4

1011 Words
JANE POV "Ma, 3 years kaming dalawa ni Kevin. Alam mo naman siguro na hindi sapat ang isang buwan para makapag move on. Unless robot ang tingin mo sa akin." "Hay nako! Iba na talaga ang kabataan ngayon, masyado kayong maramdaming tao. Siya nga pala, kamusta ang lakad mo? Dapat may dala kang good news para sa akin." Simula't sapul, alam na alam ni Mama ang tungkol sa ginawa kong ito. Hindi nga niya ako pinigilan, bagkus ay hinayaan niya lang ako na gawin ito alang alang sa pera. "Ma, ang sabi ng client ko, kailangan ko raw munang mag buntis para ibigay niya ng buo ang pera para sa kontrata namin. So sana within two weeks, mag positive na ako sa pregnancy test para makuha na natin ang pera." Pinigilan kong umiyak, ngayon lang ako tinamaan ng sakit pagkatapos kong ipamigay ang sarili ko sa lalaki na hindi ko naman gusto. "Jane, wag mong isipin na nasasayang ang effort mo para sa pamilya natin. Tandaan mo, sa panahon ngayon, bihira na ang ganyang opportunity," wala man lang akong emosyon na nararamdaman sa kanya. "Gusto ko sanang magpahinga sa bahay, ayaw ko munang mag stress dahil baka mapaano ang baby ko." "Sige, ako na ang bahala rito," sambit niya. Kinuha ko ang 19k na kinita ko kay Mr. Charles at ibinigay ko itong lahat kay Mama, "Yan ung paunang bayad niya sa akin kanina. Pang dagdag din yan sa budget natin at pang maintenance ni Papa." Ngayon, naging maaliwalas ang mukha ni Mama at wala akong nababakas na lungkot. "Salamat anak, sana pala ay hindi ko na isinangla ang wedding ring namin ng papa mo. Bukas, tutubusin ko na 'yun ulit." "Ma, sana naman nagsabi ka sa akin ng mas maaga. Ngayon, may tubo na ang pawnshop na sinanglaan mo, dagdag gastos na naman." "Anong gagawin ko? Gusto mo bang mamatay kami sa gutom dito ha? Kailangan din naming dumiskarte, ang akala ko nga bukas ka pa uuwi. Sige na, kami na ni Mila ang bahala rito. Pinag saing ko na si Shaina ng kanina sa bahay. Iwan mo na ang pagkain na dala mo rito para may pagkain kami ni Mila." Bago ako umalis, hinalikan ko muna si Mila sa noo. Nang maka uwi ako, dumaan muna ako sa isang palengke upang bumili ng makakain naming malagkit sa bahay. Tapos, naglakad na ako papasok sa street namin. Ang masakit pa, hindi ko sinasadyang makasalubong si Kevin at sa unang pagkakataon, nakita ko ang isang babae na kaakbay niya. Medyo mas bata siya sa akin pero di hamak naman na mas maganda ako sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay at parang gusto pa akong awayin. Lumihis kaagad ako ng tingin sa daan, pero ang totoo, masakit sa akin na makita si Kevin na may kasamang ibang babae. "Di ba siya ang ex-girlfriend mo?" tanong ng babae ng makalagpas sila sa akin. "Oo siya nga, wag mo na siyang pansinin. Ikaw na ang mahal ko ngayon," sambit ni Kevin. Nagtawanan pa silang dalawa. Nakakagigil at gusto ko silang parehas na sampalin dahil sa pananakit nila sa akin. Ang hirap pala kapag nasa iisang lugar lang ang mag ex, hindi maiiwasan na harap harapan mo siyang makikita at kailangan magpanggap kang pusong bato kasi kapag pinakita mong nasasaktan ka, mas lalo ka nilang aasarin. Nang makarating ako sa bahay, nagtaka ako dahil may maingay sa may sala namin na rinig na rinig sa labas pa lang ng pinto. Pag bukas ko sa loob ng bahay, nagulat ako dahil si Shaina, mayroon siyang tatlong lalaki na kasama. Lahat silang tatlo, nakasuot ng uniform pero siya lamang ang hindi. Noong una, ang buong akala ko ay nag go group study silang apat pero nang makalapit na ako, mayroong isang bote ng alak sa harapan nila. Tapos ang iksi pa ng suot ni Shaina, kaunti na lang at kita na ang kaluluwa niya. Nang mapansin nila ako sa loob, tumingin sila sa akin. "Hi po ate," pagbati pa ng isa sa kanila. Hindi ko siya pinansin, bagkus ay diretso lamang ang tingin ko kay Shaina na halatang namumutla na sa kaba. "Ate," sambit niya sabay tayo. "Ahhh... kakatapos lang po naming mag group study," kabadong sabi niya sabay ligpit sa lamesa. Sobrang nag iinit na ang ulo ko sa nangyayari. At nang hindi na ako makapag timpi pa, lumapit ako sa kanya at sinampal ko siya sa pisngi. Wala na akong pakialam kung mapahiya siya sa harapan ng mga kaibigan niya. "Gagawin mo pa akong tanga! Nag iisip ka ba ha? Ganito ka ba kalandi Shaina? Talagang dito ka pa lalandi sa loob ng bahay natin?" Halos bumakat ang kamay ko sa pisngi niyang hawak hawak niya. "Ate school project nga kaya kami nandito. Tapos nagkaroon lang kami ng kaunting inuman pagkatapos. Parang hindi ka naman nag daan sa ganito." Dinuro ko siya, "Hoy excuse me hindi ako ganyang babae noong nag aaral pa ako kaya wag na wag mong idadahilan sa akin 'yan!" sigaw ko pa. "Sige na guys umuwi na kayo, ako na ang bahala rito," sabi pa niya sa mga lalaking kasama niya. Tumingin ako sa kanilang tatlo, "At kayo naman, may balak pa yata kayong gapangin ang kapatid ko kasi siguro sinabi niya na siya lang dito mag isa! Ang kakapal naman ng mga pagmumukha ninyo, mga hindi pa nga yata kayo tuli eh!" Kaagad silang nagsipag takbo kasama ang mga bag nilang lahat. "Ayan! Magsi uwi kayong mga supot kayo! May mga gatas pa kayo sa labi tapos ang lalandi niyo na?" sigaw ko pa habang sinusundan sila papalabas ng pintuan namin. Ni lock ko ito pagkatapos nilang lumabas at muli kong binalikan si Shaina. "Ano ka ba ate? Sa tingin mo ba mababa lang ang tingin ko sa sarili ko? Hindi mo ba halata na bakla ang isa sa kanila ha? Grabe ka naman, porket naghiwalay lang kayo ni kuya Kevin, sa akin mo na binubuntong ang galit mo!" pambabastos niya sa akin. Mas lalo akong na highblood sa kanya kaya lumapit ako at nagulat siya sa ginawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD