Kabanata 06
Natalie's POV
" Where are you, Ame....?" nag-aalalang usal ko sa sarili. Tatlong araw ko ng hindi nakikita ang binata. I'm so worried about him. Ito ang hindi ko naiintindihan sa aking sarili. Bakit hinahanap ko siya? Bakit na mi-miss ko siya? Napailing ako ng aking ulo, pakialam ko ba kung hindi siya umuwi pero nakakainis lang talaga. Sobra ang pag-alala ko sa kanya halos siya lang ang sumakop sa isipan ko. Nang-gigil ako at naiinis ng labis sa sarili ko.
Bakit hinahayaan ko siyang halikan ako? Napapahawak ako sa aking sariling labi at hinaplos ito ng aking hinlalaki. Napapikit ako para damhin ang mga labi ni Ame sa labi ko.
Aaminin ko nasasarapan ako sa mga halik niya. Ang paraan kung paano niya ako halikan, hinahanap-hanap ko ang mga labi niya.
Gulong-gulo ako sa nararamdaman ko para sa binata. Pabagsak kong hiniga ang aking katawan sa kama. Isinubsob ko ang mukha ko sa unan at tinakpan ang aking tenga gamit ang aking dalawang kamay. Hindi mawala-wala si Amery sa isipan ko. Nakakainis talaga ang lalaking iyon, ano ba ang ginawa niya sa akin at pakiramdam ko nahuhumaling ako sa kanya?
May gayuma ba ang mga labi niya?
Napabalikwas ako ng bangon nang makarinig ako ng mga boses mula sa labas ng kwarto ko. Tumayo ako at dahan-dahan na nagtungo sa pintuan. Bahagya kong binuksan ang pintuan, nakita kong nakatayo sa landing si Faye at Nanay Eva. Si Faye, may hawak na walis at may bitbit namang tray ng pagkain si Nanay Eva.
" Faye, ako na ang maglilinis diyan ibibigay ko lang itong pagkain kay, Señyorita , hindi siya bumaba kanina para sumabay kumain sa mga magulang niya. Dalhin mo kay Amery ang pagkain na niluto ko," narinig kong utos ni Nanay Eva kay Faye.
Lumiwanag ang mukha ni Faye sa narinig tila may kinang ang mga mata nito. Kinang na kakaiba.
" Opo, Nay! Lagi daw sumasakit ang ulo niya ngayon at lagi siyang may napapanaginipan na parang sumabog daw," nag-aalalang wika ni Faye.
Bigla akong nakaramdam ng pagkabahala sa narinig mula kay Faye. Mas lalo akong nagalala, may sakit si Amery! Hindi kaya dahil sa akin, kaya siya nagkasakit? Hindi man lang ako nag thank you kay Ame. Pagkatapos niya akong tulungan nagawa ko pa siyang sampalin at kampihan si Renz.
" Oh my God!" mahina kong bulalas.
" Lagi din niyang sinasabi sa akin 'yan tuwing sumasakit ang ulo niya may nakikita daw siyang parang yateng sumabog," pailing-iling na wika ni Nanay Eva.
" Saan ba talaga galing si Amery, Nanay Eva?" takang tanong ni Faye.
Natahimik si Nanay Eva, namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa.
" Sa malayong baryo galing si Amery, kaya ikaw, Faye , nahahalata kita na may gusto ka sa kanya pero ngayon palang sinasabi ko sayo.Marami ang lalaki diyan wag sa lalaking ni tunay niyang pangalan ay hindi niya mata—" Huminto sa pagsasalita si Nanay Eva at humakbang ito patungo sa pintuan ng aking silid.
" Ang alin po, Nanay Eva?"
" Basta! Ihatid mo na ang sinabi ko alam mo naman kung saan ang tinutukoy ko sa dating kubo ni Tatang Ben."
Napabuga ng hangin si Faye, wala na itong nagawa kundi ang bumaba ng hagdanan. Medyo natuwa naman ang puso ko sa narinig mula kay Nanay Eva. Na tutol siya kung sakaling may gusto si Faye kay Amery. Kaya lang medyo nahihiwagaan ako. Saan ba talaga galing si Amery? Totoo kaya ang sinabi ni Daddy na galing ito sa malayong baryo?
" Crush lang naman eh.." Padabog na wika nito habang pababa ng hagdanan.
" Narinig kita, Faye , masasaktan ka lang may ibang gusto si Amery." Pahabol na turan sa kanya ni Nanay Eva. Lumawak ang mga ngiti ko sa labi.
" Sa akin may gusto si Amery," napangiti ako sa isipin na iyon. " Assuming ka masyado, Natalie Jane," kastigo ko sa sarili.
Dali-dali kong isinara ang pinto ng makitang papalapit na si Nanay Eva sa aking kwarto. Aligaga akong nagtungo sa veranda kunwari inabala ko ang sarili sa pakikipag-usap sa mga halaman na nilagay ni Amery sa veranda ng aking silid.
" May dala akong pagkain para sayo baka nagugutom kana."
" Nay," gulat kong wika sa matanda.
" Bakit, parang nakakita ka ng multo?" takang tanong nito sa akin.
" W-wala po, Nay , baka dala lang ito sa pagkahulog ko sa kabayo kaya nagkaroon ako ng nerbiyos. Medyo naging magugulatin ako," dahilan ko sa kanya.
Tumango-tango lang ito sa akin at nilapag ang tray ng pagkain sa mesa dito sa veranda. Nagtungo ako sa closet upang magpalit ng jeans, t-shirt at sneakers. Pupuntahan ko si Amery hindi ako makapakali hangga't hindi ko nakikita ang kalagayan niya. Pakiramdam ko, ako ang may kasalanan kung bakit may sakit ito ngayon.
" May lakad ka?" tanong ni Nanay Eva ng makita akong nakabihis na.Nagsout din ako ng Jacket na may hood.
Bumuntong-hininga ako! Saglit akong nag-isip na maidadahilan kay Nanay Eva.
" Bored po ako, Nay , niyaya ko lang sila Elaiza na mamasyal sa mall. Saglit lang naman kami," rason ko.
Sinuyod ako ng tingin ni Nanay Eva. Puno ng pagtataka at kalituhan ang kanyang mukha.
" Nagtataka lang ako sayo, ngayon lang kita nakita na ganyan ang sout mo. Sanay akong nakikita kang naka sexy ang damit tuwing mamamasyal lang sa mall kapag kasama ang mga kaibigan mo.Ngayon kasi napakasimple mo at gusto ko ang ganyang sout mo , Natalie," nakangiting wika ni Nanay Eva.
Nabunutan naman ako ng tinik sa lalamunan, mula sa narinig sa kanya. Akala ko kung ano ang sasabihin niya. Natatakot akong nagdududa siya, sa lalakarin ko.
" Saglit lang po ako, Nay , hindi ako magtatagal," alibi ko.
" Pero ang sabi ng Mommy at Daddy mo hindi ka papaalisin ng bahay baka kung saan kana naman magpunta."
" Hindi po ako magtatagal, babalik po ako agad."
Mabilis kong tinungo ang pintuan ng aking silid at lumabas. Kailangan ko mahabol si Faye bago pa ito maka-alis nang bahay. Napatingin ako sa sout kong wristwatch maaga pa, kaya makakuwi rin ako ng maaga mamaya. Kahit hindi ko makausap si Amery makita lang siya, sapat na iyon para sa akin.
Tinungo ko ang hagdanan ramdam ko ang pagsunod ni Nanay Eva. Nakatatlong baitang nako nang muling lumingon kay Nanay Eva.
" Gaano niyo po kakilala si, Amery?" takang tanong ko.
" Bakit mo naman naitanong ang tungkol kay, Amery? Isa lang ang masasabi ko mabait na bata si Amery, Natalie," isang pilyang ngiti ang pinakawalan ni Nanay Eva.
Pakiramdam ko pinamulahan ang dalawang pisngi ko. Palahaw akong ngumiti sa matanda at pagkuwa'y nagkibit-balikat ako.
" Nothing! I'm just asking lang po, Nanay Eva!"
Ngumiti sa akin si Nanay Eva. Ngiting may nais ipahiwatig.
" Nay, alis napo ako," sigaw ni Faye sa baba ng hagdanan. Bagong ligo na ito at bit-bit ang basket.
Napangiwi ako sa nakita kay Faye maghahatid lang ng pagkain. Need ba talaga maligo? Ano 'yon para mabango siya?
" Nakakainis talaga ang babaeng ito," naiinis kong wika sa isip ko.
" Mag-ingat ka at bumalik ka agad," pahabol na sigaw ni Nanay Eva sa babaeng papalabas sa malaking pintuan ng mansiyon.
" Sige po, Nay , alis narin po ako pakisabi kay Mom nasa mall ako," paalam ko sa kanya, magsasalita pa sana ito pero tinalikuran ko na siya. Hindi pwedeng mawala sa paningin ko si Faye. Si Faye ang magdadala sa akin sa kinaroroonan ni Amery.
Isinout ko ang hood ng jacket sa aking ulo habang ingat na ingat ako sa bawat hakbang na ginawa kong pagsunod kay Faye.
Masyadong halata talaga ang babaeng ito na malaki ang gusto kay Amery. Mabilis akong nagtago sa malaking bato ng makita ko itong huminto at nagpalinga-linga sa paligid. Marahil naramdaman niyang may sumusunod sa kanya. Kakabog-kabog ang dibdib ko baka makita niya ako.
Muli itong nagpatuloy na maglakad ng pakiwari niya'y walang sumusunod sa kanya.Lumipas ang halos kalahating oras na lakaran lumiko ito patungo sa ilog. Ang buong paligid ay napapalibutan ng mga kahoy at mga damong nagsisitaasan.
Hangang marating nito ang isang kubo, kubo na gawa lang sa pawid. Hindi ko lang matandaan kung ito ba 'yong kubo na pinagdalhan niya sa akin three days ago, hindi ako sigurado kong ito ba ang kubong iyon. Madilim na noon at umuulan pa.
Agad akong nagtago sa malaking puno. Nakita kong kumatok si Faye sa pintuang gawa sa kahoy. Binaba nito ang dalang basket at nag-ayos ng kanyang sarili.
Napataas kilay ako. Nakakairita talaga ang babaeng ito. Sarap sabunutan at kalbuhin. Ilang saglit lang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang lalaking sumasakop sa kaisipan ko. Sumilay ang matatamis na ngiti sa labi ko ng makita ang gwapong mukha ni Amery.
His handsome. Full of energy !
Ako lang itong indenial. Iwan ko ba kung bakit?
" Ame..." mahina kong bigkas sa palayaw niya na ako rin mismo ang nagbansag. Hindi ko maipaliwanag ang labis na kasiyahan sa puso ko.
Parang gusto ko itong lapitan, yakapin at muling damhin ang mga labi niya. Napapansin kong medyo namumutla ang kanyang mukha, mukhang may sakit nga siya. Nalungkot ako bigla, hindi ako sanay na makita siyang ganyan sanay akong makitang masiyahin at masigla si Amery.
Abala ito sa pakikipag-usap kay Faye bago kunin ang basket na binibigay sa kanya ng babae. Nag-angat ito ng ulo at napatingin sa kinaroroonan ko. Mabilis akong nagtago baka nakita niya ako.
Napahawak ako sa dibdib ko, nagtaas-baba ang mga balikat ko sa kaba.
" Sana hindi niya ako nakita," katakot-takot na usal ko sa sarili.
Napatili ako ng malakas ng biglang sumulpot sa harapan ko si Amery. Dahil sa gulat ko'y umikot ako ng dalawang beses bago paman ako bumagsak sa lupa nasalo na niya ako at sabay kaming bumagsak sa lupa. Nasa ilalim ko siya at nasa ibabaw naman ako.
My palms was on his chest and trying to push him, kasabay niyan ay ang pagpilit na tumayo mula sa pagkadagan sa kanya. Subalit tila bakal ang kamay nitong nakapalupot sa bewang ko.
" Anong ginagawa mo dito at may patago-tago ka pang nalalaman? Baka mamaya niyan hahanapin ka ng boyfriend mo at biglang magbago ang ihip ng hangin," he said bitterly, his eyes moved up and down to my face, pagkatapos huminto sa labi ko at hindi ko mapigilan na mapalunok.
" So-sorry..." nagyuko ako ng ulo hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya.
He smirk." Pagkatapos ng ginawa mo sa akin three day's ago ano ang inaasahan mong gagawin ko? You can hardly expect me to, understand you?" Umiling ito. " Grow up, Natalie. Hindi kana bata! So why are you making me feel guilty? Na parang ako ang laging may kasalanan sa ating dalawa."
" I—I am not. Ginagawa ko lang iyon para matapos na, dahil ayoko ng away," i said idiotically. Nag-angat ako ng ulo. Ang mga mata ko nakatuon sa mga labi ni Amery, mga labing laman ng isip ko kanina. At kung susundin ko ang dinidikta ng katawan ko, gusto ko damhin ang mga labi niya.
" Really?" he mocked. His warm breathe is on my face. " Anong gusto mong sabihin ko? Pwede ba kitang halikan? Señyorita, pasensiya na dahil hinalikan kita hindi ko kasi napigilan ang sarili ko, ganun ba dapat, Senyorita?"
Of course, he was right. Dapat lang magpaalam siyang halikan ako, hindi iyong basta-basta niya akong aagawan ng halik. Kasi sa ginagawa niya hinahanap ko ang mga halik niya. And for pity's sake, i didn't even know why! Bakit? Bakit? Nalilito ako!
" Hindi mo kailangan maging sarkastiko...Ang gusto ko ayusin mo." Napatitig ako sa mga mata ni Amery parang gusto kong pagsisihan ang sinabi ko." B-bitawan mo ako, Ame...."
" Gusto mo magpaalam ako ng maayos? Paano kong gusto ko ngayon? Ganito ba ang gusto mo, Señyorita?"
Bago paman ako makapagprotest sa kanya ay sinakop na niya ang labi ko. Halos mapunit ang labi ko sa paraan ng paghalik niya.
No...No! Iyon ang sinisigaw ng isip ko kasama ng pagdiktang itulak siya. Pero iba ang reaksiyon ng aking katawan. Nagugustuhan ko ito at hindi ko talaga mawari kung bakit. Siya lang ang pinapahintulutan kong humalik sa akin ng ganito. Si Renz na boyfriend ko hindi ko hinahayaan na halikan ako pero kay Ame hindi ko mapigilan na hindi tugunan ang mga halik niya.
" You kissed me back," aniya ng bitawan ang labi ko." Hindi ko maintindihan kong bakit bigla ka na lang nagagalit kong nararamdaman ko na gustong-gusto mo. You want it, don't deny it !"
Of course i couldn't deny it. Isang kagagahan kong sasabihin kung hindi ko gusto. Amery, was right. I wanted it too. I wanted him. At natitiyak kong nakikita ni Amery sa mga mata ko.
Kumalas ako mula sa pagkadagan kay Amery ng maramdaman kong lumuwang ang pagkahapit niya sa bewang ko.Tumayo ako at pakiramdam ko hiyang-hiya ako sa kanya.
ITUTULOY............