bc

My Sugar Cougar

book_age18+
779
FOLLOW
2.6K
READ
love-triangle
sex
kidnap
dominant
badgirl
bxg
humorous
kicking
cheating
seductive
like
intro-logo
Blurb

Para kay Freya na iniwanan ng nobyo niya sa simbahan, hindi niya sasayangin ang ganda, talino at alindog niya sa pagpapakamanang. Sa edad niyang treinta y nueve, mukha lang siyang veinte quatro, kaya naman maraming batang lalaking nahuhumaling sa kanya. Isa lang ang batas niya, one night stand sa mga lalaking 19 anyos pataas.

She's living the perfect life. Gamit ang perpektong hubog ng katawan at ang perang pwede niyang itapal para hindi mabuko ang kahiligan niya, she thought she had it all, until she met someone who rocked her world.

Si Red na isang veinte seis na lalaking naghahangad na maging modelo ang naging katapat ni Freya. Ang ugnayan nila sa kama ay nauwi sa totohanan.

Walang pinipiling edad ang pagmamahal. Ngunit paano kung hindi naman pagmamahal ang simula, kung hindi pagkahilig sa laman? Magtatagumpay kaya sina Freya at Red kahit na buhay na nilang dalawa ang nakataya?

chap-preview
Free preview
1-Prologue
"Nooooo!" Umalingawngaw ang sigaw ko sa apat na sulok ng bakanteng warehouse na iyon nang magkakasunod na dalawang putok ang nagpatumba sa lalaking buong tapang na humarang para iligtas ang aking buhay. Nasa abandonadong warehouse kami na ang tanging laman lang ay ang upuan kung saan ako nakatali at ang tatlong nilalang, dalawang demonyo at ang isang anghel ng buhay ko. Sinubukan kong lumapit ngunit hindi ko maikilos ang mga braso kong mahapdi na sa pagkakatali ng lubid. Maging ang mga paa kong pakiramdam ko ay ginagapangan ng mga langgam dahil sa tagal ng pagkakatali sa paanan ng silya ay hindi ko rin maigalaw. Ang buong katawan kong kulang na lang ay ipako sa kahoy na upuan na iyon ay nanginginig sa takot at galit. Hindi na pa nasiyahan ang mga walang pusong dumukot sa akin. Sa palibot ng upuan ay umaalingasaw ang amoy ng gasolina. Sa tindi ng pagkamuhi nila sa akin ay wala na silang pakialam kung pati sila ay sumabog at masunog para lang maipatikim sa akin ang sinasabi nilang parusang nararapat sa babaeng makasalanan. Parusa sa akin na isang babaeng gusto lamang magmahal at magpakaligaya sa piling ng taong minamahal. Pagbagsak niya sa konkretong sahig ay nakita ko ang pag-agos ng dugo mula sa kanyang tagiliran. Ang dilaw niyang damit na pang-itaas ay nagkulay rosas dahil sa dami ng dugo. Sinalo niya ang dapat sanang balang tatama sa katawan ko. "Hayup kayo! Kapag nakawala ako rito iisa-isahin ko kayong patayin! Mga gago!" Nakaigting ang panga kong singhal sa kanila. Pinigilan kong lumuha kahit nadudurog ang puso kong makita siyang walang malay sa aking paanan. "f**k! Why did you shoot him! That wasn't part of our plan! Sabi mo ang gagang babaeng 'yan lang ang tatakutin mo! Bakit mo binaril!" Kahit masakit ang mga braso at puno ng kamay ay naitikom ko sa sobrang panggigigil at galit ang aking kamao. "Hindi mo ba narinig?! She insulted me! Pinipili na naman niya ang lalaking 'yan kaysa sa 'kin! Why? Ano bang nagawa ng lalaking 'yan kung hindi paungulin siya sa kama?! Ako ang tunay na nagmamahal sa kanya! Ako na walang ibang ginawa sa buong buhay ko kung hindi mahalin at alagaan siya!" Sumigaw ako ng malakas, "Aaaaah! Gago ka!" Mahaba ang bawat kataga. Gusto kong iparating sa kanya na mula sa kaibuturan ng kaluluwa ko ang pagmumura kong iyon. Napabaling sa akin ang dalawang demonyo. Mas lalong nanginig ang buo kong katawan sa galit. Kahit walang ibang kulay sa lugar na iyon kung hindi grey na dingding at ang mga damit nilang kulay itim at dilaw mula sa damit ng lalaking mahal ko, pakiramdam ko ay namumula ang buong paligid. All I see is red blood. I wanted to to see them both bleed to death at hindi ang taong nakahandusay sa aking paanan. "Gago ka ba?! Saang parte ng buhay mo ipinakita na mahal mo 'ko? Kahit kailan, hindi mo ko minahal kaya don't talk as if you even have any relevance in my life!" I spat at him. Pero dahil demonyo siya, imbis na sa akin siya gumanti ay lumapit siya sa lalaki sa aking paanan at sinipa ito sa dibdib. Hindi ito gumalaw. Mas lalo akong natakot at kinabahan na hindi man lang siya napaungol o umaray sa sakit. Sa ginawa niyang iyon ay nagbago ang ihip ng hangin. "Please, kahit ako na lang ang pahirapan ninyo, save him. Hindi siya dapat nadadamay dito. Sobrang bata pa niya para madamay sa lahat ng ito. Sobrang bata pa niya--" Marami pa sana akong gustong sabihin. I wanted to tell them that he still has a lot in store for him. Isang talentado at napakabait na nilalang ang pinapahirapan nila para lang gumanti sa 'kin. "Buti naman inamin mo na sobrang bata pa niya! You molested him! Inakit mo para patulan ang isang matandang kagaya mo!" "Boba! He is a consenting adult! Hindi siya paslit para gamitan mo 'ko ng salitang molestiya! Isa pa, gaga ka ba?! Ako, matanda?! Hello! Mas mukha pa nga akong fresh sa'yo! Magbilangan nga tayo ng wrinkles! Baka mas marami ka pang guhit sa noo kaysa sa'kin! Ambisyosang 'to!" Umirap ako at naningkit ang mga mata sa sobrang pagkairita. Kung maabot ko lang siya ay hinablot ko ang buhok niya at kinalbo ang anit. Napabuntonghininga ako nang maalala ko ang lalaking nakahandusay sa sahig sa tapat ko na wala pa ring malay. I changed tactic. Dapat talaga ay hindi ko sila galitin kaso lang ay sadyang nakakagigil sila. "Ano ba! Pakawalan nyo ko rito! Call an ambulance! Ang dami nang dugo na nawawala sa kanya! I'll give you money! Anything, just help him, please!" Tuloy kong pagsigaw habang sinusubukang tumalon para umangat ang silya at makalapit sa duguang lalaki. Napahilamos ng mukha ang isang kidnapper. Nagpalakad-lakad siya sa tapat ng baliw na may hawak ng baril. Nasa bag niyang nakasukbit sa balikat ang kanyang isang kamay na para bang may kinakapa doon na ayaw niyang ipakita sa kasama. "Anong gagawin natin?" Mula sa kinaroroonan ko ay nakita kong nakakunot ang noo niya. Balisa na siya habang pabalik-balik ang tingin sa dinudugo pa ring lalaki sa sahig. "Hindi dapat nangyari 'to! Sabi mo tatakutin lang natin-- Baka napuruhan mo siya!" Lumapit siya sa kasabwat at niyugyog ang balikat nito gamit ang isang kamay. "Get a hold of yourself! Mukha bang matatakot 'yan?" Idinuro ako ng baril ng baliw na kidnapper. "'Yang babaeng 'yan, mas maingay pa yan sa nagtatalak na loro! Hindi napuruhan 'yan," sabi niya nang lalapit pa sana siya sa lalaki sa sahig ngunit pinigilan siya ng kanyang kasama. "Baka nagpapanggap lang na walang malay. Daplis lang ang tama ko," dagdag pa niya. Kahit ganoon ang sinabi ay nakita kong napailing ang taong iyon. Hindi siya sigurado. May takot sa mga mata niya. Natatakot din ito na napuruhan nga at wala ng buhay ang taong binaril niya. "Bakit naman ako matatakot sa inyo? Do what I say! Save him now! I will make you pay if something bad happens to him, mark my words, I will kill you all! Dalawang bala ang tumama sa kanya! He's losing a lot of f*****g blood! Do something! Mga baliw man kayo pero isipin ninyo kung sino 'yang nasa sahig na walang malay!" I wanted to plead for their help ngunit nabubulagan na ako ang panic at galit. Ang tanging gusto ko na lang ay matapos ang lahat. Ilang beses ko na bang hiniling na sana ay panaginip lang ang lahat ng ito? Simula noong magkamalay ako sa warehouse na iyon ay ipinananalangin ko nang imahinasyon ko lang ang lahat. Napatingin ako muli sa dalawa nang marinig ko ang isa sa kanila. "Tatawag ako ng ambulansya. I can't lose him. Hindi ako nagpakahirap ng ganito para lang mamatay siya at hindi ko mabawi!" Tumakbo palayo ang taong iyon ngunit napahinto ito nang makarinig ng kasa ng baril. "No! Hindi ka tatawag ng tulong!" Humarap siya sa kasama na nanlilisik ang mga mata sa galit. "Subukan mo kung mapipigilan mo 'ko!" Noon ko lang nakita na may hawak din palang baril ang isang kidnapper na gusto nang tumawag ng ambulansya. They pointed the gun at each other. I would have laughed and applauded them both for being overly dramatic kaso lang ay nasa gitna nila akong dalawa. Kung hindi ako makakailag ay baka ako ang tamaan kung sakaling magpalitan sila ng mga bala. Para akong nanonood ng tennis match, lingon sa kaliwa at kanan ang ginawa ko at nang marinig kong nagkasa na rin ng bala ang isa pang kidnapper, ipinikit ko ang mga mata ko. Alam kong hindi ako makakaligtas kung sa ulo ko tatama ang mga bala nila. It was the perfect trajectory as I was in between cross fires. I felt myself falling, falling hard on the concrete floor. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko alam kung paano naunang bumagsak ang ulo ko sa sahig. I felt the hard cement hit the back of my head, making me drowsy. Bago ako tuluyang mawalan ng malay, I saw his face. May dugo nang umaagos sa bibig niya. His hand was trying to reach for me. I tried to reach him but he seemed too far away. Kung sana ay maaring ulitin ang lahat, kung sana ay pwede ko pang baguhin ang mga pangyayari, siya pa rin ba ang pipiliin ko? Kami pa rin ba ang magpupumilit na magsama? Kahit na alam kong magdudulot ako ng matinding trahedya sa buhay niya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.4K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.6K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
48.7K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
95.2K
bc

The Sex Web

read
151.6K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
69.8K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
38.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook