LUMAKAS na ang kabog sa dibdib ni Nigito nang makita niya ang higanteng AI na dapat niyang talunin. Paano nga ba niya matatalo ang AI na halos 3x ang level gap kumpara sa kanya?
Pero kahit na ganoon, nilabanan niya ang kaba. Kung mamamatay siya, dapat ay lumaban siya. Iyon lang ang tanging magagawa niya.
Napahigpit si Nigito sa pagkakahawak sa espada niya. Mukhang magsisimula na ang laban dahil kumilos na ang galamay ng Nerubian.
Ang bilis! Biglang tumalsik si Nigito nang tumaba sa kanya ang galamay ng kalaban. 25% HP kaagad ang nabawas sa sa kanya. Normal Hit lang iyon pero ang laki ng damage na nagawa sa kanya.
Mabilis nga siyang bumangon.
Agad siyang nag-Blink at inatake ang AI sa katawan nito gamit ang kanyang espada. 5 hits ang kanyang binitawan sabay talon uli palayo, pero parang hindi man lang nabawasan ang HP ng Nerubian. Alam niyang hindi niya ito matatalo kung ganito kababa ang damage output niya. Mabilis nga siyang tumakbo para iwasan ang mga atake ng AI. Napapayanig nga noon ang paligid dahil sa lakas.
Lamang si Nigito sa bilis at iyon lang nakikita niyang advantage laban dito.
"Masyadong malaki ang gap nila. Wala akong makitang chance na maiipanalo ni Kuzuna ang duel na ito," wika ni Echiro na seryosong nanonood sa labas.
"Kahit ilang hit pa ang pakawalan niya ay hindi pa rin niya ito matatalo. Masyadong mababa ang normal damage niya. Mataas rin ang armour stats ng Nerubian. Himala na nga lang ang makakatulong sa kanya," dagdag naman ni Kinji.
"M-mananalo si Nigito... Mananalo siya!" paulit-ulit namang sinabi ni Asuna sa sarili. Kanina pa din siyang nakahawak sa kanyang espada.
Lahat sila ay seryosong nanunood sa labas ng barrier.
Samantala, hindi naman makagalaw si Nigito dahil nakatapak siya ng Sticky Web na isang skill ng kalaban. Hindi tuloy siya makagalaw na tila ba stun sa loob ng 5 seconds. Wala siyang nagawa kundi ang gamitin ang espada para depensahan ang kanyang sarili.
Sinalo niyang lahat ang atake ng Nerubian.
15% na lang nga ang natitira niyang HP matapos iyon. Sira-sira na rin ang kanyang damit matapos iyon. Agad nga siyang tumalon paatras at agad gumamit ng Healing Salve. Kaso, nag-error iyon.
"Item can't be use!" Nagulat si Nigito sa paglabas noon sa VS niya. Isang passive skill ng kalaban ang pumipigil sa paggamit niya ng Healing Items. "Seal", skill na pumipigil sa paggamit ng mga ito.
"Ano na'ng gagawin ko?" sambit niya at mabilis niyang iniwasan ang bawat atake ng AI. Isang pagkakamali ay mamatay siya. Ito na lang ang magagawa magagawa niya ang umiwas. Nakatulong nga rin sa kanya ang Dagger para pansamantalang bumagal ang movement ng AI. Pinagtatiyagaan niya itong i-hit subalit may Healing Aura rin pala ito. Mabilis nitong nababawi ang mga nawawalang HP kaya tila walang silbi ang kanyang ginagawa laban sa Nerubian.
Dehado talaga siya sa simula pa lang. Isa pa, napapagod din siyang umilag sa mga atake ng kalaban, pero no choice siya dahil iyon lang ang tangi niyang magagawa.
"Nahihirapan syang mapababa ang HP ng AI," wika ni Tobi na seryosong nanonood ng laban.
"Masyadong advance ang skills ng AI kumpara sa skills ni Kuzuna. Kailangan niya ng items na kayang sumabay sa mga malalakas na AIs. Pero imposibleng meron siya dahil level 41 pa lamang siya," paliwanag naman ni Echiro.
"Hindi rin siya pwedeng mag-heal. Wala ng pag-asa si Kuzuna..." dagdag naman ni Natsu.
"Hoy! Nigito! Talunin mo ang monster na iyan! Ako na lang ang nagtitiwalang matatalo mo iyan!"
Napayuko na lang si Asuna matapos iyon. Wala na siyang pakialam kung ipagtinginan siya. Siya lang ang naniniwalang makakaya ni Nigito na manalo sa laban nito.
Tiwala. Ito ang bagay na tanging maiibigay niya sa binata sa mga sandaling iyon.
Kitang-kita ni Nigito sa mga mata ni Asuna ang pangamba matapos niyang marinig ang sigaw nito.
"Salamat Asuna..." sambit ni Nigito na seryosong inihanda ang sarili. Ang nasa isip niya nang sandaling iyon...
"Tatalunin kita Nerubian!"
Ginamit ni Nigito ang Blink at sa paglitaw niya sa katawan ng AI ay tatlong mabilis at malakas na hits ang kanyang binitawan.
Critical Hit! Napangisi siya nang makitang bumaba sa 80% ang HP ng kalaban. Ginamit muli niya ang Dagger at binigyan uli ng magkakasunod na atake ang kalaban.
70% ang natira sa HP ng AI. Si Nigito naman, unti-unting nagkakalaman ang HP dahil sa lifesteal.
"Maganda ang ipinapakita niya. Nagawa na niya ring mabawasan ang HP ng AI," wika ni Mira.
"Sin'werte s'ya sa Buriza niyang item. Tumaas kasi ang critical chance niya. Pero di pa rin ito sapat," wika pa rin ni Echiro.
Patuloy ang laban sa loob ng barrier.
Napatalsik uli si Nigito nang matamaan na naman siya ng isang atake ng kalaban. 25% HP ang natira sa kanyang buhay at ang masaklap... Tumalsik palayo ang Blacksword niya.
Napatakbo na lang siya para iwasan ang maraming galamay ng kalaban. Pinilit niyang iwasan ang lahat ng atake ng kalaban, kaso tinamaan bigla siya ng "Sticky Web". Napaluhod siya matapos siyang matamaan muli ng Nerubian. 10% HP na lang ang natira sa HP niya at isa pang atake ay matatalo na ang binata.
"Game over..." sambit ni Echiro na napayuko na lang.
Si Asuna, biglang nakitang umiiyak ni Nigito. Sumisigaw ito habang patuloy na nakatingin sa kanya. Unti-unti nang naglalaho ang pandinig ni Nigito, epekto iyon ng nasa critical level na niyang HP. Unti-unti na ngang lumalapit ang galamay ng Nerubian patungo sa kanya. Bago iyon ay nagdilim bigla ang paningin ni Nigito.
Nayanig ang paligid at umalingawngaw ang malakas na pagsabog sa loob ng barrier. Napuno ng usok ang loob. Napailing na lang ang lahat matapos iyon. Isang buhay na nga ang nawala.
Umiiyak na napaluhod sa lupa si Asuna.
"Isang buhay na naman ang nawala," wika ni Tobi na inihahanda ang sarili para patayin ang Nerubian.
"Wala tayong magagawa. Marami na talagang buhay ang kinuha ng larong ito. Siguro sa susunod ay dapat mas maingat na tayo," dagdag naman ni Echiro na hinahawakan na rin ang kanyang espada.
Naririnig nila ang pag-iyak ni Asuna, pero wala na silang magagawa.
"Asuna. Tama na ang iyak. Mas lalo siyang malulungkot 'pag nakita ka niyang ganyan," wika ni Nami na pinipilit pakalmahin si Asuna. Halos maiyak na nga rin ito sa mga nangyari. Ang ilan naman sa kanila ay parang normal lang ang mga nangyari. Sanay na siguro sila sa ganitong pangyayari sa game. Sanay na silang makakita ng mga namamatay na players.
Mas pinili na lang nilang ihanda ang kanilang mga sarili. Balak nilang tapusin ang Nerubian Giant Spider sa oras na matanggal ang barrier.
Tumayo si Asuna at pinunasan ang kanyang luha. Unti unti na ring inayos niya ang kanyang sarili. Hinugot na nga niya ang kanyang espada.
"Pagbabayaran mo ang mga ginawa mo sa lalaking nagpapasaya sa akin! Tatapusin kita!" Galit na sinabi ni Asuna nang sandaling iyon.
*****
HINDI pa rin nawawala ang alikabok na bumabalot sa loob ng barrier. Buti na lang at may gamit si Nigito na lenses. Kasalukuyan pa rin siyang hinahanap ng AI na tila hindi siya mahanap dahil sa usok at alikabok na bumabalot sa loob.
Mabuti na lang at umabot sa oras ang pag-eequip ni Nigito sa "Stone Shield". Katulad ito ang kulay ng mga Golems na nakalaban nila dati. Dahil dito, 2% lang ang nabawas sa kanyang HP at 8% na lang ang natitira sa kanya.
Nasa poder pa rin niya ang swerte.
Ang Stone Shield, isa itong rare equipment item. Ginamit niya ring pagkakataon iyon upang makuha ang kanyang espada.
"Astig!" sambit ni Nigito matapos niyang makita ang kanyang espada.
Hawak niya sa kaliwang kamay ang Stone Shield at ang Blacksword naman sa kanan. Pakiramdam niya ay kaya na niyang makipagsabayan sa monster na kanyang kalaban.
May kabigatan nga lang ang Stone Shield. Tila nabawasan ang kanyang speed dahil doon. First time niya ring makagamit nito. Napansin nga rin niya ang pagtaas ng 15% ng kanyang HP capacity subalit nabawasan naman ng 6% ang movement speed niya. Agad nga niyang tinungo ang ilalim na katawan ng AI. Kailangan niyang umatake para maka-Lifesteal. Ginamit niya ang pagkakataong hindi pa nawawala ang alikabok sa loob.
Ngunit hindi pa rin niya kayang matalo ang AI. Masyado talaga itong makunat at matigas. Tinagpas ni Nigito ang ilan nitong galamay pero mabilis din itong tumutubo.
Nahihirapan pa rin siya na pababain ang HP nito. Napansin na nga lang niyang nawawala na rin ang alikabok na bumabalot sa loob ng barrier.
Laking-gulat nga ng mga nasa labas nang makita siya.
"I-imposible..." bulalas ni Echiro.
"Isang Equipable Item? Paano siya nakakuha ng ganoong item? Sa New World lang makakabili ng ganyang item? At isa pa, level 41 pa lamang siya para makakuha nito mula sa dropped items!" dagdag pa nito na hindi pa rin makapaniwala.
"Kamangha-mangha... Sino'ng mag-aakalang mayroon siya ng gan'yang uri ng item?" sabat pa ni Tobi.
Hindi sila makapaniwala nang makitang hawak ni Nigito ang Stone Shield.
"Maaari kayang Drop Item iyon mula sa mga Golems? Pero napakaliit ng chance niya para maka-receive nito. Imposible talaga." Hindi pa rin talaga makapaniwala si Echiro sa mga nangyari.
Saglit ngang napatingin si Nigito kay Asuna. Nginitian niya ito pagkatapos.
"Talunin mo na iyan at aalis na tayo!" Sigaw ni Asuna na bakas sa mukha ang labis na pag-aalala.
Napangiti si Asuna at ganoon na rin si Nami.
Pinagpatuloy ni Nigito ang palitan niya ng atake kontra sa Nerubian. Halos 30 minutes na silang nagba-battle subalit mataas pa rin ang HP nito. Mabuti na lang talaga at may Lifestealer ang binata. 60% na ang HP ni Nigito. Nakakaramdam siya ng pagod pero nilalabanan niya iyon.
Binuklat niya ang kanyang VS habang tumatakbo. May isang item siyang naalala. Mabilis niya itong hinanap.
"Ang Sword of the Black Dragon."
Kaso, bago pa man niya ito magamit ay biglang napalibutang ang katawan niya ng napakaraming sapot. Skill ito! "Wrap", stop enemies for 5 seconds and inflict 5000 HP and add 20% Attack Movement. Ang bilis ng naging pag-atake ng kalaban dahil doon.
10% agad ang natira sa HP ni Nigito. Kung wala siyang hawak na Shield ay baka patay na siya. Nang mawala nga ang effect ng Wrap ay mabilis siyang tumalon palayo.
"Delikado pa rin ako..." bulalas ni Nigito.
Bigla na nga lang nahila ang Stone Shield niyang gamit. Ginamit ng AI ang sapot nito upang makuha iyon.
Dito na nga napatakbo si Nigito. Limang segundo pa at lalabas na ang espada niyang gagamitin. Nag-switch na rin siya sa Dual Sword Type. Gusto niya pa ring gamitin ang Blacksword.
Nayanig ang buong paligid. Doon ay pinaulanan ng atake ng Nerubian si Nigito. Umalingawngaw nga ang malakas na pagsabog.
*****
"Naalis ang Stone Shield. Mukhang hindi na siya makakalusot sa atakeng iyon," wika ni Kinji.
"Hindi pa... Tingnan mong mabuti..." tugon ni Echiro na napakuyom na lang ng kamao. Unti-unti siyang nagulat nang makita si Nigito habang nasa ere. May isang espadang pinalabas ito.
"I-isa na namang napakalakas na Item. P-paano siya nakakuha ng ganong mga items!?" dagdag pa ni Echiro na mas napaseryoso sa mga mangyayari.
Timing lang ginamit ni Nigito nang magbitaw siya ng Dagger. Na-slow ang AI at mabilis siyang nag-Blink sa taas. Dahil doon ay naiwasan niya ang atake ng Nerubian.
Ang espadang hawak niya, napakagaan. Namangha siya nang makita iyon. May emblem na dragon ang talim. Ang damage stats niya, tumaas ng triple. Tumalon si Nigito patungo sa likod ng AI.
Naramdaman din niya ang speed upgrade niya dahil sa espada.
Gumawa siya ng malaking guhit sa katawan ng dambuhalang gagamba, matapos niyang patamaan ang likod nito.
Ang lakas din ng impact niyon na naging dahilan para mapadapa ang Nerubian. Niyanig nga noon ang buong lugar. Ang laki rin agad ng naibawas nito sa HP ng kalaban.
"Wow! Ang tindi ng Item na ito!" nasambit na lang ni Nigito.
Umatras nga muna siya dahil biglang may lumitaw sa VS niya.
"Weapon Skill: Dragon Strike."
Tumalon na nga si Nigito sa ere at pagkatapos ay ginamit niya ang skill na iyon. Iwinasiwas niya ang espada sa hangin, sa tapat ng AI.
Isang itim na dragon nga ang lumitaw mula roon at naging guhit ito na direktang tumagos sa katawan ng AI. Kumalat ang guhit na iyon sa katawan ng kalaban at biglang nagkahati-hati. Sumabog iyon pagkatapos at nakangising lumapag sa ibaba si Nigito.
Nag-drop agad sa zero ang HP ng Nerubian at unti-unting nagkalasog-lasog ang katawan. Sa huli ay nabasag na ito na parang salamin.
"Dragon Strike: 5x Normal Attack Damage & can be use from a certain distance. No MP needed."
Napa-wow na lang si Nigito habang nakatingin sa kanyang espadang ginamit. Umuusok pa ang talim nito at hindi siya makapaniwalang tinalo niya ang Nerubian na Level 105.
"CONGRATULATIONS! YOU DEFEATED THE MONSTER!"
Ang laki ng nakuhang EXP at coins ni Nigito mula roon. Nag-level-up din siya. Level 42 na siya at half EXP na lang at level-up na naman ito.
Napatalon nga sa tuwa si Nigito dahil sa pagkapanalo.
Unti-unti nang nawala ang Barrier. Ang mga kasama ng binata, lahat sila ay nagpapalakpakan. Hindi sigurado si Nugito pero kitang-kita niya ang tuwa sa mukha ng mga ito.
Napapitlag na lang si Nigito nang biglang may yumakap sa kanya. Si Asuna.
"Baliw ka talaga! Pinag-alala mo pa ako."
Napangiti si Nigito nang muling makita si Asuna na nakangiti at masaya. Kanina'y akala niyang katapusan na niya, pero hindi pa pala. Hindi siya matatalo basta-basta hangga't may nagtitiwala sa kanya.
TO BE CONTINUED!