5-Heated Party 2

1239 Words
"Ano?!" Nanlaki ang mga mata ko at namula ang magkabilang pisngi. "I meant, ikaw, anong gusto mong kainin? Magluluto ako siyempre. Marunong naman ako. Anong akala mo sa'kin?" Kumindat pa si Stefano sa akin. Napangiti ako dahil namula ang pisngi ko sa pagsagot niya ng "ikaw". "Upo ka dito, Babe. Ilalabas ko lang dinner natin." Iginiya ako ni Stefano patungo sa kanang bahagi ng lamesa. Katabi ito ng pwesto ng kabisera. Mukhang pangmayaman ang lamesa nilang gawa lamang sa makapal na salamin na may tint na green at stainless steel na base. Ang buong Dining area ay may shades na green marble at silver and grey shaded displays. Maging ang mga upuan ay salamin rin na terno sa lamesa. Hindi na ako tumayo pa para tulungan si Stefano. Babawi na lamang ako sa paghuhugas ng pinagkainan namin dahil siya naman ang naghanda ng pagkain. "Babe, kain na tayo--" Paglabas ng dalawang tray na hawak ni Stefano ay napangiti ako at napapalakpak. "Woow, babe! Ang sarap naman nito! Na-miss ko na ang pagluto mo sa akin ng carbonara at roast beef!" Tumayo ako at kinuha ang isang tray na hawak niya. Inilapag ko iyon sa pwesto niya habang ang hawak naman niya ay sa akin inilagay. "Pa-kiss nga kung masarap?" Lumapit si Stefano at yumuko para ilapat ang mga labi niya sa akin. "I love you," bulong ko. Napakaswerte ko na mahal na mahal ako ng nobyo ko. Lahat ng pagaasikaso at pag-aalaga ay nararamdaman ko sa kanya lalo na kapag kaming dalawa lang ang magkasama. "I love you, too. Kain na para makanood tayong movie." "Wow, ha. Pinapabilib mo 'ko masyado. Parang pinaghandaan mo ah. May movie pa?" "Bago ang entertainment system sa home theater sa basement. Gusto mo doon na rin tayo matulog sa kwarto doon. Para hindi ka mailang sa kwarto ko---" Napalunok ako sa sinabi niya. Mukhang hindi talaga ako makakatakas na matutulog kaming dalawa na magkatabi sa iisang kama. "Kain na, babe. Mamaya mo na 'ko isipin." Napakagat siya ng labi nang makita niya ang ekspresiyon ng mukha ko. I bit my lower lip when I saw him biting his. "Feel na feel mo naman na iniisip kita?" Napangisi kong sabi. "Siyempre naman. Ang perfect ng girlfriend ko tapos patay na patay pa sa'kin. Ano pang hahanapin ko di ba?!" Pabirong sabi niya habang ipinaghihiwa ako ng luto niyang roastbeef. "Aminin mo na lang na mas deads na deads ka sa'kin. Sinusundan mo pa 'ko dati sa campus para lang kausapin kita--" Napaubo siya sa sinabi ko. Naalala niya siguro kung gaano siya kakulit noong hindi ko siya pinapansin. Six months siyang nanligaw sa 'kin noon. Additional three months "Basta mahal kita, Freya. Kain na." He stood up and moved to capture my lips again in a searing and sexy kiss. Pakiramdam ko ay nanginig ang buong katawan ko dahil sa halik na iyon. Bumuntonghininga ako ng malalim bago tuluyang nagsimulang kumain. Ganoon din si Stefano. We ate heartily lalo na ako na napapangiti pa tuwing naalala ko na para sa akin lang ginagawa n Stefano ang ganoong bagay. "Kilig ka, babe?" Pabiro niyang sabi nang mahuli niya akong nakangiti habang sumusubo ng carbonara. Natawa ako ng malakas at saka tumango. Natawa rin siya at nagpalitan lang kaming dalawa ng titig at tawa habang kumakain. "Ako na lang magliligpit, babe." Sabi ko nang simulan na niyang ligpitin ang mga plato, kubyertos at basong ginamit namin. "Ako na lang. You're my guest, dapat hindi kita pinapagod, sa paghuhugas ng pinggan, that is." Pahabol na sabi ni Stefano. Napataas ang kilay ko at napangisi naman siya. "Tara let's do it together na lang." Inilapit ko ang labi ko sa may tainga niya at saka bumulong, "para mabilis tayong makanood ng TV at makahiga sa basement na magkatabi--" Naramdaman kong nanigas ang katawan ni Stefano sa sinabi ko. It was my turn to smirk. Alam ko kung gaano kalakas ang epekto sa kanya kapag ako ang nagiinitiate ng kalandian na madalas ay sa kanya naman nanggagaling. Napalunok si Stefano at saka parang robot na lumakad patungong kitchen. Mabilis lang natapos ang paghuhugas ko ng plato, kubyertos at baso. Siya ang nagpunas ng mga ito at nagbalik sa pull out cupboards. Nagsuot pa ako ng apron para hindi mabasa ang suot kong damit. Bago kami umalis ng kusina ay hinila ako ni Stefano. He pulled me into his arms and removed the apron hanging on my neck. Nang maalis na iyon ay saka nito inilapat ang mga labi sa 'kin. I hummed in contentment as he started kissing me gently, coaxing my lips to open up for him. Hindi nagtagal ay iniangat niya ako mula sa sahig. I was straddling his waist, my arms on his nape while he was supporting me from my buttocks. Kahit mas matangkad ako kay Stefano, batak naman ng gym ang katawan niya kaya't walang kahirap-hirap niya akong nabuhat mula sa kusina patungong basement kung saan kami manonood ng movie. Pakiramdam ko ay napakainit ng buong paligid na gusto kong maligo para maibsan ang init. I was under that trail of thought when we reached the home theater na sinasabi ni Stefano. Marahan niya akong inilapag sa lazy boy couch at saka iyon inihiga. Kagaya ng pagkakalapat ng likod ko sa nakarecline na upuan ay siya ring pagkakalapat ng katawan niya sa akin. Hindi inaalis ang pagkakalapat ng mga labi naming nagpapagalingan ang mga dila. He moaned when I wrapped my legs on his waist. Pakiramdam ko ay nawawalan na ako ng self control kaya't pinilit kong marahan siyang itulak. Nang magkahiwalay ang mga labi namin ay buo ang paghingal ko at ganoon din siya. "Movie?" tanong ko sa kanya. He smiled and nodded. Ipinakita niya ang pelikulang papanoodin namin na hindi ko napansin noong pagpasok namin. "Oh my God, Stefano---" "Let's just watch, okay?" Napabuntonghininga ako at hindi naiwasang magpaypay kahit na airconditioned ang silid. Pakiramdam ko rin ay parang gusto kong maligo dahil sa sobrang init ng katawan. "May swimming pool kayo 'di ba?" tanong ko. Napatulala si Stefano bago tumango. Nakita ko rin ang paglunok niya at pagtikom ng kamao. Kahit na matagal na kaming magnobyo ay never pa kaming nag-swimming na magkasama. "Swimming muna tayo bago tayo manood niyan. Papatayin mo 'ko sa init, babe---" "s**t, Freya. Tara na--" Napatili ako nang binitbit niya ako bridal style patungong kabilang parte ng basement kung nasaan ang infinity pool nila. Nang ilapag niya ako sa may gilid ng pool, nagsimula siyang mag-alis ng sapatos, medyas, t-shirt at suot na pantalon. I licked my lips and swallowed hard. Ang tigas at parang sobrang laki ng nasa loob ng fitted Calvin Klein briefs niya. "Your turn, babe. Let's go cool down, or pwede ring heat up?" His eyes said it all. Habang inaalis ko ang suot kong t-shirt at ibinaba ang aking pantalon, he looked at me like a predator, eyeing it's prey. His gaze was filled with longing, passion, desire and most of all, hunger. Sa lakas ng kaba ko at lakas ng t***k ng puso ay alam kong pagkatapos ng gabing iyon, wala na kaming atrasan dalawa. The s****l tension between us was at it's boiling point. The feeling is mutual. I wanted him as much as he wanted me. Kung bakit naman kasi Fifty Shades series ang nakasalang na pelikulang papanoodin naming dalawa? Ang tanong ko lang sa sarili ko, handa na ba akong ibigay ang lahat sa lalaking pinakamamahal ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD