4-Heated Party 1

1049 Words
NAKATULOG ako na basa ng pawis. Hindi na kami nakiusap pa sa kasera na ibalik ang kuryente. Alam naming magkapatid na kapag nagbayad lang kami ng upa ay saka lang nito ibabalik ang daloy ng elektrisidad. Si Frion naman ay umalis din ng bahay pagkarating namin dahil mayroon pa siyang pasok sa isang fast food chain. Nagising ako ng mga bandang alas-otso dahil mayroong kumakatok sa pintuan. Matapos kong maghikab at mag-inat ay saka lang ako bumangon para silipin kung sino ang tao. "Babe, are you okay?" Ang tanging ilaw lang ay ang liwanag mula sa poste sa labas bukod sa flashlight ng cellphone niyang hawak. "Stefano? Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko habang inilalayo sa mukha ko ang hawak niyang cellphone na itinanglaw niya upang mailawan ang loob ng bahay. He took my hand and kissed my knuckles. "Bakit ang dilim?" tanong niya. "Naputulan kami ng kuryente. Baka bukas pa ibabalik pagkabayad ni Kuya. May pasok siya sa fast food ngayon. So, bakit ka nga nandito?" Sumandal ako sa may pintuan dahil inaantok pa 'ko. Ilang segundo bago nagsalita si Stefano. "I had a strange and scary dream. Wala naman ang kapatid mo ngayon. Mag-isa ako sa amin. Wala namang kuryente dito, tara muna sa bahay ka na lang matulog," Lumapit si Stefano sa may tainga ko at saka bumulong, "behave ako promise." Dire-diretso ang spiel niya kaya't hindi ko maiwasang matawa. Siguradong kabado siya bago niya naisipang sabihin sa akin ang lahat ng iyon. "Bakit parang hindi naman behave?" Bati ko sa kanya. Nakita kong napakagat ang labi niya nang makita ako pagbukas ng pintuan. Ganoon ang itsura ni Stefano kapag nagpipigil ito na sunggaban ako ng halik o yakap. "You look sexy with sweat on your forehead. You're making me want to carry you out of this room and into my car, Babe. Tara? Dala ka na lang pamalit na damit? May kuryente sa bahay. Tara? Hintayin kita sa labas. Dala ko ang kotse." Humihingal niyang sabi. Napaisip ako kung sasama ba ako o hindi. Inisip ko ang pros and cons ng imbitasyon ni Stefano. Ang pinakamatinding deciding factor ay ang malagkit kong katawan dahil sa init ng pakiramdam. Walang kuryente kaya't hindi rin ako siguradong makakatulog ng maayos. "Sige na nga. Behave ka, okay?" Napaisip rin ako kung ano ba ang definition ng behave ng boyfriend ko. Ang pagngisi ni Stefano ay parang may ibang ibig sabihin. Napangiti ako nang magtatalon pa siya at nakipag-high five sa hangin. "Oa mo babe. Wait lang ha, kukuha lang akong damit." Hindi naman matagal ang ipinaghintay ni Stefano dahil kakaunti lang naman ang damit ko. Kinuha ko lang ang nasa pinakaibabaw at saka isinild sa bag kong gamit pamasok ng eskwela. Nang handa na ako ay ini-lock ko na ang kwarto. Sa kabilang kanto pa namin pinuntahan ang kotseng dala ni Stefano. Masikip ang mga daanan papasok sa apartment namin ni Frion kaya't hindi makakapasok ang sasakyan roon. Ipinagbukas ako ni Stefano ng pintuan ng kotse. Nang makasakay na ako ay saka siya umikot sa kabilang pwesto, sa driver's seat. Kapag pumapasok sa eskwela ay madalang magdala ng kotse si Stefano dahil nagpapa-drive lang siya. Alam niyang hindi ako kumportableng sumakay ng mga kotse nila kaya't dyip, traysikel at pampublikong fx ang sinasakyan naming dalawa kapag magkasama. Ika nga nila, for special ocassion lang ang sasakyan ni Stefano. Paglapat ng likod ko sa silya at pagbukas niya ng airconditioning unit ay napaungol ako sa lamig. "Ah, ang sarap! Ang lamig!" "Sana ba magbabayad ng kuryente ninyo? Ako na lang muna magbayad--" Kahit na mayaman ang boyfriend ko ay hindi ako humihingi ng tulong pinansyal sa kanya. Ang tanging tulong lang niya marahil sa akin ay ang pagsama sa akin arawa-araw, paglibre ng pamasahe at minsan meryenda sa mga mumurahing canteen at eatery malapit sa UP. "Hindi na. Kaya na 'yan ni Frion bukas. Sasahod naman daw sya agad. Tara na?" Pagyaya ko sa katabi ko nang hindi pa niya pinaandar ang sasakyan. "Okay. Seatbelt mo, babe." Itinuro nito ang seatbelt sa akin. Agad kong kinuha ang seatbelt at saka ikinabit sa stainless steel na lock nito. State of the art at mamahaling brand ang kotse ni Stefano. Isang BMW lang naman ang minamaneho ng isang graduating student na kagaya ng Stefano ko. "Babe, nagdinner ka na ba? Gutom na 'ko. Di nga pala kami kumain pag-uwi kanina." "Sa bahay na lang. Eksaktong nagluto ako ng pagkain. Favorite mo. Siguradong mabubusog ka." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "Wow, anong mayroon? Bakit parang ang effort mo? At bakit parang sure na sure ka na sasama ko?" "Namanifest ko lang na pupunta ka kapag niyaya kita. Isa pa, mahal lang kita masyado. I want to make you happy." Napatili ako ng literal at saka natawa. Minsan lang maging cheesy si Stefano ng ganoon kaya nakakapanibago. "Oh my Gosh ka! Sobrang pakilig mo nakakainis ka na!" Natawa ng malakas ang boyfriend ko habang pinaharurot na niya ang sasakyan papunta ng highway. Ilang minuto rin kaming hindi nag-usap dahil abala siya sa pagmamaneho. Sa isang exclusive subdivision nakatira si Stefano at ang pamilya nito. Mayroong security guard sa pagpasok ng village at mayroon din sa pagpasok ng mismong bahay nila. Pero dahil kilala na siya ng mga gwardiya ay ni hindi na ipinababa ang bintana ng sasakyan niya at diretso na lang silang pinapasok sa loob. "Saan nagpunta ang parents mo?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang magarbong bahay na mala-mansyon ang laki at ganda. Sadyang maganda ang taste ng mga magulang niya dahil ang mga Solera ay kilala sa Interior Design at Furniture business nila. "Sa Hongkong. May cruise daw sila all over Asia. Doon yata sila sasakay." "Okay." Kinuha ni Stefano ang kamay ko at saka iginiya ako papuntang Dining area. "Tara muna sa Dining para makakain tayo. Hindi pa rin ako nag-dinner." "Sinong mga kasama mo ngayon?" Tanong ko habang iniisip kung ilang square meters kaya ang mansion ng mga Solera. "Actually, wala. Guard lang sa labas. Sinabayan kasi ng paalam ng bakasyon ng mga helpers, e. Si Mama lang naman mahilig mag-utos. So pinayagan ko na lang na magbakasyon sila. Sa Monday pa sila babalik. O, hindi ba sabi ko sa'yo wala nga akong kasama dito?" "Really? Paano bukas anong kakainin mo---" Napakunot ang noo kong tanong. "Ikaw."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD