JANE POV Hapon na, sa hindi ko maipaliwang na dahilan, nahihirapan akong huminga kahit na nasa loob ako ng bahay. Kinakabahan ako at hindi ako mapakali. Nababagabag ang isip ko kay Mama. Sinubukan ko siyang tawagan pero no avail ang kanyang cellphone. Tatawagan ko na sana si Shaina ng biglang mayroong kumatok sa pintuan ng bahay namin. Dahil wala namang ibang tao sa bahay kung di ako, kaya kahit medyo pagod ako, pinagbuksan ko ito ng pinto. Nagulat naman ako dahil bumungad sa harapan ko si tita Nancy. Ang chismosa kong tita na matagal nang kaaway ni mama. Mayroon siyang dalang mga gamit at nakakaawa siyang tingnan. "Bakit po kayo nandito? Pagkatapos niyo kaming itakwil limang taon na ang nakakalipas, pupunta kayong bigla rito?" "Jane," tiningnan niya ang tiyan ko na para bang gulat