Chapter 11: Black Assasins' Power

3114 Words
VOLUME 2: Guild's Quest Kirito Kirigaya, 15 years old. Nakatira sa Beika, Metropolis. Halos pitong buwan na siya sa loob ng isang virtual game na kung tawagin ay HQO. Isang online game na sobrang sikat sa buong mundo. Sa pamamagitan ng Beta Head Gear 1.0 ay magagawa na nitong i-transmit ang player's real body papunta sa isang lugar na kung tawagin ay Technologically-maded Dimension (TMD). Isang virtual world na kahalintulad ng isang planeta. Sa larong HQO, tinatawag itong X3000 Heroes Dimension. Tanging ang scientist-inventor na si Naka Nigimoto ang kaisa-isa at kauna-unahang nakabuo nito. Aksidente niya itong natuklasan noong taong 3000. Ito rin ang nagbigay sa kanya ng ideya upang lumikha ng isang Online Real-player Game (RPG) na sa huli ay pinangalanan bilang Heroes Quest Online. Gamit ang konsepto ng Teleporting at Transmitting ay nakaimbento siya ng isang Head Gear na kayang dalhin ang Real-human Body papunta sa costumized body o avatar. Nakatulong kay N. Nigimoto ang mga pag-aaral niya tungkol sa Black Hole. Maraming ulit niyang sinubukan magtugma ang electro-magnetic waves ng Real World papunta sa isang Virtual Dimension. Naging komplikado nga ang bawat trials bago maperpekto at mabuo ang larong ito. Halos maubos na nga ang lahat ng kayamanan niya sa pagbuo ng isang perpektong HQO Kit. At hindi nga nagtagal ay naging successful ang ika-17843 na Kit na kanilang ginawa. Naglabas sila ng 1000 copies para sa Beta Testing at nagtagumpay ito. Naging madali ang paghawak ng kompanya ni Nigimoto sa pagiging GM ng game. Madali ring maka-detect ng mga errors at bugs dahil sa system na meron ang HQO  game. Dahil sa sunod-sunod na progress ay officially nag-release na sila sa publiko ng mga copies. Naglabas sila ng 100 000 copies noong Jan. 22, 3008 at halos 2 weeks lang ang kinailangan para maubos ito. Doon na nga nag-umpisa ang tinatawag na HQO Magic. Simple lang naman ang mechanics ng game. Magpataas ng level, mangolekta ng items na nais ng players, mag-clear ng map, tumapos ng mga quest at events at pumatay ng mga boss monsters. Ginawan rin nila ng required age ang mga nais maglaro. Minsan kasing may isang 8 year old gamer ang nagkaroon ng brain disorder. Natuklasan na may ganitong epekto ang Head Gear sa mga 14 & below ages. Simula noon ay ginawa ng ages 15 & up ang requirements para makapaglaro nito. Sa game na ito ay magagawa nila ang imposible. Naging daan na rin ang game na ito para sa mga gustong magkaroon ng mga bagong kaibigan o pati mamahalin. Naging libangan rin ito ng marami at kadalasan ay ginawa na rin itong way of communication ng iba. Maganda ang game na ito at ito ang first ever Online RPG sa mundo. Subalit noong Nov. 13, 3013 (kilala rin ang month na ito sa tawag na “13”) ay biglang may sumira sa game system na ikinasira rin ng mga HQO Kit. Isang unidentified-virus ang pumasok sa game. Pinangalanan nilang XRG13 at naging parte na ng gaming system bilang Highest Leveled Monster. Nawala ang Login Button sa VS (Visual Screen) ng mga players. Nagkaroon ng bagong rules ang game at ibinalik ang lahat sa starting level ang lahat ng mga nasa loob. Binawalan na rin ang pag-PK (Player Kill) ng mga players dahil sa oras na mag-drop sa zero ang HP ay siguradong mamamatay ito sa loob ng game. Tinatayang nasa isang milyon mahigit ang mga na-trap sa loob. Marami na nga ang namatay sa game na ito at tanging ang pagpuksa lamang sa virus ang nakikitang paraan. Sinasabi na babalik sa normal ang lahat kung matatalo ito. Pero kinakailangang maging malakas ang sinumang gustong humanap at tumapos sa naturang Virus-monster. Ang XRG13 ang strongest AI monster sa HQO at walang nakakaalam kung nasaan ito. Itinigil na nga ang paggawa ng HQO Kit kaya wala ng kahit sino ang maaaring makapasok sa game na ito. Ang lahat nga ay nakasalalay na sa mga players sa loob. Pumasok si Nigito sa larong ito nang makakita siya ng isang Water-proof box na naglalaman ng isang HQO Kit. Kakaiba ang Head Gear at CPU nito kumpara sa normal. May 3 Led lights ang Head Gear sa unahan na hindi niya alam kung para saan. Iba rin ang memory card slot nito, na imbis na sa CPU ay sa mismong loob na ng Head Gear. May pangalan din itong "Alpha" sa hulihan. Magkaganun man ay hindi niya ito pinansin at buong tapang na nag-login sa loob ng game. Dalawa lang ang dahilan niya sa pagpasok dito. Ang hanapin ang kaibigang si Joji at ang hanapin at puksain ang XRG13. Alam niyang kabaliwan ang pangalawa pero parang may kung ano na nagsasabi sa kanyang gawin iyon. Simula nang pumasok siya sa game ay pinalitan na niya ang kanyang pangalan. Nigito Kuzuna. ***** LIMANG level 95 na Golem ang makakalaban nila ngayon. Walang ideya si Nigito sa mga skills nito dahil hindi ito mabasa ng kanyang VS. Kasama nga niya si Asuna at si Mira Angel sa pagharap sa isang Golem. Nakahanda na rin ang Blacksword niya. Para ngang hindi tatalab ang sandata niya sa ganito kalaking AI monster. Isa pa, mukhang napakatigas ng katawan nito. Sumugod na si Nigito na kasunod si Asuna. Ginamit niya kaagad ang Blink at buong lakas na inatake gamit ang kanyang espada. Napatalsik si Nigito nang tumama ang espada niya sa monster. Ang tigas ng AI na iyon at maging si Asuna ay napaatras rin. Continous naman ang pag-hit ni Mira Angel mula sa likod dahil isa itong Range type ngunit parang walang nangyayari sa ginagawa nito. Buo pa rin nga ang HP ng Golem. "Ang kunat nito!" sambit ni Nigito. Bigla ngang yumanig ang paligid at may nagpatakang napakaraming mga bato sa tapat nila. Isa itong skill! Agad itong nag-appear sa VS nila.  "Avalaunch: Stun for 4 seconds and 500 HP damage." Sabay-sabay na ginamit iyon ng mga Golem kaya x5 ang epekto sa kanilang lahat. Bumaba sa 65% ang HP nina Nigito at Asuna. Delikado iyon! Inatake na nga muli sila ng mga AIs. Mabuti na lang at 2 hits lang ang nagawa nito kina Nigito pero makati rin ang damage nito. Bumaba sa 50% HP ang kay Nigito matapos iyon. "Frozen Sword!" Gumamit na nga ng skill ang leader nilang si Echiro. Nabalutan nga ng yelo ang buong paligid at ang lahat ng sandata nila ay umusok sa sobrang lamig. Biglang may nag-appear sa stat ng bawat isa matapos iyon. "Frozen Aura: Adds +100 Attack Damage and have "Froze Effect" that slows 30% enemy movement." Napangisi si Nigito nang mabasa iyon. Astig iyon para sa kanya! "Fire Barrier!" Si Natsu naman ang gumamit ng skill. Nagkaroon ng Fire Shield ang stat ng lahat, isang Defensive skill. "Fire Shield: Adds +20 Armour." Namangha si Nigito sa mga skills na iyon. Pati raw sila ay may additional stats dahil doon. Maganda iyon para sa mga team battles na tulad nito. Gumamit naman ng "Poison Torch" si Dr. Absalom. Napalibutan sila ng 20 Hitting Torches. Continous ang pag-hit ng mga iyon sa mga Golems kaso may mababang damage ang mga iyon. Pero ayos na rin dahil every minute ay minus 100 HP ang nagagawa nito sa mga AIs. Gumamit naman nga si Randell Strong ng "Overpunch" kung saan ay nagawa nitong ma-stun ang lahat ng mga Golems sa loob ng 3 seconds. Nagpatuloy naman sila sa pag-atake sa mga AIs. Halos hindi na  nga makagalaw ang mga ito pero ang laki pa rin ng HP na mayroon ang mga ito. Gumamit nga si Mira Angel ng "Lightning Arrow" niyang skill. "Lightning Arrow: a powerful arrow that damage 500 HP with a 3 seconds stun." Ginamit na nga ni Nigito ang effect ng item niyang Mask Of Madness para maging mabilis ang pag-hit niya sa mga ito. Pakiramdam nga niya ay mababali ang espada niya sa anumang oras. Ramdam niya ang tigas ng Golem na inaatake niya. Tumagal na nga ng halos 30 minutes ang laban pero hindi pa rin nila natatalo ang mga AIs. 65% pa ang remaining HP ng bawat isa sa mga Golems. 10 Salves na nga ang nauubos ni Nigito para lang ma-sustain ang kanyang HP. "Eto na naman sila!" nasambit niya dahil mukhang gagamit na naman ng Avalaunch ang mga Golems. "Ayan na!" "Sound Repel!" Pinatunog bigla ni Heart Brain ang dala nitong gitara at sa mga Golems tumama ang Avalaunch. Ni-reverse nito ang skill ng mga iyon at bumalik sa nga Golems ang atake nila. Hindi na nga mapigilang humanga ni Nigito sa mga skills ng mga kasama niya. Walang-wala raw sa mga skills na mayroon siya. Itinuloy na ngang muli nila ang pag-atake. Itinodo na ni Nigito ang pag-hit niya at palaging critical ang nagiging damage niya. Lalo na silang lumalamang habang nagpapatuloy ang laban. Halos lahat nga sila ay napahinto para mag-heal pero biglang nagcast si Rio Exiquel ng Skill nitong "Refill". Mabilis na napuno ang mga HP ng lahat. Hindi ito gaanong umaatake pero mas nagsu-support si Rio sa kanyang mga kasama sa pamamagitan ng Healing. "Fire Ball!" Direktang damage agad ang ginawang pagtira ni Natsu sa isang Golem. "Fire Ball: Inflicts 500 HP." "Axe s***h!" Gumuhit naman ang isang malaking letter X sa hangin nang nagbitaw si Rinji Oda ng isa pa niyang skill. 600 HP ang damage niyon. "Sword Strikes!" Sunod-sunod at mabilis na pag-hit sa isang Golem naman ang ginawa ni Tobi. "Sword Strikes: 20 consecutive hits that inflicts 300 HP damage each. It also stuns the enemy by 0.5 seconds for every hit." Ang gaganda at ang lulupit talaga ng mga skills na meron ang mga ito para kay Nigito. Kaya nga hindi na niya ginamit ang kanyang level 2 na Dagger. Parang nahihiya siya na ipakita ang tila walang dating na skill niyang iyon. Sa damage na lang nga siya bumabawi. May 20% remaining HP pa ang mga AIs na kinakalaban nila. Hingal na hingal na halos ang karamihan dahil sa tagal ng laban. Ito rin ang unang beses na napalaban nang matagal si Nigito. "Kuzuna at Shitomi! Lumayo kayo sa AI!" utos ni Mira Angel sa kanilang dalawa. Mukhang may binabalak ito. Napansin nga ni Nigito ang parang pag-ilaw ng pana ni Mira. Nag-iipon ito ng power at ang MP range nito ay mabilis na bumaba. "Arrow of Phoenix!" Sa pagtirang iyon ni Mira ay may lumabas na malaking ibon mula sa atake nito at nang tumama ito sa Golem ay mabilis na naubos ang HP nito. Nagliwanag pa ang paligid matapos iyong sumabog. "Wow!" Iyon na lang ang nasambit nina Asuna at Nigito. "Arrow of Phoenix: Requires 2000 MP and it damage 1000 HP with a 30% chance to become a Critical Hit." "Flaming Fist!" sigaw ni Natsu na tumalon nang mataas habang nagliliyab ang isang kamao. Isa namang umaapoy na suntok ang ginamit nito para patumbahin ang ikalawang Golem. Kumawala sa paligid ang malakas na pagsabog matapos iyon. "Flaming Fist: Requires 3800 MP and inflict 2000 HP damage. It also stuns the enemy for 5 seconds." "Omni Wind Strike!" Isang malaking s***h na kulay pula naman ang tumama sa ikatlong Golem. Nagmula ito kay Tobi nga Black Assasins. "Omni Wind Strike: Requires 1800 MP. A s***h that inflict the total difference of the user's HP to the enemy's current HP. It also slows 50% the opponent's movement." "Earthquake!" Pinalo naman ni Rinji ang lupa gamit ang kanyang palakol yumanig ang buong paligid kung saan ay nagawa rin nitong talunin ang isa pang Golem. "Earthquake: Requires 4000 MP. It inflicts HP damage to the opponents total to STR Value x 10." Si Echiro naman, seryosong hinawakan ang kanyang nagyeyelong espada. Bumaba ang HP bar nito at napuno ang MP bar. Nagkaroon bigla ng mga ice particles ang paligid ng kanyang espada. "Frozen Strikes!" bulalas niya. Sa pagwasiwas nga niya ng kanyang espada ay biglang tinamaan ng maraming tipak ng yelo ang Golem hanggang sa tuluyan na itong matalo. "Frozen Strikes: Requires full MP. Can transfer the equal MP needed from HP in order to fill it. It inflicts 2000 HP damage and frooze the enemy for 5 seconds." "CONGRATULATION YOUR PARTY DEFEATED 5 GOLEMS!" Napanganga ang lahat sa ipinakita ng mga miyembro ng Black Assasins Guild. Mabuti na lang at balance ang coins at EXP na natatanggap 'pag ganitong mga party clash dahil kubg hindi, wala silang makukuhang malaki sa mga defeated monsters na iyon. Ang laki ng bigay ng mga high leveled AIs. Napaupo silang lahat sa isang malawak na damuhan nang matapos iyon. Inabot sila ng 1hr. & 22min. bago nila matalo ang limang level 95 na mga AIs. Nagulat na lang nga si Nigito nang biglang may lumabas sa VS niya. "You received Stone Shield!" "Can be equip that can give +100 Armour and +20 STR." Akala ko pa nga ni Nigito ay lahat sila ay nakareceive ng ganitong item pero sabi ni Asuna ay wala daw itong natanggap. Pakiramdam tuloy ni Nigito ay sinwerte siya dahil doon. Pansamantala muna silang tumigil upang magpahinga. "Grabe. Ang tindi ng mga kasama natin dito," ani Asuna habang pinupunasan ang kanyang espada. "Oo nga tapos, nakita mo yung skills ng mga taga-B.A.? Ang tindi! Walang-wala sa skills natin." Natawa na lang si Nigito na inaalala ang mga skills na nakita niya kanina. "Hindi ko na nga ginamit ang Stun ko. Stun lang kasi ang name. Ang pangit pa," wika ni Asuna at napatawa lalo sila. "Hindi na rin nga ako nag-Dagger. Baka magmukha lalo akong newbie." Nagkwentuhan at nagtawanan pa silang dalawa habang nagpapahinga ang lahat. Parang sila nga lang ang maingay doon. "Pwede bang makijoin?" Biglang sumulpot si Nami sa tabi nila. "I mean, baka pwede na dito muna ako. O.P. kasi ako sa mga nandun. Para kasing lahat sila magkakaaway," nakangiting sabi ni Nami. Sa bagay, ang tahimik nga ng lahat na tila lahat ay magkakaaway. Nagtinginan si Nigito at Asuna. Ngumiti ang binata at sinagot naman ito ng dalagasa pamamagitan ng pagtataray. "Sige, 'wag ka lang didikit dito kay Nigito," supladang tugon ni Asuna. Napatawa tuloy si Nami sa tugon nito habang nag-blush naman si Asuna. "Ano ka ba, hindi ko naman gagawin 'yan sa BF mo." Nasamid bigla si Nigito sa sarili nitong laway nang marinig iyon mula kay Nami. Bigla namang napangiti si Asuna. ***** TUMINGALA si Nigito sa langit at sandaling napaisip. Yung mga nakalaban daw nila kanina, tiyak na mas madami pang malalakas na AIs ang kanilang makakalaban habang umuusad ang quest nila. Mabuti na lang daw at malalakas ang mga kasama nila. Pero kahit na ganun, iba pa rin para sa kanya kapag malakas ang kanyang mga items at skills. Kulang pa raw ang mayroon siya para matalo ang game. Kailangan niya rin daw makahanap ng mga kasama. Alam niyang mahihirapan sila ni Asuna kung sila lang. Kailangan niyang mas maging malakas! "Ui, ano ang iniisip mo diyan?" tanong ni Asuna na nasa tabi niya. "W-wala naman!" Nginitian ito ni Nigito at inakbayan. Ipinagpatuloy na nila ang paglalakad. May mga nakakasalubong silang mga AIs pero mga low levels lang ang mga iyon. Ang leader nilang si Echiro, matindi talaga dahil kahit gabi ay patuloy pa rin sila sa paglalakad. Hindi naman makaangal si Nigito dahil ang mga ito ang may pa-event at boluntaryo ang pagsama nila rito. "Asuna.. Kaya mo pa ba?" tanong ko. "Oo naman. Bakit?" tugon ng dalaga. "Baka gusto mo na sumakay sa likod ko?" nakangiting sabi ni Nigito. Bigla ngang kinurot ito ni Asuna at napa-aray ang binata. Naglingunan tuloy sa kanila ang mga kasama nila. Napayuko tuloy ang dalawa dahil sa kahihiyan. "Ikaw kasi," bulong ni Nigito. "Anong ako? Ikaw kaya!" Sila nga lang ni Asuna ang maingay sa grupo, ganoon din si Nami na pakanta-kanta habang naglalakad. Sa mga kasama kasi nila, halos wala silang maririnig na nagsasalita. Wala naman silang choice kundi sumama sa mga ito lalo't hindi nila kayang puntahan ang Millenium Volcano ng sila lang. Halos apat na araw pa silang naglakad bago makalabas mula sa Gigantic Forest. Bago nga iyon ay may nakalaban pa silang isang level 92 na AI, "Rhosoraus". Madali na nilang natalo iyon at talagang nabigla na naman si Nigito nang may nakuha siyang item mula roon. "You received Sword of the Black Dragon: Can be equip and gives +500 Damage and 30% Attack Movement." Hindi pa rin malaman ni Nigito kung bakit lagi siyang may nare-receive. Ang alam niya kasi, mas malaki ang chance ng mga high level players na makakuha ng mga rare items matapos tumalo ng AI. "Ang bilis maglakad ng mga kasama natin!" reklamo ni Asuna sa akin. "Pabayaan mo na. May Blink naman ako, kaya ayos lang kahit medyo nahuhuli tayo," sagot ni Nigito. "Tingnan mo pati si Nami, mukhang ka-vibes na agad si Heart Brain," sabi pa ni Nigito. Patuloy lang sila sa paglalakad kahit na naiiwan na ang dalawa. Ayaw kasing iwanan ni Nigito si Asuna. Nabigla na lang si Nigito nang biglang may dumikit sa likod niya. Bigla siyang hindi makagalaw at nahila siya ng kung ano. "Nigito!" bulalas ni Asuna. Agad nitong hinugot ang kanyang espada. Nakita niya na may mga sapot na nakadikit sa likod ni Nigito. Kaso nang matamaan niya iyon ay bumukas ang kanyang VS. "Invulnerable!" Ito ang lumabas. Rumesbak agad si Nami at pinatamaan ang mga sapot pero ganun din ang lumabas sa VS nito. Naisip naman ni Nigito na mag-Blink ngunit hindi iyon gumana. "Hintayin mo ako Nigito..." humabol si Asuna para tulungan ang binata kaso... "Tumigil ka Shitomi!" utos ni Echiro kay Asuna. "Wala ka ring magagawa o kahit isa man sa atin. Mukhang nahuli siya ng isang Duel-type monster. Sila ang nga AI na naghahanap ng mga player na gusto nilang labanan!" paliwanag nito sa lahat. "Ang tanging paraan lamang upang makatakas si Kuzuna ay kung lalabanan niya ito at tatalunin," dagdag pa nito. Ngayon lang nakarinig si Nigito ng ganung uri ng monster. Bigla na lang nga siyang napadpad sa loob ng isang transparent red barrier. Tulad rin ito ng barrier sa players duel. Halata sa itsura ni Asuna ang pag-aalala. Kaso wala siyang magawa. Nawala na ang sapot sa likod ni Nigito. Nakatayo na siya sa loob ng barrier. Alam niyang may isang taong nag-aalala sa kanya kaya tumingin siya sa direksyon ni Asuna. Nginitian ni Nigito ang dalaga. Nag-thumbs up siya para sabihing okay lang siya. Sandaling nayanig ang paligid at doon na nga unti-unting lumitaw ang AI na lalabanan ni Nigito. Napamulaga ang lahat, lalo na si Asuna. "Delikado si Kuzuna. Malaki ang level gap niya mula sa AI!" sambit ni Tobi. "Wala na tayong magagawa," wika naman ni Echiro. "Nerubian Giant Spider: Level 105!" Napaupo si Nigito sa kinatatayuan niya nang makita ito. Isa itong malaking gagamba at tila isa siyang langgam kumpara rito. Kaya bang talunin ng isang level 41 ang AI na ito? Nakaramdam si Nigito ng takot. Ang apat na mga mata ng AI ay nakatitig sa kanya. Isa pa, napakahaba ng mga galamay nito. Isa lang ang malinaw! Dehado siya sa labang ito! Seryosong tumayo si Nigito at pinakalma ang sarili. Hinugot niya ang kanyang espada. Sandali rin siyang sulyapan ang mga nasa labas ng barrier. Nakita niya si Asuna, umiiyak. Napailing siya. Iniisip ba nilang mamatay na siya? Level 41 pa lang siya? Makakaya niya bang talunin ito? Huminga nang malalim si Nigito. Nilabanan niya ang kanyang takot. Narito na siya at wala na siyang magagawa kundi lumaban. "Hindi pwedeng dito magtapos ang lahat.." "Laban na! Nerubian!" Sambit ni Nigito na seryosong pinagmamasdan ang kakalabaning dambuhalang AI. TO BE CONTINUED!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD