Chapter 25

1639 Words
Chapter 25 Amery POV Wala ng ibang ginawa si Natalie kundi ang pagtripan ako. Hindi ko alam kong trip o sinasadya. Tahimik akong nakahiga dito sa duyan sa lilim ng puno ng mga mangga. Ang sarap ng duyan–duyan ko habang nakaunan ang dalawang kamay ko sa ilalim ng aking ulo. Bigla nalang itong lumapit at inamoy–amoy ang kili–kili ko. Pati ang buhok ko sa kili–kili hindi nakaligtas sa kanya, pinagtripan pang bunot–bunutin sa gulat ko napasigaw ako. Sinaway ko pero ito pa ang galit kapag hinayaan ko, nagagalit parin. Hinayaan ko siya sa gusto niya, mukha ko na naman ngayon ang pinagtitripan. Dinilaan nito ang tungko ng ilong ko pababa sa labi ko pero bigla akong kinagat. Napatayo ako sa pagkakahiga sa duyan, magagalit na sana ako pero nagpuppy eyes ito at nag peace sign pa. Ang inis ko biglang nawala at niyakap ko na lang siya. Hay naku! Hindi ko alam kung saan ako lulugar nito? Ang hirap intindihin at mag–alaga ng asawang buntis. Ang daming gusto, nagkanda–hirap–hirap na akong akyatin ang puno ng mangga, buko at kung ano–ano pa ang makita niya dito sa paligid namin. Naghihirap akong umakyat tapos ang ending hindi pala niya kakainin kasi nawalan na daw siya ng gana. Napapabuntong–hininga na lang ako sa inis. Bigla na lang magiiyak kapag nakikita niyang sasalungatin ko siya. Hay naku po! I can't believe this! Ganito ba talaga ang mga babae kapag naglilihi? Ano ba talaga ang trip nitong asawa ko? Nanay Eva told me, intindihin ko dahil buntis. Well, iyon naman ang ginagawa ko ang intindihin siya. Ako rin naman ang may kagagawan kaya siya buntis ngayon! But she's very cute pregnant woman. Nakakainis pero nakakatuwa, naawa ako sa kanya kapag inaatake ng morning sickness kung pwede lang dalawa kaming makaranas ng mga pagsusuka ginawa ko. "Haisszzzt..." reklamo ko, nang inayawan na naman nito ang kaimito na pinakuha niya sa akin. Pinutakti na ako ng mga langgan sa taas at hindi sinasadyang natamaan ko ang bahay ng bubuyog. Hinabol na ako't kung ano pa pero tinatawanan niya lang ako. I'm pissed off. But i really loved her kaya sobra ang pagiintindi na ginagawa ko. "Manggang hinog ang gusto ko ng kainin, ayaw ko na niyan. Ang bagal–bagal mo kasing umakyat, nawalan na tuloy ako ng gana." Napabuga na lang ako ng hangin sa pagtitimpi ko. Pero kakayanin ko parin. "Masarap, ito babe..." ani ko at biniyak ko ang kaimito. Sinipsip ko ang katas nito ng mahati ko, sa malanding paraan ang pasipsip na ginawa ko, dinilaan ko at sinipsip ko. Nakita ko ang pagngisi ng kanyang labi. "Gusto mo?" aniya sa malanding tono. "Bakit? Gusto m–mo?" ani ko and smiled playfully. Natawa siya. "I can sense a bit of green on those words." Nakangising wika niya. "Kung gusto mo, pagbibigyan kita," napalinga–linga ito sa paligid, "–walang tao babe..." nanunukso na sabi nito. Natawa ako sa kanya, tinapon ko ang kinain kong kaimito. At hinapit ko siya sa baywang at siniil ng halik. "Saan tayo pupwesto?" bulong ko sa tenga niya. Hinampas niya ako sa balikat. "Talagang gusto mo rin, noh?" Pagkuwa'y na wika niya at itinulak ako. Tinalikuran ako at bumalik sa duyan. Niyuko ko ang aking sarili. Nagsisikip ang maong ko lalo na ang sa gitna ko. Dinaan ko na lang sa malakas na pagtawa ang pagkabuhay ng libido ko, isang linggo ng hindi niya ako pinagbibigyan. Aakitin niya ako pero tutulugan lang pala ako. Kung saan sabik na sabik na akong manisid, kumain ng tahong at pumasok sa kweba. Nakakainis lagi niya akong binibitin at ito na naman siya ngayon, nang–aakit pero walang action. Pinagmasdan ko si Natalie, natutuwa akong tingnan siya. Tumataba na siya ngayon, hindi na gaya ng dati na may kapayatan siya pero maganda ang hubog ng katawan niya. Humihiyang yata sa kanya ang pagbubuntis mas lalong namumula ang kanyang mga pisngi. Kitang–kita iyon dahil sa taglay niyang kaputian. Ang sabi ni Nanay Eva baka babae ang pinagbubuntis ng asawa ko. Dahil napakablooming nitong buntis. Which i agreed! Kasalukuyan kaming nasa ilog ngayon, kasama sila Nanay Eva, Faye at iba pang mga tauhan sa manggahan. Biglang naisipan ni Natalie na magpicnic dito sa ilog. Sa dagat sana pero nalalayuan ako sa biyahe kaya sabi ko sa kanya dito na lang mas malapit at makakatipid pa. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang estado ng kanilang kabuhayan. Hindi pa alam ni Natalie nawala na sa kanila ang restaurant at hotel na pag–aari nila. Namatay ang mga magulang ni Natalie na hindi naayos ang problema at naawa ako para sa asawa ko. Wala akong nagawa para isalba ang negosyo ng mga magulang niya baka pati itong manggahan mawala din and worst pati ang mansiyon. "Amery, habulin mo ako, hahaha..." Napakamot ako sa ulo sa narinig mula sa kanya. Ano na naman itong trip ni buntis? Natawa kami sa kanya, sumimangot ito bigla sa hindi ko agad na pagkilos. Nagulat ako sa kanya saka may ginagawa ako nagiihaw ako ng isda. "Naku, Amery , habulin muna at nakasimangot na ang buntis," natatawang sabi ni Nanay Eva. Naka crossed arms na si Natalie at nakasimangot na ang mukha. Ayoko naman ang anak ko pinaglihi sa simangot. "Habulin muna, tumaas na ang nguso," udyok naman ni Faye. "Iba rin trip ni buntis," dagdag pa ni Faye at nagtawana sila. "Ayaw mo?" Galit nitong sigaw. "Kakainis ka!" She added, at mas lalong nakabusangot pero ang cute–cute niya. Tumalikod ito at padabog na naglakad patungo sa isang bato, sinipa–sipa ng kanyang paa. "Kapag hinabol ba kita may reward ako?" Natatawang sigaw ko sa kanya. "Hindi mo naman ako hinabol tapos may reward ka pang nalalaman. Ito ang reward mo," humarap siya sa akin, sabay turo sa tiyan niya, "–ito ang reward mo malapit ng lumubo, magiging butete na ako," tila naiinis nitong wika. Pumalahaw ako ng tawa sa turan niya. Bago siya tumalikod inirapan ako. "Sige na tumakbo kana at hahabulin na kita pero ingat ka. Si baby natin, babe..." "Wag na, nawalan na ako ng gana," galit niyang tugon. Dahan–dahan akong naglakad patungo sa kanya. "Huli ka! Ha ha ha ha..." Napatili ito nang kilitiin ko siya at niyakap mula sa kanyang likuran. Bumaba ang kamay ko sa kanyang tiyan. Ipinatong niya ang kanyang dalawang kamay at sabay naming hinimas ang lumulubo na niyang tiyan. Lalo siyang napatili nang bigla ko siyang binuhat at umikot–ikot kami tawanan ang namayani sa aming dalawa. Sa gilid ng mga mata ko nakikita ko ang mga kasiyahan sa mga mukha nila Nanay Eva. Sana itong kaligayahan namin ni Natalie, hangang katapusan na ng aming buhay. Dahan–dahan ko siyang ibinaba, ipinatong ko ang mga paa niya sa ibabaw ng paa ko. Pinaglapat ko ang noo namin. Hinagkan ko ang tungko ng ilong niya. "I love you, Mrs. ko , i will love you forever and ever. Mahal na mahal ko kayo ni baby," malakas na sigaw ko na halos nag echo sa buong paligid. May mga ibon na nagsiliparan mula sa malalapit na puno na marahil ay nabulabog sa lakas ng sigaw ko. Mahigpit ko siyang niyakap, napakahigpit. Na halos kulang na lang ay hindi ko siya pakawalan. "I love you, Mr. ko , i will you forever and ever." Ganting sigaw niya, siniil ko siya ng halik at pareho kaming paki–alam sa mga nakapaligid sa amin. Gusto ko ipakita sa buong mundo kung gaano ko kamahal si Natalie Jane Hernandez. Bumitiw ako sa kanya at nagtungo ako sa likuran niya. Tinakpan ng dalawang kamay ko ang mga mata niya. "Ame...What is this?" takang tanong niya. "Basta, may ibibigay ako sayo. I know magugustuhan mo. Siyempre, pinaghirapan ko kayang gawin ito para sa'yo." Hinampas niya ako sa balikat. Inalalayan ko siyang maglakad habang ang mga kamay ko'y nakatakip sa mga mata niya. Nang marating namin ang ginawa ko para sa kanya. "Just close your eyes, buksan mo lang kapag sinabi kong, open." Sunod–sunod ang pagtango na ginawa niya at hindi maalis ang mumunting ngiti sa labi niya. Lumapit ako sa bagay na ginawa ko para sa kanya. Tinakpan ko ito ng kumot para hindi niya makita. Dalawang araw ko din itong ginawa, namalayan ko na lang magaling din pala akong carpenter at marami akong nagdidiskubre sa sarili ko na marami pala akong kayang gawin. Ang dami tuloy pumapasok sa isip ko, about my past life. Maaring driver ako, maari din karpentiro ako o di kaya basagulero or minsan business man. But most of the time, utak negosyante ako. Magaling ako sa mga sale's talk bunos point's ko na lang siguro ang pagiging magandang lalaki ko. "Tagal, paba?" tila naiinip siya. "Okay, open your eyes..." sabay hila ko sa kumot. Halos manlaki ang mga mata niya. "You like it?" Hinaplos ito ng kamay ko, pinakiramdaman ko, kung walang magaspang dito. Ayoko masugatan ang Reyna na uupo dito. She shook her head. Her eyes becomes brilliant at napakasaya ng mga ngiti niya sa labi. And me, everytime i saw her happy, sobrang saya ko din. Lumapit siya sa akin at niyakap ako, agad din siyang bumitiw at nakita ko sa mga mata niya ang excitement. Lumapit siya sa ginawa ko at naupo siya. "This is beautiful," masayang wika niya at tumingin sa akin at muling ngumiti. Isinandal niya ang kanyang ulo at komportableng naupo. "Thank you," she uttered. May ginawa akong rocking chair para sa kanya. Kapag lumalaki na ang tiyan niya gusto ko maupo lang siya sa rocking chair na ginawa ko gusto ko magrelax lang siya while carrying my child. Gusto ko sa lahat ng bagay maging komportable lang si Natalie.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD