NATAPOS na sina Asuna at Nigito sa paliligo sa dagat. Masayang-masaya sila sa mga nangyari at nawala na rin ang bisa ng CAK.
"Mabuti na lang at peke ang katawang gamit natin. Dahil kung hindi... Bubugbugin talaga kita! Napakabata ko pa para ipakita ang katawan ko. At sa iyo pa talaga," winika ni Asuja na medyo namumula pa.
"Mabuti na lang at avatar lang ito."
"Sus! Ang sabihin mo, hindi ka sexy sa real world!" biro ni Nigito sa dalaga.
Nainis nga si Asuna sa kanyang narinig kay pinagsusuntok niya si Nigito. Mabuti na lang at Allies (Friend) na sila dito sa HQO dahil kung hindi ay baka naubos na ang HP nito sa kanyang pinaggagawa.
"S-sorry na po Master Asuna... 'Di na po mauulit. Aray!" wika ni Nigito na puro bukol dahil sa mga nangyari. Mabuti't tinigilan na rin siya ng dalaga.
Tinawanan naman siya ni Asuna at sinabing siya daw ang boss sa kanilang dalawa. Dapat daw ay siya lagi ang masusunod. Habang naglalakad sila ay napangiti siya bigla dahil bigla siyang may hindi inaasahang maalalang kakilala. Pero hindi na niya ito inintindi dahil baka maasar lang daw siya.
"A-asuna. Gusto mo ba na mag-rent tayo ng room na tutulugan natin mamaya? Para ma-experience naman natin," alok ni Nigito. Sandali namang nagulat si Asuna nang marinig iyon
"Anong ma-experience!? Hoy Nigito! Nakakahalata na ako sa 'yo!" Sinamaan pa ni Asuna ng tingin si Nigito nang marinig iyon.
"Alam mo, napaka green-minded mo! 15 pa lang ako at hindi man lang pumasok sa isip ko ang mga ganun." Pagkatapos noon ay hindi na nga nagsalita si Nigito. Pakiramdam niya ay napahiya siya sa dalaga.
Hindi na nga sila nagkibuan at nag-imikan hanggang sa makarating sila sa mga kabahayan ng Zubi. Iniisip ni Nigito na m******s siguro ang tingin sa kanya ni Asuna kaya mas pinili niyang 'wag nang umimik pa.
"Sorry. Pansinin mo na ako..." Doon na nagsalita si Asuna. Pero nanatiling tahimik si Nigito.
Bigla na lamang ngang kinabig ni Asuna ang kamay ni Nigito. Hinawakan niya ito hanggang sa tuluyan ng magdaop ang mga palad nila.
"Sorry. 'Wag ka nang magtampo," bulong ni Asuna.
Hindi nga magawang magsalita ni Nigito dahil sa lakas ng kabog ng dibdib niya nang sandaling iyon. Nahihiya siya lalo na't pinagtitingginan sila ng ibang mga player na nakakasalubong at nakakasabay nila. Magkahawak kasi ang kamay nila habang naglalakad sa gitna ng daan sa loob ng village.
"Ano? Nagtatampo ka pa rin ba sa akin?" usal ni Asuna na may kasamang ngiti.
"O-okay na. M-matitiis ba naman kita," nakangiting tugon ni Nigito.
"Sapat ba ang Coins mo para sa isang room?" Tanong ng dalaga na tumingin-tingin sa mga kabahayan sa paligid.
"Oo. Para sa isang simpleng kwarto. B-bakit?" sagot naman ni Nigito.
"Sige, i-try natin. Gusto mo ba na hati tayo sa gastos sa tutulugan natin?" nakangiting pahayag ni Asuna.
"N-naku. Ako ka na lang. Sagot kita," tugon ni Nigito na nagpakagalante sa katabi niyang dalaga.
Namula pa lalo ang pisngi ni Asuna at mas idinikit pa niya ang sarili niya kay Nigito nang sandaling iyon.
*****
"Okay ka ba sa room na ito?" tanong ni Nigito kay Asuna na pinagmamasdan ang loob ng room na nirentahan nila.
"H-ha? Oo naman. Nahihiya nga ako dahil gumastos ka lang para dito," tugon ng dalaga na umupo sa malambot na kama ng silid. Doon ay sumunod na rin ang binata.
Ngumiti si Nigito nang sandaling iyon. Kasalukuyan silang magkatabing nakaupo sa kama.
"Ayos lang 'yun. Ang pinakaimportante ay ang mapasaya kita," wika ng binata habang nakatingin sa kawalan. Doon ay pasimple niyang hinawakan ang kamay ng dalaga. Napayuko at namula naman si Asuna nang oras na iyon.
"Alam kong walang katiyakan na makabalik pa tayo sa labas. Iniisip ko na parte pa rin ang death game na ito ng tunay na mundo. Dati... Wala na akong pakialam sa mga ganitong bagay. Puro hunting at questing lagi ang inaatupag ko. Pero salamat..."
Tiningnan ni Nigito ang dalaga.
"Salamat dahil nakilala at nakasama kita dito sa game. Bumalik na 'yung dating ako. Yung tunay na Kir-- Nigito!" nakangiting kwento ni Nigito.
Inihilig naman ni Asuna ang ulo niya sa balikat ni Nigito.
"A-asuna... Gusto kong, lagi kitang kasama. Sana magkasama pa rin tayo hanggang sa katapusan ng larong ito..."
"Kung sakali mang makalaban natin ang XRG13... Sana kasama kita," seryosong sinabi ni Nigito.
Iniangat naman ni Asuna ang isa niyang kamay.
"Pangako. Magkasama tayo hanggang sa huli..." Sabi ng dalaga.
"Nigito."
Nagtali ang dulong daliri nilang dalawa. Patunay na seryoso sila sa kanilang pangako. Ngumiti sila ang dinama ang isa't isa.
May mga bagay talaga na hindi kayang maalis at mabago ng teknolohiya.
Pag-ibig.
ISA ang Ichi Island sa mga itinuturing na Giant Islands dito sa X3000 HD. Halos kasing laki ito ng bansang China. Nahahati ito sa apat na rehiyon. Ang Sabaody, Alabasta, Konoha at Hydromeda. Kabilang ang Devil Forest at Zubi Village sa Sabaody. Ang apat na rehiyon ay napapagitnaan ng napakalawak na disyerto na itinuturing na pinakamalawak sa buong X3000HD. Ang Disyerto ng Kamatayan (Desert of the Dead). Dito matatagpuan ang mga malalakas at high level monsters. Ito lang din ang tanging daanan nila patungo sa sinasabing bulkan sa ilalim ng buhangin, ang Millenium Volcano. Matatagpuan ito sa gitna ng disyertong iyon.
Pero hindi magiging madali ang tatahakin nila dahil sa sinasabing elemental dragons na nasa bulkan.
"'Wag na tayong pumunta doon!" pahayag ni Nigito.
"Tama ka nga! Kung madami lang sana tayo. Baka pwede pa!" Ani naman ni Asuna.
"Wala pa tayong level 40 at isa pa, hindi pa gaanong madami ang Item Build natin. Buriza, Vanguard, Mask of Madness, at Phase Boots pa lang ang sa akin..."
"Threads, Vanguard at Lifestealer ang sa akin. Hindi ko pa rin nabubuo ang Lothar Edge ko," wika naman ni Asuna.
"Mag-hunt na lang muna tayo. Mas mabuti pa," wika ni Nigito at lumabas na sila mula sa loob ng kanilang inn.
Habang naglalakad sila ay may napansin silang tumpukan ng mga players sa isang lugar sa village.
"Sa lahat ng mga gustong sumama sa pagpunta ng mga miyembro ng Black Assasin's Guild sa Millenium Volcano? Lumapit lang dito para malaman ang qualifications!" sigaw ng isang player na may hawak ng maraming papel.
"B-vlack Assasins? Teka..." sambit ni Asuna.
"Alam mo ba ang guild na 'yun?" tanong ni Nigito.
"Ang alam ko ay isa sila sa mga mga malalakas na guild dito sa HQO. Rank 7 sila sa rankings at lahat ng miyembro nila ay malalakas. Hindi na rin mabilang ang miyembro nila dito sa loob ng game," pahayag ni Asuna.
"Kung ganun? Bakit naghahanap pa sila ng mga kasama papunta sa Millenium Volcano? Para saan pa ang dami nila?" Tanong naman ni Nigito na pinagmasdan isa-isa ang mga players na nakikinig sa nagsasalitang may dalang mga papel.
"Magkakalayo kasi halos ang mga miyembro nila, sa madaling salita ay watak-watak sila," ani Asuna sa binata.
Napaisip tuloy si Nigito at nilapitan ang player na nag-aalok.
"Hello! Pwede bang makahingi niyang pinamimigay mong papel?" aniya at napatawa siya bigla dahil nakaramdam siya ng excitement nang mahawakan ang papel.
Napatingin nga sa kanya ang lahat dahil sa ginawa nitong pagtawa. Lahat sila ay masama ang tingin sa kanya.
"B-bawal ba talagang tumawa?" bulong niya.
"Magseryoso ka nga. Iniisip kasi nila na hindi ka seryoso sa gusto mo. Isa ang Guild na iyan sa mga nirerespeto dito sa laro," bulong naman ni Asuna.
Napabuntong-hininga na lang si Nigito at nagpakaseryoso. Binasa na nga niya ang nakasulat sa papel.
Black Assasins Guild
Sa ikalawang araw mula ngayon, sa mismong pagsikat ng araw. Kung nais mo na sumama sa Quest papuntang Millenium Volcano ay pumunta ka sa Entrance Arc ng Zubi Village sa araw na iyon.
Paalala: Dapat ay hindi ba-baba sa Level 30 ang mga player na sasama.
Permitted by:
Black Assasins (Sabaody Chapter)
Naglakad-lakad pa sila sa buong Zubi ng araw iyon. Nagmasid lang sila sa paligid at nakinig sa mga usapan ng kung sino-sino.
"Napansin konh may tattoo siya sa kanang kamay na dalawang magka-cross na espada?" Nasabi bigla ni Nigito nang maalala ang namimigay ng papel para sa Black Assasins Quest.
"Iyon ang marka ng mga miyembro ng kanilang guild. Sa Black Assasins iyon!" tugon ni Asuna.
"Teka, gusto mo ba na sumama tayo sa kanila papuntang Millenium Volcano?" tanong naman ni Nigito.
"Depende sayo." Iyon ang sagot ni Asuna at napagdesisyunan agad nila na sumama sa quest na iyon.
Bumalik uli sila sa Devil Forest para magparami ng EXP.
Giant Black Bear Level 60.
9580 HP
1000 MP
+53 Armour
260+ 150 Damage
STR 100, AGI 30, INT 50
And a melee-type monster. Skill: Toss (Throws the player/s in the air and 2 seconds stun. 350 HP damage. 200 MP needed and 30 seconds cooldown.)
Hard Skin: (Passive: 30% chance to block normal attack damage.)
Blink: (Move from a certain place to another. 100 MP needed and 5 seconds cooldown.)
"Kaya ba natin iyan Nigito? Ang laki ng gap niyan sa atin," sabi ng dalaga na bakas ang pangamba sa itsura.
"Kaya naman nating takasan iyan. At 'pag natalo natin 'yan, ibig sabihin ay kaya nating makipaglaban sa mga high-leveled monsters."
"Basta huwag kang mag-alala, kaya naman nating takasan iyan!"
Hinugot na nga ni Nigito ang itim niyang espada na nagiging ginto 'pag tinatamaan ng liwanag. Epekto ng Buriza.
Umatungal ang AI at nanlisik ang mata nito sa kanila. Sadyang matatalas din ang mga kuko nito.
"Game!" hudyat ni Nigito.
Tumakbo nga sila sa magkabilang direksyon. Ginamit ni Asuna ang Stun at mabilis nilang sinugod ito. Medyo nahirapan nga lang silang bawasan ang HP nito dahil sa passive skill nitong Hard Skin. Naging 94.72% ang HP ng monster matapos ang mga atake nila sa loob ng ilang segundong stun ni Asuna dito.
"Phase 1!"
Umatras si Nigito habang si Asuna naman ay tumakbo sa likod ng monster. Ginamit nga ng Giant Black Bear ang Toss kay Nigito. Tumapon siya sa ere at isang malakas na pagbagsak naman sa lupa. Nabawasan ng 12.8% ang HP niya at na-stun pa siya. Papalapit na ngayon sa kanya ang monster pero kalmado pa rin ang binata.
Inatake nga ni Asuna ang likurang bahagi ng monster dahilan upang sa kanya naman mabaling ang atensyon nito.
Bigla ngang nawala ang monster sa harap ni Asuna. Gumamit pala ito ng Blink at ngayon ay nasa likuran naman niya.
Isang malakas na atake ang ginawa nito. Sa sobrang lakas ay nagawa nitong maputol ang mga puno sa paligid.
"Muntik ka na do'n. Mabuti na lang at na-dispell na ang stun sa akin," sabi ni Nigito. Ginamit niya ang Blink at mabilis na iniilag si Asuna sa atake ng kalaban.
"PHASE 2 na tayo.. " Ginamit ni Nigito ang Dagger at nag-Blink siyang kasama si Asuna sa likod ng monster. Buong lakas nilang inatake ito gamit ang kanilang mga espada.
Umalingawngaw sa paligid ang bawat pagtama ng kanilang nga espada sa katawan nito.
Umalulong ang monster na hirap na hirap sa pagtalikod dahil sa epekto ng Dagger na slow.
Ginamit ngang muli ng monster ang Blink at lumitaw ito sa likuran ng dalawa. Sinundan kaagad ito ng Toss. Pareho tuloy silang tumapon sa ere at sabay ring bumagsak sa lupa.
Inatake sila ng monster at halos mabaon na sila sa lupa dahil sa lakas ng impact non.
Kapwa 78% na lang ang HP nila. Mabuti na lang at may Lifesteal silang gamit.
"Asuna..." ani Nigito.
"Nigito..."
"Ang saya nito! Mararamdaman mo lang ang sakit kung matatakot ka!" Humihingal pero nakatawang pahayag ni Nigito na mabilis na bumangon mula sa pagkakabagsak.
"At kung lalaban tayo ng walang alinlangan ay wala na tayong mararamdaman na kahit na anong sakit! Iyon ang logic sa bawat laban ng larong ito," dagdag pa ni Asuna at nagtinginan sila.
"Astig!" bulalas ni Nigito at nginisian nilang dalawa ang AI na nilalabanan nila.
Sabay nga nilang sinugod ang monster. Pinasadsad nila ang kanilang mga espada sa lupa dahilan upang makagawa sila ng tila usok dahil sa alikabok. Nagwala ang monster dahil dito. Hindi nito makita sina Asuna at Nigito dahil sa alikabok na bumabalot sa paligid.
"Phase 3!" bulalas ni Asuna. Doon nga ay inihanda na nila ang kanilang sarili upang pabagsakin ang kalaban nila.
TO BE CONTINUED!