JANE POV "At least nga ikaw, asawa mo ang gumagalaw sayo. Sa akin matanda nang lalaki at may asawa pa." "Saglit wala bang anak ang client mo?" "Wala eh, ang sabi sa akin baog ang asawa niya kaya hindi sila magkaroon ng anak." "Sus... eh di hiwalayan na niya kung di siya mabiyayaan ng anak." "Ang nangyayari kasi, parang yung client ko ay nakasandal sa babae kaya kahit gusto niya itong iwan, lulubog naman ang kumpanya niya." "Nako, ang hirap din pala ng ganyan. Yung hindi kayo magkaroon ng anak ng lalaking mahal na mahal mo, parang ang sakit sakit nun lalo na sa babae. Mabuti di ka inaway?" "Sa ilang beses akong nagpunta sa mansion ng client ko. Kahit anino nang babae ay never kong nakita. I guess siguro talagang ayaw lang kaming pagtagpuin ng tadhana. Pero masyado na rin sigurong mat