NAPAGTANTO ko na hindi nga lang pala ang nakaraan namin ni Frion at Ate Ara ang maalala ko kung hindi pati ang pagkakakilala namin ng matalik kong kaibigan. NASA ospital pa rin kami. Hindi ko na mapigilan ang antok ko kaya't napasandal na ako sa sofa nang biglang may nagsalita. Agad akong bumangon at lumapit sa kanya. "Pwede na ba tayong umuwi? Nasaan si Frion?" tanong ni Ate Ara nang magising ito. Sakto namang nasa CR si Kuya Frion nang maalimpungatan siya. "Ate! Nasa banyo lang si Kuya. Kuya Frion! Nagising na si--" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay naroon na sa tabi ni Ate Ara ang kapatid ko. Kulang na lang ay itulak niya ako palayo sa misis niya para lang siya lang ang pansinin nito. "Hon! Are you feeling better? May masakit pa sa 'yo? Okay ka ba?" Napangiti ako sa paghapl