Chapter 18

1849 Words
Chapter 18 THIRD PERSON POV NAKAKUNOT–NOONG nakatanaw si Señyor Henry sa may swimming pool area buhat sa veranda ng silid–tulugan nilang mag–asawa. Pagkuwa'y unti–unting sumungaw ang mga ngiti sa labi niya nang makitang masaya ang anak sa feeling ng kasintahan nitong si Amery. Nakatayo sa gilid ng pool ang dalaga bago lumundag sa malalim na area sa pool at mula sa ilalim ng tubig ay pumaibabaw si Amery upang saluin ang dalaga at nakita niya ang pagkayap ng binata sa kanyang anak at ang mga pahalik–halik ni Natalie sa mukha ng binata. Noong una talagang tutol siya sa relasyon nang dalawa dahil sa una palang alam niyang walang maalala ang binatang nakahandusay nang matagpuan niya sa gilid ng ilog. Wala itong malay, marami ang mga sugat. Ilang araw itong nanalagi sa ospital nang magising ay walang matandaan na kahit na ano sa kanyang nakaraan. Wala din silang makita kahit na anong palatandaan sa binata, kinunan din niya ito ng fingerprint magbabasakali na makakuha sila ng information sa mga Police o di kaya sa NBI pero bigo siya dahil walang makitang mapakilanlan ang binata. Pinauwi muna niya ang binata kay Andres ang kanyang personal driver na kapatid ni Eva sa kanya nanirahan ang binatang natagpuan nila at binigyan ito ng pangalan ni Andres na Amery. Isang taon na ang nakalipas nang dinala niya si Amery sa mansiyon at 'yon ang araw nang ikalabing–walong kaarawan ng kanyang anak na si Natalie. Sa kabila ng kanyang mga napapansin pinagwalang–bahala niya ito pero hindi niya aakalain ang kanyang hinala ay magkatotoo. Umibig ang kanyang anak kay Amery at ganoon din ang binata sa kanyang anak. Dahil sa pagmamahal sa kanyang kaisa–isang anak pinagbigyan niya ito sa kung anong magpapasaya sa dalaga bilang ama ayaw na ayaw niyang nakikitang umiiyak ang kanyang Prinsesa. Kahit alam niyang may mali pero sa mga mata ng mga magulang ang mahalaga ang kasiyahan ng kanyang anak. "Hon, sino ba'ng tinitingnan mo riyan at pangiti–ngiti ka?" Usisa ni Señyora Kristine sa kanya. "Kanina kapa nakatayo diyan sa veranda?" Sa halip na sumagot ay tahimik niyang kinambatan ang asawa na lumapit. Hindi naman nakatiis ang Señyora na hindi tingnan ang pinagmamasdan ng asawa. "Sana maging okay ang lahat, hon , hindi ba?" Wika niya nakatanaw parin sa dalawa. "Alam ko kalabisan ang ninanais ko pero ipinagdadasal ko na sana hindi na tuluyang bumalik ang alaala ni Amery para hindi niya iwan ang ating, Anak. Dahil nagdududa talaga ako na itong si Amery ay may kasintahan sa kanyang nakaraan. Pakiramdam ko hindi siya ordinaryong tao lang pero matigas ang ulo ni Natalie." "Knowing Natalie, hindi kana dapat magtaka pa," komento ni Señyora Kristine. Lumayo ito sa tabi ng kanyang asawa at bumalik sa loob ng kwarto at inayos ang kanilang higaan. Sumunod siya rito at naupo sa gilid ng kama. "Naalala ko noong bata pa si Natalie maglulupasay sa sahig kapag hindi nakukuha ang gusto niya maglo–locked ng pinto at hindi kakain hanga't hindi naibibigay ang gusto niya." "Tama ka, hon , sinanay kasi natin ang ating anak," ayon niya sa sinasabi ng kanyang esposa. Nakatitig siya rito at napapangiti siya na hindi parin kumukupas ang ganda ng kanyang asawa. Kamukhang–kamukha niya si Natalie noong kabataan niya. "Pero natatakot parin ako, hon." Nagtama ang mga paningin nilang dalawa. "Sa ano, hon?" Tanong niya sa kanyang asawa. "Ang kinabukasan ni Natalie lalo pa't nalulugi ang ating negosyo ngayon. Paano na lang si Natalie? Para sa kanya lahat itong ginagawa natin." Gumuhit ang sakit sa kanyang mukha, tumango sa esposa si Señyor Henry. Nasa alanganin ngayon ang kanilang hotel at restaurant hindi nila alam kung bakit ito nalulugi samantalang malakas naman ito dati. Simula nang maging magkasosyo sila ni Mayor Anton, may tiwala naman siya dahil matalik niya itong kaibigan. Ngunit may pagkakataon na nagdududa siya. Sana lang hindi magkatotoo ang kanyang hinala. Nangiti si Señyora Kristine dahil siya ay positbong tao sa buhay na malalagpasan nila ang pagsubok na ito. Kaya sila hindi narin tumutol sa kagustuhan ng kanilang anak dahil ayaw nilang madagdagan ang kinakaharap nilang problema para hindi mahalata ni Natalie na may problema sila sa negosyo. Sobra niyang ikinagulat ang pagtatapat ni Natalie na may nangyari na sa kanila ni Amery bagay na gusto niyang tutulan pero ano nga ba ang magagawa niy. Hindi nila masyadong nababantayan ang anak nitong mga nakaraang buwan dahil abala sila sa pag–sasalba sa kanilang negosyo. Ipinagdadasal nilang maayos ang lahat para sa kanilang anak. "I was speechless when i heard to Natalie about what really happened between him and Amery pero hindi ko magawang magalit dahil sa kabila ng lahat masaya ang anak natin, hon." "Wala na tayong magagawa doon, nakikita ko naman na mahal ni Amery ang ating anak. Sana lang talaga wala siyang pamilya sa nakaraang buhay niya," napapabuntong–hininga si Señyor Henry habang may banayad na lungkot na nakatingin sa kanyang esposa at ganoon din si Señyora Kristine. Lumapit si Señyor Henry sa kanyang asawa sa likuran nito; ang dalawa niyang kamay ay bumaba sa magkabilaang balikat nito. "Kalimutan na natin ang ating mga negatibong haka–haka, Henry," anito. "Isipin natin ay ang ngayon at ano ang dapat para sa ating anak." "Tama ka, hon." Ayon niya. "Bakit hindi na lang natin sila ipakasal?" Suhestiyon ni Henry sa asawa. "Naisipan ko na ang tungkol diyan, hon," sang–ayon niya. "Isabay natin sa party sa susunod na linggo ang kasal nila." "Wala na tayong magagawa, hon , si Amery ang mahal ng ating nag–iisang, anak. Ano pa ba'ng magagawa natin?" tugon ni Señyor Henry sa kanyang asawa. Tumango siya pagkatapos ngumiti kay Henry. "Maganda narin iyon para magkaroon tayo ng mga apo. Hindi pa sana dahil napakabata pa ni Natalie pero ano nga ba ang magagawa natin. May posibilad na magdalang tao ang ating anak." "Kausapin natin ang mga bata sa plano natin. Halika na nga't mag–umagahan na tayo at baka naghihintay na ang hapag–kainan sa atin." Niyakap siya ng asawa at hinalikan sa noo. Pagkuwa'y agad siyang binitawan. Inakbayan siya ng asawa at lumabas sila ng silid. May isa pang sekreto and that secret was his alone. Sana kapag dumating araw na iyon mapatawad siya lalo na ang kanyang anak na si Natalie. NAKAPAG–AYOS na ng sarili at abala sa pagbabasa ng mga fashion magazine si Natalie nang pumunta ang kanyang mga magulang sa living room. Naramdaman niya ang mga pagdating ng mga ito kaya binaba niya ang hawak na magazine at nilapag sa ibabaw ng center table. "Good morning, hija," bati ng kanyang ama. "Nasaan si Amery? May gusto kaming sasabihin sa inyo? "May kinuha lang po siya sa kwarto namin, Dad," saad niya, nag–angat nģ mukha at ngumiti sa kanyang mga magulang. "Hintayin natin siya dahìl alam kong matutuwa kayong dalawa sa sasabihin namin ni Mommy mo. Kanina lang namin ito napag–usapan namin." Nagkatinginan ang mag–asawa na ikinakunot ng noo ni Natalie. "Tungkol po ba saan?" tanong niya. "Hintayin na lang natin si Amery, this is a good news naman." Nakangiting turan ni Henry sa anak, napansin niya ang pagkunot ng noo ni Natalie baka kung ano ang iniisip nito. Sumigla ang mukha ni Natalie sa narinig mula sa kanyang ama. Kinakabahan lang siya baka kung para saan na naman ito. Maya–maya lang dumating na ang binatang si Amery. Hindi nakaila kay Amery ang mga palitan ng tingin ng mga magulang ni Natalie habang palipat–lipat ang mga tingin niya sa dalawa. Kung tutusin nahihiya siya sa mga ito. Sa kabila ng may kulang sa kanya tinanggap siya ng mga magulang ng babaeng mahal niya. Mahal na Mahal niya si Natalie kaya handa niya ito ilaban kahit na anong mangyari. "Magandang umaga po!" magiliw na bati niya sa mag–asawa humingi muna siya ng pasintabi bago dumaan sa gitna patungo sa tabi ni Natalie at naupo. "Ano ulit ang pag–uusapan natin, dad?" untag ni Natalie. Kinuha ni Natalie ang isang kamay ni Amery at mahigpit na humawak sa kamay nito. "Naisipan namin ni Mommy niyo na–" sinadyang putulin ni Señyor Henry ang sasabihin at tumingin sa asawa. Gusto niya ito ang magsabi sa magandang balita para sa dalawa. "I guess it's about time na magpakasal kayo, hindi ba dapat iyon ang mangyari? Hindi rin ako makakapayag na magtatabi kayo sa kama na hindi kayo legal." Agad ang pangingislap ng mga mata ni Natalie sa narinig sa kanyang mga magulang. Iyon ang pinakamagandang balita na narinig niya mula sa kanyang mga magulang. "Thanks, Dad. I love you, both of you." Matamis ang ngiting ipinukool ni Natalie sa kanyang mga magulang. Tila bahagyang nagulat si Amery sa desisyon ng mag–asawa. Gayunpaman natutuwa na rin siya at magkakaroon ng bendisyon ang pagsasama nila ni Natalie. "Sumasang–ayon kaba sa aming desisyon, Amery?" Baling ni Señyor Henry kay Amery. Pinalipas ni Amery ang ilang segundo bago sumagot. Hindi niya magawang ngumiti pero may punto ang mga magulang ni Natalie. Dapat lang sa kanila ang makasal ginagawa narin naman nila ang gawain ng mag–asawa. Bakit nga ba, hindi? Napaisip lang naman siya kung ano ang gagamitin niyang apelyido? "Papakasalan ko po si Natalie, Sir." Pagsang–ayon niya at kinuha niya ang isang kamay ni Natalie. "Salamat, Amery. Alagaan mo ang anak ko," nakangiting wika ni Señyor Henry kay Amery. Sabay nagkatinginan ang dalawa at matamis ang ngiting binigay sa isa't–isa. Ang mga mata ni Amery ay nangungusap ng pag–ibig kay Natalie. "Tayo na at mag–agahan," yakag ni Señyora Kristine. Napagitla silang apat nang marinig ang tinig ng kanilang kasambahay na nagmamadaling lumapit sa kanila. "Señyor, may nagtatanong po sa inyo sa labas," ani ng katulong. Medyo nagatataka si Señyor Henry dahil wala siyang inaasahan na bisita. "Papasukin niyo," utos niya rito. Agad naman na tumalima ang katulong at lumabas ulit ng mansiyon. Makalipas ang ilang segundo may pumaradang magarang sasakyan sa harapan ng kanilang driveway. Lumabas mula dito ang isang matangkad at gwapong lalaki na nakasout ng isang corporate suit animo'y isang CEO nang malaking kumpanya. Nagsalubong ang mga kilay ni Señyor Henry dahil hindi niya kilala ang lalaki. Magkahawak na lumabas nang malaking pintuan si Amery at Natalie parehong nagtataka ang mga mukha kung sino ang kanilang bisita. Ang lalaking dumating ay bahagyang nagulat ng makita si Amery pero ang gulat niyang iyon ay hindi pinahalata. Dahil ito naman ang totoo niyang sadya base sa sinabi sa kanya nang taong inutusan ni Doñya Adelaida sa paghahanap sa kanyang Apong isang taon nang nawawala. Hindi siya pwedeng mamalik mata, ito nga si ETHAN ALISTAIRE HAYES ang taga pagmana nang isang bigatin na mining company sa loob at labas nang bansa. At iba pang mga negosyo tulad ng mga Hotel and Restaurant. At laking Italya si ETHAN, kakauwi lang nito nang bansa mga limang araw bago napabalitang nawawala ito kasama ang kanyang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD