bc

THE BILLIONAIRE'S RENTED WIFE

book_age18+
503
FOLLOW
4.0K
READ
mystery
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa mahirap na babae si Jane at nagkaroon ng sakit ang kanyang papa, napilitin itong ibenta ang kanyang sarili online kung saan niya nakilala si Charles na isang mayamang lalaki at gustong magkaroon ng anak. At nang dahil sa nangyari, nagkasundo sila na rerentahan ni Charles ang sinapupunan ni Jane at nangako ito na tutulungan niya ang kanyang ama na may sakit.

Subalit paano kung magpanggap lamang si Jane na naka one night stand din ang kanyang 3 years ex boyfriend na si Kevin. Mabubuhay ba sa kasinungalingan si Jane alang alang sa kanyang tatay na may sakit o mabubunyag ang katotohanan sa bandang huli? May unexpected na mangyayari sa huling kabanata...

chap-preview
Free preview
1
JANE POV Nakasandal ako sa dingding ng magarang sasakyan na maghahatid sa akin sa bahay ng aking contracted husband na unang beses ko pa lang makikita sa personal. Pero hindi siya ang lalaking mahal ko kung di ang ex kong si Kevin na tinuldukan ang tatlong taon naming relasyon matapos kong i reject ang wedding proposal niya. Hindi pa ako ready na iwan ang pamilya ko lalo na't kailangan kong tulungan ang tatay ko na nagkasakit ng lipus at kailangan nito ng malaking halaga para sa kanyang operasyon kaya kailangan kong kumapit sa patalim. Sa ngayon, nag hahanap pa kami ng compatible kidney donor dahil ito na lamang ang pag asa ni papa upang mabuhay. At dahil dito, aksidente kong ibinenta ang virginity ko online at mayroong bumili nito na isang mayaman sa dark web. Kahit na wala akong kasiguraduhan sa kung ano man ang kahihinatnan ko. 10 million ang offer sa akin para aking virginity at 10 million naman para mabuntis ako at mabigyan ko siya ng tagapagmana ng kanyang mansyon. "Nandito na po tayo," ang sabi ng driver na bumasag sa malalim kong pag iisip. Ngiti lang ang naisagot ko sa kanya. Lumabas siya at pinag buksan niya ako ng pinto. "Miss Jane, hindi na ako makakasama pa sayo. Ang kwarto ni Sir Danny ay nasa pangalawang kwarto at nasa second floor," sabi niya sabay pasok ulit sa kanyang kotse. Nasa tapat ako ngayon ng isang malaking mansyon. Natagpuan ko ang sarili kong nakangiti habang pinag mamasdan ito. Mukhang jumakpot ako sa aking client. Masigla kong iniyapak ang mga paa ko papalapit sa magarang malaking pintuan. Subalit pagbukas na pagbukas ko, wala akong nakitang kahit na isang tao sa loob ng mansyon at para itong nag silbing ghost town para sa akin. Hindi kagaya sa maliit naming bahay na napupuno ng ingay dahil sa aming tatlong magkakapatid. Nag spark ang mga mata ko ng makita ko ang red carpet papunta sa second floor. Nang makarating ako sa itaas, kakatok na sana ako sa pangalawang kwarto subalit naka awang ang pintuan kaya pumasok na ako. Marami akong nakitang mga mamahaling gamit, mga branded na damit at ang chandelier ay napaka liwanag. Kahit saan ko ilingon ang mga mata ko, alam ko na wala akong kayang mai afford sa mga ito. Sayang nga lang, nanatili ako sa mababang level ng buhay dahil sa pagiging bread winner ko sa pamilya namin. Pero para sa tatay kong mayroong sakit, handa akong lunukin ang pride ko upang mabigyan sila ng magandang buhay. Nag ring bigla ang cellphone ko sa bulsa, "Pwede mong gamitin ang malaking bathroom sa kwarto. Aakyat ako jan maya maya," ang sabi ng client ko sa text. Pumasok ako sa cr at nanlaki ang mga mata ko dahil napaka laki ng bathroom sa cr. Kasing laki nga nito ang pinagsamang sala at kusina namin sa bahay. Mayroon ding nakasabit na twalya. May liquid soap, scented candles sa paligid ng bath tub at mayroon pang mga rose petals na naka kalat sa sahig. Halatang pinag handaan niya talaga ang pag dating ko sa kanyang bahay. Pumasok ako sa loob at nilapag ang dala kong hand bag sa vanity area kung saan mayroon pang bilog na salamin. Mayroon ding isang mamahaling wine at dalawang wine glass. Isa ba itong date? Pero bakit kinakailangan na maging sobrang romantic ang set up? Hinubad ko ang suot kong damit hanggang sa wala na akong saplot na natira sa katawan. Dahan dahan akong nag punta sa bath tub. Isinawsaw ko ang kamay ko sa tubig at maligamgam ito. Nilublob ko kaagad ang kalahati ng katawan ko sa tub at tsaka ko sinabunan ang buong bath tub. Meanwhile, mayroon akong narinig na yapak ng mga paa sa labas at papalakas ito ng papalakas. At kasabay nito ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Ito na ang pinaka hinihintay ko, ang makita ang aking client sa unang pagkakataon. Napunta ang mga mata ko sa pintuan, inaabangan ang pag dating niya. Ngumiti ako kaagad upang itago ang kaba ko. Nang magbukas ang pinto, bumungad sa akin ang isang lalaki na nasa 40's at wala itong ibang suot kung di ang kanyang twalya na nakapalupot sa kanyang baiwang. Mayroon siyang malaking pangangatawan at may tattoo pa sa kanyang dibdib na ang nakalagay ay hard fucker. Kayumanggi ang kanyang kulay at batak na batak ang mga muscles niya sa kanyang mga braso. Literal na sugar daddy ang dating niya sa akin ngayon. Natakot akong bigla sa kanya at parang gusto kong umalis kaagad sa lugar na ito. Lumapit siya sa akin habang ito ay naka ngiti. "Okay ka lang ba? Halatang tinatago mo ang kaba mo sa ngiti?" "Ahhhm, first time ko kasi itong gagawin... kaya hindi lang siguro ako sanay," nauutal kong sagot sa kanya. Idinampi niya ang kanyang kamay sa aking pisngi, "Talaga? Hayaan mo, basta't maibigay mo lang ang gusto ko, wala tayong magiging problema." Tama ang sinabi niya sa akin, hangga't maibigay ko ang gusto niya, wala akong magiging problema. Nandito na rin naman ako kaya wala na akong dapat na ikatakot pa. "Siguro naman malinaw sayo ang sinabi ko na hindi kami mabiyayaan ng anak ng asawa ko di ba? Kaya kailangan kong rentahan ang tiyan mo ng 9 months at pagkatapos noon, tapos na ang kontrata nating dalawa," sambit niya habang pinagmamasdan ang hubad kong kalahating katawan. Tumayo siya, sinundan ko siya ng tingin. Nag punta siya sa vanity area at nilagyan niya ng alak ang dalawang baso ng wine. Lumapit siya sa akin at binigay ang isang basong wine na tipid ngiti kong tinanggap. "Let us cheers! Para ito sa advance celebration nating dalawa." Sa buong buhay ko, kahit minsan ay hindi man lang ako nakatikim ng wine lalo na ang mamahalin na kagaya ng iniinom ko ngayon. Nag aalangan man akong uminom, nasa harapan ko siya kaya hindi ko pwedeng ipakita na napipilitan lamang ako na gawin ito. Nang malasahan ko ang wine, gusto ko itong iduwal kaagad dahil mapait. Hindi ko gusto ang lasa nito. "By the way, mahal ang wine na 'yan na binili ko pa galing France. Nagkakahalaga 'yan ng mahigit 500 thousand pesos, it's a vintage wine kaya mahal." Napalunok akong bigla sa mahal ng presyo ng wine. "Kung mayroon ka pang gustong kainin na pagkain, pwede kang magsabi sa akin." Parang ang charming niyang tao, at sobrang nakakaakit ang mga mata niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
63.1K
bc

AKO ANG NAUNA [SPG]

read
6.3K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
9.8K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
284.5K
bc

The Real About My Husband

read
24.3K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
87.7K
bc

DON'T FALL IT'S DANGEROUS

read
6.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook