CHAPTER 9

1049 Words
Dinambol na ako ng malakas na kaba nang makitang nakasunod pa rin ang taxi na sinasakyan ng lalaki. Hindi na ako mapakali at nataranta na. Hanggang sa nilabas ko na ang phone ko sa loob ng aking handbag. Dali-dali ko itong binuhay, dahil nakapatay ito mula pa kahapon. Nang mabuhay ay agad kong hinanap ang number ni Kyle at tinawagan. Hindi nagtagal ang pag-ring at agad din itong nasagot ang tawag ko. “Angela! Nasaan ka?! Tumawag sa akin si Ate Bebe kaninang umaga at sinabing umalis ka raw papuntang Maynila! Nasaan ka, ha? Mula kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka makontak! Alam mo bang alalang-alala ako sa ’yo mula pa kanina! Nasaan ka na? Tell me!” galit na bungad sa akin ng asawa ko na halata ang pagkabalisa at pag-aalala sa boses. Medyo nagulat naman ako dahil ngayon lang ako tinaasan ng boses sa phone. Pero isinantabi ko muna ang gulat ko. “K-Kyle, narito ako sakay ng taxi papuntang Lymo Hotel. Pero may lalaking humahabol sa akin ngayon—” “What?!” “P-puntahan mo na lang ako. Sige na, ibaba ko na ’to.” “Angela—” Binabaan ko na ’to ng phone. “Manong, bilis-bilisan niyo naman po ang pagmamaneho at baka maabutan pa ako ng humahabol sa akin!” “Ma’am, mabilis na po ito, at baka maaksidente pa tayo kung pabibilisan ko pa. Ayoko pang mamatay, may pamilya pa ho akong naghihintay sa akin,” sagot ng taxi driver na parang may halo nang inis. “Bakit sino ba ’yon at hinahabol kayo?” tanong nito. Natigilan naman ako nang may mapagtanto. Sino nga ba ’yong lalaki? Parang kilala yata ako? Pero bakit love ang tawag sa akin kanina at Lilianne? Eh hindi naman Lilianne ang pangalan ko kundi Angela. At mukhang hindi naman pamilyar ang kaniyang mukha sa akin. “Hindi ko po siya kilala, manong. Sige na po, bilisan niyo na sa hotel bago pa niya ako maabutan.” “Hays naman.” Napailing na lang ang driver sa akin, pero binilisan naman nito ang pagmamaneho. Nang huminto ang taxi sa harap ng hotel ay mabilis na akong bumaba at tatakbo na sana papasok, ngunit naabutan na ako at nahawakan sa braso ng lalaking humahabol sa akin. “Lilianne, huwag mo naman akong takasan. Mag-usap tayo, love ko.” “Bitiwan mo nga ako! Hindi naman kita kilala!” Malakas kong piniksi ang kamay nito at tumakbo na para pumasok ng hotel. “Ako ’to si Frances!” Napahinto ako sa akmang pagpasok nang marinig ang sinabi nito. Hanggang sa napalingon na ako. “F-Frances?” usal ko, dahil parang napakamilyar sa akin ng pangalan. Hindi ko lang matandaan kung saan ko ba narinig. Pero narinig ko na somewhere. “Ako nga ’to, love.” Parang natuwa ito at mabilis nang lumapit sa akin. Hanggang sa niyakap na naman ako pagkalapit. Ngunit imbes na itulak ito ay hinayaan ko lang dahil nalito na ako. “P-pero hindi naman ako si Lilianne. Angela ang pangalan ko at hindi kita kilala.” Doon ay napabitaw ito ng yakap sa akin. “A-ano’ng sabi mo? Hindi mo ako kilala?” Tumango ako at umatras sa aking likuran. “Talagang hindi kita kilala, at lalong hindi Lilianne ang pangalan ko.” Akmang tatakbo na ako palayo pero mabilis nitong napigilan ang braso ko. “Hindi ako maaaring magkamali. Ikaw ’yan. Malamang pinalabas lang ng hayop mong asawa na patay ka na para makulong ka niya at mapaniwala ako na wala ka na—” “Wala akong naintindihan sa sinasabi mo. Bitiwan mo na nga ako!” Pinilit kong inagaw ang braso ko. Pero imbes na bitiwan na ako ay muli ako nitong niyakap ng mahigpit. “Hindi. Alam kong ikaw ’yan. Kahit anino mo kilalang-kilala ko, kaya alam kong ikaw ’yan. You’re my Lilianne!” “No! Hindi nga ako! Bitiwan mo ako!” Nagpumiglas na ako sa pagyakap nito. Binitiwan naman ako nito pero hinawakan ang mukha ko. “Sumama ka sa akin, itatakas na kita. Magpapakalayo-layo na tayo para hindi na tayo mahanap pa ng walang kuwenta mong asawa—” “No! Hindi ako sasama sa ’yo!” agad kong pagtabig sa kamay nito at tinangka pang tumakbo paalis, pero mabilis nitong nahuli muli ang braso ko at hinila na ako. “Aalis na tayo, itatakas na kita mula sa asawa mo! He don’t deserve you! That asshole! Nalaman kong sinasaktan ka pala ng hayop na ’yon! Talagang pinalabas pang patay ka na para makapagpakasal siya sa iba! Kaya babawiin na kita mula sa kaniya!” Mas lalo akong natakot sa mga narinig. Ano ba’ng pinagsasabi ng lalaking ’to? Baliw ba ’to? “No! Hindi sabi ako sasama sa ’yo dahil hindi naman kita kilala!” Nagmatigas ako sa paghila nito. Pero dahil mas malakas ito sa akin ay nahila pa rin ako nito palapit sa kaniyang kotse at binuksan na ang pinto. “Hindi! Ayoko! Hindi ako sasakay!” “Come on, love! Huwag nang matigas ang ulo! Get in! Itatakas na kita! Pagkakataon na natin ’to!” “No! Hindi sabi ako sasama sa ’yo! Bitiwan mo—” Hindi ko na natuloy ang pagsasalita nang bigla na lang may malakas na umagaw sa braso ko. “Bitiwan mo ang asawa ko!” Sa isang iglap ay bigla na lang bumagsak sa harap ko ang lalaki dahil sa pagsuntok dito ni Kyle na siyang bagong dating. Hindi na nito hinintay pang makatayo ang lalaki dahil hinawakan na ako ng asawa ko sa braso at mabilis na pinapasok sa kaniyang kotse. “Lilianne!” Humabol pa ang lalaki, pero tuluyan na itong naiwan nang pinaharurot na ng asawa ko palayo ang kotse. Para akong nakahinga na ng maluwag nang tuluyan na kaming nakalayo. Nang mapalingon ako ay nakita ko ang lalaki na hindi na humabol pa, nanatili na lang itong nakatayo at nakatanaw sa papalayo naming kotse. “K-Kyle, kilala mo ba ang lalaking ’yon?” “Hindi ko kilala ang baliw na ’yon!” Nagitla ako sa pasigaw na sagot ng asawa ko. Halata ang galit dahil nang mapatingin ako rito ay nasaksihan ko ang pag-igting ng panga at pag-igting ng ugat sa braso dahil sa higpit ng hawak sa manibela at bilis ng pagmamaneho.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD