"Ha?! Kala ko walang tao at next week pa babalik sila?" "s**t! Oo nga, yon din ang alam ko." Sabi niya habang napasabunot ng buhok. Dalawang kamay niya ang nasa ulo niya at parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha. "Sige magtatago ako pero paano ko lalabas? I need to go home. Maabutan ako ni Kuya--" "Pwede itong mama ko muna ang isipin natin. Baka magalit sa'kin kapag nalamang nagdala ko ng babae rito." Napasimangot ako at nagsalubong ang kilay. Nagdala ng babae? Umalingawngaw sa isip ko ang mga salitang iyon. Hindi ba dapat ang sasabhin niya ay, nagdala ng girlfriend? Sumagot ang sarili ko sa sarili kong tanong, "Babae ka rin naman, so technically, tama ang statemaent ni Stefano. Ni hindi napansin ni Stefano na nag-init ang ulo ko a sinabi niya. He kept on repeating that I n