Chapter 12

2055 Words
Chapter 12 Natalie's POV Pagkatapos ng klase ko ay agad nagyaya umuwi si Ame pero nangako siya sa weekend mamasyal kami. Masaya kaming nagtatawanan habang nagmamaneho siya pauwi kami sa mansiyon. He was a good conversationalist. We talked of anything under the sun. Nagugulat lang ako, he opened up about gold! Parang experto siya sa pagkikilatis ng iba't-ibang klase ng gold. Buti na lang pumasok sa isip ko agad na miner pala siya. She stared at me with open admiration. Hanggang sa marating namin ang mansiyon panay parin ang sulyap niya sa akin sa dashboard. "Wala ba akong kiss," pabiro niyang hirit ng iparada ang kotse sa grahe. Napakagat labi ako dahil sa sinabi niya nakaramdam ako bigla ng hiya sa kanya. Titig na titig siya sa mukha ko, at ang mga tingin niya bumaba sa labi ko. Bago pa ako makakilos ay yinuko na ni Amery ang labi ko at inangkin. Hindi na ako nakapalag pa tanging nagawa ko na lang ay tugunan ang bawat halik ng matatamis niyang labi sa labi ko. "Ame..." paungol kong sambit habang sa patuloy lang namin nilalasap ang labi ng bawat isa. Halos mapugto ang aming hininga ng kusa namin bitawan ang aming mga labi. Napasinghap ako upang lumanghap ng hangin. Inilapat ni Ame ang kanyang noo sa aking noo. "I love you so much, Natalie?" nahihirapang bulong ni Ame sa tenga ko. Hindi ko naman mapigilan na makiliti sa tuwing bubuga siya ng kanyang hininga, may kung anong dalang kiliti sa akin. "I love you too, Babe..." i responded heartedly. Pareho kaming napangiti ni Ame at isang mabilisang halik sa labi ang iginawad niya bago siya bumaba ng driver seat. Umikot siya sa harapan at pinagbuksan ako ng pintuan. Kinuha niya ang mga dala kong gamit at siya ang nagbitbit. Hawak kamay kaming naglakad hangang marating namin ang pintuan ng mansiyon. Mabilis kong nabawi ang isang kamay nang maabutan sa sala sina Mom and Dad at Tita Greta ang Mommy ni Renz at Mayor Anton ang Daddy naman ni Renz, sabay silang napatingin sa amin ni Ame. "Andito kana pala, hija?" Magiliw na wika ni Mommy. Lumapit ako at humalik sa kanyang pisngi at kasunod kay Daddy. Pagkatapos lumapit ako kay Tita Greta para mag mano at ganun din kay Tito Anton. Pasimple kong sinulyapan si Amery, nakita ko ang banayad na pagguhit ng sakit sa kanyang mukha bigla na lang itong tumalikod at mabilis na naglakad papalayo. Napabuntong-hininga ako. Alam ko, kahit hindi sabihin ni Amery gusto rin niyang ipakilala ko siya sa aking mga mgulang na siya ang aking kasintahan. Pero hindi ko talaga alam kung paano ko sisimulan ang ipagtapat ang tungkol sa aming dalawa. Inuunahan ng takot ang aking dibdib. Lalo pa't si Renz ang gusto ng aking mga magulang na maging manugang. Matalik na magkaibigan si Daddy at ang Daddy ni Renz mga bata palang kami pinagkasundo na kami. Si Renz, crush ko na simula bata pa ako kaya pinangrap ko ang lalaki na maging boyfriend at mapangasawa—noon. "Ame..." halos pabulong na sambti ko sa sarili na sinusundan nang tingin ang papalayong binata. Wala sa sariling napaupo ako sa pagitan ni Dad at Mom. "Kumusta ang school, hija?" Nakangiting tanong sa akin ni Tita Greta. "Okay naman po," mahina kong sagot. "What about you and Renz?" Sabad ni Tito Anton na may paniniyak ang tono ng kanyang tinig. "Ah.....eh....o-okay naman po," pagsisinungaling ko. Wala akong choice kundi ang magdeny muna. Hahanap ako ng tamang tiyempo na masabi din sa kanila ang totoo. Tumango ang Mommy at nangiti sa akin, ganun din si Tita Greta. Nakikita sa mukha nang dalawang magandang babae ang kasiyahan para sa amin ni Renz. "Sa silver wedding anniversary namin ni Tito Anton mo, dapat sumama ka kila Mommy mo. Aasahan kita," aniya na may kasamang pamimilog ng mga mata. "Wala 'hong problema, Tita. Basta wala po akong gagawin, kailan pa po ba ako pumalya sa mga ganyan na event." "Mabuti naman, hija , dahil napakaimportante ng gabing iyon sa amin." Ngumiti ako. And i started to feel bored with this conversation. "Excuse me po," paalam ko in a good manners. Bumeso pa ako sa dalawang babae bago humakbang. Napahinto ako muli nang magsalita ang Mommy. "Bilisan mo magbihis, hija , darating si Renz para sabay-sabay tayong mag-dinner." My eyes widened. "What?" gulat na bulalas ko. "May nakakagulat ba, Anak?" Takang tanong sa akin ni Mommy. I shook my head at agad na tumalikod. Dire-diretso akong pumanhik sa hagdanan patungo sa aking kwarto. Ayoko makita si Renz, pero magtataka sila kung hindi ko haharapin ang lalaki. Right now! I have to pretend everything is okay! Pagkapasok ko sa aking kwarto ay pabagsak kong inihiga ang aking katawan sa kama. I just stared at the ceiling. Napangiti ako at napahaplos sa aking labi. Naalala ko ang mga malalambot na labi ni Amery. Ang sarap ng aking pakiramdam ngayon. Lahat ng mga nararamdaman ko ngayon puro bago sa akin. Bigla akong napabalikwas nang bangon ng maalala ang lalaking tumawag kay Ame na Ethan. Sino kaya ng tinutukoy ng lalalking iyon. Nakita ko sa mukha nito na sigurado siyang si Amery ang tinutukoy niyang Señyorito Ethan. I heaved sighed! Nagkibit- balikat na lang ako, bakit ko ba pinoproblema ang bagay na iyon. Ang dapat kong isipin ngayon kung paano sabihin kina Mom and Dad ang tungkol sa amin ni Amery. At ang pakikipaghiwalay ko kay Renz. Agad akong nagpalit ng damit at bumaba ng kwarto nagtungo ako sa kusina. Sa pintuan palang ng pantry amoy na amoy ko na ang mabangong niluluto ni Nanay Eva. Nakaramdam tuloy ako ng gutom. "May gusto ka bang kainin?" Tanong niya sa akin ng makita ako. Hinila ko ang stool dito sa counter at naupo. "Si Amery po, Nay?" Sandali niya akong tinitigan at naghihintay naman ako ng kanyang kasagutan. Kumuha ako ng platito at tinidor, gusto ko kumain ng cake. "Gusto mo ba igawa rin kita ng juice?" "Kahit na ano po, Nay , dalawahin niyo dadalhan ko si Amery. Asan po ba siya?" "Iwan ko sa batang iyon, bigla-bigla na lang umalis kanina. Tinatanong ko pero hindi sumasagot." Nabitawan ko ang hawak na tinidor. Mabilis kong hinakbang ang mga paa ko patungo sa silid kung saan natutulog si Ame. Nakailang katok na ako pero walang sumasagot. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura at pumasok sa loob ng kwarto. Subalit maayos ang kanyang higaan walang sign na ginalaw kahit ang lagayan ng kanyang mga damit. Lumaylay ang mga balikat ko ng lumabas sa kwarto wala si Ame. Baka umuwi siya nang kubo. "Nakakainis naman siya!" usal ko sa sarili. Hindi ko namamalayan napapaluha na naman ako sa inis. Nagmadali akong bumalik sa loob nang mansiyon. Papasok na ako ng makasulubong ko si Renz. Hindi ko siya pinansin, nilagpasan ko lamang siya. Ngunit mabilis niyang dinaklit ang braso ko. Masakit ang pamamaraan niya, halos bumaon ang mga daliri niya rito. "Bitawan mo ako, Renz," asik ko sa kanya na pilit binabawi ang braso ko mula sa kamay niya. Ngunit mas lalo pa niyang idiniin at hinila ako palapit sa kanya. Napapatiim-bagang ang lalaki. Galit ang kanyang mukha. Ibinuka ko ang aking bibig para humingi ng tulong. Lumapit ang bibig niya sa tenga ko. "Sige, gumawa ka ng eksena hindi ako magdadalawang isip na sabihin sa magulang mo ang relasyon mo sa boy ninyo," puno ng pagbabanta ang tinig nito na may kasamang pag-iling. " Nagawa mo akong ipagpalit sa isang hardinero lang. s**t! Natalie, nakakainsulto," galit na galit niyang wika sa akin. "Ano naman ngayon sayo kung isang hardinero lang si Amery?" angil ko sa kanya na pilit pinipigilan na wag tumulo ang luha ko sa gagong lalaki na ito. Nasasaktan ako sa ginagawa niya. Ayoko lang gumawa ng gulo kaya pinagpasensiyahan ko siya. "Mabuting tao si Ame hindi kagaya mo." Halos idiin ko sa kanyang mukha ang sinabi ko. Nanlilisik ang mga mata niya sa galit. At pabalya niyang binitawan ang braso ko humakbang ito papasok sa loob ng bahay. Napahilot ako sa braso kong nanakit, tiningnan ko ang braso ko kitang-kita ang bakas ng kamay ni Renz. Patakbo akong umakyat nang hagdanan pabalik sa aking silid. Dumiretso ako sa closet para kumuha ng jacket. Susundan ko si Ame at wala akong paki-alam kahit magagabi na. Basta ang mahalaga sa akin makasama lang ang lalaki. Pababa na ako nang hagdanan ng makasalubong sa baba ang Mommy. Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa akin. "Are you sick, sweety?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Mom, siguro naisip niya dahil nakasout ako ng jacket. Nang makaisip akong umarte na lang para hindi ako makasabay sa dinner nila at makalayas ako. "A-ahh...medyo masakit ang ulo ko, Mom..." Nabalot ng pag-alala ang buong mukha ni Mommy. Lumapit siya sa akin at kinapa-kapa ang noo ko. "Hindi kana man mainit." "Mom, masakit ang ulo ko," nag-iinarte akong parang nahihilo. Nag-alalang niyakap ako ni Mommy. "Para akong nasusuka, Mom," pumikit ako at bahagya kong ibinuka ang kaliwang mata. Kitang-kita ko ang pag-alala sa mukha ni Mommy at mabilis ko agad pinikit ang aking mata nang muli siyang tumingin sa akin. Maya-maya narinig ko ang pagtawag niya kay Nanay Eva. Kahit sila Dad ay natarantang lumapit sa amin at kita ko rin ang matinding pag-alala sa mukha ni Dad. Napansin ko ang pag-ismid ni Renz. Deep inside me hindi ko mapigilan ang matawa sa reaksiyon ng mukha niya. Kahit dito man lang nakaganti ako sa lalaking ito. Hindi ko alam kung ano ang dahilan nang dinner na ito pero kung ano man iyon wala akong paki-alam basta gagawin ko ang gusto ko. Si Amery ang gusto ko makasama ngayong gabi. Siya lang at wala ng iba pa. "Dalhin mo sa kanyang kwarto ang anak mo, Kristine , para makapagpahinga," utos ni Daddy kay Mommy. "Mabuti pa nga bala-i," segunda naman ng mommy ni Renz na mababanaag din sa mukha nito na may pag-alala sa akin. Napangiwi ako sa narinig. Parang siguradong-sigurado na silang magiging magbala-e nga sila. Parang nasusuka ako sa isipin na iyon. Hindi katanggap-tanggap para sa akin na mapangasawa si Renz. "Tama ka, hon , mukhang kailangan ng ating anak ang magpahinga," ayon ni Mommy kay Dad. "Pwede naman natin pag-usap sa susunod ang pinagkasunduan natin." "Tama ka," ayon ni Dad. "Magpahinga ka, Natalie, sabihin mo sa amin. Kung ano pa ang masakit sayo," puno ng pag-alala ang boses ni Daddy. "Y-yes, Dad," nang-hihinang sagot ko kunwari sa aking ama. Lumapit sa akin si Daddy at hinalikan ako sa noo. Inalalayan ako ni Mommy nang muling magtungo sa aking silid. Dahàn-dahan akong pinahiga ni Mom sa aking kama at para akong batang ina-alagaan niya. Napabuntong-hininga ako. Baka hindi ako maka-alis sa ginawa kong ito. Napatingin ako sa wall clock mag-ala-sais na ng gabi. Parang mali yata ang magsakit-sakitan ako. Nagpakuha si Mommy nang gamot pero hindi ko ito ininom, inipit ko sa ilalim ng dila ko. Nang tumalikod ang Mommy para ayusin ang pagkain na dinala ni Nanay Eva. Mabilis ko itong tinanggal sa ilalim ng dila ko at agad tinago sa ilalim ng kama. Sumandal ako sa headboard ng kama at hindi maalis-alis ang paningin ko sa wall clock. "Kumain kana, Anak , para may laman ang sikmura mo bago ka matulog." "Mom, gusto ko na po magpahinga," matamlay kong wika sa aking ina. Para umalis na siya at iwan na ako dahil kailangan ko na maka-alis. But may good side din pala itong ginagawa ko dahil ngayon naramdaman ko ang kalinga ni Mommy. Nitong mga buwan na nakalipas lagi silang abala ni Dad. Halos hindi na nila ako naasikaso. "Sigurado ka, Natalie sweety?" She asked softly at sinuklay-suklay ng mga daliri niya ang aking buhok. I shook my head. "Yes, mom!" "Okay, pero agad kang tumawag kay Mom kapag hindi naging okay ang pakiramdam mo," malumanay niyang wika at hinagkan ako sa ulo. "Don't worry, Mom , i'll be fine," mahina kkng sagot ko sa kanya. Iniwan ako ni Mommy, pinatay niya ang ilaw ng aking silid bago siya tuluyan na lumabas. Pinalipas ko ang ilang segundo. Dali-dali akong bumangon! Kinuha ko ang aking backpack naglagay ako ng konting damit. Nagdala din ako ng flashlight kailangan ko ito lalo pa't madilim na sa labas. Kahit thirty minutes ang lalakarin ko wala akong paki-alam. No matter what happens I will go to Amery. I can't wait for tomorrow. ITUTULOY.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD