Chapter 10: Quest with the Unknowns

2022 Words
GINAMIT nina Asuna at Nigito ang alikabok upang lumikha ito ng pambulag sa kalabang monster. Sinimulan na nila ang pag-atake. Isinasadsad nila ang espada nila sa lupa para mas dumami pa ang alikabok. Gumagamit kasi sila ng item na lens, kung tawagin ay Clear Vision Eye Lens. 70%... 60%... 40%... 30%... Paubos na nang paubos ang HP ng monster sa kanilang ginagawa. Nabawi na rin nila ang mga HP na nawala sa kanila dahil sa Lifesteal. "Stun!" Halatang hindi na talaga nila balak pahiritin ang kalabang AI. "Final attack!" Tumalon sila ng ubod ng taas. Iniangat nila ang kanilang espada para itarak ito sa katawan ng monster. Parang bulalakaw nga na tumama sa lupa ang guhit ng kanilang mga espada. Isang malakas na impact ang naramdaman sa paligid at nahati nga sa tatlo ang katawan ng monster bago ito tuluyang nagkadurog-durog. Nabasag iyon na tila isang salamin. "Congratulation! You defeated the monster!" Napalundag nga sa tuwa ang dalawa. Si Asuna ang naka-last hit kaya mas malaki ang nakuha niyang EXP. "Nakakapagod..." Napaupo nga sa lupa si Nigito habang napaluhod naman si Asuna. "Ang galing no'ng Phase 3 na naisip mo. Ginamit mo ang alikabok para maging invisible tayo," wika ni Asuna habang naghe-heal. "Minsan kasi, hindi natin kailangang gumamit ng skill para matalo ang kalaban. Natutunan ko iyan habang nagpapalevel ako mag-isa!" sambit ni Nigito. Nagulat na nga lang sila nang may narinig silang pumapalakpak mula sa kung saan. "Ang galing!" Napatayo na lang sila nang biglang may sumulpot na isang player. Mukhang kanina pa silang pinapanuod nito. Isang babaeng player na may katangkaran at nasa pagitan ng edad na 20-22. Sa larong ito, lahat ng lalake sa real world ay lalake rin dito. Ganun din sa mga babae kaya hindi dito mapepeke ang gender ng mga players. Ang edad sa real world ay sumasalamin din sa itsura dito sa loob ng laro. Nakasuot ito ng fit na itim na jeans kaya litaw na litaw ang mausli nitong pwet. Maganda rin ito at tanging b*a na green lang ang suot nito kaya kahit sino ay hindi maiiwasang mapatingin sa mabilog nitong mga dibdib. Mahaba ang kulay orange nitong buhok. At may nakasakbat sa balikat nito na isang makintab na pipe na kasintaba ng braso at nasa 4ft. ang haba. Nami Strauss Level 33 4300 HP 750 MP +28.3 Armour 180+100 Damage STR-70 AGI-95 INT-80 Range Type Hero "Ano ang kailangan mo?" tanong ni Nigito dito. Napapitlag na lang nga si Asuna nang makita niya itong hawak-hawak na agad ang mga kamay ni Nigito. Namumungay ang mga mata at halatang nang-aakit. "Ikaw ang kailangan ko. Pwede mong hawakan ang dibdib ko kung gusto mo." Pulang-pula at pawisan na nga si Nigito dahil doon. Bigla namang nagdilim ang paningin ni Asuna sa kanyang nakikita. Napatayo siya at napakuyom ng kamao. "Eh.. N-..Naku. Bata pa po ako! Hehehe!" agad lumayo si Nigito dahil hiyang-hiya sya dito. "Asus.. Ayos lang yun. Lalong-lalo na kung sa kagaya mong cute!" wika pa ni Nami. Sinulyapan ni Nigito si Asuna. Umuusok na ang ilong nito. Pansin ito ni Nami kaya mas lalo pa syang nagpacute kay Nigito. Laking gulat na lang ni Nigito dahil mukhang aalisin ni Nami ang berde nitong b*a. Para ng lalagnatin si Nigito nang mga oras na iyon. Pilit niyang nilalabanan ang tukso subalit tao lang siya. Lalaki. Wala na siyang nagawa. Aalisin na nga sana ni Nami ang b*a nito nang biglang... Isang malakas na suntok ang ibinigay ni Asuna kay Nigito. Galit na galit, pulang-pula ang mukha at nagdidilim na ang paningin nito. Halos bumaon na ngq ang ulo ni Nigito sa lupa dahil sa lakas ng tumama dito. Nanggigigil at nanginginig pa ang kamao ni Asuna matapos iyon. Parang may nais pa siyang patumbahin. Habang napanganga naman si Nami sa mga nakita. Agad niyang inayos ang b*a niya dahil sa takot. "G-grabe. Kung monster 'yun, malamang patay agad 'yun. Level 33 ako samantalang 35 ang babaeng ito. Kayang-kaya niya akong i-PK (Player Kill). Wala akong laban..." Nanginginig pa ito habang iniisip iyon. Nawalan pa nga yata si Nigito ng malay dahil sa lakas ng impact ng suntok dito. "At ikaw babae..." Nagdidilim pa rin ang paningin ni Asuna habang hinihimas ang kanang kamao niya. "N-naku! S-so-Sorry. Sige. Maiwan ko na kayo." Kumaripas na nga ng takbo palayo si Nami. Doon ay naiwan nga muli sina Nigito at Asuna sa loob ng gubat. Napabuntong-hininga na nga lang si Asuna at ikinalma ang sarili. Umupo muna siya sa tabi ng isang puno habang hinintay magkamalay si Nigito. "Yan ang bagay sa'yo!" Ilang sandali pa'y nagkamalay na rin ito. Ini-stretch niya ang leeg niya dahil para daw itong napilipit. Inilibot niya ang kanyang tingin sa paligid matapos iyon. "Panaginip ba iyon? Ang sakit ng baba at leeg ko!" daing pa niya. "Hoy Nigito!" tawag bigla ni Asuna. Kinabahan na si Nigito kaya't hindi na niya nagawang tumayo. Madilim pa rin ang tingin ni Asuna at seryosong papalapit sa kanya. "T-totoo nga!" Nanginginig na sa takot si Nigito habang papalapit ito sa kanya. Subalit laking-gulat nito nang bigla siyang niyakap ng dalaga. "S-sorry. Ikaw kasi." Nagtatampong boses ni Asuna habang marahang hinahampas ang dibdib ni Nigito. Alam na ni Nigito ang dahilan kaya gumanti na rin siya ng yakap. Napangiti tuloy si Asuna dahil doon. "Wag kang mag-alala! Ikaw lang ang nag-iisang partner ko," bulong ni Nigito na naging dahilan para mapangiti lalo si Asuna. ***** SA Devil Forest na sila nagpalipas ng araw. Pinaghandaan talaga nila ang quest patungong Millenium Volcano. May mga monsters pa silang tinalo bago iyon. "Let's go!" yakag ni Nigito. "Taralets!" Hinawakan naman ni Asuna ang kamay ni Nigito habang naglalakad papunta sa labasan ng village. Pagdating nila doon ay laking gulat ni Nigito. "T-teka? Isa... Dalawa?" "15 lang tayo? Totoo ba ito?" pagtataka ni Nigito habang iniisa-isa ang mga nasa paligid. "Masyadong mapanganib ang pagpunta sa Millenium Volcano. Pansin n'yo, lima lang ang kasapi ng Black Assasins dito. At lahat sila ay naka-hide ang stat," sambit ng isang player na nasa tabi nila. "Ayos! Masaya ito!" bulalas ni Nigito dahilan para mapatingin sa kanya ang ilan sa naroon. "Totoy, kung hindi ka seryoso. Umalis ka na dito!" wika ng nasa unahan niyang matanda. "Seryoso naman po ako. Bawal ba talagang ma-excite at matuwa? sambit ni Nigito. Napatingin ang ibang player sa kanya nang marinig iyon. "Ano ba kayo? Pabayaan n'yo na siya. Wala namang rules na dapat ay seryoso tayo lagi dito sa laro!" Biglang may isang babae ang sumingit bago pa man magsimula ang tensyon sa mga kasama. "N-nami Strauss?" sambit ni Nigito na napatingin pa kay Asuna. "Ikaw na naman." hinigpitan pa lalo ni Asuna ang hawak niya kay Nigito. Lalapitan pa sana ni Nami si Nigito kaso ang sama agad ng tingin ni Asuna dito kaya napaatras ito. "Hello guys!" Umatras na lang si Nami dahil natatakot pa rin siya kay Asuna. "Wag na kayong magtalo. Mukhang wala nang darating. Mabuti pang lumakad na tayo," utos ng isa sa mga Black Assasins. Bago sila tuluyang umalis ay pinadalhan muna ang bawat isa ng Party Invitation. Magiging magkaka-kampi o allies sila pansamantala. Sa ngayon, wala pang information sina Nigito sa bawat isa maliban kay Nami. Lahat kasi ay naka-hide stat, lahat ay ayaw ipaalam ang totoo nilang level. "Mabuti na lang at nakabili tayo ng Hide Stat Gem!" bulong ni Asuna kay Nigito na tinitingnan isa-isa ang mga makakasama. May isang lalaki na nasa 5'8 ang height at nasa pagitan ng 20-25 ang edad ng tumatayong leader ng quest. Kulay maroon ang suot nito at parang isang shinigami sa Anime na Bleach. May nakataling puting bandana sa bewang nito at doon nakasuot ang espada nitong kalahating metro lang ang haba. Una nilang pinasok ang Gigantic Forest. Tinatayang aabutin ng halos limang araw bago sila makarating sa Greenland Valley. Kakaiba ang gubat na ito sa pangkaraniwan. Halos doble ang laki ng mga puno't halaman dito kumpara sa normal. Halos isang oras na nilang nilalakad ang gubat. Walang imikan, at walang pansinan sa bawat isa. Hanggang sa nagsalita na nga ang lider nila. "Huminto kayo! May kalaban," utos ng lider at doon ay napahugot agad ang lahat ng kani-kanilang sandata. Nagtaka nga sina Asuna at Nigito dahil wala silang maramdamang may kalaban. "Sensitivity," sambit no'ng matanda. SENSITIVITY, isa ito sa mga skills sa HQO na hindi lumilitaw sa Skill Box ng mga player. Isa itong Skill na pinag-aaralan at mina-master. Sa tulong nito, kayang malaman ng isang player kung may papalapit o nakakubling kalaban sa kanyang paligid kahit malayo pa ito. Ibig sabihin lang nito, malalakas ang mga kasama nilang Black Assasins dahil may ganitong ability ang mga ito. Wala pang ideya si Nigito sa pag-learn ng mga ganitong skill. Patunay na baguhan pa lamang sila. Pero nasa isip na niya na kailangan niyang matutunan din iyon. Yumanig nga bigla ang kinatatayuan nila sa paglitaw ng limang golem na halos sampung beses ang laki sa kanila. "Shet! Golem Level 95?? Unknown pa ang data. 'Di ko pa kayang gamitin ang Reading Skill ko," wika ni Nami na rin nakahanda na para lumaban. "!Ano partner? Ready ka na?" wika ni Nigito kay Asuna. "Yap!" sagot ng dalaga na hawak-hawak na ang kanyang espada. Humanda na nga ang lahat para sa laban. 15 Heroes versus 5 monsters! "Maghati tayo sa limang grupo! Ikaw Mira Angel (Isa sa kasapi ng B.A.), kina Kuzuna at Shitomi ka! Natsu Fiere (Isa rin sa B.A.) kina Strauss at Speed ka!" utos ng lider. Tinanggal ni Mira Angel ang cloak niya at lumitaw sa harap nina Asuna at Nigito ang isang anghel. Halos masilaw sila sa puting armour nito. May hawak ito bow na ang dulo ay may mga puting balahibo. Isang babaeng White Archer, Mira Angel Level 55. "Kayong dalawa, Kuzuna at Shitomi. Kayo ang susugod at ako dito sa likod dahil range type ako! Malinaw?" wika nito sa dalawa na sinang-ayunan kaagad ng mga ito. Kabilang din sa Black Assasins Guild sina... Natsu Fiere Level 58, halos kaedadin ito nina Asuna at Nigito. Purple ang kulay ng buhok at nasa 5'6 ang height. Wala siyang pantaas na damit at tanging itim na pantalon lang ang suot. Wala rin siyang dalang kahit anong weapon. Rinji Oda Level 53, medyo matured na ang itsura nito at pinakamatangkad sa lahat. Maskulado ito at may dalang napakalaking palakol na ginto ang talim. Tobi Zunzui Level 48, mukhang kasing edad rin nina Asuna at Nigito. Kulay pula ang suot nito na medyo hawig sa style ni Nigito. Isang Dual Sword User. Katana ang kanyang gamit. Kapansin-pansin nga lang dahil may suot itong maskara kaya't hindi makikita ang mukha nito. Echiro Kuruzaki, Level Unknown. Siya ang tumatayong lider ng grupo. Mataas na uri ng item ang gamit nito para itago ang stat nito kaya hindi ito nalaman nina Nigito. "Malakas talaga siguro ang Ichiro na ito," bulong ni Nigito. Inalam nga rin ni Nigito ang pangalan at level ng ibang kasama nila. Nami Strauss Level 33 at dati nang nakita nina Nigito sa Devil Forest. Reggie Speed Level 38, parang sa ninja ang style nya. Matangkad na payat at nasa pagitan ng 23-26 ang edad. Dual Sword Player din ito. Dr. Absalom Level 35, siya ang matanda na sumaway kay Nigito nang tumawa ito. Siya rin ang pinakamatanda sa grupo at mukhang istrikto. Parang ermitanyo ang style niya at may dalang tungkod na kahoy na may bungo sa hawakan. Ren Omiro Level 37, nasa mid-30 na ang edad at isang swordman. Kapansin-pansin nga ang tattoo na pulang agila sa balikat nito. Maki Belzebub Level 37, isa ring swordman. May tattoo rin ito sa balikat na katulad ni Ren Omiro. Rio Exiquel Level 35, isang fairy type hero. Kumikislap ang suot nito at may pakpak ng tutubi sa likod. May tattoo ito ng araw sa kaliwang pisngi. Heart Brain Level 38, isang babaeng player na kaedad din nina Nigito. Parang rockstar ang style nito at mukhang ang pink na electric guitar ang weapon niya. May itsura din ito at hindi nalalayo ang ganda kay Asuna at Nami. Randell Strong Level 38, siya ang pinaka-kakaiba sa lahat. Matipuno ang katawan nito pero sa Bull ang ulo. Unknown Data pa kung bakit ganun ito. Lahat kasi ng heros/players ng HQO ay mga tao ang itsura ng avatars. Nahati nga sa limang grupo ang makikipag-battle sa mga golems. Si Nigito, Asuna at Mira. Natsu, Nami at si Reggie ang ikalawang grupo. Ikatlo sina Dr. Absalom, Ren at Maki. Sina Rio, Heart at Randell ang 4th group. At ang tatlong miyembro ng Black Assasins na sina Tobi, Rinji at ang lider ng team na si Echiro. "Laban na team!" bulalas nga ni Echiro na umuusok na sa lamig ang hawak na espada. TO BE CONTINUED!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD