CHAPTER 6

2110 Words
KASAL? Gusto ni Kyle na ikasal kami muli bago niya ako angkinin bilang asawa niya? Kinilig naman ako sa sinabi niyang iyon. Nakakatawa lang dahil bakit pa namin kailangan magpakasal ulit para lang maangkin niya ang katawan ko? Eh kung kinasal na rin naman kami dati noong hindi pa nawawala ang alaala ko? Pero sa isipin na pakakasalan niya muli ako para lang maangkin sa muling pagkakataon bilang asawa niya, parang may mga paru-paru ang nagsiliparan sa dibdib ko. Ibang klase rin pala talaga magmahal ang asawa ko at magpakita ng kaniyang respeto. Ang sarap lang sa pakiramdam. Ang suwerte ko sa kaniya, dahil bukod sa guwapo na ay maalaga pa at napaka-gentleman. Ako na yata ang pinakamasuwerteng babae sa buong mundo dahil napaka-perfect na lalaki ang napunta sa akin. Kaya lubos akong nagpapasalamat sa panginoon. Perfect husband ang asawa ko at hindi cheater katulad sa ibang asawa na madalas ko nababalitan nambababae, may bisyo, hindi lang ’yon dahil nambubugbog pa. Ang malas lang ng mga babaeng napunta sa gano’n klaseng lalaki. Pero ako, ang suwerte suwerte ko at napunta ako sa Kyle ko. NGAYON ay hawak-hawak ko na ang bouquet, suot ang aking wedding gown, may belo na nakatakip sa aking mukha, at may ngiti sa labi habang naglalakad sa puting buhangin palapit sa asawa kong si Kyle na napakaguwapo sa suot na white tuxedo. Dito na namin napagdesisyonan magpakasal sa aming beach resort dito sa Puerto Galera. Iilan lang ang mga guest namin, ’yong aming katulong kasama ng kaniyang pamilya at mga kaibigan namin ni Kyle sa aming barangay sa Pinamalayan. Pareho nga lang wala ang parents namin dahil nga wala na rin naman akong mga magulang, matagal na silang patay at nasa Cebu sila nakalibing. Ang parents naman ni Kyle ay hindi imbitado, dahil mukhang hindi pa nakahanda si Kyle na ipaalam sa kaniyang pamilya ang tungkol sa amin. Pero naiintindihan ko naman. Ayos lang sa akin kahit hindi pa niya ako pinapakilala sa kaniyang mga magulang, dahil alam ko naman na darating din kami roon, at nakahanda akong maghintay. Basta ang mahalaga lang ngayon ay mahal namin ang isa’t isa at masaya kami. “Kyle . . .” usal ko pagkahinto sa harap ng asawa ko na ngayo’y titig na titig sa akin, tulalang-tulala kahit nasa harap niya na ako. “Napakaganda mo naman, mahal ko. Ganito na ganito rin ang araw nang una mong binihag ang puso ko. You’re the most beautiful bride that I have ever seen in my whole life,” kaniyang wika sa akin habang nakatitig sa mukha ko. Parang nag-init naman ang pisngi ko sa kilig at nakangiti na lang tinanggap ang kaniyang kamay nang ilahad niya ito sa akin. Sabay kaming humarap sa pari at sinimulan na nga ang wedding ceremony. Tinanong kami ng pari kung tanggap ba namin ang isa’t isa bilang mag-asawa, at pareho namang oo ang sagot namin nang may ngiti sa aming mga labi. Hanggang sa nagpalitan na kami ng vows. “Angela, mahal ko, pinapangako ko sa ’yo na ano man ang mangyari sa hinaharap, narito lang ako na nakahanda kang paglingkuran, pagsilbihan, alagaan, at mahalin ng buong puso. Bumalik man ang alaala mo, lagi mo sanang tatandaan na mahal na mahal kita at nakahanda akong ipaglaban ka sa kahit na kanino. Nakahanda akong talikuran lahat para sa ’yo, gano’n kita kamahal.” Napangiti ako sa kaniyang vows. Wala akong nakahandang vows para sa kaniya, pero sasabihin ko na lang siguro ang gusto kong sabihin. “Kyle, mahal, pinapangako ko rin sa ’yo na bumalik man ang alaala ko o kahit hindi na, mamahalin pa rin kita, pagsisilbihan, at paglilingkuran ng tapat at buong puso bilang asawa mo. Pagsisilbihan kita ng buong tapat. Magiging mabuting asawa ako sa ’yo habang ako’y nabubuhay, pangako ko ’yan.” Napangiti kami sa isa’t isa. Hanggang sa inanunsyo na ng pari ang pagiging muling mag-asawa namin. “You may now kiss the bride.” Marahan nang itinaas ni Kyle ang belo na nakaharang sa mukha ko at hinawakan na ang mukha ko. Pero imbes na halikan ako ay pinagmasdan niya muna ang mukha ko, tinitigan bawat anggulo, ’yong klase ng titig na ramdam na ramdam ko ang pagmamahal. “The woman of my dreams is finally mine,” he said, smiling at me. Hanggang sa napapikit na lang ako ng gawaran niya ako ng halik sa noo. “Again, you’re now Mrs. Fuliencho. Akin na akin ka na ngayon, asawa ko.” Muli siyang ngumiti sa akin. “Sa ’yo naman talaga ako, ah. Kung makapagsalita ka naman ay parang ngayon lang tayo ikinasal,” pabiro ko pang sagot. Napangiti lang si Kyle at hinaplos pa ang pisngi ko, hanggang sa inilapit na ang mukha sa akin at pareho na kaming napapikit. Sabay na namin sinalubong ang labi ng isa’t isa. Narinig ko naman ang masaganang palakpakan mula sa mga guest sa paligid namin. Matapos ang kasal ay kumain lang ang mga guest at nagsiuwian na rin. Naiwan naman kami ni Kyle sa resort nang kaming dalawa lang, dahil pinaalis agad ni Kyle ang mga staff matapos maglinis sa buong paligid. Dito na rin kasi namin naisipan mag-honeymoon sa resort, kaysa gumastos pa kami para lang makapag-honeymoon sa resort ng iba, eh pareho lang naman ’yon, mapapagastos pa kami. At least, dito ay walang istorbo at makakapag-stay kami kung kailan namin gusto kasi kami naman ang may ari. Ngayon ay palubog na ang araw, magkahawak-kamay kami ni Kyle habang naglalakad sa dalampasigan nang nakapaa lang. Suot ko pa rin ang wedding gown ko dahil hindi pa ako nakakapagbihis, at gano’n din si Kyke, suot din nito ang kaniyang puting tuxedo. Napakasarap ng simoy ng hangin, talagang nakakarelax, samahan pa ng magandang view ng sunset. “Mahal, hindi ba nakakatakot dito na tayong dalawa lang ang naiwan?” tanong ko na hindi ko na napigilan pa. Eh kasi naman nakakapanibago dahil wala na talagang katao-tao sa buong resort maliban sa amin dalawa. Ang tahimik tuloy. Ang tanging maririnig lang ay ang tunog ng paghampas ng maliliit na alon sa puting buhangin. “Hindi. Bakit naman ako matatakot kung kasama naman kita?” “Baka kasi may multo sa gabi.” Natawa si Kyle. “Ako ang magmumulto sa ’yo mamayang gabi. Be ready,” pilyo nitong sagot sa akin at kinindatan pa talaga ako. Para naman nag-init bigla ang pisngi ko at nakaramdam ng konting kaba, pero siyempre kaba with excitement. Matapos maglakad-lakad ay naupo na kami ni Kyle sa buhangin, pinaupo niya ako sa kaniyang harap at niyapos ng kaniyang mga paa at bisig. Pinanood namin ang paglubog ng sunset. “Mahal,” pagtawag ko. “Hmm?” “Paano ka nga ulit na in love sa akin? Gusto kong marinig ulit.” Bahagyang natawa si Kyle sa tanong ko at mas lalo akong niyakap bago ako sinagot. “I already told you, I was in love with you at first sight. I first saw you in a church, walking down the aisle, and you're so beautiful that day, a breathtaking woman that I have ever seen in my whole life. Pakiramdam ko nga noon noong unang makita kita ay naglaho lahat ng nasa paligid ko dahil tanging ikaw na lang ang nakikita ko. Pero habang pinapanood kitang naglalakad, kasabay rin no’n ang paglakas ng t***k ng puso ko. Ginulo mo agad ang buong sistema ko sa unang tingin pa lang.” Kinilig ako sa narinig, kahit na ang totoo ay naikuwento na rin naman niya sa akin dati kung paano niya ako unang nakilala. Sinabi niya sa akin na sa isang kasalan kami nagkakilala. Kasal daw ng kaibigan ko at maid of honor ako, and na in love siya sa akin nang makita akong lumalakad sa red carpet habang hawak ang aking bouquet. “Kailan mo naman na-realize sa sarili mo na mahal mo na talaga ako?” muli kong tanong. Sandaling natahimik si Kyle sa tanong ko, pero sinagot pa rin naman ako. “Pag-uwi ko no’n hindi na ako pinatulog pa sa gabi dahil hindi ka na mawala pa sa isipan ko, ’yong ngiti mo ay parang nakikita ko pa rin. Pinilit ko pang limutin ka, pero madalas pa rin kitang makita. Labis pa nga akong nag-alala sa ’yo nang magtagal. Minsan kasi napapanagipan na lang kita na umiiyak. Gusto kitang yakapin pero hindi ko magawa kasi hindi naman kita mahawakan.” Nangunot na ang noo ko. “Bakit naman, Mahal? Minsan na ba akong napahamak dati?” inosente kong tanong, dahil hindi ko masyadong gets ang kaniyang kuwento. “Wala. Wala naman. Pero sa panaginip ko ay hawak ka ng isang demonyo. Umiiyak ka at gusto mo nang makawala sa kaniya, pero hindi ka makawala. Nakatingin lang ako sa ’yo habang pinapahirapan ka ng demonyo na ’yon. Wala akong magawa kundi panoorin ka lang, pinagtanggol naman kita pero walang nangyari. Niyaya pa nga kitang sumama na lang sa akin, pero sabi mo kaya mo na ang sarili mo at huwag na huwag na kitang lalapitan pa dahil ayaw mong magalit sa ’yo ang demonyo. Nagawa pa nga kitang halikan sa labi pero nagalit ka sa akin at sinampal mo ako ng dalawang beses.” Hindi ko na mapigilan ang matawa sa kaniyang kuwento. “Ang weird naman ng panaginip mo, Mahal! Nakakatawa!” “Weird nga. Pero at least ngayon ay akin ka na. Tandaan mong wala ka nang kawalan pa sa akin!” Bigla na lang niya akong binuhat at diretsong itinakbo. “Mahal!” Natawa na lang ako at napayakap sa kaniyang leeg. Dinala na niya ako papasok ng hotel. Pero pagkapasok namin ay napakatahimik naman sa buong building, wala pa ring katao-tao. “Ang creepy, Mahal, sobrang tahimik. Para tuloy tayong nasa isang horror movie.” Natawa lang si Kyle sa sinabi ko. Hanggang sa narating na namin ang aming room sa fourth floor. Pero imbes na ibaba na ako sa pagkakabuhat ay diretso niya akong ipinasok ng bathroom. “Let’s take a shower together, Mahal.” “Tayong dalawa?” Nanlaki naman ang mata ko. “Oh, bakit parang gulat ka? It’s our honeymoon.” Natawa si Kyle at napahinto na, tiningnan na ako. “Teka, ayaw mo ba?” “Ah hehe, g-gusto naman. Sige k-kung gusto mong sumabay sa pagligo, a-ayos lang sa akin.” Nautal pa ako at umiwas na ng tingin sa kaniya. Para kasing bigla akong pinamulahan ng mukha. Sinilip naman ni Kyle ang mukha ko habang nanatiling nakahinto na sa bungad ng pinto ng bathroom at buhat buhat pa rin ako. “Parang uncomfortable ka, Mahal. Ayaw mo yata? Just tell me, irerespeto ko ang gusto mo.” “H-hindi ah, gusto ko!” mabilis kong pag-iling at muling binalik ang tingin sa kaniya. “Gusto ko, Mahal. M-medyo nahihiya lang ako kasi sa dalawang taon na wala akong maalala, at first time natin maligo ngayon nang sabay” Napangiti na si Kyle at ipinasok na ako ng bathroom bago ibinaba sa harap ng salamin. Pero pagtayo ko ay niyakap naman ako sa baywang mula sa likuran at napahinto ako nang amoy-amoyin niya ang leeg ko. Nang mapatingin ako sa salamin ay nagtama naman ang mga mata namin. Nginitian niya ako, at syempre ngumiti rin ako pabalik sa kaniya, ngiti na parang naiilang pero namumula na ang pisngi. “I love you . . .” kaniyang anas sa akin at kinindatan pa ako. Bahagya na lang akong natawa at napangiti. “I love you more, Mahal.” Hanggang sa naramdaman ko ang unti-unting pagbaba ng zipper ng gown ko sa likod. “Tutulungan na kitang hubarin ang gown mo, asawa ko.” Napalunok na ako. I let him unzip my gown. Pero habang marahan niyang ibinababa ang zipper sa likod ng gown ko ay pinapatakan naman niya ng maliliit na halik ang leeg ko. Hindi ko tuloy mapigilan ang makiliti. Parang bigla yata akong nakaramdam ng kaunting kaba. Syempre honeymoon namin ngayon. Hindi nagtagal ay naramdaman ko na ang pagluwag ng gown ko. “Mahal . . .” malamyos na niyang pagtawag sa akin na ngayo’y umakyat na ang halik sa puno ng tainga ko hanggang sa napunta na sa panga ko. “Look at me, mahal ko . . .” Sinunod ko ang kaniyang sinabi, nilingon ko siya. Ngunit sa aking paglingon ay siyang bigla na lang niyang pagsalubong sa labi ko at siniil ako ng halik. Napapikit na lang ako at marahan nang tumugon. Hanggang sa pinaharap na niya ako at sabik na namin tinugon ang isa’t Isa. Naramdaman ko pa ang pagbagsak pababa sa aking baywang ng suot kong gown pero hindi ko na binigyan pa ng pansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD