HINDI ako makapaniwala na isang sikat palang artista, beauty queen at fashion model ang bago kong kaibigan. Sinulit niya ang pagkakasabi ko na mag-usap kami dahil isang oras din halos non-stop kaming nagkwentuhan dalawa. Mostly, siya lang naman ang nagkwento ng malungkot na buhay niya. Kung hindi pa siya binigyan ng gamot na pampatulog ay hindi pa ako makakaalis ng silid niya. Pinasabi ko na lang sa isa sa mga nurse na naroon ako para hindi mag-alala sina Kuya. Alas-tres na ng madaling araw nang makabalik ako ng kwarto ni Ate Ara. Tulog na si Ate ngunit gising pa rin si Frion na nakahawak lang sa kamay ng asawa. HInihimas ang braso nitong may nakakabit na swero. "Bakit hindi ka matulog? Tulog ka na muna. Ako munang magbabantay kay Ate. Hindi pa naman ako inaantok at wala rin akong pasok