Chapter 14: Desperation

2091 Words
PINANGHIHINAAN na si Nigito ng loob dahil halos malibot na niya ang buong Greenland Valley subalit wala siyang makita na Kisha Tanobi. Iniisip na lang niya na para ito kay Yuri kaya nagpatuloy pa rin siya sa paghahanap. Kasalukuyan siyang nasa taas ng isang inn. Hanggang sa naisipan niyang bumaba. Napadaan siya sa isang makipot na daanan sa likod ng mga inns dito. Dito nga ay may nakasalubong siyang dalawang player na aksidente rin niyang narinig ang kanilang pinag-uusapan. "Ang swerte ng grupo nina Conrad. Biruin mo, nakapagdala sila ng Revival Stone sa ating pinuno," wika no'ng isa. "Oo nga. Ang malas no'ng nakabili," dagdag pa ng kasama nito at nagtawanan pa sila. Napahinto nga si Nigito dahil sa mga narinig niya. Napakuyom siya ng kamao at medyo nainis sa huling sinabi ng mga ito. Sa paglingon ni Nigito sa mga ito ay eksaktong gumamit siya ng Blink at lumitaw sa harapan ng dalawa. Nabigla ang dalawa nang makita siya. Seryoso lang na tiningnan ni Nigito ag dalawa. "Sabihin n'yo! Saan nila dinala ang Revival stone na pagmamay-ari ko!?" Matapang na tanong ni Nigito, subalit imbis na sumagot ang dalawa ay mukhang mapapalaban muna ang binata sa mga ito. Ikinabit no'ng isa ang pares ng brass knuckles sa kamao nito samantalang hinugot naman no'ng isa ang matalas nitong samurai. Arthur Klein: Level 45. [Hide Stat] Glenn Rice: Level 45. [Hide Stat] Nakita ng dalawa na mas lamang sila sa level kay Nigito kaya hindi sila nagpasindak dito. Gusto nilang talunin ito. Nagtungo sila sa tuktok ng isang abandonadong gusali sa Greenland Valley. Malawak ang lugar na ito at tamang-tama para maging battle field. Pinadalhan agad si Nigito ni Arthur Klein ng duel invitation na kaagad naman niyan in-accept. Pareho silang Melee Type kaya patas lang kung titingnan. Sa level at mga items lang sila nagkaiba. Nagngisian nga muna ang dalawang magkasama para bang sinasabi na easy win ito para sa kanila. "Walang sisihan kung ma-PK man kita." Mapang-asar pa ang pagtawa nito at gaya ng laging ginagawa ni Nigito, isang simpleng ngiti lang ang  ipinakita nito. "DUEL START!" Isang matinding pagsabog agad ang tumama kay Nigito nang magsimula ang laban. Naunahan agad siya sa pag-atake at isang Explosive Punch (Skill) ang pinakawalan ng kanyang kalaban. Dahilan nga iyon upang mapaatras si Nigito. 20% agad ang damage ng atakeng iyon sa HP niya at heto na naman ang kanyang kalaban, susugod uli. Nagpakawala si Arthur ng sunod-sunod na normal attack na lahat ay sumusuntok. May straight, hook at upper cut punch pero wala kahit isa ang tumama kay Nigito na nagawang iwasan ang lahat ng iyon. Mas mabilis siyang kumilos kaya hindi naging mahirap iyon para sa kanya. Isang mabilis na back step ang ginawa ni Nigito, tapos ay pinatamaan niya ito ng Dagger. Nag-Blink siya sa harapan nito at pagkatapos ay ginamit niya ang Madness at Phase Boots. Umalingawangaw sa paligid ang tunog ng bawat wasiwas ni Nigito gamit ang kanyang espada. 10 consecutive slashes ang kanyang binitawan at lahat iyon ay tumama sa kalaban. Dahilan nga iyon upang bumaba sa 40% ang HP nito. Malaki rin kasi ang naitulong ng Critical Chance ng Buriza. Hindi pa nga tapos si Nigito. Pinatamaan niya muli ng Dagger si Arthur. Isang mabilis na pagtakbo palapit dito kasunod noon ay nilampasan niya ito at iginuhit sa katawan ni Arthur ang talim ng kanyang Black sword. Nag-drop kaagad sa 20% ang HP nito kaya't agad itong lumayo mula kay Nigito upang mag-heal. Pero alam na ni Nigito na mangyayari iyon kaya't pinatamaan kong muli niya ito ng Dagger dahilan upang ma-cancel ang pag-heal nito. "Asar ka! Tanggapin mo ang aking Gatling Punch!" Bulalas ni Arthur na biglang gumamit ng skill. Nagpakawala siya ng sunod-sunod na suntok at medyo malawak ang AoE nito. Pero nautakan ito ni Nigito nang bigla siyang mag-Blink sa likuran nito. Na-cancel ang skill ni Arthur kasunod noon ay walang pag-aalinlangan na iwinasiwas ni Nigito ang kanyang espada sa walang depensang likod ng kalaban. Kasunod noon ay ang isang straight hit na nagpabaon ng kanyang espada sa katawan nito. Bumagsak si Arthur Klein at 2% HP na lang ang natitira dito. Itinutok pa ni Nigito sa leeg nito ang espada niya. "Itutuloy pa ba natin?" nakangiting tanong ng binata sa paiyak ng kalaban. "S-suko na ako sir... W-wag mo akong patayin..." Nagmamadali pa itong gumapang palabas sa barrier na unti-unti namang nawawala. "Nigito Kuzuna: Level 42 defeated Arthur Klein: Level 45." "You received 5,800 coins and 1700 EXP." Nag-level up din si Nigito after ng labang iyon. Nagtataka nga siya kung bakit parang ang bilis tumaas ng kanyang level pero kung sa bagay, maganda nga raw ito. Napatingin ang binata sa dalawa. Mukhang nag-aaway pa yata ang mga ito. Nakita pa nga niyang binatukan ni Glenn si Arthur. "Ang weak mo. Paano ka natalo? Gap na nga siya, tapos hindi ka pa nakabanat. Manood ka  at ipapakita ko sa 'yo ang mga pro-moves..." pagyayabang ni Glenn na naglakad na sa harapan ni Nigito. Pinadalhan na nga nito si Nigito ng duel invitation. "Humanda ka! Bobo si Arthur kaya't nautakan mo siya... Pero iba ako. Ipapatikim ko sa 'yo ang pro-gaming..." "Yabang mo!" sabat ni Arthur. Napatawa tuloy sandali si Nigito dahil doon. Sinimulan na nga ang laban! Mas mabilis si Glenn kaysa kay Arthur. Para itong lumulutang sa hangin habang tumatakbo. Hindi tuloy ito matamaan ng Dagger n Nigito. Doon ay nagpakawala ng mabilis na atake si Glenn gamit ang espada nito. Iniwasan naman ito ni Nigito ngunit may ipang nakalusot dahilan upang tamaan siya. Sumagot nga rin siya pero ni isa ay walang tumama sa kalaban. Kaya pala siya matamaan ni Nigito ay dahil sa skill na Air Walk ni Glenn. Double s***h at X-s***h nga ang ginawa niya pero tumalon lang ang k papunta sa kanyang likuran. Ginamitan siya nito ng 2nd skill, ang Critical s***h. Drop agad ang HP ni Nigito sa 40% at 3 second stun pa siya matapos siyang tamaan ng skill na iyon. Inatake pa siya ito habang hindi makagalaw kaya nabawasan uli ang kanyang HP. Pagkawala nga sa stun ni Nigito ay agad siyang tumakbo palayo pero hinabol siya ni Glenn. Kung ganito ang mangyayari ay hindi siya makakapag-heal. Kailangang makipagsabayan na lang siya para sa maka-lifesteal. Nag-Blink siya harapan ni Glenn. Doon nga ay umalingawngaw ang tunog ng mga nagbubungguan nilang mga espada. Kaso napaatras si Glenn dahil gumagana ang critical damage ni Nigito. "Shet! Talo ako sa sabayan. May Buriza ito..." bulong ni Glenn. Ang paghinto niyang iyon nga ang ginamit na pagkakataon ni Nigito. Pinatamaan niya ito ng Dagger at agad siyang nag-Blink patungo rito. Doon na nga pinakawalan ni Nigito ang mabilis at sunod-sunod niyang normal hits. Nang lampasan nga niya si Glenn ay siyang pagbagsak din nito dahil nasa critical level na ang HP nito. "Naku sir... S-suko na ako. 'Wag nyo akong i-PK..." pagmamakaawa ni Glenn. Mukhang malinaw na kung sino ang nanalo nang sandaling iyon. Malaki nga ang naitulong ng mabilis na paglevel-up ni Nigito. Tumaas ang kanyang critical damage at chance ng Buriza effect. Dahil dito ay naipanalo nga niya ang 2nd duel. "Siguro, pwede na akong magtanong sa inyo?" paalala ni Nigito sa dalawa at mukhang madaling kausap ang mga ito matapos niya itong talunin. Umupo sila sandali at doon na inilahad ng dalawa ang kanilang mga nalalaman. Napakuyom ng kamao si Nigito. Tama nga siya, si Kisha nga ang salarin sa pagkawala ng Revival Stone. May dalawa pa raw itong kasamahan, si Zeji Riyuni: Level 38 at Conrad Zitee: Level 48. Ang grupo nila ang isa sa mga paborito ni Zac Humpries dahil magaling silang magdala ng mga rare items dito. Si Zac Humpries: Unknown Level ay ang Rank 12 sa individual rankings ng HQO. Kilala nga ito sa pagiging mabilis at brutal pagdating sa mga labanan. Kilala rin siya sa pambu-bully ng mga low leveled players. Ang totoo niyan, ito raw ang naghahari-harian northern part ng Greenland Valley. Maraming players din ang pumupunta sa kanya para magbenta ng mga rare items. Mayroon daw itong isang 5-storey building kung saan ay dito ito namamalagi. At sa sampung humamon rito para makuha ang rank 12, ni isa ay walang nanalo. Lahat din sila ay na-PK dahil sa player na ito. Naging seryoso si Nigito matapos marinig iyon. Mukhang hindi raw magiging madali ang pagbawi niya sa Revival Stone. Hihingi sana siya ng tulong kay Asuna pero naisip niyang mapanganib ang kanyang gagawin. Problema niya raw pati ito, kaya dapat ay siya na ang umayos nito. Ang nag-iisang bagay para maibalik niya si Yuri. Nangako siyang babawiin niya iyon. Hindi na siya natatakot. Patay kung patay. Mas magiging malakas siya kung malakas ang kalaban. "Rank 12..." sambit niya at lumakad na siya papunta sa kanyang destinasyon, ang kuta ni Zac Humpries. ***** ISANG lumang gusali ang bumungad sa kay Nigito nang marating niya ang sinasabing pagmamay-ari ni Zac Humpries. May pinto ito na triple ang laki sa kanya at walang pag-aalinlangang niyang binuksan ito. Isang diretsong daanan ang nasa likod ng pinto at tanging ilaw lang sa dulong pinto ang nagbibigay liwanag dito. Limang Salves na lang ang meron si Nigito kaya hindi magandang ideya kung mapapalaban agad siya bago makaharap si Zac. Napakatahimik sa loob at kahit isang pinto o lagusan ay wala siyang makita sa pader. Tanging ang maliwanag na lagusan lang sa dulo ang makikita roon. Narating nga niya ang lagusan at bumungad sa kanya ang bilog na arena na napapalibutan ng apoy. Dito ay may natanaw siya sa dulong bahagi noon. Ang apat na player iyon, at ang isa dito ay nakaupo sa malaking upuan. Pinilit ni Nigito na mukhaan ang nakita niyang babae. Tama, si Kisha nga ang isa roon at maaaring si Zac Humpries ang nakaupo doon. Upang makasiguro ay kailangan niyang pumasok dito. Inihanda na niya ang kanyang sarili sa paghakbang patungo rito. Sa pagtapak pa lang niya sa arena ay agad nila siyang napansin at pinagtinginan. "Mukhang may panauhin tayo," wika nang nakaupo. "Kilala ko siya. Siya ang may-ari ng Revival Stone na kinuha ko," sagot ni Kisha na napangiti na lang. "Nalaman din pala niya. Mukhang may nakapag-tip sa isang ito. Sige, ako na ang bahala dito," suhestyon ni Conrad. Napansin nga ni Nigito ang paglapit ng isang player sa kanya. Ekspresyon pa lang ng mukha nito ay nakakapag-init na ng dugo niya. "Kaibigan? Anong pakay at naparito ka?" maangas nitong tanong. Imbis na sumagot ako ay nginisian na lang ito ni Nigito at tiningnan din niya ito ng masama. Dahilan nga iyon upang hugutin na nga nito ang latigo sa bewang nito. "Hindi ko gusto ang titig mo ah!" angal nito at parang naghahamon pa. "Ang gusto ko lang naman ay ibalik n'yo sa akin ang bagay na kinuha n'yo!" matigas na pahayag ni Nigito. Muling nagkatinginan ang mga ito at sabay-sabay na tumawa. Doon na nga napikon si Nigito. "At ano ang nakakatawa sa sinabi ko?" Itinutok ni Nigito sa leeg ni Conrad mula sa likuran nito ang kanyang espada. Nagulat nga ito sa ginawa ng bisita. Hindi nito inaasahang makakapag-Blink agad ang binata. Subalit hindi nagpatalo si Conrad, pumaling agad ito upang patamaan ng kanyang latigo ang binata. Isang napakalakas na hampas ang tumama sa sahig. Mabuti na lang at agad nakaalis si Nigito dahil kung hindi, malaking damage ang makukuha niya mula roon. Lumapag si Nigito sa harapan nina Zeji, Kisha at sa player na nakaupo sa upuan. "Ikaw ba si Zac Humpries?" tanong ni Nigito sa player na nakaupo. Hindi nga mabasa ng VS niya ang stat at IGN. Pero hindi siya natatakot rito. Basta ang nasa isip lang niya ay ang mabawi ang Revival Stone. Dahan-dahan ngang tumayo mula sa pagkakaupo ang player na tinanong niya. Isang player na may palakol at kulay itim ang talim nito. Napakalakas din ng dating nito, patunay na malakas talaga ito. "Kailangan mo muna akong talunin bago mo makaharap si Humpries..." Nagsalita ito at malaki ang boses nito. Ibang player pala ito at hindi pa mismo si Zac. "Maaari bang ako na lang ang tumapos sa batang iyan? Para hindi na rin kayo pagpawisan." Biglang sabat ni Conrad, dahilan upang mapaisip ang player na kausap ni Nigito. "Sige Conrad.Ikaw na lang ang magturo ng nararapat sa batang ito." sagot naman nito sa kanya. Nakangisi at mukhang kompyansa na matatalo ni Conrad si Nigito nang mga oras na iyon. "Conrad Zitee: Level 48 has challenged you for a duel! Accept [x] Cancel [o]" Walang pag-aalinlangang tinanggap ni Nigito ang paghamong iyon. Napatawa si Conrad matapos iyon. "Nigito Kuzuna. Ang lakas din ng loob mo, pero walang sisihan." Paninindak pa nito. Simpleng ngiti naman ang isinagot ng binata hanggang sa tuluyan nang mag-umpisa ang duel. ***** GINAMIT agad ni Nigito ang Blink. Mabilis din niyang in-activate ang Mask of Madness at Phase Boots na sinundan agad  niya ng tatlong mabilis na straight s***h sa likod nito. "P-paanong?" bulalas pa ni Conrad bago pa ito tuluyang bumagsak. Napanganga rin ang mga nakakita ritong sina Kisha. 0.035%: Conrad Zitee's remaining HP. TO BE CONTINUED!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD