Chapter 24

3424 Words
Chapter 24 Amery POV Hindi mapuknat ang mga ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ang asawa kong mahimbing pang natutulog. She's the reason why i'm still breathing when the time i lost hope. Napatingin ako sa kanyang tiyan, she was three months pregnant at masayang–masaya ako dahil dinadala niya ang anak ko. Nalulungkot din ako dahil magtatlong buwan narin when her parent's passed away. Pero andito lang ako para kay Natalie, para sa asawa ko. I'm just here next to her until my memory comeback. I always remember the first time that my eyes laid on her. That was her eighteen birthday. She's the most beautiful debutant that i've ever seen para siyang si Princess Belle at pakiramdam ko, ako naman si Beast. I lost hope but she give me a reason to believed. I'm at the point of my life, na mahuhulog na ang huling petals ng buhay ko but she came to save me sa madilim kong mundo na akala ko wala ng pag–asa. ONE YEAR AGO............. "Wala parin ba siyang maalala, Ben?" Narinig kong tanong ni Señyor Henry mula dito sa maliit na papag na hinihigaan ko. Kasulukuyan kong inaayos ang iilang damit na dadalhin ko, isasama niya ako ngayon sa kanilang tahanan. Mag–iisang taon na, simula nang matagpuan nila akong nakahandusay na duguan at walang malay sa gilid ng ilog, may sugat ako sa ulo na dahilan siguro nang pagkawala ng aking alaala. "Hangang ngayon wala pa po talaga, Señyor , naawa na rin ako sa kanya. Laging malalim ang iniisip at gusto laging mag–isa, mailap at ayaw makipag–usap sa mga kasamahan ko sa flower farm dinadala ko doon para kahit papano malibang pero wala po talaga. Mas maganda narin, Señyor , na dalhin niyo muna si Amery," malungkot na sagot ni Tata Ben. Si Tata Ben ang nag–alaga sa akin simula nang magkamalay ako sa ospital. Ngunit wala akong maalala noong nagkamulat ako. Hindi ko matandaan kung saan ako galing, kung ano ang pangalan ko, edad at kung ano talaga ang nangyari sa akin. Muntik akong magpakamatay, umakyat ako sa rooftop sa maliit na ospital na pinagdalhan sa akin. Pinakiusapan ako ni Tata Ben at Señyor na wag ituloy ang binabalak. Ang sabi nila habang may buhay may pag–asa. Tinatak ko sa isipan ko at sinubukan mamumuhay ng normal kahit sa kabila ng kawalan ko ng memorya. Lahat bago sa akin, nangangapa ako sa dilim pero may mga bagay akong nagagawa na hindi ko mapaliwanag kung bakit ko siya nagagawa para bang isa akong experto rito. "Amery, bilisan mo, Nak , nakakahiya kay Señyor Henry ang pinaghihintay siya. Doon ka muna sa kanila para may iba kang pagka–abalahan upang hindi ka mabagot dito sa bukid. Maiba naman ang makita mo, hindi puro manok, baka at kalabaw ang inaalagaan mo," narinig kong sigaw ni Tata Ben. "Maganda na doon ka muna baka sakaling tigilan ka ng mga dumadalaw sa panaginip mo at 'yang pananakit ng ulo mo." Iyon ang naging buhay ko for almost one year paikot–ikot dito sa bukid, sa flower farm na may thirty minutes na lakaran bago marating at kung walang ibang pagkaka–abalahan sinasama ako ni Tata Ben sa minahan ng ginto. Hindi ko alam para sa akin napakainteresteng ang manguha ng mga ginto. May naipon ako dito at balak kong ipagawa at gawing jewelry. Isa pa sa problema ko ngayon ang dami kong vision na nakikita hindi ko alam kung senyales ba ito ng aking nakaraan. May time na sumasakit ang ulo ko. Muli kong narinig ang pagtawag sa akin ni Tata Ben. Gumagaralgal ang boses ng matanda, napamahal na ako sa kanya dahil nag–iisa lang siya sa buhay parang ama narin ang turing ko sa kanya, may kapatid siya na minsanan kong dumadalaw sa amin si Nanay Eva. May isa pa silang kapatid pero pumanaw na ito. "Andiyan napo, Ta Ben," excited kong sagot at dali–dali kong nilagay lahat ang konting damit ko. Ayoko sana iwan ang matanda pero sa araw–araw niyang pagkukwento sa akin sa anak ni Señyor Henry ay nagkaroon ako ng inspirasyon na mabuhay. I can't wait to see her. Natalie is her name, ang babaeng nagpapagulo sa isip ko kahit hindi ko pa siya nakikita sa mga kwento pa lang ni Tata Ben mas lalo akong nagkainteres sa kanya. Hindi ko alam kung tama ba ang salita na, mahal ko siya? Pagkatapos maayos lahat nang gamit ko lumabas na ako. Nagkayakapan muna kami ni Tata Ben at nakikita ko ang grim face nito. "May kubo ako doon sa gilid ng ilog gusto ko alagaan mo, magpaturo ka kay Faye alam ng batang iyon ang kubo ko," habilin sa akin ni Tata Ben. Tumango ako bilang tugon sa kanya. Si Faye ang anak ng namayapa nilang kapatid ni Nanay Eva. "Halika na, Amery," nakangiting yakag sa akin ni Señyor Henry. Hinagod niya ako ng tingin ang damit na sout ko. Hindi naman ako na offend, ito lang ang mayroon ako. Kahit kupas ang aking pantalon alam ko naman na bagay ito sa akin. Halos lahat ng mga babae doon sa farm nagpapakyut sa akin, hindi ko rin alam kung bakit ako magandang lalaki. Kahit mukhang basahan minsan ang sout ko, nangingibabaw parin ang kagwapuhan ko para lang akong nagmomodelo sa sout kong damit. Saka hindi nagma–matter sa akin kahit na ano pa ang isuot ko. Pareho kaming sa likod nakaupo ni Señyor Henry. Mas pinili kong manahimik at ituon ang atensiyon sa labas ng bintana. Panaka–naka'y naririnig ko siyang may kausap sa cellphone marahil ito'y si Natalie. Nakaloud Speaker kaya naririnig ko malamyos na boses nito habang naglalambing sa kanyang ama. Hindi ako makakapaghintay na marinig ang malamyos na boses na iyon na maglalambing sa akin. Napapangiti ako sa naiisip ko, rinig ko pa kay Tata Ben spoiled ito at maldita pero may kabaitan din naman daw ang dalaga. Mamayang gabi ganap na itong dalaga dahil magdi–dise–otso na si Natalie. Nakangiti akong ipinikit ang mga mata ko habang paulit–ulit na pumapasok sa isip ko ang malalamyos na boses ni Nathalie. Para itong musika sa pandinig ko hangang sa makatulog ako. Makalipas ang ilang oras na biyahe narating din namin ang mansiyon ni Señyor Henry. Bumukas ang malaking gate at bumungad ang napakalaking bahay. Maraming mga tao na abala sa pag–aayos sa kasiyahan na magaganap mamayang gabi. Bumaba ako ng sasakyan at nagpalinga–linga ako sa paligid. "Amery, si Eva na muna ang bahala sayo. Pupuntahan ko lang aking anak kanina pa ako hinahanap ni, Natalie." Sumasasal ang dibdib ko nang maranig ang pangalan ng dalaga. Ngayon palang gustong–gusto ko na siyang makita. "Amery...." napalingon ako sa pinanggalingan ng boses malapad ang mga ngiti nito ng makita ako. Natuwa ako ng muling makita ang babae. Lumapit siya sa akin at niyakap ako kasunod niya si Faye. "Kumusta po, Nanay Eva?" Masigla kong bati sa kanya. Isang magandang ngiti ang itinugon niya sa akin. Dinala niya ako sa magiging silid ko. Hinabilinan niya akong magpahinga muna pero nagmamatigas ako. Sapat na sa akin na nakatulog ako sa sasakyan. Tumulong ako sa kanila sa pag–aayos. Hindi maiwasan na ang mga kababaihan ay mapapatingin sa akin. Pasimpleng hinahanap ng mga mata ko si Natalie pero hindi ko siya makita. Nasa taas daw ang dalaga inaayusan para mamaya. "May boyfriend na po ba si, Natalie , Nay Eva?" Hindi ko matiis na wag itanong sa kanya. Out of curiousity lang, hindi kasi ako mapakali. Nanay Eva smiled cheekily. "Wala pa, pero may manliligaw ang anak ni Mayor si Renz." "May pag–asa po ba?" Natawa ito sa tanong ko. "Aba malay ko, siguro dahil crush iyon ni, Natalie." Patango–tango ako! I feel little pang in my chest. Mukhang malabo yata itong naramdaman ko para sa dalaga. Bukod sa wala akong memorya, anak pa ng mayor ang karibal ko. HINDI MAALIS–ALIS ang paningin ko sa babaeng bumaba sa hagdanan. She very beautiful in her pastel green tube gown. May ilang beads sa bahagi ng dibdib at laylayan. Her make up was perfect and she smiled beautifully like her face. Pagkababa niya ng hagdanan sinalubong siya ng isang lalaki na nagpawala ng ngiti ko sa labi. Naghiwayan at malakas na palakpakan ang maririnig sa mga bisita. May naririnig akong. "Bagay na bagay sila ni, Renz." Tumili pa ang isang bakla. So, Renz? Baka ito ang anak ni mayor? Nagdidilim ang paningin ko sa nakikita, hawak niya ang isang kamay ni Natalie habang inalalayan papunta sa gitna ng bulwagan para sa cotilion de honor. Kita ko sa mga mata ni Natalie ang walang hangang kasiyahan habang hawak kamay silang nag–sasayaw. Nakikita ko na gustong–gusto nila ang isa't–isa hindi ko maintindihan ang paninibugho ng puso ko. Katabi kong nakaupo sa mesa si Señyor Henry at ang asawa nitong si Señyora kristine. Pagkatapos siyang isayaw ni Renz ay tinawag ng EMCEE ang pangalan ni Señyor Henry. Napadako ang paningin niya sa akin .Napansin ko ang kakaibang kislap ng mga mata niya bago siya nagbawi at tumingin sa Daddy niya. Sumayaw silang mag–ama at nahuhuli ko ang mga pasulyap–sulyap sa akin ni Natalie kapag nahuli ko agad din niyang binabawi. Biglang lumapit sa akin si Faye at may binulong sa tenga ko. Pinapatawag ako ni Nanay Eva may iuutos lang sa akin sa kusina sandali. Bago ako tumayo sinulyapan ko ang dalaga pero nagulat akong pinagtaasan ako ng kilay. Papaalis na sana ako nang pigilan ako ng isang bakla na wag umalis para isayaw ko ang dalaga dahil may isa sa 18th roses niya ang hindi dumating. Ayoko sana dahil nahihiya ako sa sout ko pero wala na akong nagawa dahil dinala na ako ng bakla sa gitna. Nakita ko sa mga mata ni Natalie ang matinding pagkadis–gusto sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hangang paa. Pakiramdam ko nanliliit ako sa sarili ko ng gabing iyon. Hiyang–hiya ako sa totoo lang pero dahil gusto ko siyang isayaw tiniis ko ang kahihiyan. Tinanggap ko ang rosas na inabot sa akin She winced pero hindi ko na lang pinansin. Parang takot itong hawakan ako o takot siyang mapahiya sa mga kaibigan niyang nagkakantiyawan sa gilid. Kasabay ng pagngiwi niya at padabog na inabot ang kamay ko. Ito ang unang pagkakatao na nahawakan ko ang malalambot niyang kamay. Ang kabang nararamdaman ko ay pinilit kong ikubli sa pamamagitan ng pagtitig ko sa kanyang magandang mukha pababa sa mapupula niyang labi. Hindi ko malaman na kadahilanan ang mga mata niya nanatiling nakapako sa aking mukha. It was a dream come true for me sa hindi inaasahang pagkakataon naisayaw ko siya. Parang bumagal ang ikot ng mundo sa mga minutong kasayaw ko siya. "You are....." "You what?" Nakataas kilay na tanong niya. Nakabitin sa ere ang pananabik na gusto kong sahihin sa kanya. Gusto ko lang naman sabihin kung gaano siya kaganda. Nang bigla kaming nilapitan ni Renz. "Time is off...." maangas na wika niya sa akin. "Back off..." dagdag pa niya, sinuyod niya ako ng tingin at pasimpleng itinulak. Tinaasan din ako ng kilay ni Nathalie at nakuha ko kung ano ang nais niyang ipahiwatig. Umatras ako dahil ayoko rin magkaroon ng eskandalo sa kaarawan niya. Bago pa ako tuluyan mapahiya sa maraming tao, umalis na lang ako sa harapan nila at walang kibo na naglakad palayo pabalik sa kwartong tutuluyan ko. Sa sobrang inis ko sa sarili ko, napasuntok ako sa hangin. Naiinis ako, bukod sa wala akong yaman ang pinakamalala pa wala akong maalala. Ang lupit naman ng mundo para sa akin. Pati puno na andito sa harapan ko hindi ko pinalagpas, pinagsisipa at pinagsusuntok ko hangang sa mapagod ako hindi ko man lang ramdam ang mga sugat sa kamay ko. Pagkalunes ako ang inutusan ng ama ni Natalie na maghatid–sundo sa kanya. Dahil marunong naman ako magmaneho iyon isa sa mga bagay na hindi ko alam na kaya kung gawin. Sinubukan ko lang naman paandarin 'yong delivery truck sa flower farm. Nagulat ako na alam na alam ko kung paano ito patakbuhin. Hindi ko rin inaasahan na may kinuha narin na driver license sa akin si Señyor Henry, sa akin niya pinagkatiwala ang paghahatid at pagsusundo kay Natalie sa eskwelahan. Which is sobrang pabor sa akin. Kahit araw–araw niya akong tarayan at pagtaasan ng kilay. Tuwing nakikita niya ako para itong pinagtakluban ng langit. Gayunpaman mas lalo ko siyang minamahal kahit sa kabila ng mga pinapakita niya sa akin. "Ano ba, Amery , bilisan mong buksan ang pintuan. Malalate na ako sa first subject ko wag kang pabagal–bagal. My God!" Mataray niyang wika sa akin na sinabayan ng pagtaas ng kanyang kilay. Kaysarap ahitin ng blade, kung hindi ko lang ito mahal baka ginawa ko na. Minsan nakakainis din ang katarayan nito pero wala akong magagawa, mahal ko ie. Kaya pagtiisan ko hangang maging akin siya. Nagmadali naman akong bumaba mula sa driver seat upang pagbuksan ng pinto ang prinsesa. Hindi ko paman ito masyadong nabuksan itinulak na niya ito ng malakas. At sa kasamaang palad tinamaan ang jun–jun ko. Namilipit ako sa sakit, imbes na humingi siya ng sorry. Tinaasan lang ulit ako ng kilay at nagtataray pa. Parang ako pa ngayon ay may kasalanan sa aming dalawa. "Katangahan mo kasi," she smiled cheekily and she laughed. At talagang ikinatuwa pa niya ang pagkabasag ng dalawang itlog ko. Saka tinalikuran ako, "–wag mo akong sundan sa loob dahil nakakahiya ka at wag mo akong sunduin mamayang hapon," matigas niyang sabi ng lingunin ako samantalang ako namimilipit parin sa sakit ng bayag ko. Tapos inirapan ako bago tuluyan na tumalikod. "Damn you, Natalie! May araw ka din sa akin, baka kapag natikman mo itong binasag mo. Tiyak uungol ka lagi at hanap–hanapin mo pa, patitirikin pa nito ang mga mata mo hangang sa puti na lang ang makikita," sobrang asar na wika ko sa sarili, habang sapo–sapo ng dalawang kamay ko ang p*********i ko. s**t! Damn! Napapamura ako sa inis. Napuruhan talaga niya si manoy Padabog na isinara ko ang pinto ng kotse at napasandal ako sa pintuan ng kotse. Naririnig ko ang pagtawa at pailing–iling ng security guard. Akala niya siguro susukuan ko siya sa pagtataray niya sa akin. Mas lalo ko pa siyang iinisin dito lang ako hihintayin ko siya hangang sa paglabas niya. Sasadyain ko din ang araw–araw na pagsout ng kupas na pantalon at may punit–punit na t–shirt para mas lalo siyang mabwiset. Lalo siyang gumaganda kapag nagtataray. May matitino naman akong damit binilhan ako ni Nanay Eva ng mga bago. MAKALIPAS ang apat na oras na paghihintay ko, tapos narin ang klase ni Natalie. Saktong bumukas ang gate, sumandal ako sa gilid nang poste ng gate mismo. Hinahanap ng mga mata ko ang dalaga. Nagtiyaga akong maghintay hangang nakita kong naglalakad si Natalie biglang nawala ang excitement ko ng makitang naka–akbay sa kanya ang oppa na si Renz, mukha kasi itong koryanong hilaw. Minsan mukhang koryano pero most of the time mukha itong mestisong bangus. Kaysarap nitong tadyakan at gawing clay. Banat–banatin at ipagbabato sa dingding. Ang sarap baliin ang mga kamay niyang naka–akbay sa Natalie ko. Sumimangot ang mukha ni Natalie ng makita ako. Napansin ko pang tinukso siya ng mga kaibigan niya, lahat sila sa akin nakatingin pero balewala lang ito sa akin. I don't care about their opinions, i'm not here to impress them. Andito ako para kay Natalie, im just following order's from her father. Pasasalamat ko for saving my life. I was in buttom of my life but i found hope when i heard about Natalie. This woman save me from drowning. Siya ang dahilan nang lahat kung bakit ako nagkaroon ng pag–asa na isipin ang bukas. Inayos ko ang tayo ko, pati ang ngiti ko. But i got nothing from her kundi pagtataray na naman ang aabutin ko mula sa kanya. Kita ko ang pagsasalubong ng mga kilay niya habang nilakihan ang mga hakbang patungo sa kinaroroonan ko. But she was still stunningly beautiful kahit nakabusangot na. "Tigas talaga ng pang mo, ano? Diba sabi ko sayo wag mo a–k–o–n–g hintayin," isa–isa niyang binigkas ang salitang akong at pinanlakihan ako ng mga mata ko. Ngunit hindi ako apektado, wala rin akong paki–alam sa opinyon niya. Basta ako ang masusunod sa ayaw at sa gusto niya, dito lang ako. "Malinaw po ang habilin ni Señyor Henry na hinatyin po kita at ako po ang mag–uuwi sayo sa bahay, Señyorita Natalie," i declared boldly at itinapat ko sa mukha niya ang mukha ko. Kita ko ang mga pagsinghap na ginawa niya. Nakita ko sunod–sunod na paglunok niya sinadya ko pang kagatin ang pang–ibabang labi ko. "Ah...Grrghhhh....Nakakainis ka, nakakainis ka talaga..." naiinis na sigaw niya sabay pinaghahampas ako ng hawak niya na libro. Hindi ko sinangga hinayaan ko siya hangang magsawa siya. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante pero wala akong pakialam basta uuwi siyang kasama ako at hindi ang mestisong bangus na iyon ang maghahatid sa kanya. "Uwi na inday, Natalie," pang–bubuska sa kanya ni Elaiza. Na mas lalo niyang kinainis padabog itong pumasok sa loob ng sasakyan. "Bwesit...." pagmamaktol niya. Sa loob–loob ko hindi ko mapigilan na matawa. Ako parin ang nagwagi sa aming dalawa. I smirk! Habang tinitingnan siya sa rear view mirror. "Tuwang–tuwa ka?" nakaismid na wika niya. Hindi na ako umimik pa! Hinayaan ko siyang magdabog sa likod. Dahil wala naman siyang nagawa pa, kung ang driver niya dati sunod–sunuran sa kanya p'wes ako, hindi! Hangang makarating kami sa bahay wala siyang ginawa kundi ang magdabog. Sa paglipas ng mga araw ganoon ang ginagawa niya sa akin. Pinagtitiisan ko parin siya. Isang araw sinundo ko siya sa eskwela, biglang nanapak si Renz gusto ko lumaban pero nagpigil ako, dahil sa kanya. Hindi lang isang beses ginawa sa akin ni Renz kundi maraming beses, para kay Natalie handa kong tiisin ang pangbu–bully ni Renz. Para wala ng gulo. May gabing lumabas si Natalie kasama sina Renz at mga kaibigan niya. Hindi ako nakatulog sa kahihintay sa kanya, para akong tanga uupo at tatayo sa plantbox sa labas ng mansiyon. Kahit malamok nagtitiyaga parin akong hintayin siya, ang pag–uwi ng dalaga. Nang makakita ako ng parating na sasakyan agad akong nagkubli at nakita ko bumaba mula doon si Natalie. Napansin kong medyo nakainom ito. Nagdilim ang paningin ko at hindi ko ito nagustuhan. Napatiim–bagang ako ng makitang humalik sa pisngi niya si Renz bago humarurot palayo ang sasakyan nito. Hinintay ko lang makapasok sa loob nang bahay si Natalie bago rin ako pumasok sa loob. Naabutan ko ito sa kusina umiinom ng tubig sa inis ko sa kanya dahil nakipagsagutan pa sa akin. Hindi ko natiis ang sarili ko ng gabing iyon kaya hinalikan ko siya. Binigyan ko siya ng halik na hindi niya makakalimutan sa buong buhay niya. Pero labis akong nasaktan nang malaman na sinagot na niya si Renz. Sa sama ng loob ko nanatili ako sa kubo ni Tata Ben sa gilid ng ilog. Ngunit hindi ko parin kayang tiisin si Natalie bumabalik parin ako sa bahay nila. At pinipilit pagsilbihan siya. Umiral ang pagkapilya niya sinakyan ang kabayong wala sa tamang kondisyon. Tinakbo siya at dinala sa gitna ng gubat. Sa sobrang pag–alala ko sa kanya kahit mag–gagabi na. Hinanap ko siya sa loob ng gubat. I cursed silently. I hated to see those helplessness in her eyes. Awang–awa ako sa sitwasyon niya ng makita ko siya. Nahulog siya sa kabayo, ang dami niyang mga sugat na halos magpasakit ng dibdib ko. Kahit maldita siya hindi ko parin siyang kayang tiisin. Andiyan 'yong katotohanan na Mahal na Mahal ko siya. Muntik na may mangyari sa amin ng gabing iyon kung hindi lang dumating si Señyor Henry at kasunod ang mestisong bangus niyang boyfriend. Ang hindi ko maintindihan sa kanya naghalikan na kami at halos saan na nakapunta ang labi ko sa katawan niya nagawa parin niya akong sampalin. Para bang ako lagi ang may kasalanan sa aming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD