LOLITA POV Nandito ako sa hospital ngayon pero kasama ko si Mila. Nababagot ako ngayon sa totoo lang, gusto ko na ngang isuko si Efren dahil tutal ay wala na naman siyang pag asa na mabuhay pero naisip ko na pag nangyari ito, baka itigil ni Mr. Charles ang sustento niya sa amin. Mas okay na rin siguro ang ganito. 10 pm na at mahimbing na natutulog si Mila. Wala pa ring malay ang asawa ko kaya naman hindi siguro masama kung tawagan ko muna si Marvin. Siya lang naman ang lalaking pansamantalang pumupuna ng pangangailangan ko pero nag iingat ako na hindi mahuli ng kahit na sino. "Hello?" mahinang sabi ko ng sagutin niya ang tawag. "Ano ba Lolita? Gabi na ha? Baka mahuli pa tayo ng asawa ko niyan?" "Ano ka ba? Ako rin naman nagtatago ha? Nandito ako ngayon sa hospital, tumawag ako kasi