START
“Ano’ng pinaplano mo? Are you going to kill the patient? She’s still alive, bro!”
“I know. Just shut up. She can’t go back to my brother again. She will just suffer!” sagot niya sa kaibigan at itinurok na sa nakahigang babae ang injection.
“But, bro, ano ba ang plano mo? Kailangan na natin siyang gamutin at baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya kung tatagal!”
“Itikom mo ang bibig mo, Leo. Mamaya tayo mag-usap. But for now, just shut up.”
Natahimik ang kaniyang kaibigan na isa ring neurosurgeon katulad niya, pero naroon pa rin sa mukha nito na naguguluhan sa kaniya, lalo na nang marinig nito ang kaniyang sinabi matapos iturok ang injection sa babae.
“Time of death: 06:34 PM,” he announced, looking at wrist watch.
“What, bro?” Tila hindi makapaniwala ang kaniyang kaibigan na mas lalong naguluhan.
He looked at his friend. “I need your help. Maghanap ka ng clinic, pero huwag na huwag mong ipapaalam sa iba. Just wait me there, darating ako in one hour.”
Naguguluhan man ay tumango na lang ang kaniyang kaibigan.
Matapos ideklarang patay na ay matagumpay niyang nailabas ang babae sa ospital, dahil bukod sa pag-aari ng kaniyang pamilya ang ospital ay pinayagan din siyang ilabas ang babae dahil parte siya ng pamilya.
“She didn’t survive, Kuya. Patay na ang asawa mo, dead on arrival. Dadalhin ko na siya ngayon sa Paradise Crematorium. Let’s just meet there,” balita niya sa kaniyang nakakatandang kapatid nang tawagan niya ito. Hindi niya na ito hinintay pang makasagot dahil agad din niyang binabaan at binilisan na ang pagmamaneho ng sasakyan.
Dinala niya ang babae sa isang crematorium building na pag-aari ng isa sa kaniyang mga kakilala, pero bago siya dumating ay kinausap na niya muna ang may ari nito sa phone at sinabi ang dapat sabihin.
Ngunit pagdating sa crematorium building ay saktong dumating din ang kaniyang nakatatandang kapatid at humagulgol na lang ito nang makita ang lapnos na asawa na nakapikit at parang wala nang buhay kung pagmamasdan.
“Lilianne! Asawa ko! I’m sorry, I’m so sorry for everything! I’m really sorry for hurting you! I’m so sorry, this is all my fault!” paghagulgol kaniyang kapatid at niyakap na lang ang lapnos na babae. Mula sa mga braso at mukha ng babae ay nalapnos, may mga maliit pang bubog ang bumaon sa mga balat nito.
Kumuyom lang ang kaniyang kamao habang pinapanood ang pag-iyak ng nakatatandang kapatid.
Hanggang sa ipinasok na ang babae sa loob ng cremation, at doon ay hinaklit na niya ang kaniyang Kuya palabas ng room at agad itong kinuwelyuhan, malakas na isinandal sa pader.
“Kasalanan mo lahat, Kuya! Wala kang karapatan umiyak dahil hindi mo naman siya minahal! You’re just obsessed with her, but you don’t love her! Nakita ko kung paano mo siya pagbuhatan ng kamay dahil lang sa walang kwenta mong pagseselos! Pero ikaw pala itong may babae!” galit niyang sigaw sa kapatid habang mahigpit na hawak ang kuwelyo ng business suit nitong suot.
“Manahimik ka! Wala kang alam sa pagmamahal ko sa asawa ko! At para sabihin ko sa iyo, wala akong ibang babae! Asawa ko lang ang babae ko at siya lang ang nag-iisang mahal ko!”
Pagak siyang natawa sa sagot ng kaniyang Kuya. “Mahal mo? Saan banda, Kuya? Hindi ko makita kung saan ang sinasabi mong pagmamahal sa kaniya! She’s just your trophy wife! Ate Lilianne doesn't deserve you! Ni hindi mo siya trinato ng tama! You always hurt her physically, mentally, and emotionally! Wala kang kwentang asawa!”
Isang malakas na suntok ang binigay sa kaniya ng nakatatandang kapatid, dahilan para mabitiwan na niya ang pagkuwelyo sa suit nito.
“Huwag mo akong sabihan ng ganiyan! Mahal ko ang asawa ko!”
Ngumisi siya sa kapatid at binalewala ang pagdugo ng labi dahil sa suntok nito.
“You love her, huh? Ibang klase ka rin talaga magmahal. Tingnan mo kung nasaan siya ngayon. She’s dead! And it's all because of you!” pagturo niya rito habang duguan na ang gilid ng labi dahil sa natamong suntok. “Pinabayaan mo siya dahil mas inuna mo pa ang sarili mo! Wala kang pakialam sa damdamin niya because you’re a cheater! You’re an asshole! You’re a dem0n!”
Muli ay isang malakas na suntok pa ang binigay sa kaniya ng kaniyang Kuya.
“Manahimik ka! Akala mo ba hindi ko alam na may gusto ka sa asawa ko?!”
Ngumisi lang siya rito at tumango-tango. “Sana nga ako na lang ang una niyang nakilala, baka hindi niya pa sapitin ang mga nangyari ngayon sa kaniya. Napunta kasi siya sa maling tao, sa walang kwentang katulad mo,” huli niyang wika at tinalikuran na ang nakatatandang kapatid.
Nang makalabas ay mabilis siyang tumakbo sa likod ng building, at doon ay naghihintay na sa kaniya ang isang van. Pumasok siya at pinatakbo na ito paalis. Hanggang dumating siya sa isang clinic kung saan naroon na ang kaibigan niyang neurosurgeon na naghihintay sa kaniya.
“Simulan na natin ang operasyon.”