Chapter 15: Real Humans Don't Waste Their Lives

2559 Words
NATIGILAN ang lahat sa mga nangyari. Napakabilis na natalo ni Conrad. Maging si Nigito ay hindi rin makapaniwala dahil sa iilang atake ay agad niyang napabagsak ito. Sandaling napatingin si Nigito sa Black Sword. Biglang may umukit na yin-yang sign sa blade nitong malapit sa hawakan. Kalahati nito ay itim at kalahati naman ay pula. Pakiramdam niya naging pula ang talim nito kanina. Pero hindi siya sigurado. Hindi niya maipaliwanag ang mga nangyayari dahil isa lamang permanent weapon ito. Subalit sa kabila ng mga nagyari, pinilit pa ring maging kalmado ni Nigito. Kalmado niyang hinarap ang isa pang malakas na player sa loob ng lugar na iyon. “Nakakagulat ang ginawa mong iyon. Interesante,” bulalas ng player na nakaupo. Sa kabilang banda, agad ngang inalalayan nina Kisha at Zeji ang walang malay na si Conrad. Habang si Nigito, naghahanda na agad para sa susunod na round sa palapag na ito. Dito na nga niya nakita ang pangalan at Level ng player na nakaupo. Hindi pa pala ito si Zac Humpries. "Mystogan Banzaime Level 55 has challenged you for a duel! Accept [x] Cancel [o]" “Hindi ko alam kung anong items ang mayroon ka pero ang ginawa mong iyon ay talagang kahanga-hanga. Ang bilis, lakas at accuracy… Lahat 'yun ay nagawa mo sa isang player na 5 levels ang gap sa’yo," wika ni Mystogan na nakatayo na sa harapan ni Nigito. "Pero sa akin ay hindi na uubra ang ganun kaya ihanda mo na ang sarili mo bata...” dagdag pa nito. "Hindi ko rin alam kung paano iyon nangyari. Isa lang naman ang ipinunta ko rito," seryosong winika ni Nigito. “Ang bawiin ang sa akin!” Matigas na winika ni Nigito kay Mystogan na handang handa na rin sa pakikipaglaban. Dahan-dahan na rin ngang lumitaw ang transparent red barrier sa buong arena, hudyat iyon na magsisimula na ang laban. Iniangat na nito ang palakol na hawak at pagkatapos ay bigla na lang itong nawala. Yumanig ang buong arena sa lakas ng pagpalong ginawa ni Mystogan. Mabuti na lang at nakatalon palayo si Nigito dahil kung hindi ay baka mahati ang avatar niya sa tindi noon. “Mabilis ka pero…” Bigla na namang nawala si Mystogan. Hinanap ito ni Nigito sa paligid ngunit wala siyang makita. Umalingawngaw ang napakalakas na banggaan ng dalawang talim sa buong arena. Umihip din ang malakas na hangin dahil doon. Halos bumaon nga ang mga paa ni Nigito sa arena matapos niyang salagin ang atake ni Mystogan gamit ang kanyang espada. Sinundan pa nga ito ng malakas na impact dahilan upang liparin ang ilang bitak na parte ng arena palayo. Puno ng lakas at pwersa ang bawat binibitawang bira ni Mystogan kay Nigito. Hindi nga makasabay si Nigito rito dahil masyado itong malakas at pakiramdam niya ay mapapatalsik siya nito palayo. Nababawasan tuloy siya ng HP dahil may ilang nakakalusot at tumatama sa kanya. Kailangan na talagang magbira ni Nigito ng skill. Pinatamaan niya ng Dagger si Mystogan at agad siyang nag-Blink sa likuran nito. Agad niyang ini-activate ang Madness at Phase Boots… Pinasadahan niya ang likod nito ng malalakas na atake gamit ang kanyang espada. Kasunod noon ay biglang iwasiwas ni Mystogan ang palakol nito patungo sa likuran niya. Kaso mabilis si Nigito. Naiwasan niya iyon sa pamamagitan ng mabilis na pag-upo. Kasunod noon ay tinakbo niya ang isang binti nito at pinasadahan ng isang sword s***h. Nawalan ng balanse si Mystogan na naging dahilan upang ito ay matumba. Naka-hit man si Nigito rito ay nananatili pa ring malaki ang HP ng kalaban. Mahirap talaga 'pag mataas ang gap ng level sa kalaban. Kaya bago pa man muli itong makatayo ay siniguro na  ni Nigito na makakaatake uli siya. Tumalon siya ng ubod ng taas sa ere para gawin ang isang Aerial Attack. Habang siya ay nasa ere, pakiramdam niya ay napupuno ng enerhiya ang kanyang espada. Tila nagiging pula ang kalahating talim nito. Parang isang bulalakaw na bumagsak sa lupa ang itsura ng atake ni Nigito. Direkta iyong tumama kay Mystogan. Nagdulot iyon ng malakas na shock wave at impact dahilan upang makabuo ng malakas na pagsabog sa buong arena. Yumanig rin ang buong paligid at napuno ito ng alikabok. “Ang batang iyon…” bulalas ni Conrad na bago pa lang nagkakamalay. Para silang nakakita ng multo sa mga naganap hanggang sa unti-unti nang nawala ang alikabok sa paligid. Hindi ginusto ni Nigito ang nangyari pero nagawa niyang i-PK si Mystogan sa atakeng iyon. Basag na basag ang palakol nito matapos tangkaing salagin ang aerial attack na iyon. Wasak din ang kalahating bahagi ng arena at ang hindi niya maipaliwanag. Ang espada niya at parang may ipinagbago. Seryoso na ngang naglakad si Nigito matapos iyon. Nakayuko lang siya habang nilalampasan ang duguang bangkay ni Mystogan. ***** MATAPOS ang mga nangyaring iyon ay nagmamadaling lumabas sina Conrad dahil sa takot. Hindi sila makapaniwala na natalo ng isang level 43 ang unang bantay na si Mystogan nang ganun lang kadali. Natalo ni Nigito ang unang bantay at nangangahulugan iyon na may iba pa bago niya makaharap si Zac Humpries. Sa pagtapak nga niya sa 2nd floor ay isa na namang arena ang bumungad sa kanya. Ang kanyang ipinagtataka ay wala ditong player na nagbabantay. Nawala na sa isip niya na baka nakatago lang ito kaya dali-dali niyang tinakbo ang hagdan paakyat sa ikatlong palapag. Subalit bago pa man siya makarating doon ay isang malakas na atake ang muntik nang tumama sa mga paa niya. Muntik pa siyang mawalan ng balance dahil sa lakas noon. Mabuti na lang at naitukod niya kaagad ang kanyang espada sa arena. Drop nga rin agad sa 79% ang HP niya, ganun kalakas ang atakeng iyon. “Hindi ka maaaring lumampas dito hangga’t hindi mo ako natatalo…” Agad nilingon ni Nigito ang pinanggalingan ng boses na iyon. Isa itong babaeng player na may kakayahang lumipad ang tumambad sa kanya. Nakasuot ito ng tulad sa isang ibon at kitang-kita din ang kaseksihan nito. “Hmmm...” “Simulan na natin ang laban!” matapang na winika ni Nigito at unti-unti na itong lumapag sa arena. “Masyado yatang mahangin ang dila mo... 'Wag kang magmalaki na kaya mo na ako dahil natalo mo si Mystogan. Ibahin mo ako sa isang iyot,” sagot nito sa kanya. "Arthemis Tisanti level 57 has challenged you for a duel! Accept [x] Cancel [o]" Sa pag-accept ni Nigito ay agad natanggal ang lahat ng daan na nagdudugtong papunta sa arena. Nagkaroon ng malalim na hukay ang paligid nito na kung saan ay mayroong matatalas na tinik sa ibaba ang makikita. Kahit sino yata na mahulog dito ay siguradong patay sa oras na bumaon ang mga iyon sa katawan nito. Wala na ngang lumabas na red barrier dahil ang lugar na iyon ay naka-set na para maging battle field. “Makakalampas ka lang dito kung magagawa mo akong i-PK. Hindi ka makakalampas sa arena dahil malayo ang distansya nito sa dalawang pinto at natitiyak ko na mahuhulog ka 'pag ginawa mo iyon!” “Inuulit ko! Ang pag-kill lang sa akin ang makakapagpabalik ng mga daan dito!” dagdag pa ni Arthemis. Doon ay naalala ni Nigito ang nangyari kay Mystogan. Napakuyom siya ng kamao. Hindi nga niya iyon sinasadya dahil hindi niya kontrolado ang lakas na biglang inilabas ng kanyang espada. Parte ng game ang makapatay. Pero hindi ito ang larong gusto niya. Ayaw na niyang maulit ang nangyari kanina. Ayaw na niyang makapatay ng isang player! “Bakit kailangan pang pumatay? Hindi ba pwedeng padaanin mo na lang ako? Ayaw ko nang pumatay sa larong ito..." "Tao tayo! Ayaw mo bang makabalik sa pamilya mo? Hindi ba pwedeng tapusin natin ang game na ito ng sama-sama? Gusto ko ring makabalik sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, sa mga nagmamahal sa atin!" "Ayaw mo ba ng ganun?” Walang pag-aalinlangang sinabi ni Nigito. Natahimik saglit si Arthemis nang marinig iyon. Pero mabilis din iyong nawala at tumawa ito nang malakas. "Iniisip mo talaga na kaya mo ako? Hindi ito ang oras upang magdrama dahil dito ka na mamamatay.” Sinundan ito ni Arthemis ng malakas na atake. Isa pala itong range type hero. Masyado ring mabilis ang attack speed nito kaya nahirapan si Nigito na iwasan agad ang mga ito. Tumitira ito ng matalas na hangin. Halos magkahati-hati ang katawan ni Nigito sa mga hit nitp. Pero kailangang bumawi ng binata. Ginamit niya ang Dagger subalit na-negate ito dahil sa item ng kalabang Linken Sphere. Kaya upang hindi masayang ang skill na iyon ay nag-Blink si Nigito sa likod nito habang cooldown pa ang item na ginamit nito. Bumitaw siya ng tatlong atake gamit ang kanyang espada subalit wala ni-isa ang tumama sa target niya. Wala siyang control sa ere kaya ginamit itong advantage ni Arthemis upang gamitin ang Wind Strike sa kanya. Sinalo lahat ni Nigito iyon at bumagsak ito pababa. Hindi pa nga roon natapos ang atake ng kalaban. Sinundan pa nga ito ng Wind Arrow na may kasamang 3 second stun. Sunod-sunod iyon  at agad nag-drop ang HP ni Nigito sa 30.33%. Masyado mabilis ang kalaban at mataas din ang normal damage nito, halos 20% pa rin lang ang nawawala sa HP ni Arthemis na patuloy pa rin sa paglipad. Nahihirapan ding mag-heal si Nigito dahil nakakatira mula sa malayo ang kanyang kalaba. Kailangan na talaga talagang makaisip ng paraan. Buong lakas nga niyang itinarak ang espada sa arena. Ibang-iba na talaga ang espada niya dahil bigla itong nagpakawala ng napakalakas na impact at shockwave. Nagkabitak-bitak ang buong arena dahil doon. Naglabas din ito ng usok mula sa mga alikabok at magagamit niya ito sa labang ito. Gagamitin niya ang teknik na minsan nilang ginamit ni Asuna sa battling. Hinati ni Nigito ang mga brick ng arena at ibinato niya ito kay Arthemis gamit ang kanyang espada. Sunod-sunod iyon. Pabilis nang pabilis at walang tigil! Nahirapan nga si Arthemis na hanapin siya dahil sa alikabok na bumabalot sa paligid at isa pa ay palipat-lipat din siya ng pwesto. Unti-unti na nga siyang nakakabawas sa HP nito dahil sa may ilang mga tipak ang tumatama rito. Dito na rin nga niya ginamit ang Dagger upang ma-activate uli ang Linken Sphere nito at agad ngang nag-Blink si Nigito patungo sa likuran nito. Huling-huli na niya ito rito in-activate niya Madness matapos iyon. Walang depensa si Arthemis nang oras na iyon at sinalo nito ang sunod-sunod na atake ni Nigito. Kasunod din noon ay buong lakas na sinipa ito ni Nigito dahilan upang bumulusok ito pababa. Hindi huminto si Nigito, pinasundan pa niya ito ng marami pang normal hits. Nakabawi na si Nigito dahil sa lifesteal at bumaba naman sa 19% ang HP ni Arthemis. “Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lakas na meron ka subalit wala ka nang ligtas dito sa susunod kong atake!” Biglang nagkaroon ng isang napakalaking ipo-ipo sa gitna ng arena matapos iyon. Nagtalsikan ang lahat ng mga nasa paligid at nalinis ang loob ng arena. Mukhang ito na ang 3rd skill ni Arthemis. Inihanda agad ni Nigito ang sarili niya subalit biglang nawala ang kanyang kalaban. “Tapos ka na dito!” bulalas ni Arthemis na kasalukuyang nasa itaas. Ibinato nga nito ang isang napakalakas na Wind s***h! Masyado itong mabilis at malaku, siguradong hindi ito maiiwasan ni Nigito. Hanggang sa biglang nanginig ang espada niya. Isang mapusyaw na ilaw ang nagmumula sa talim nito. Pakiramdam niya ay gusto nitong salubungin ang skill ng kalaban. Parang gusto nitong magpawasiwas sa tapat ng papalapit ng skill ni Arthemis. “Bahala na!” sambit ni Nigito at buong lakas niyang iniwasiwas ang espada patungo sa atake ng kalaban. Nanlaki ang mga mata niya sa aking nakita. Isang itim at pulang s***h ang humati sa skill ni Arthemis. Sa isang iglap ay agad nawala ang napakalaking ipu-ipo sa paligid kasama na ang binitawang atake ng kalaban. Isang malakas na pagsabog ang dumagundong sa paligid matapos tumama ang atakeng iyon ni Nigito sa itaas na bahagi ng palapag na naging dahilan upang gumuho ang ilang bahagi noon. Sandaling natigilan si Arthemis sa mga nangyari at ito ang ginawang pagkakataon ni Nigito. Tumalon siya paitaas at idinaan ang kanyang espada sa katawan ng kalaban. Gumuhit sa hangin ang talim nito at tila may kumawalang dugo mula sa dinaanan nito. Yumanig ang buong paligid nang bumagsak ang ilang tipak na galing sa itaas. Bumagsak si Arthemis na may 1% HP na lang. Nilapitan ni Nigito ito at seryosong pinagmasdan. “Tapos na ang laban. Ako na ang panalo kaya ibalik mo na ang daan papunta sa 3rd floor,” malumanay na wika ni Nigito. Dahan-dahan ngang tumayo si Arthemis kahit halatang nahihirapan. Ang bilis ng mga pangyayari. Agad itong pumunta sa dulo ng arena at walang pag-aalinlangan na tumalon patungo sa mga tinik na naghihintay sa ibaba nito. “Dahil natalo mo ako. Heto na ang sagot upang makaakyat ka..." Ngumiti pa si Arthemis at pahigang nagptihulog doon. "Matagal na akong handang mamatay... Magmula nang masira ang game na ito at mawalan na ako ng dahilan para mabuhay." “Nasisiraan ka na!” Mabilis na ini-activate ni Nigito ang kanyang Phase Boots upang habulin ito. Biglang bumilis ang kanyang kilos nang hindi niya inaasahan buong tapang din na tumalon patungo kay Arthemis. “A-ano'ng? Ano'ng ginagawa mo?” gulat na bulalas ni Arthemis nang makita ang ginawa ni Nigito. Naramdaman niya ang mahigpit na paghawak nito sa kanyang mga kamay at pagkatapos ay buong lakas siyang ibinato nito pabalik sa battle arena. Pagkabagsak ni Arthemis sa itaas ay mabilis niyang tiningnan si Nigito. Gusto niyang lumipad kaso, hindi pa siya nakakabawi mula sa HP na nawala sa kanya. Hindi pa siya nakakapag-heal. “Ano'ng problema mo?! Nasisiraan ka na ba ng ulo? Nailigtas mo man ako, pero paano ikaw?” sigaw nito kay Nigito na makikitang nag-alala siya para rito. Ngumiti si Nigito at pinatamaan si Arthemis ng Dagger upang gumana ang effect ng Linken Sphere. Pagkatapos ay nag-Blink siya sa likuran nito. Nakahinga nang maluwag si Nigito. "Muntik na iyon!” Napangiting winika ni Nigito. Natigilan naman si Arthemis dahil sa mga nangyari. Isang player ang nagligtas sa kanya. Isang kalabang inilagay sa panganib ang buhay para sa kanya. Para mailigtas siya. Napayuko si Arthemis at nangilid ang luha. Akala niya, lahat ng players magmula nang masira ito ay puro sarili na lang ang iniisip. Akala niya, lahat ay wala ng pakialam sa iba basta mabuhay lang sa loob ng game. Pero nagkamali pala siya. “Tandaan mo! Tao pa rin tayo at kahit ano'ng mangyari ay alagaan mo ang buhay mo hangga’t hindi ko pa natatalo ang XRG13," seryosong sinabi  ni Nigito. Nagulat nga siya dahil doon. Alam niyang imposible iyon pero nang makita niya ang mga mata ni Nigito. Nakaramdam siya ng pagtitiwala rito. Walang imposible sa player na ito. Napangiti na lang si Arthemis at nag-heal ng sarili. Hindi niya maipaliwanag, pero gumaan ang kanyang pakiramdam. Pagkatapos noon ay hinawakan niya ang binata at inilipad papunta sa kabila, sa hagdan papunta sa taas. “Maraming salamat Nigito Kuzuna! Alam ko, kaya mong talunin si Zac," nakangiting winika ni Arthemis. "Salamat uli... Balang-araw ay magkikita pa rin tayo...” “Kaibigan!” Napangiti si Nigito sa huling sinabi ni Arthemis. Tama siya, mabait nga ito. Kaya nga pinadalhan niya ito ng Friend Request bago pa man siya tuluyang umakyat paitaas ***** SAMANTAL, mabilis na kumalat sa buong Greenland Valley ang balita tungkol sa isang naka-itim na player na nais labanan si Zac. Nakarating agad ang balitang ito kina Echiro at sa iba pa. Maging si Asuna ay alalang-alala dahil kilala niya kung sino iyon. Kaya nga nagmamadali nitong hinanap sina Echiro. “Mukhang nagkamali ako ng pagkakakilala kay Nigito Kuzuna. Lumakas lang siya dahil sa item ay agad lumaki ang ulo niya. Hindi pa niya makakayang labanan at talunin ang rank 12 na si Zac. Masyadong yata siyang bilib sa sarili.” “Iyan ang maglalagay sa’yo sa kapahamakan at kamatayan,” wika ni Echiro sa mga kasama niya nang mga oras na iyon. TO BE CONTINUED!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD