Introduction
Heroes Quest Online
By TaongSorbetes
Prologue:
NAPUNO ng yelo ang buong paligid. Isang skill ang pinagmulan nito na nagmula sa isang Level 25 na one-handed swordman.
Nahirapang gumalaw ang Mud Hollow dahil hindi akma sa kanya ang battle ground.
Sa isang kisap-mata ay biglang lumitaw sa itaas nito ang swordman. Malakas na bulalas ang umalingawngaw sa paligid at buong lakas nitong itinarak ang kanyang nagyeyelong espada sa katawan ng monster. Naging 0 ang HP nito at agad itong naglaho. Nabasag na animo'y isang salamin.
Para namang walang nangyari. Kalmado nitong ibinalik ang kanyang espada at mabilis na umalis matapos makamit ang pagkapanalo.
NAPAKAUNLAD na ng earth pagdating sa technology. Taong 3013 ay ang panahon na kung saan masasabing nasa rurok na ang mundo pagdating sa ganitong aspeto. Iba't ibang gadgets ang naimbento. Mga robot na tulad na ng tao. Space Shuttles na kayang nang marating ang kahit saang sulok ng kalawakan...
At ang pinaka-popular, ang online gaming.
Hindi mo na kailangang humarap sa monitor ng computer. Iclick ang mouse upang magbigay command sa avatar. Dahil sa panahong ito, mismong tao na ang naglalaro.
VRMMORPG (Virtual Reality Massively Multiplayer Online), ito na ang bansag sa makabagong online gaming. Mga game na may kakayahang pakilusin ang avatar gamit ang isip. Sa tulong ng pulser, nervegear at iba pa, human-player na mismo ang kikilos batay sa nais nito. Isang laro nga ang pinaka-popular pagdating dito...
Ang HEROES QUEST ONLINE [HQO]; isa sa mga ORPG na kinahuhumalingan ng marami. Isa sa mga game na may simplest goals at rules.
Hunt, Quest at Kill. Gan'yan lang kasimple para makapagpataas ng level.
Mga Artificial Intelligent (AI) o mga monster naman ang kalaban sa larong ito. Sa bawat ganitong mapapatay o matatalo na kapwa hero ay madadagdagan ang Experience Points (EXP) ng isang player na kailangan upang tumaas ang level. Makakakuha rin ng coins na kailangan upang makabili ng items. May mga item na common at mayroon ding rare. Mayroong nabibili, naiigrant, at mayroon ding nada-drop mula sa mga AI. Napakaimportante ng mga ito. Hindi lang para mapataas ang Basic Stat; Damage, Speed at Armour, mahalaga rin ito lalong-lalo na sa 3 main Stat ng isang player; (1) Strength [Str]: na malaki ang tulong upang mas dumami ang maximum Hit Points [HP], (2) Agility [Agi]: na makakapagdagdag ng normal speed at attack speed, at (3) Intelligence [Int]: na napakahalaga naman para mapataas ang maximum Mana Points [MP] na kailangan ng mga skill-type heroes.
May advanced graphics at high definition din ang game kaya tila makatotohanan ang game.
NGUNIT isang araw, hindi inaasahan na mapapasok ito ng isang virus. Ang dating masayang game ay mapapalitan... Isa na itong game of life [Death Game].
Kakayanin mo bang ipagpatuloy ang game kung sa oras na maging 0 ang iyong HP ay awtomatiko ka nang mamamatay?
Kaya mo bang tapusin ang game para makaligtas ka?
Paano kung ma-trap sa game ang kaibigan mo?
Ililigtas mo ba siya?
O hahayaan mo na lang siya?
Tanong ko lang!
MAGLALARO KA PA BA?