Chapter 13: Revival Stone

1605 Words
"NAPAKAGALING ng labang ipinakita mo Kuzuna! At ang matindi ay ang paggamit mo ng Equipable Item. Mga High-Class Items. Binabati kita." wika ni Echiro sa binata. Ramdam niyang hindi basta-bastang player ito. Sa isip niya ay pwede niya itong pasalihin sa kanilang guild pagkatapos nito. Ang mga kasamahan ni Nigito ay parang nagkarespeto na rin sa kanya matapos iyon. Sino ba naman ang mag-aakala na sa dinami-rami ng malakas na player ay sa kanya pa napunta ang isang ultra Rare sword? Isang espada na kayang talunin ang mga high-leveled AIs. Pero kung papipiliin siya, mas gusto pa rin daw niya ang kanyang permanent weapon. Ang Black Sword! Hindi man ito kasing lakas ng BD Sword, para sa kanya, mas marami naman silang pinagsamahan nito. Pinapahalagahan ni Nigito ang mga bagay na una niyang nakasama. ***** Nagpatuloy lang sila sa paglalakad. Malapit na rin kasi sila sa Greenland Valley. Nilapitan nga ni Nigito si Asuna. "Asuna, Item-trade tayo?" medyo nagulat si Asuna sa tanong ng binata. "H-huh? Sure ka? Mas magaganda kaya ang items mo kaysa sa akin," tugon niya. "Lahat ng Salves mo, kapalit ng isa kong item. Deal?" nakangiting wika ni Nigito at agad namang piningot ni Asuna ang tenga nito. "Makulet ka din noh? Sige na nga," natatawang tugon ni Asuna. Binuksan na nila ang kanilang VS. "Trade your Healing Salves (7) to Kirito Kuzuna for Stone Shield (1)?" "Accept[x] Cancel[o]" Napatingin bigla sa Asuna kay Nigito nang mabasa iyon. "Hoy! Baliw ka ba? Unbalance Trade ang gagawin natin. Ayaw ko na!" angal ni Asuna rito. "Bagay sa'yo ang item na ito. Lalo na't Strength type ang build mo. Accept mo na..." pamimilit pa ni Nigito. Pero imbis na i-accept ay pinagsarhan ni Asuna ang binata ng VS. Nawalan tuloy ng progress ang trading. Kinulit siya ni Nigito pero ini-snob lang ito ng dalaga. Agility kasi ang build ni Nigito at kung gagamitin niya ang Stone Shield ay bumabagal ang movement speed niya. Ang gusto kasi niya ay i-maintain ang speed niya sa bawat laban dahil doon siya komportable. Hindi na nga siya pinansin ni Asuna hanggang sa marating na nila ang Greenland Valley. "Magkita tayo bukas ng tanghali sa exit. Gamitin natin ang araw na ito upang ipahinga ang ating mga sarili. Gawin n'yo ang gusto n'yo. Balita ko ay maraming weapon upgrader dito. Bakit 'di n'yo subukan?" ani Echiro sa lahat. "Sige, magkita-kita na lang tayo bukas," utos ni Echiro sa lahat. Sumama rito ang apat pang member ng BA Guild at naiwan naman sila. Nagulat nga si Nigito sa sinabing iyon ni Echiro. Alam din daw pala nito ang magpa-day-off. Patago pang napangiti si Nigito dahil doon at pagkatapos ay nagkanya-kanya na ng lakad ang mga kasama nila. May kalakihan din ang Greenland Valley. Nagkalat din ang maraming players dito. 'Yung ilan nga ay parang dito na nakatira at nagtayo na rin ng negosyo. Mahirap din kasing magpapera sa game na ito. Ang ipon nga ni Nigito ay bahagya nang umabot ng 500k coins. At idagdag pa ang party clash kung saan ay balance ang destribution ng coins sa bawat isa. Sa dami ng iniisip ni Nigito ay 'di niya napansing mag-isa na lang pala siya. "Nasaan si Asuna? Iniwan din ako?" Napakamot na lang ako sa ulo ang binata at may nabasang message sa kanyang VS. "Magkita na lang tayo bukas. Wag kang mag-alala, kasama ko si Nami. Bye!" Mula iyon kay Asuna. Napangiti na lang din siya dahil okay na para rito si Nami. Napangiti na lang din siya sa ugali ni Asuna, paiba-iba. Parang may naalala tuloy siyang kakilala sa real world dahil doon. Nagpunta kaagad si Nigito sa isang Item Shop. Nag-a-upgrade din dito ng nga weapons. Gusto niyang i-upgrade ang kanyang Black Sword. Pagpasok nga niya sa loob ay pupunta na sana siya sa SH na naroon, kaso, may kumuha ng kanyang atensyon nang sandaling iyon. "Revival Stone: Use to revive a dead player. (1 time use only.)" "Cost: 20,000,000 Coins. Needed (1) [Crystalized Bag] in order to kept in your inventory. [Limited Item]" Ang mga Limited Items ay nawawala sa shop list sa oras na walang bumili nito sa loob ng isang linggo. Ang mga ganitong item ay bihirang-bihira na may bumili dahil sa taas ng presyo. Isa ring dahilan ay ang pagiging 1-time usage nito. Sa oras nga na gamitin ito ay automatic ma mawawala na ito. Subalit 'di iyon inisip ni Nigito na 'di na nagdalawang isip ang binata na bilhin iyon. Siguro ay napakarami ang magsasabi sa kanya na hindi raw siya nag-iisip sapagkat ipinagbili lang naman niya ang dalawa niyang equipable items. Mga rare items! Subalit ano ba ang mahalaga? Ang magkaroon ka ng malakas na items o ang makasama ang isang tao na napaka-importante para sa kanya? 20,000,000 Coins ang halaga ng Sword of the Black Dragon at Stone Shield. Iyon nga ang pinakamataas na offer sa shop. "You received Revival Stone (1). Accept [x]" Hindi ito mailagay ni Nigito sa kanyang inventory. Kailangan niya pa kasi ng "Crystalized Bag" para maitago ito. Kaso, 1,000,000 coins ang isa nito at kinulang na siya ng budget. Inilagay nga niya muna ito sa kanyang bulsa. Balak niyang bumalik sa f*******n Forest kapag natapos nila ang quest papunta ng Millenium Volcano. Iyon ay para balikan at muling buhayin ang kanyang kapatid. Si Yuri. ***** Samantala. "Boss Conrad, siya ang player na bumili ng Limited Item diyan sa shop. Ano nang plano natin?" wika ng isang player na nakakubli sa isang madilim na bahagi sa tabi ng shop kung saan galing si Nigito. "Sundan natin. Kontakin mo na rin si Kisha. Kailangan natin siya upang makuha 'yun. Mukhang wala pa siyang Crystalized Bag..." "Matutuwa si pinuno sa regalo natin. Zihihi.." wika naman ng matipunong kasama nito. Hinayaan na lang ni Nigito ang mga paa niya na dalhin siya kahit saan. Sa paglalakad niya ay nakarating siya sa isang malawak na parke. May mga mayayabong na puno at mga naggagandahang halaman dito. Napansin niya rin na ang daming nag-de-date dito. Na-miss tuloy niya si Asuna, pero hinayaan na niya muna ito na sumama kay Nami. bigla. Alam niya na kailangan din ng dalaga ng iba pang kaibigan dito sa game. Umupo muna siya sa pahabang upuan at tumingala sa langit. Napangiti siya nang makita ang magagandang ulap sa langit. Pumikit siya nang bahagya para damhin ang paligid. Ang sarap sa tenga ng mga huni ng mga ibon. Naririnig niya iyon. Ang pagaspas ng mga dahon at ang hampas ng banayad na hangin sa balat niya. Pati na rin ang hagikhikan ng mga nagde-date. "Sana dumating ang araw na lahat ng maglalaro ng HQO ay masaya. Sana, malaro namin ito ni Asuna ng walang alinlangan." Seryoso at panatag ang utak ni Nigito sa pag-iimagine ng mga bagay-bagay nang biglang napapitlag ito. Biglang may kung sino ang yumakap sa kanya. Napamulat siya at nakita niya na isa itong babaeng player. Ang dibdib nito ay nasa tapat ng mukha niya at naaamoy niya ang bango noon. Nararamdaman din niya ang lambot nito. "T-te...teka Miss. Sino ka ba?" namumulang tanong ni Nigito na pinipilit kumalas dito. Doon na nga lumayo sa kanya ang dalaga. "'Di mo ba ako nakikilala? Ako si Kisha... 'Di ba ikaw si Kezki? 'Yung ka-eyeball ko dito?" tanong sa kanya ng isang napakagandang player na nakasuot ng pink jacket at may maiksing blue na palda. Napansin nga ni Nigito na medyo may kalakihan ang dibdib nito na kanina lang ay nakadikit sa mukha niya. Kahit sino raw yata ay iyon ang mapapansin kapag tiningnan ito. "M-miss, wrong player yata ang napuntahan mo. Hindi ako si Kezki. Check mo pa sa VS mo..." natatawang sagot ni Nigito na tumingin pa sa paligid. Baka makita siya ni Asuna at alam niyang delikado. Nang marinig nga iyon ng dalaga ay bigla itong namula. Nahiya ito. "N-naku... Pasensya na, akala ko talaga ay ikaw si Kezki... Sorry talaga..." hiyang-hiya nitong wika. Nginitian siya ni nigito at sinabihang okay lang. Nawala ang hiya nito matapos iyon. Napangiti na lang din ang dalaga sa mga nangyari. "Pasensya na talaga... Nigito?" "Ayos lang talaga, lahat naman ay nagkakamali," nakangiting wika ng binata. Pagkatapos noon ay umalis na si Kisha. Nakahinga na rin nang maluwag si Nigito. Sandali pang tumigil si Nigito sa parke hanggang sa umalis na siya. Patingin-tingin lang siya sa paligid hanggang sa naisipan niyang kapain ang Revival Stone sa kanyang bulsa. Bigla itong napahinto sa paglalakad. Kinapa niya sa lahat nt bulsa niya ang item. Kaso wala. Kinabahan ang binata dahil doon pero huminga siya nang malalim. "Kalma lang Nigito... Isipin mo ang mga ginawa mo." Muli niyang binaybay ang kanyang mga dinaanan, pabalik sa park hanggang sa item shop. Pero zero progress ang paghahanap niya. Halos maiyak na siya kakaisip hanggang sa muli niyang marating ang pinag-upuan niya sa park. Parang may kidlat na pumasok sa utak niya nang bigla siyang mapaupo. Isa na lang ang naiisip niya nang oras na iyon. "Si Kisha?" Agad niyang sinundan ang mga dinaanan nito. Nilibot nga niya ang buong park at maging ang mga kalapit bahayan ay hinalughog din niya. Pero kahit anino ni Kisha ay hindi niya natagpuan. Napaluhod at napasuntok siya sa damuhan ng park. Nagagalit siya sa sarili niya dahil sa mga nangyari. "Hahanapin kita Kisha. Hindi pwedeng mabalewala ang pinaghirapan ko." "Ang kapatid kong si Yuri... Ibabalik ko siya..." Unti-unti siyang tumayo. Naisip niyang walang maiitulong ang pagmumukmok niya. Hahanapin niya si Kisha kahit na ano man ang mangyari. ***** "Good job Kisha... Maaasahan ka talaga sa mga ganitong bagay. Tiyak na matutuwa ang pinuno natin sa regalong ito. Malaki ang magiging reward natin dito. Zihihi!" "Ginamit ko lang naman ang s*x appeal ko sa Nigitong iyon. Kaya walang kahirap-hirap na nakuha ko sa bulsa niya ang Revival Stone," pagmamalaki pa ni Kisha. "Mabuti pa ay dalhin na natin iyan kay pinuno. Baka mamaya ay matunugan pa tayo ng may-ari niyan," suhestyon ng isa pang kasama ng mga ito. Matapos ang pag-uusap nilang iyon ay unti-unti na silang naglaho sa ibabaw ng isang malaking puno sa park. TO BE CONTINUED!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD