7-Size Does Matter 1

1015 Words
SABI nila, masama raw ang masyadong malaki ang expectations sa mga bagay bagay. Pero sa kaso ko, hindi nakabuti na naging mahaba ang expectation ko sa bagay na itinatago niya. Hindi ako pinatulog ni Stefano. Alas tres na ng madaling araw ay sumisisid pa siya sa dagat para manguha ng hiyas ko. Hindi niya 'ko nilubayan hanggang hindi na 'ko makapagsalita man lang. If there was a thing as a person with overstimulated s****l organ, iyon na siguro ang tawag sa akin. Masyadong ginalingang ang performance ng DDL team niya. Ano ang DDL? Daliri, dila at labi. Siguro nahalata niyang fake ang orgasm ko noong una kaming nag-niig kaya ginalingan niya at sinubukang bumawi sa ibang paraan. Sinubukan ko namang masarapan ng todo ang kaso lang parang hindi na ako makapag-focus pa kahit anong pilit ko pa. Inisip ko na lang na magpanggap. I tried my best but I guess my best wasn't good enough. It was five in the morning nang magising ako. Ginamit ko ang alarm clock niya sa bedside table para magising ng maaga. Kailangan kong maunang umuwi kaysa kay Frion na hanggang ala-seis daw ng umaga aalis sa trabaho. Kahit minsan ay maaga siya natatapos ang shift, ala-seis pa rin siya umuuwi para mas ligtas ang mga sasakyan niya at mura ang pamasahe. Sabi ng kapatid kong bibo sa buhay, hindi lang raw mga BPO workers ang may night differential, maging ang mga tricycle drivers daw ay mahal maningil kapag madaling araw. Sabagay, kung mag-isa nga naman ang pasahero ay special trip ang tawag at 'di hamak na mas mataas talaga ang bayad noon kaysa sa normal na biyahe na pati likuran ng driver o angkas ay may sakay. Ang una kong ginawa ay isinuot ang damit kong hinubad namin at nanggaling pa sa poolside. Bago ako makatulog ay naalala ko pang ipakuha ang mga damit at sapatos kong naiwan sa basement ng bahay nila. "Stefan, babe, gising---" bulong ko sa kanya nang hindi siya kumilos kahit na umalingawngaw na ang malakas na tunog ng alarm clock. Hindi ko iyon kaagad pinatay para makatulong sa paggising sa kanya. Nang hindi siya tuminag at narindi na ako sa tunog ay ako na ang nagpatay nito. Ilang beses ko pa siyang niyugyog at tinawag bago siya naalimpungatan at gumalaw. Kahit nagmamadali na ako ay hinintay ko pa rin na magmulat ng mata. Nakadapa siya sa kama habang ako ay nakaluhod na sa may gilid ng kama at nakasilip sa mukha niya. "Babe?" Isang mata lang ang nakadilat at tila sinusubukan niyang gumising. Napapikit siyang muli. Mas malakas ang pagtawag ng antok at mas parang nagdikit pa ang mga pilikmata niya. Napatingin akong muli sa orasan, kinse minutos na ang nakalipas simula nang magising ako. "Stefano, gising ka muna, hatid mo muna 'ko. Papatayin tayo ng kapatid ko kapag nalamang dito 'ko natulog!" Inemphasize ko ang salitang papatayin dahil iyon naman talaga ang totoo. Mukhang effective ang mga pahuling panggising kong pananalita dahil bumalikwas siya ng bangon at walang lingon-lingon na nagpunta siya ng banyo sa loob rin mismo ng silid na iyon. Ilang segundo lang ay narinig ko pa ang pag-flush ng toilet. Tinawag pa niya ako habang naroon siya sa loob. "Babe, mag-toothbrush ka?" Napailing ako at malalim na napabuntonghininga. Naisip pa talaga niyang mag-toothbrush kahit na nagmamadali kami? "Hindi na. Sa bahay na lang. Bilisan mo na, baka maunang makauwi si Frion, mayayari tayo--" "Sabihin mo na lang kaya na maaga kang umalis?" Sumilip siya mula sa banyo. May hawak siyang toothbrush at naglalagay na ng toothpaste rito. "You mean, kunwari umalis ako ng umaga at doon ako natulog ng gabi?" "Yes," sabi niya habang nagsisimula nang kuskusin ang mapuputing ngipin ng kanyang sepilyong pula. "Naku, 'wag na. Dadami ang kasalanan ko. Hindi naman ako nagsisinungaling sa kapatid ko. Mas mabuti na ang hindi niya alam na umalis ako. Mas malinis na paraan 'yon. Tara na! Dalian mo!" Pag-uudyok ko pa sa kanya. Maya-maya pa ay lumabas na siya ng banyo. Mukhang hindi niya naisip na may sense of urgency ang pagtawag ko. Naligo pa siya at saka nagpalit ng damit pagbalik niya ng kanyang silid. Lahat ng iyon ay ginawa niya ng walang pagmamadali, habang ako ay nakaluhod pa rin sa may carpet na sahig. Nakaluhod sa carpet. I shivered because of the steamy memory that resurfaced. "Tara na? Oo nga pala, alis tayo mamaya pagkapalit mo ng damit at pagkaligo sa bahay ninyo, ha?" tanong niya. Napakunot ang noo ko at saka umiling. "Hay naku, kaya ka pala pumorma pa ay dahil may balak ka pang gumala mamaya. Baka hindi na. Maglilinis ako ng kwarto namin at isa pa, mamahinga ka muna at napuyat tayo kanina. Hindi ka man lang ba napagod o nanghina?" Kung hindi siya napagod, ibahin niya 'ko dahil gusto ko namang matulog man lang kahit kaunti. Pagkasabi ko ng salitang napuyat ay agad syang lumapit at iniangat ako mula sa carpet. He lifted me up then dropped me on top of his bed. Biglaing uminit ang paligid at parang nag-iba ang tingin ng mata niya sa'kin. His eyes were filled with lust. Ganoon ang tinginan niya bago ako pinagpiyestahan buong gabi at magdamag. He was about to ravish my lips when we heard a knock on his door. Kasunod noon ay ang komosyon sa labas na rinig sa loob. "Sino 'yon? Di ba walang tao rito?" Tanong ko habang si Stefano ay natigilan at hindi rin kumikilos. Naitulak ko siya sa balikat at sisipain ko pa sana palayo kung hindi pa siya lumayo. "Oo. Walang tao dito. Tayo lang. Sandali titingnan ko." Tumayo si Setfano at lumapit sa may pintuan. Idinikit pa niya ang tainga sa puting pinto. Pinakikinggan kung ano ang nangyayari sa labas. Nang itatanong ko sana muli kung sino iyon ay kasabay na nanlaki ang mga mata niya. Agad siyang tumakbo papalapit sa 'kin at saka bumulong. "s**t! Si Mama! Tago ka muna! Sa ilalim ng kama o sa banyo! Dali!" Tarantang-taranta si Stefan. Imbis na lumapit kaagad sa akin o buksan ang pintuan ay nagpaikot-ikot pa siya muna sa may kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD