Chapter 15

2069 Words
Chapter 15 Natalie's POV HABANG nasa biyahe kami naninibago ako kay Amery. Tahimik lang tila ba napakalalim ng iniisip niya. Nakatuon lang ang buong atensiyon niya sa daan. Kahit sulyapan ako hindi niya ginagawa sa totoo lang nakakaramdam ako ng kaba. "Babe, are you okay?" hindi ko mapigilan ang sarili na wag magtanong. Kinuha niya ang isang kamay ko at dinala niya sa kanyang labi at hinalikan ang likod ng palad ko. "Wag mo akong alalahanin, Natalie , okay lang ako." "Sigurado ka?" nananantiya kong tanong sa kanya, sunod–sunod ang tambol ng dibdib. Sa ginagawa niyang pananahimik parang gusto ko itong sabunutan. Alam ko may problema at gusto ko sabihin niya sa akin. A bitter grimaced across his mouth. "Wala nga, may naiisip lang ako kaya walang dapat alalahanin. Stop for being paranoid." "Really?" Sarcasm was deliberate in my tone. "Hindi iyan ang Amery na kilala ko." "Pwede ba, Natalie , okay lang ako." Tinitigan niya ako. "May gumugulo lang sa isip ko ang isang taong lumipas sa buhay na hindi ko maa–" He paused at the moment! Ipinarada ang sasakyan sa gilid nang kalsada! Isang malakas na hampas ang pinakawalan niya sa manibela. Napa–igtad ako sa gulat dahil sa ginawa niya. At sunod–sunod na mura ang ginawa niya. Agad akong nagbaba ng tingin. Tila may pumalipit sa tiyan ko. Hindi ko alam kung ano ang ikinagagalit niya. Nagtatanong lang naman ako, kung may problema siya or sa akin. Hindi iyong ganito na ginagawa niya akong manghuhula. Nakatutok ang paningin ko sa baba. "I–im so sorry, Natalie , naiinis lang kasi ako kahit anong gawin kung piga–piga sa isip ko, wala talaga." Muli akong napatitig sa kanya! Napailing–iling ako nang ulo dahil hindi ko siya maintindihan. Ano ba talaga ang problema niya? "Ano ba kasi ang problema?" Tila naiinis ko na rin na tanong sa kanya. "Bakit, kasi hindi mo sabihin para maintindihan kita." "Masaya akong nakilala kita, Natalie , hindi lang masaya kundi sobrang saya. Ikaw, ang dahilan kung bakit naniniwala pa akong may pag–asa pa. Kahit may minsan dumating sa puntong muntik na akong sumuko sa buhay. Pero noong unang nakita, everything was change. Nagkaroon ako ng positibong pananaw at natatakot akong magising isang araw na hindi na kita makita o hindi kita maalala." His eyes brilliant, suspetsa ko mga luha ang mga iyon. Mas lalo akong nalilito sa sinasabi niya. Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat, giving me a hard shake. "Dammit, Natalie! Sobra kitang mahal pero natata–" Binitawan niya ako at nagbuntong–hininga siya. Pagkatapos ay tila nahahapong isinuklay ang kamay at tumingin sa daan. Isinandal ang ulo sa headrest ng upuan at tatlong beses niya ini–untog ang ulo roon. "I've lost my memory, Natalie." Napamaang akong nakatitig kay Amery. Totoo ba ang sinasabi niya? Pinagloloko ba niya ako? Tumitig ako sa kanya, nakikita kong hindi siya nagbibiro. "W–what do you mean...?" Nanginginig ang boses ko pati ang mga kamay ko. Gusto ko siyang hawakan pero binawi ko ang mga kamay ko. "Wala akong matandaan kung saan ako nang–galing at saan ako nagmula. Ni hindi ko alam kung ano ang tunay kong pangalan. Ang Amery ang kapatid ni Nanay Eva ang nagbigay sa akin ng pangalan na yan." "Hindi iyan totoo!" protesta ko. "Nagsisinungaling ka lang sa akin dahil siguro pinaki–usapan ka ni Daddy na layuan ako. Kaya nag–iimbento ka. Mahal kita, Amery..." nagsisikip ang lalamunan ko sa pinipigil na luha sa isiping mayroon siyang amnesia. "Hindi ako nagbibiro, Natalie. Bakit ko naman gawing biro ang ganoong bagay sinasabi ko ito sayo para makapagdesisyon ka. Kung itutuloy paba natin ito o tatapusin na." Huminga ito nang malalim at tinitigan ako. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ganoon lang kadali para sa kanya na sabihin sa akin ang ganoon bagay. Pagkatapos nang lahat–lahat. Sana sa umpisa pa lang sinabi na niya sa akin para hindi na ako umabot sa puntong pati p********e ko naisuko ko sa kanya. At sana napigilan ko ang damdamin ko na mahalin siya nang sobra–sobra. Lumapit siya sa akin at muling hinawakan ang magkabilaan kong balikat. "I won't, Amery." Pinakawalan ko ang sarili mula sa kanya. "Hindi mo ako naiintindihan, Natalie!" he said angrily. "Ang gusto ko maintindihan mo ako." "Ayoko," bulyaw ko sa kanya. "Bakit hindi natin subukan na tayo parin kahit wala kang maalala. Pwede naman 'yon, dba? Tayo parin at tutulungan kitang ibalik ang alaala mo basta manatili ka lang sa tabi ko, Amery," hindi ko na mapigilan ang sarili kusa ng tumulo ang mga luha ko. Hindi ko kayang malayo sa kanya. Umiling siya at mahinang tawa ang pinakawalan. "Hindi ko alam, Natalie. Ang nangyari sa atin," he smirk. "Maling–mali at hindi sana dapat nangyari at pinagsi–" he stopped at muling nagbuga nang malalim na paghinga. Umahon ang galit sa dibdib ko dahil sa sinabi. Sa kuyom na mga palad ay pinagsusuntok ko siya sa dibdib. Still crying at the same time. Amery didn't dare to stop me, welcoming the physical pain. "Nagsisi ka? Nagsisi ka sa nangyari sa atin?" i cried hysterically. "Damn You! Pagkatapos kong naisuko sayo lahat sasabihin mo sa akin na pinagsisihan mo! How dare you, for doing this to me! I hate you, I hate you. It's you that i love the most and it's you who's hurting me!" Tumaas ang mga kamay ni Amery at mahigpit niya akong hinawakan sa kamay. At pinipilit ko siyang labanan dahil hindi ko kayang kontrolin ang emosyon ko. Sobra akong nasaktan sa sinabi niya sa akin. Subalit ni hindi ko matinag ang mga daliri niya sa pagkahawak sa pulso–pulsohan ko. Pagkatapos hinapit niya ako papalapit sa kanya. "I–i'm so sorry, Natalie , sinabi ko lang sayo para alam mo dahil natatakot ako sa maaring kahinatnan ng relasyon natin. GOD knows how much i love you...pleass...stop! He begged. Natahimik ako! Huminto ako sa kakaiyak at panlalaban sa kanya. Pailing–iling akong naguguluhan na tumingin sa kanya. "This conversation was unnecessary. Iuwi mo na ako, Amery." I said firmly! Umayos ako nang upo at itinuon ang paningin sa labas ng bintana. Naririnig ko ang malalim na pagbuntong–hininga niya at binuhay niya ang makina nang sasakyan. Nanlalabo na ang mga paningin ko sa walang tigil sa pag–agos ng mga luha ko. Binalik niya ang sasakyan sa mansiyon. Pagkarating namin ay walang kaabog–abog na bumaba ako. Habang hindi parin tumitigil sa pagpatak ang mga luha ko. Hindi ko siya nilingon dire–diretso akong tumakbo papanhik sa hagdanan. Nakasalubong ko pa si Nanay Eva pero hindi ko pinansin ang nag–alalang babae. Pagkapasok ko ng aking kwarto agad akong naglock at dire–diretsong nahiga sa kama ko at patuloy lang sa pag–iyak hangang sa mapagod ako. Akala ko masarap ang umibig hindi pala dahil kaakibat pala nito ang sakit. Katulad nang pinaparamdam sa akin ni Amery ngayon. Sobrang sakit parang hindi ko kakayanin. Hindi ko namalayan dahil sa kakaiyak ko nakatulugan ko na ito. NANG humupa ang bugso ng damdamin ay nanatili akong nakahiga sa kama. Blangko at nakatingin lang sa veranda ni ayaw kong paganahin ang isip ko. Muli akong napaiyak nang maalala ang usapan namin ni Amery kanina. Hindi ako papayag na magtatapos kami nang ganoon lamang dahil lamang wala siyang maalala. Ipinilit kong ngumiti at buo ang aking desisyon. Gagawin ko ang lahat na kung sakaling magbalik ang alaala niya kasama parin ako doon. Bumuntong–hininga ako at ngumiti. Tumayo ako at nagtungo sa banyo at binasa ng tubig ang mukha upang kahit papano'y mapawi ang bakas ng aking pag–iyak. Inayos ko ang sarili at lumabas ng silid at bumaba. Dahil kung hindi ko ito gagawin baka tuluyan na mawala sa akin si Amery at ayoko rin na aakyatan ako ni Nanay Eva ng tanghalian. Naisipan ko din ipagluto si Ame at kakausapin ko siyang mag–uumpisa kami ulit na parang walang–nangyari. "Pupuntahan na sana kita," wika ni Nanay Eva nang bumungad ako sa kusina. "Nakahain na ang tanghalian at humigop la ng mainit na sabaw..." wika ni Nanay Eva at agad niya akong nilagyan ng pagkain sa plato. "Salamat," mahina kong sambit. "Si Amery?" dagdag ko na tanong sa kanya at tumingin ako kay Nanay Eva. Napansin ko ang pag–iwas niya nang tingin at mabili niyang pagbaba ng kanyang ulo. Nakaramdam ako nang matinding kaba, baka tuluyan na niya akong iniwan. "Nanay, asan si Amery...." my voice was shaky, mas lalong tumindi ang aking kaba. Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan pero marahas kong binawi ang kamay ko. Nag–init ang bawat sulok ng mga mata ko at minasamaan ko ng tingin si Nanay Eva. "U–umalis na siya, Natalie , dahil iyon ang usapan nila ng Daddy mo." "No," bulyaw ko na halos lumabas ang mga ugat ko sa leeg. Hindi totoo ang narinig ko. "Saan? Pleasss.... Nanay Eva, sabihin niyo sa akin. Saan?" "Baka sa mga oras na ito nasa terminal na siya ng bus pauwi sa lugar kung saan siya natagpuan ng kapatid ko," malungkot na wika ni Nanay Eva. "Hindi pwedeng gawin sa akin ni Amery ito, Nanay Eva. Hindi niya ako pwedeng iwan," umiiyak na wika ko sa kanya. Mabilis akong lumabas ng kusina susundan ko si Amery sa terminal nang mga bus. Hindi ako papayag na iwan niya ako nang ganoon na lang. Nakasalubong ko ang Daddy sa pintuan hindi ko siya pinansin. Nilagpasan ko siya, kung maaari ayoko siyang makausap masama ang loob ko sa kanya. "Natalie," umalingawngaw ang boses ni Daddy sa kadahilanan para mahinto ako sa paglalakad. Masamang–masama ang loob kong tiningnan siya. "I hate you, Daddy... I really hate you...." "Natalie," mahinang sambit ni Daddy na hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Hindi mo naiintindihan ang sinasabi mo, Natalie. Dahil sa lalaking iyon nagkakaganyan ka," may himig na pagtatampo sa boses ni Dad. "Mahirap bang paniwalaan na Mahal ko siya. Dad! Wala akong paki–alam kahit nakalimot siya hindi iyon ang mahalaga, Daddy , dahil ang mahalaga ang nararamdan naming dalawa. Mahal namin ang isa't–isa, bakit hindi ninyo maintindihan iyon?" I said with too much anger sa mga tinig ko. Natulala ang Daddy sa sinabi ko pero wala akong paki–alam, dahil mas mahalaga ang damdamin ko. Kaysa damdamin ni Daddy, handa kong suwayin ang lahat masunod lang ang damdamin ko. Masunod lang ang sinisigaw ng puso. Walang sabi–sabi na tinalikuran ko ang Daddy at tumakbo ako palabas nang mansiyon. Naririnig ko ang mga sigaw ni Daddy pero wala akong paki–alam mas mahalaga sa akin si Amery. Pagkalabas ko nang mansiyon nagtuloy–tuloy ako sa paradahan ng mga tricycle sa baba kung nasaan ang kanilang maliit na paradahan. Kailangan ko mahabol si Ame. Kailangan makarating agad ako sa terminal. Inutusan ko si Manung driver na bilisan niya ang pagpatakbo ng kanyang minamanehong tricycle. Kulang na lang paliparin niya ang kanyang tricycle marating lang agad ang terminal ng mga bus. Makalipas ang ilang minutong takbo nang tricycle narating din namin ang terminal. Medyo nakahinga ako ng konti at muling umahon sa dibdib ko ang katiting na pag–asa na maabutan ko si Ame. "Hintayin mo ako, Manung," habilin ko sa tricycle driver. Tumango siya sa akin si Manung. Mabilis akong kumilos patakbo lahat ang bawat kilos ko at panay pahid ng mga daliri sa aking mga luha na ayaw talaga mag–paawat sa kaka–agos. Inisa–isa ko ang bawat bus na andito umaakyat ako para halughugin ang loob nito. Ngunit ako'y bigo, hindi ko makita ang lalaking hinahanap ko. "Amery..." mahinang sambit ko. "Asan kana ba? Ame...Wag mo naman akong iwan ohhh...!" Nahalughog ko na ang lahat pero wala talaga si Amery. Napadaus–dos akong napaluhod sa semento at napahalukipkip ako sa aking sarili at ang mga mata ko walang kapaguran sa paglabas ng aking mga luha. Halos hindi ko na makita ang mga tao sa paligid ko basta ang alam ko lang ang umiyak ng umiyak. Benalewala ko ang mga bulungan–bulungan ng mga tao sa paligid. Para akong nabalian ng isang pakpak sa pang–iiwan sa akin ni Amery.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD