NAPALUNOK ako nang magtama ang mga mata namin ng asawa kong si Kyle. Nasa kama na kami, nakahiga ako at nakapatong siya sa ibabaw ko, pareho na kaming hubo’t hubad, katunayan ay nararamdaman ko na ang matigas na bagay na tumatusok sa bandang puson ko; napakatigas niyon, parang nakahanda na sa ano mang digmaan.
“K-Kyle . . .” usal ko at hindi mapigilan ang mapalunok. Hindi ko mawari pero parang nakaramdam ako ng kaunting kaba, siguro ay dahil ito ang unang beses na sisipingan niya ako mula nang mawala ang alaala ko.
“Angela, mahal ko . . .” he muttered and gently caressed my cheek as he looked into my eyes. “Maaari ba akong humiling sa ’yo ng isang kahilingan?”
Isang marahan na pagtango ang kumawala sa akin. “S-sure. Ano ’yon?” Nautal pa ako sa pagsagot.
“I want a baby.”
Natigilan ako at medyo nabigla sa narinig. Pero hindi ko mapigilan ang matuwa sa loob loob ko. Gusto na niyang magkaanak? Akala ko ba ayaw niya?
“Y-you want a baby? You mean, gusto mo nang magkaanak tayo?” tanong ko at napalunok pa, medyo kinabahan na ako.
“Hmm.” He nodded. “Matagal ko nang gusto, mahal ko. I just can’t tell you because . . . uhm, Never mind. Now I’m asking you, can I get you pregnant tonight?”
Bahagya na akong natawa, tawa na medyo nahihiya. Bigla yata akong pinamulahan. Parang may kung anong mga paru-paru ang nagliparan sa loob ng dibdib ko.
“A-ano ka ba, bakit kailangan mo pang humingi ng permiso? A-asawa mo ako at t-tungkulin kong bigyan ka ng anak kung g-gusto mo na pala,” sagot ko at napakagat pa sa aking labi. Kinabahan na ako at na-excite. Hindi ko aakalain na siya na mismo ang hihiling. Akala ko talaga ayaw niyang magkaanak kami, kasi dati’y umiwas siya nang tanungin ko tungkol sa pagkakaroon ng anak. Ngunit ngayon ay hindi ko akalain siya na mismo ang hihiling sa akin.
“Matagal ko nang gusto. Ayoko lang na biglain ka lalo na’t wala ka pang maalala. Pero ngayon, hindi ko na kaya pang maghintay ng matagal. Ang hirap magtiis kung alam mo lang.”
Napangiti ako sa kaniyang sagot.
Itinaas ko na ang mga kamay ko at hinaplos ang kaniyang pisngi habang nakatingin sa kaniyang mga mata na ngayo’y nakatingin din sa akin.
“Sino ba naman kasi ang may sabi sa ’yo na magtiis ka? Hindi ba’t tinanong na kita dati tungkol sa pagkakaroon ng anak? Pero umiwas ka, akala ko ayaw mo.” I pouted.
Sumilay na ang kaniyang ngiti sa labi nang marinig ang sagot ko at hinaplos-haplos na ang ulo ko.
“Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Ano man ang mangyari sa hinaharap, akin ka lang. Ipaglalaban kita bilang akin.”
Ngumiti lang ako at tumango bilang tugon. Hanggang sa hinalikan na niya ang noo ko na akin nang ikinapikit para damhin. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sa kaniyang halik, pagmamahal at pagtitiwala. Hinalikan niya ang nakapikit kong mata, dinampian niya rin ng halik ang aking ilong, hanggang sa marahan na niyang sinakop ang labi ko. Doon ay tuluyan na akong rumesponde at buong puso nang tinugon ang kaniyang labi.
Hanggang sa tuluyan nang nagkaisa ang aming katawan. Napasinghap pa ako sa kaniyang marahan na pagpasok dahil medyo nagulat ako. Ramdam ko kung gaano siya kalaki, pakiramdam ko ay nabanat agad ng malala ang p********e ko.
Ngunit nang maipasok na niya ang kaniyang p*********i sa loob ko ay huminto siya at tiningnan ako, isang klase ng tingin na tila nag-aapoy, parang nakakapaso.
“Akin ka na, mahal ko,” kaniya lang anas at muli nang sinakop ang labi ko bago gumalaw na sa ibabaw ko.
Napayakap na lang ako sa kaniyang baywang at napapikit ang mga mata. Pakiramdam ko ay dinadala na ako sa langit dahil sa kaniyang paglabas-masok na sa loob ko. Napakasarap sa pakiramdam, ngunit para akong nahihibang na na hindi na makapag-isip pa ng tama. Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko na umuungol na at sinasalubong na ang hampas ng kaniyang katawan sa akin, sinasabayan na ang kaniyang galaw. Pareho na naming inungol ang pangalan ng sa’t isa.
Ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin habang inaangkin ako, puno ng pagnanasa pero ramdam na ramdam ko ang pagmamahal.
Pareho kaming pagod at pawisan nang matapos. Pinaunan niya na ako sa kaniyang braso at niyakap na ako. Yumakap din ako pabalik sa kaniya habang pareho pa rin kaming hubo’t hubad sa ilalim ng kumot.
“Hindi ko lubos na akalain na magiging akin ka. Pakiramdam ko, nanaginip pa rin ako,” usal ni Kyle habang yakap ako.
Medyo natawa naman ako at tumingala sa kaniya. “Bakit naman ganiyan ka magsalita, mahal? Para namang maraming hadlang sa atin dalawa at hindi ka pa rin makapaniwala na magiging iyo ako kahit na mag-asawa na tayo.”
Nginitian lang niya ako. “Hinding-hindi na talaga kita pakakawalan pa, asawa ko. Akin ka na. Akin na akin.” Hinalikan niya pa ako sa noo.
Napangiti na lang ako at muli nang sumiksik sa kaniyang katawan.
“Oo na, sayong-sayo lang ako. Kung makapagsalita ka naman para namang may aagaw sa akin.”
He chuckled. “Subukan lang nilang agawin ka; kahit kapatid ko pa, nakahanda akong makipaggiyera huwag ka lang maagaw.”
“Grabe ka naman, mahal.” Natawa na lang ako.
Nakatulog kami ng magkayakap at nagising ng magkayakap pa rin.
Ngunit sa pagmulat ko nang aking mga mata ay siyang pagsalubong niya sa aking labi. Hindi na ako nakaangal pa at kahit medyo inaantok pa ay tinugon ko na lang ang kaniyang halik. Hanggang sa nauwi muli kami sa pagtatalik. Nang matapos ay binuhat na niya ako sa loob ng bathroom at sabay kaming naligo.
“Kyle, ano ba!” natatawa kong pagsiko sa kaniya. Kasi naman ang kulit, nakikiliti ako sa kunwari pagsabon niya sa katawan ko pero hinihipuan lang naman ako. Hindi ko akalain na ganito pala siya kapilyo.
“Huwag naman malikot, mahal. Pinagsisilbihan lang naman kita bilang asawa mo,” sagot sa akin
“Hindi ko akalain na ganiyan ka magsilbi sa asawa mo, parang minamanyak mo ako, mahal.”
Natawa si Kyle at niyakap na lang ako matapos halikan sa pisngi. “Nga pala, mahal, balak kong umalis sa isang araw. Luluwas ako ng Maynila para dumalo sa kasal ni kuya, kaya maiiwan muna ulit kita pansamantala.”
“Puwede ba akong sumama, mahal?”
“Pasensiya ka na, ngunit hindi kita maaaring isama.”
Napasimangot na lang ako sa kaniyang sagot at humarap na sa kaniya. “Sige na, isama mo na lang ako. Ayos lang kahit iwanan mo na lang ako sa hotel. Basta gusto kong sumama.”
Ngunit imbes na sagutin ako ay bigla na lang itong lumuhod sa harapan ko. “Hayaan mong pagsilbihan pa kita, mahal ko.” Napasinghap na lang ako nang salubungin ng kaniyang bibig ang p********e ko.
“K-Kyle, uhmm . . .”