Chapter 19
Nathalie's POV
Nagulat ako nang mula sa aking likuran ay may humalik sa pisngi ko. Napatili ako kasabay nang pagbangon ng galit sa dibdib ko nang malingunan na si Renz ito. Halos magdalawang linggo na hindi ko ito pinapansin saka malapit na ang kasal ko kay Amery. Simple lang, it's a civil wedding at sa mansiyon lang namin gagawin at malalapit na kamag–anak lang ng mga magulang ko ang invited at mga tauhan sa manggahan. Ito ang pinakiusap ni Amery na gawin lamang simple ang aming pag–iisang dibdib na sinang–ayunan narin nila mom and dad.
Nasa library ako at mag–isang nagre–review. Masaydo akong nakaconcentrate sa ginagawa kaya hindi ko napansin ang pagdating niya.
"Sama ka sa amin bukas ng hapon birthday ni Jens andoon naman si Elaiza," yaya niya sa akin nang maupo sa tabi ko. Ipinatong nito sa ibabaw ang dala–dalang bola, marahil katatapos lang nilang magpraktis.
Hindi ako tumingin sa kanya nakafocus lang ako sa librong hawak. Actually, nagtataka ako sa kanya bakit biglang bumait ang lalaking ito at naasiwa ako sa presensiya niya. Bagama't hindi ko iyon ipinahalata sa kanya.
"Para lang sa pagkakaibigan natin, Nat , wag mo naman kaming kalimutan purkit may Amery na sa buhay mo," wika niya na may lungkot ang boses. Humarap ako sa kanya at pinilit ko ngumiti. "Friends?" dagdag pa niya na sinabayan niya ng ngiti. Inilahad pa niya ang isang kamay. "C'mon, Nat , tanggap ko na. It hurt's dahil mahal talaga kita pero ano ang magagawa ko, kung pinili mo si Amery," nakangiting sabi niya at nakikita ko sa mga mata ni Renz ang pag–guhit ng lungkot at may kasamang sensiridad.
Tinanggap ko ang kamay ni Renz at tipid akong ngumiti sa kanya.
"Saglit lang ako, Renz , hindi ako pwedeng magtagal."
He shook his head. "Sure!" agaran niyang sagot. "At ako narin ang maghahatid sayo pauwi," aniya na hindi mapawi ang kanyang ngiti sa labi.
"Wag na, magpapasundo ako sa driver namin," tanggi ko, tumayo ako at niligpit ang librong hawak–hawak ko.
"Ikaw naman, parang paghahatid lang tatanggihan mo pa!" Sabi niya na may bahid na pagtatampo sa kanyang boses.
Inirapan ko siya para tumigil siya sa kakukulit sa akin. Pumayag na ako sa gusto niya na pupunta sa birthday ni Jens. Kahit papano mga kaibigan ko parin sila at baka ito na rin ang huling makikipagbonding ako sa kanila.
Marami na akong babaguhin sa sarili ko ngayon, malapit na akong magkaroon ng asawa. Dapat isa lang ang priority ko sa buhay ang alagaan at pagsilbihan si Amery. Ang pagsama–sama sa mga kaibigan ko ay less priority ko na.
"Pumapayag na akong pumunta, Renz , kaya magkita na lang tayo doon." Mariin na wika ko sa kanya.
"Don't worry, Princess , naiintindihan kita. Saka sa beach ang party ang ganap sa birthday ni Jens buong magdamag tayo sa beach," nakangiting paalala niya sa akin.
Tumango ako sa kanya saka ko siya tinalikuran. Sakto paglabas ko ng library ay nagring ang bill for my last subject this afternoon at excited akong lumabas na ng gate dahil alam kong naghihintay sa akin si Amery.
Pagpasok ko nang room agad nakita ko ang nangingislap ang mga matang si Elaiza. Sinalubong ako at walang sabi–sabi na hinila ako at kinurot sa tagiliran.
"Bruha, ano itong narinig ko kay Mommy na magpapasakal kana?" Nagtatampong sabi niya.
"Ano?" nagtitikwasan ang mga kilay na reaksiyon ko. "Anong magpapasakal?"
Hinampas niya ako sa balikat. "Ang hina mo naman," napakamot siya sa kanyang ulo. "Kasal," malakas na bulalas niya at mabilis kong tinakpan ang bibig niya. Kasal pala ang ibig niyang sabihin.
"Oo, nagpadesisyonan na nila mommy na magpakasal kami ni Ame." Masigla kong wika sa kanya.
Sumimangot si Elaiza. "Kainis ka talaga bruha ka...basta nakakainis ka, hindi ka tumutupad sa usapan natin noon, dapat pagtuntong ng 25 saka tayo magpakasal."
Napansin ko ang pagtulo ng mga luha niya. Mula elementary bestfriend ko na si Elaiza at parehas kami na mga plano sa buhay. Dapat sana maging fashion model muna kami pero malabong matutupad ko ang pangarap na iyon.
Isang buntong–hininga ang pinakawalan ko. "Ano ang magagawa ko, mahal ko si Amery at hindi ko kayang mawalay sa kanya, bruha!"
"Kung saan ka masaya support kita pero nakakainis parin," ungot niya. "Sana noon palang inakit ko na si Amery baka naging akin pa siya. Kakainis talaga, gustong–gusto ko pana man ang lalaking iyon!" Pabirong wika niya at niyakap ako.
Napakamot na lang ako nang ulo, dahil alam kong ihihirit na naman niya 'yong may gusto siya kay Ame. "Pero happy ako sayo, bruha."
"Thanks, bruha ko na bestfriend. The best ka talaga," tuwang–tuwang sabi ko. "Dahil diyan bridesmaid kita."
"Pwede bang pakitanggal ang maid? Di ba pwedeng bride na lang?" Hirit niya, tinaasan ko siya ng kilay.
"Ako ang bride, ikaw ang maid." Pagdiriin ko. Lumagapak naman siya ng tawa.
"Gusto mo libre kita pizza mamaya."
"What do you think of me, miyembro ng Teenage Mutant Ninja Turtles na mahilig sa pizza?"
"Diba, you like pizza?"
She pouted his lips. "Dati 'yon noh? Dahil sa walang hiyang pizza na 'yan hiniwalayan ako ng pinakauna kong boyriend kaya may phobia ako sa pizza."
Sabay kaming nagtawanan na dalawa nang maalalang nakipagbreak si Kirk sa kanya dahil sa katakawan niya sa pizza, kinain niya lahat without knowing na inubusan niya ang mga barkada ni Kirk. Napalakas ang tawanan namin ni wala kaming paki–alam sa ingay na dulot namin.
Natahimik din kami nang sitahin kami ng mga kaklase namin.
"Bukas, dadaanan kita sa inyo. Magpa–alam ka na dadalo tayo sa beach party ni Jens. Kung gusto mo isama mo si Amery para may kadate ka. Dahil may kasama rin akong date bukas, noh!"
My eyes brilliant! I like the idea! Hindi katulad nang sinabi ni Renz kanina. Saka beach 'yon, mas maganda ang may kadate at may yayakap sayo sa malamig na simoy nang hangin.
"Sige ba," sang–ayon ko.
Pagkatapos nang klase namin ay agad akong nagpa–alam kay Elaiza. Nagmadali akong humakbang patungo sa gate. Pagkalabas ko agad na hinanap ng mga mata ko si Amery napangiti ako nang makita ang sasakyan na nakaparada sa kabilang kalsada.
Abot–tenga ang mga ngiti ko sa labi nang makita ang likod ni Amery habang abala sa pagbili ng kwek–kwek. Parang natakam ako sa kwek–kwek parang gusto kong kumain ng marami.
Ngumuso ang tindero sa kanya na tila ang tinuturo ay ako. Dahan–dahan na lumingon sa akin si Ame, kahit punong–puno ang bibig nito ay nagawa parin niyang ngumiti ng pagkatamis–tamis sa akin.
Saka humakbang palapit sa akin. Ang isang kamay niya may hawak na isang plastic cup na may lamang buko juice at isang kamay may hawak na kwek–kwek hindi ko alam kung bakit natatakam ako sa mga dala niya. Dati–dati hindi ako kumain ng mga ganito. Dahil sa kaartehan ko noon, nandidiri ako sa paiba–ibang sumawsaw sa suka pero this time. The feeling of craving, ay hindi ko maipaliwanag.
Walang sabi–sabi agad kong kinuha mula sa kamay niya ang mga dala niya. Napakunot ang noo ni Amery sa ginawa ko
Agad kong tinusok ng stick ang kwek–kwek at walang ka–arte–arte na nginuya. Lalo pang nagpasarap ang sukang nilagay ni Ame. Balanse ang tamis at asim lalong nagpasarap ang anghang niya at ang pipino.
"Dahan–dahan lang, babe , baka mabilaukan ka," nagtatakang saway sa akin ni Amery. Aakmang tutusok siya ng kwek–kwek biglang tinakip ko ang kamay niya.
"Kulang to'h sakin kaya bumili kana lang ulit," nakangusong sita ko sa kanya at itinalikod ko ang kwek–kwek. Binilis–bilisan ko itong sinubo hangang sa maubos pati ang suka hindi ko pinalampas, nilagok ko. Ni latak ay wala akong tinira ng maubos ko na lahat, sinunod kong inumin ang buko juice. Nagburf ako nang humarap kay Ame at inabot sa kanya ang dalawang cup na walang laman.
"I'm done," nakangising wika ko pa.
Umingos si Ame saglit! Pero mamaya tumitig siya sa akin animo'y tila namamangha siyang titigan ako. Itinaas niya ang kanyang hinlalaki at pinunasan ang gilid ng labi ko.
"Ang takaw mo mas mabuti 'yon para tumaba ka," nakangiting sabi niya. Agad kong ikinawit ang kamay ko sa braso niya at kinuha niya ang dala kong bag at libro.
"Gusto ko pa, babe , ibili mo pa ako. Gusto ko maraming suka at samahan mo ng ihaw–ihaw na isaw at chicken legs," hirti ko pa.
Sigurado ka?" nanantiyang tanong ni Ame. Pinaningkitan ko siya ng mga mata at pinagkrus ko ang mga braso ko. Mukhang hindi siya naniwalang gusto ko kumain.
Tinalikuran ko siya padabog na naglakad patungo sa sasakyan.
"Babe..."
"Tse...."
"Bibili na ako."
"Aba, dapat lang kasi gusto ko kumain damihan mo ng suka," mataray na sagot ko sa kanya. At pasimple akong nangiti. Pagkuwa'y sumandal ako sa gilid ng sasakyan habang pinagmamasdan siyang nagtiya–tiya–gang hintayin ang pinapaihaw na isaw.
Ilang saglit pa nagtungo sa Ame sa kinaroroonan ko, binigay sa akin ang kwek–kwek while waiting sa iniihaw na isaw at chicken legs.
Kinakagatan ko mo na bago ko isubo kay Amery ang kwek–kwek. Pinapalo ko ang kamay niya sa tuwing nagtatangka siyang sumundot ni isa sa hawak kong plastic cup na may kwek–kwek.
Gusto ko may kagat ko muna bago niya kainin. Gusto ko malagyan muna ng mga laway ko bago niya nguyain. Ang lupit ko ng mga trip ko sa kanya ngayon, hindi ko rin alam kung bakit. Basta gusto ko siyang bwisitin.
Ang mga buntong–hiningang pinapakawalan ni Amery at ang mukha niya nagbabadya na tila martry at labis–labis ang pagpapasensiyang ginagawa sa akin.
Ang pagpapasensiyang iyon dinadaan na lamang niya sa tawa at pagpisil sa ilong ko.
"I love you..." he whispered through to my ear.
Napakislot ako nakaramdam ako ng matinding kiliti. "May premyo ka sa akin mamaya, sabay tayong maligo. Sasabunan mo ako at sasabunan kita," malandi kong sabi sa kanya and i bit my lower lip.
His eyes wider! "I like that idea," sabay isang mabilisang halik sa labi. In my peripheral vision nakikita ko sa ibang mga estudyante sa amin sila nakatingin.
"Amery, luto na ang pinapaihaw mo. Tama na ang landian niyo daming naiinggit." Sigaw nang may–ari ng isawan. Kilala na nila si Ame dahil sa tuwing hinihintay niya ako noon dito siya nagtatambay. Hindi ko pinapansin dati ang mga bulong–bulungan ng mga estudyanteng babae na kinililig tuwing makikita nila si Ame. Now i realize why? At handa akong makipag–sabunutan para sa atensiyon lang ni Amery.
Tumawa ng malakas si Amery bago umalis sa harapan ko. Pagkakuha niya ay agad din siyang bumalik sa akin. Binuksan niya ang pintuan nang sasakyan para makasakay ako at bumalik siya sa driver seat. Pinaandar ang sasakyan pauwi sa mansiyon.
Habang nasa loob ng sasakyan ay wala akong tigil sa kakain. Tapos magtitira ako nang konti at ipapakain kay Amery. Natutuwa akong pagtripan siya. Hangang sa maubos ko lahat ng mga isaw at legs.
Nang makaramdam ako ng antok para akong dinuduyan sa biyahe. Sinubukan kong idilat ang mga mata ko kasi ayoko matulog pero bumibigay ang mga talukap ng mga mata ko.
"Okay ka lang?" Tanong ni Amery nang makita marahil na antok ako. "Matulog ka muna if you feel sleepy, bubuhatin na lang kita kapag dumating tayo sa bahay para makatulog ka ng maayos." Suhestiyon niya.
Tumango na lang ako dahil sobra ang antok na nararamdaman ko. Ipinilig ko na ang ulo ko sa head rest nang upuan at ipinikit ang aking mga mata.
Hangang makarating kami nang mansiyon. Nagising ako nang dahan–dahan na may bumuhat sa akin in bridal position napangiti ako at ikinapit ko ang mga kamay ko sa kanyang leeg hangang dinala niya ako sa kwarto namin.
Marahan na inilapag sa kama, ang sout kong sapatos ay siya pa ang naghubad pati ang sout kong uniforme.
After niya akong mahubaran, tumayo siya at nagtungo sa closet para kunan ako ng damit pambahay. Nang makakuha siya agad siyang bumalik sa kama at binihisan ako. Hindi ko rin alam at nakakaramdam ako ng matinding antok. Kahit na gumalaw ay tinatamad ako.
"Matulog ka mo na at gigisingin kita mamaya," he said softly at hinalikan ako sa noo.
Tumango lang ako sa kanya bago siya lumabas ng aming silid hangang sa nilamon ulit ako ng antok at nakatulog.
NAGHIKAB AKO. Bahagya akong bumangon at isinandal ang ulo sa headboard nang kama napatingin ako sa bintana. It's dark outside! Tumingin ako sa alarm clock sa side table mag 7 in the night na. Nakaramdam na rin ako nang pagkalam ng sikmura.
Humiga ako ulit! Nakatingin ako sa kisame at niyakap ang unan ni Amery. Dinala ko sa aking ilong at inamoy ko. Nakaka–adik ang amoy niya kaya lalo kong niyakap ang unan. Asan kaya ang lalaking iyon? Hindi man lang ako ginising?
Hustong bumukas ang pinto ng silid ay sumungaw ang nakangiting si Amery nang makitang gising na ako. Kumislap ang mga mata ko.
"Dinner is ready," malambing niyang wika and he kissed me sa labi. "May bisita tayo, remember ang pumunta dito mga dalawang linggo na ang nakakaraan?"
Saglit ako nag–isip nang maalala ko muli.
"Bakit daw siya bumalik?"
"Papakyawin daw ang bunga ng mga mangga para sa negosyo daw niya..." hindi siguradong sagot ni Amery at nagkibit ng mga balikat. "Naalala mo 'yong kumain tayo sa isang karinderya? "Yong lalaking lumapit sa akin, magkasama sila?"
Sunod–sunod na tango ang ginawa ko nang tumayo ako sa kama. Pero bigla akong nakaramdam ng nahilo muntik na akong mabuwal na agad naman akong dinaluhan ni Amery.
"Okay ka lang?" Nag–aalalang tanong niya.
"Yeah," matabang ko na sagot. "Ano sabi sayo? Napagkamalan ka ba ulit?" Curious kong tanong.
"Humingi ng pasensiya, napagkamalan lang ako. Medyo hawig daw sa akin ang taong hinahanap niya, akala ko ako na 'yon," medyo dismayadong wika ni Amery. Nakita ko ang pagguhit nang lungkot sa mga mata niya. Hindi ko siya masisi kong umasa siya. Kahit sino naman siguro ang nasa sitwasyon ni Ame na naghahanap nang kasagutan sa pagkatao niya ay talagang aasa kong sakaling may nakakilala sa kanya.
I felt bad for him. Dahil nakikita ko sa mga mata niya ang pag–asam. Tumayo ako para yakapin siya para kahit papano mabawasan ang dissappointment niyang naramdaman ngayon.
"Halika na hinihintay na nila tayo," yakag niya sa akin.
"Mauna kana, shower lang ako medyo naiinitan ako."
"All right! Pero bilisan mo para makasabay ka sa amin kumain hindi na masarap ang pagkain kapag lumamig," ma awtoridad niyang sabi at hinalikan ako sa noo at tuloy–tuloy nang lumabas ng silid.
Mabilis akong nagtungo sa banyo at agad naligo. Matapos maligo at magbihis ay bumaba na ako. Nasa kalagitnaan na ang hapunan nang makarating ako sa dining area.
Lahat sila napalingon nang dumating ako particularly ang lalaking bisita namin. Hindi ko gusto ang mga tingin niya sa akin, sinuyod niya ako nang tingin mula ulo hangang paa.
Marahil napansin ni Amery. Tumayo siya, hinapit niya ako sa bewang at hinagkan sa mga labi. "What take you so long, babe?" He asked sweetly at hinila ang isang upuan para sa akin sa mismong tabi niya.
Napansin ko ang dismayadong rumihestro sa mukha nang lalaki. Umiwas ako ng tingin sa kanya at ngumiti ako sa mga magulang. Totoo nga, andito rin 'yong lalaking pinagkamalan si Amery. Hindi ito makatingin nang diretso sa mga mata ko, mabilis itong nagbaba ng mga paningin.
"I'm sorry, i took a shower naiinitan ako.," paghingi ko ng paumanhin at naupo.
"It's okay sweetheart, kumain kana," tugon ni Dad, isang nakakaunawang ngiti ang ibinigay sa akin.
"She's your daughter?" Agad na tanong niya...kay Dad.
"My one and only daughter, next week bumalik ka dito, Clark , magkakaroon ng kasiyahan special na araw para sa anak ko at kay Amery," pagmamalaki na wika ni Dad at hinawakan ang ibabaw ng kamay ni mommy na nakapatong sa mesa.
"Amery?" ulit niya sa tinig na hindi makapaniwala and he shook his head two times pero ang mga paningin niya sa akin.
Naiilang ako sa mga tingin kaya binaling ko sa iba ang aking atensiyon. Ramdam ko ang mga pagpisil ni Amery sa mga kamay ko. Marahan akong napahugot ng hininga.
"W–where getting married...." i was stammered at hindi ko alam saan galing ang tapang ko ay hindi ko alam gusto ko lang iparating sa lalaking ito na ikakasal na kami. Nakakairita ang mga tingin niya.
"Married?" ulit niya sa hindi parin makapaniwalang tono. "Really?" wika nito na umangat ang mga kilay pagkatapos ay pinaglipat–lipat ang tingin sa aming dalawa.
Dinampot ni Clark ang linen napkin at nagpahid ng bibig. His smile was without humor.
I smiled lovingly to Ame and he smiled back.
"Pwede kang bumalik, Clark , if you want," malumanay na tinig ni Amery. His eyes were like daggers baka ramdam ni Amery ang titig nito sa akin. Simple akong napangiti nagseselos ang Amery ko. Hindi na niya binibitawan ang isang kamay ko simula pa kanina.
"I will think about it, masyado akong busy isang malaking company ang pinapatakbo ko," aniya na may pagmamayabang sa kanyang tinig.
"Talaga? Pero nagawa mo parin magpabalik–balik dito, busy kana man pala," sarkastikong sabi ni Amery.
"May mga bagay rin na dapat ako ang mag–asikaso," tugon niya na may kasamang nakakalokong ngiti.
Pakiramdam ko matagal nang magkakilala ang dalawang ito at parang sanay silang magparinigan.
Umubo si Dad para kunin ang atensiyon nang dalawang lalaki. Maybe, ramdam niya ang tensiyon sa dalawa.
Nagsimula na akong kumain, ramdam na ramdam ko na ang gutom ko. Wala na akong paki–alam sa bisita namin.
Hindi nagtagal pagkatapos ng hapunan ay nagpaalam na ang bisita namin sa mga magulang ko. Nauna akong lumabas patungo sa malaking pintuan hindi ko man lang napansin na agad itong nakasunod sa akin. Nasa kasama ni Clark ang isip ko.
Napapansin ko sa lalaking kasama ni Clark na ang pangalan ay Mang Julio. Ang mga tingin niya kay Amery na may kakaiba at halos hindi niya maalis–alis ang mga paningin kay Amery.
Sandaling huminto sa paglalakad si Clark at tinitigan ako. Inilahad niya ang isang kamay, napatingin ako sa kamay at nag–atubiling abutin iyon. Kung hindi ko tatanggapin baka magmukha siyang kahiya–hiya. Ayoko naman na mawalan nang buyer ang aming manggahan.
"You're so beautiful. I felt bad dahil naunahan ako as always. I really hate competing with him," he said huskily na tila may nais ipahiwatig. Sino ba ang nakikipagkompetensiya sa kanya?
Napasinghap ako nang maramdaman ang pagpisil niya sa palad ko. Hindi lang iyon niyakap pa niya ako bigla. Nanlaki ang mga mata ko. Nanayo ang mga balahibo. "Think twice bago ka magpakasal, you're too young..." halos pabulong niyang sabi sa tenga ko mismo. And i didn't like it...didn't like it all. Pero wala akong magawa na sawayin ito.
Then as i raised my face, mukha ni Amery ang nakatunghay sa akin sa may likod ni Clark. Dark and dangerous.
"Hindi naman yata tama na yakapin mo pa siya," pananakot niyang sabi, inabot ang kamay ko at hinila pakawala kay Clark.
Humarap si Clark. "May sariling isip ang girlfriend mo," he said silkily. "Stop for being too protective and jealous wala namang masama sa pakikipag–kamay sa bisita at pagyakap lang. Kahit kanino pwede niya gawin 'yon, right?" Baling niya sa akin na ikinagulat ko. Hindi ako nagpayakap sa kanya kundi siya ang humila sa akin. Gusto ko pa sanang ipagtanggol ang sarili pero wag na. Iniisip ko ang manggahan ayoko magdala nang gulo sa pagitang nilang dalawa.
Ikinawit ko ang kamay sa braso ni Ame. Napansin ko ang mahigpit na pagkuyom ng mga kamao ni Amery.
"Pwede kana umalis at sa susunod magpadala kana lang ng tao mo," he said in amazing calm. Subalit ang paggalawan ng mga muscle sa mukha ni Ame sapat upang malaman ko kung gaano nagpipigil si Amery. Medyo may kayabangan din itong si Clark. Kilos niya at pananalita niya.
Nagkibit ng mga balikat si Clark. "Don't worry ito na ang huling makikita mo ako, Amery...." his grinning na halos idiin ang pangalan ni Amery. "Dahil sisiguraduhin ko this time na hindi mo na talaga ako makikita...even the world..." muli itong patuya na ngumiti. Ang bawat bitiw niya nang salita ay parang may nais ipahiwatig. "I'm just kidding..." dagdag niya. Then he gave a devastating smile at me.
Patuyang ngmuti kay Amery saka tumalikod. Humakbang patungo sa sasakyan niya. Pinagbuksan siya ni Mang Julio sa likuran nang sasakyan saka sumakay. Bago sila tuluyana na umalis, binuksan niya ang binatan at ngumiti nang nakakaloko kay Amery.
Napapatiim–bagang si Amery. Kitang–kita ko ang matinding pasensiya na ginagawa ni Amery.
ITUTULOY..........