ang hinala ko noong nag–usap sila ni Daddy, pinakiusapan siyang layuan ako. Pero hindi sapat na dahilan ang pagkawala ng memorya ni Ame para paghiwalayin niya kami. Walang sinuman ang pwedeng paghihiwalayin kami. "Pangako, babe...Na hindi mo ako iiwan kahit na anong mangyari. Hihintayin natin kung hangang kailan ang pagbabalik ng alaala mo basta dito ka lang sa tabi ko at tutulungan kitang maibalik ang nawalang ala–ala sa isipan mo." Tumango siya at matamis na ngumiti sa akin at paulit–ulit ang ginagawa niyang paghalik sa likod ng palad ko. Muli kong ipinilig ang aking ulo kanyang dibdib. Makalipas ang ilang minutong tinakbo nang sinakyan namin na tricycle narating din namin ang aming mansiyon. Sabay kaming napabuga nang hangin ni Amery. Kinakabahan akong ihakbang ang mga paa ko nang makarating kami sa malaking gate ng aming mansiyon. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ng aking mga magulang pero sa pagkakataon itong hindi ko papayagan na paghihiwalayin pa kami ni Daddy. Dahil ipaglalaban ko si Amery kahit na anong mangyari. Naramdaman ko ang pagpisil–pisil ni Ame sa mga palad ko. Nagkatinginan kami bago sabay ihakabang ang mga paa papasok sa malaking gate. Sa bungad nang malaking pintuan ng aming tahanan nakatayo ang Daddy at nababanayad ko sa mukha niya ang gulat. Na maya–maya nahalinhan nang pag–alala. "I'm sorry, Sir....kung hindi ko kayang panindigan ang naging usapan natin..." agad na wika ni Ame nang marating namin ang kinatatayuan ni Daddy. Hindi agad nakasagot si Dad. Ipinasok ang dalawang kamay sa mga bulsa ng pantalon at tumingala sa kisame kasabay ng paghinga nang malalim. Tumalikod at pumasok sa loob ng bahay, nakita naming umiiyak ang mommy habang hinahagod–hagod ni Nanay Eva ang kanyang likuran. "Napalapit kana sa akin, Amery , kaya pinagkakatiwalaan kita lalo na sa anak ko. Kahit noon pa lang may kakaiba akong nararamdaman sa mga tingin mo sa aking anak. Kahit sa iyo, Natalie , kahit nagmamaldita ka ramdam na ramdam ko?" Puno ng pag-alala ang boses ni Daddy. "Iniisip ko lang kung anong merong buhay ka noon? Baka hinahanap ka ng pamilya mo at sa edad mong 'yan baka may pamilya kana. Natatakot ako para sa anak ko, paano kung magbalik ang iyong memorya at iwan mo ang aking anak? Natatakot ako sa puntong iyon, Amery? " "Ramdam ko po, Sir , dito sa puso ko wala akong pamilyang naiwan. Kung mayroon man di sana may kumuha na sa akin dito. Halos isang taon na ang nakalipas pero hangang ngayon andito parin ako." depensa ni Ame. "Oh!" muli na sambit ni Daddy. "Hindi tayo nakakasiguro sa parteng iyan? Paano kung meron nga?" Daddy smiled bitterly. Pagkatapos masama ang titig na pinukol niya kay Amery. Napayuko si Ame sa sinabi nang Daddy. "Daddy pleasss..." "Sinisikap kong pairalin ang diplomasya sa iyo. Kung magmamatigas ka sa pakiusap ko sayo na lumayo ka sa anak ko mapipilitan akong iwala ang kontrol sa aking sarili sa pakikipag–usap na ito sayo," naroon ang banta sa likod ng tinig ni Daddy. Lumapit si Amery kay Daddy at lumuhod sa harapan ng aking ama. Hindi narin ako nagdalawang isip pa sumunod ako kay Amery. Sinubukan ni Ame na pigilan ako pero nagmatigas ako. Dalawa kami sa relasyong ito kaya dalawa kaming makiki–uusap. Parehong nagulat ang aking mga magulang, kahit sila Nanay Eva ay hindi rin makapaniwala at iba pa naming kasambahay. Handa kong gawin ang lahat tanggapin lang nila si Amery na maging parte ng buhay ko at sa buhay naming lahat. "Natalie, ano ang ginagawa mo, anak?" saway sa akin ni mommy. "Pleass....Daddy! Nagmamakaawa ako sa inyo ni Mommy pleassss, Daddy! Dito lang si Amery pleasssss....." pagsusumamo ko sa aking ama. "Natalie, ginagawa ko ito para sayo! Bakit ba hindi mo ako maunawaan at ipinagpipilitan mo ang gusto mo," aniya sa malumanay na tinig. Pailing–iling na hindi makapaniwala ang mommy sa ginawa ko. Habang mahigpit ang pagkapit ko sa binti ni Daddy. "Nakikiusap po ako sa inyo, Sir , mananatili ako dito hangang sa magbalik ang alaala ko . Mahal na mahal ko po ang anak ninyo, Mahal ko po si Natalie, Sir! Hindi ko po kayang malayo sa kanya. Nangangako po akong aalagaan ko ang anak ninyo." "Sasama ako kay, Amery ,dad and mom. Kung ipagpilitan niyong paalisin si, Amery." "Natalie..." hindi makapaniwalang bulalas ni mommy. Parehong namutla sa gulat ang mga magulang ko sa narinig mula sa akin. Kahit si Amery ay nagulat din sa sinabi ko. Hindi ako nagbibiro talagang totohanin ko, kung ipagpipilitan nilang paalisin si Amery. Pinahiran ng mga daliri ko ang mga luha ko, tumayo ako. At taas noong tumingin kay Daddy. Hinila ko si Ame na tumayo pero nanatili lang itong nakaluhod. "Hindi ko po sasaktan ang anak ninyo dito lang ako sa tabi niya. Hinding–hindi ko po siya iiwan. Kaya nakikiusap po ako sa inyo na hayaan ninyo ako na mahalin ang anak ninyo," mahinahon na pakiusap ni Ame at makikita ko sa mga mata niya ang determinasyon na panindigan ako sa harapan ng mga magulang ko. Daddy sighed! Pagkuwa'y umiling na tila nanlumo at walang tigil sa pagsinghot ng kanyang luha ang mommy. "Nag‐‐iisa naming anak si Nathalie, Amery. Naghintay kami ng sampung taon mag–asawa bago kami binayayaan ng supling at iyon ay si Natalie. Ang pagdating niya sa buhay namin ay siyang pinakamasayang araw naming mag–asawa. Kaya natatakot ako na baka masaktan siya," maririnig ang sobrang pag–alala sa tinig ni Daddy. Pagkuwa'y humugot ng malalim na paghinga. Inihilamos ang kamay sa mukha. "Then why, Daddy? Ayaw niyo ba makitang masaya ang nag–iisa niyong anak?" "Siyempre gusto, sino ba namang magulang na ayaw makitang masaya ang kanyang anak. I want you to be happy pe...." "Si Amery ang magpapasaya sa akin, Daddy , Mommy. Please....Let him to stay..." i begged. Lumakas ang buntong–hininga na pinakawalan ni Daddy at sumulyap siya kay Mommy. Nakita ko ang marahan na pagtango ni mommy! Senyales na ba ng pagsang–ayon nila sa relasyon namin ni Ame. She smiled with sadness in her eyes. Alam ko iniisip ng mga magulang ko ang kapakanan ko pero tanging si Amery lang ang nagpapasaya sa akin. "Siguraduhin mo lang na hindi mo sasaktan ang aking anak, Amery," may paniniyak sa boses ni Daddy. Sabay kaming napatingin ni Ame kay Daddy, looking straight into my father's handsome but grim face. Sumang–ayon man pero hindi mawala ang lungkot sa kanyang mukha. "Makakaasa po kayo, Sir , hindi ko po sasaktan ang anak ninyo. Mamahalin ko siya at aalagaan." Amery answered excitedly to my Dad. Tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit. Walang mapagsidlan ang kaligayahan na naramdaman ko. Tumayo ang mommy at yumakap kay Dad. "Panindigan mo ang anak ko, Amery , no matter what happened. Pinagkakatiwala namin sayo si Natalie. Mahalin mo siya nang mas mahigit pa sa buhay mo," masuyong pakiusap ni mom. Sunod–sunod ang pagtango na ginawa ni Amery at nanginngislap ang mga mata niya sa kasiyahan. Nakita ko ang mga luhang namuo sa mga mata ni Ame. Luha ng kaligayahan. Tinapik–tapik siya ni Daddy sa balikat. "Wag mo siyang saktan dahil tuluyan kong ilalayo sayo si, Natalie." He warned! "O–Opo sir...." nanginginig ang boses ni Ame. "Hinding–hindi ko po siya sasaktan." "For my daughter happiness," wika ni Dad at sinamahan iyon ng buntong–hininga. Niyakap ako ni Amery! Parehong walang mapagsidlan ang aming kaligayahan sa harap nilang lahat masuyo akong hinalikan ni Ame. Kung ilang segundo hindi ko alam binitawan niya lang ang labi ko nang marinig namin ang paubo–ubo ni Dad. Dinipa ni Daddy ang dalawang braso niya. Kahit nakangiti silang dalawa ni mom. Mababanaag parin ang lungkot sa kanilang mga mata. Lumapit kami ni Ame kay Daddy at pareho niya kaming kinulong ni Ame sa kanyang mga bisig. Muli na naman akong umiyak dahil ramdam ko sa pagkakataong ito ang mainit nilang pagtanggap kay Amery. Sa lalaking mahal ko. ITUTULOY.............
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD