CHAPTER 8

1448 Words
Ang saya namin ni Kyle sa aming honeymoon. Ngunit sa aming pagbalik sa aming bahay ay nagising na lang akong kinaumagahan wala na siya dahil lumuwas na pala agad sa Maynila nang hindi man lang nagpapaalam sa akin. “Ate Bebe, sigurado po ba kayo na umalis na talaga si Kyle para lumuwas ng Maynila?” hindi makapaniwala ko pa rin tanong habang kasalukuyan nang nag-aalmusal dito sa kitchen. “Iyon po ang sabi ni sir, ma’am. Tinawagan ako kagabi na kung maaari ay pumunta ako rito ng maaga pa aara masamahan ka dahil aalis siya sa madaling araw. Kaya pumunta po ako agad dito pagkagising ko.” Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng pagkainis. Talaga lang ha, iniwan niya talaga ako nang hindi man lang nagpapaalam? Napakalupit naman niyang asawa! “Bakit naman kaya ganiyan si Kyle? Ayaw akong isama, mas pinili pang takasan ako. Siguro may tinatago ’yan sa akin doon sa Maynila kaya ayaw akong isama.” “Kasal daw kasi ng kuya niya, ma’am,” sagot ni Ate Bebe habang abala sa pagpunas ng mga hinugasang plato. “Naku, dahilan lang niya ’yon. Baka kamo may babae siya, kaya ayaw niya akong isama kasi ’yon ang pupuntahan niya,” irap kong sagot at sinaksak na lang sa bibig ko ang isang pandesal. Naiinis ako. Talagang naiinis ako. Lagot talaga sa akin ang lalaking ’yon pagbalik, makakatikim na siyang ng sermon mula sa akin. I swear, pagagalitan ko siya at hindi papansinin pagkatapos. “Oo nga, ma’am, ’no? Ganiyan na ganiyan ang mga lalaki kapag may kabit, palagi na lang iniiwan ang kanilang asawa at hindi sila nauubusan ng dahilan.” Napatingin ako kay Ate Bebe at biglang napainom ng tubig. “Gano’n po ba? Naku, mukhang kailangan ko po siyang sundan ng Maynila para malaman ko ang totoo. Malalagot siya sa akin kapag may kabit siya. Makikita niya, hihiwalayan ko agad siya!” Napatayo na ako. “Pero imposible naman na may babae si sir, ma’am. Sa nakikita ko ay mukhang mahal na mahal ka naman ni Sir Kyle.” “Mahal niya ako, pero bakit hindi niya ako magawang isama? Kung ayaw niyang iharap ako sa pamilya niya, ayos lang naman sa akin. Pero sana isama niya pa rin ako sa Maynila, kaysa ewan niyang mag-isa rito sa Mindoro. Palagi niya na lang ako inaabandona.” Hindi ko mapigilan ang magreklamo. I hate this feeling, palagi niya na lang talaga akong inaabandona. “Ano kaya kung sundan mo na lang, ma’am. Para malaman mo kung bakit ayaw ka niyang isama lagi.” Napaisip na ako sa suhestiyon ni Ate Bebe. Tama, mas mabuti nga sundan ko na si Kyle sa Maynila, kaysa mag-isip ako ng kung anu-ano, ma-stress lang ako. “Alam mo po ba ang address ni Kyle sa Maynila?” “Naku hindi, ma’am. Pero ang alam ko ay nasa Quezon City ang bahay ng kaniyang mga magulang at may ari sila ng malaking ospital doon.” Tumango-tango na ako. “Sige, luluwas ako at hahanapin siya. Malilintikan talaga siya sa akin kapag may babae siya.” Kaya naman matapos kong mag-almusal ay agad na akong nag-impake. Sinara ko na ang bahay at ibinilin na lang kay Ate Bebe na bisitahin niya paminsan-minsan. Pagdating ko ng Calapan ay agad akong nagpa-book ng ticket sa barko papuntang Batangas. Halos isang oras lang ang hinihintay ko at umalis na ang barko. Halos tatlong oras lang yata ang naging biyahe sa dagat at dumaong na ang barko sa pier ng Batangas. Medyo madilim pa dahil 4:35 a.m. pa lang. Sumakay na lang ako ng taxi at nagpahatid sa isang hotel. Nakatulog ako agad nang makarating ng hotel. Nang magising ako ay 9:45 a.m. na, kaya agad na akong naligo at nagbihis. Nang matapos ay umalis na ako sakay ng taxi. EZ Hospital ang alam kong pangalan ng ospital na pagmamay-ari ng pamilya ni Kyle sa Quezon City, kaya doon ako nagpahatid sa taxi. Pagkapasok ko ng hospital ay agad akong lumapit sa nurse na nasa front desk. “Excuse me, saan ko matatagpuan si Kyle Fuliencho?” diretso kong tanong nang wala nang paligoy-ligoy pa. Tiningnan ako ng nurse. “Ano po ang kailangan niyo kay doc, ma’am? May appointment po ba kayo sa kaniya?” “Asawa niya ako.” Natigilan ito, pero hindi nagtagal ay bigla na lang natawa sa sagot ko. “Naku, ma’am, wala po akong oras para makipagbiruan sa inyo. Kung talagang asawa kayo ni doc, hindi niyo na itatanong sa akin kung saan siya matatagpuan. Tsaka ang alam ko po ay single pa si doc— ah mali pala, may girlfriend na nga pala. Pero nakita ko na ang girlfriend niya, si Dr. Mica. Hindi po ikaw, ma’am.” Nangunot na ang noo ko. Girlfriend? May girlfriend si Kyle kahit kasal na sa akin? No! No way! Huwag naman sana! “M-may girlfriend si Kyle? Sigurado ka ba?” “Yes po.” Tumango sa akin ang nurse. “Matagal na sila ng girlfriend niya, ang alam ko ay 4 years na sila at nagkakilala sila sa Australia kung saan sila parehong nag-aral ng medisina. Tingin ko nga ay binabalak na nilang magpakasal ngayon. Baka nga ano mang oras ay magpo-propose na si doc Kyle kay doc Mica.” Para akong nanlamig sa narinig at marahas na umiling. Hindi na ako sumagot pa sa nurse at nagmamadali na akong lumabas ng ospital. Natagpuan ko ang sarili ko sa isang café, tahimik na umiiyak habang nakatingin sa kawalan. Wala na akong pakialam pa kung may nakatingin man sa akin basta tuloy-tuloy lang ang pagtulo ng luha ko. Nasaktan ako sa mga nalaman. Kaya ba ayaw akong isama ni Kyle dito sa Maynila ay dahil hindi naman tungkol sa trabaho o pamilya niya ang pinupuntahan niya kundi girlfriend niya? May girlfriend siyang itinatago sa akin kahit kasal na kami? Akala ko ba mahal niya ako? Panlilinlang lang ba lahat ng kaniyang mga binitiwang salita sa akin para mapaniwala niya ako kahit na wala akong maalala? Hindi ko alam kung may katotohanan ba ang mga sinabi ng nurse sa akin kanina. Pero wala naman akong nakikitang dahilan para gumawa ito ng kuwento at magsinungaling sa akin, at base sa ekspresyon ng mukha nito ay parang nagsasabi ng totoo. Ngayon ay hindi ko mapigilan ang masaktan at maiyak. Naninibugho ako at nagagalit. “Malaman-laman ko lang na may babae siya, makikita niya, hihiwalayan ko talaga siya,” umiiyak kong wika nang mag-isa at panay kuha ng tissue para ipunas sa luha ko. Pero nang mapatingin ako sa ilang mga customer sa loob ng café ay nakita kong nakatingin ang mga ito sa akin. Parang nakaramdam naman ako ng hiya, kaya itinigil ko na lang ang pag-iyak ko at napagdesisyonan nang lumabas ng café para bumalik na lang ng hotel. Ngunit sa paglabas ko sa pinto ng café ay bigla na lang kaming nagkabangga ng isang lalaki na papasok sana, pero dahil pareho dahil busy sa kausap nito sa phone ay nabangga ako. “Ano ba naman ’yan, miss!” reklamo pa nito sa akin kahit kasalanan naman niya. Pero inirapan ko lang ito at nilampasan na lang. “L-Lilianne.” Napalingon ako bigla nang marinig ang sinambit nito. Ngunit sa aking paglingon ay hindi ko inaasahan ang gulat na gulat ekspresyon sa mukha ng lalaki habang nakatingin sa akin na akala mo’y nakakita ng tao na muling nabuhay. Inirapan ko na lang ito at pumara na ako ng taxi. Ngunit habang nakatayo ako, naghihintay na may humintong taxi, nagulat na lang ako sa malakas na paghila sa braso ko, dahilan para mapaharap ako. “Lilianne. Ikaw ba ’yan, love?” Nagulat na ako sa biglang paghawak ng lalaki sa mukha ko, ikinulong na nito ang mukha ko sa kaniyang mga kamay habang ang ekspresyon ng mukha ay tila hindi makapaniwala sa kaniyang nakikita. “You’re alive. Ikaw nga ’yan, love ko!” Bigla na ako nitong niyakap. Mas lalo akong nagulat. Pero agad din akong nagpumiglas. “Bitiwan mo nga ako! Hindi kita kilala!” Malakas ko itong itinulak, kaya napabitaw naman ito ng yakap sa akin. Hindi ko na ito hinintay pa mahawakan ako muli dahil mabilis na akong sumakay nang may huminto nang taxi sa harap ko. “Lilianne!” pagtawag pa nito sa akin at balak pa sanang buksan ang pinto ng taxi pero pinigilan ko mula sa loob para hindi nito mabuksan. “Dali na, manong, bilisan niyo po ang pagmamaneho!” agad kong utos sa taxi driver. Mabilis naman itong sumunod sa akin at agad na pinatakbo ang taxi paalis. Ngunit sa aking paglingon ay nakita kong pumara na rin ang lalaki ng taxi, mukhang hahabulin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD