NASA pinakamalaking available room kami ng ospital. Nakaupo kami sa couch ni Frion. Si Stefano ay pinauwi ko na noong malaman namin na ligtas na si Ate Ara. Sapo ng kapatid ko ang noo at nakatungo. Nakapatong ang magkabilang siko sa mga tuhod. Ilang metro mula sa amin ay naroon at nakahiga ang hipag kong natutulog. May nakakabit na swero at may heart, pulse at oxygen monitor din na nakakabit. "Okay ka lang?" tanong ko sa kakambal ko kahit na katangahang magtanong sa taong nawalan ng anak at muntikan nang mawalan ng asawa. Sabi ng doktor, kung hindi raw naagapan ay baka nalason ang dugo ni Ate Ara dahil sa miscarriage niya. Ni hindi aware si Kuya na nagdadalang-tao ang asawa niya. "Takot na takot ako, Frey. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung nawala rin si Ara. Hindi ko kaya, Freya--