5

1009 Words
JANE POV Pak! Isang malakas na sampal na naman ang pinakawalan ko dahil sa galit. Dinuro ko naman siya pagkatapos nito at pinaalalahanan ko siya habang pinipigilan ko ang iyak ko. "Wala kang alam sa mga sinasabi mo sa akin Shaina. Buong buhay ko ang binigay ko para sa pamilya natin pagkatapos gaganyanin mo lang ako ha? Sana bago ka magsalita ng ganyan, dapat magkaroon ka muna ng ambag sa pamilya natin." Nag simula na ring mamugtong ang mga mata ni Shaina, "Ikaw naman talaga ang bida sa bahay na ito kasi ikaw lang ang nagbibigay kay mama. Kaya tuloy ang tingin niya sa akin, palamunin lang dito sa bahay at walang silbi." Umalis bigla si Shaina at umakyat ito sa kanyang kwarto. Napaka pasaway talaga nang babaeng 'yan kahit kailan. Pabalang sumagot at hindi man lang inaatupag ang pag aaral. Never ko nga siyang nakitang nag basa ng libro o gumawa ng assignment niya. Wala pa siyang sinaing na kanin kaya literal na ako ang kikilos kahit na pagod na pagod ako. Nilinis ko pa ang buong bahay namin. Sadyang nakaka badtrip lang talaga! Two weeks later, ito na ang pinaka hinihintay ko! Bumili ako ng limang pregnancy test kits upang makasigurado lang ako na hindi ako magkakamali at hindi palpak ang binili kong kit. Kahit dalawang sunod sunod lang na positive result ay masaya na ako. Dalawang beses ko akong nagtetake ng pregnancy test subalit hindi pa rin ito nagpa postive. Last na pregnancy test na, halos mawalan na ako ng pag asa dahil ito na ang huling chance ko. Paglabas ko, negative pa rin ang pregnant kit. Naiinis ako, halos magunaw ang mundo ko dahil negative ang result. Paano na si papa? Hindi pwedeng malaman ni Mr. Charles walang naging bunga ang isang gabi naming pinaghirapan. Meanwhile, may biglang kumatok sa kwarto ko. Nag bukas ako ng pinto at bumungad sa akin si Shaina. Humahagulgol siya ng iyak at parang tulirong tuliro ito. Buhaghag pa ang kanyang buhok. "Anong nangyari sayo ha?" tanong ko sa kanya. "Siguro bumagsak ka school no? Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh, dahil-" "Ate dalawang linggo na po akong hindi dinadatnan..." Halos kabahan ako sa sinabi niya sa akin. "Saglit... anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya. Hinatak niya ako sa loob ng kwarto ko at ni lock niya ang pintuan. Walang sabi sabi, binigay niyang bigla ang pregnancy test kit sa akin at kitang kita ko na dalawang linya ito. "Sorry ate... hindi ko iningatan ang sarili ko..." "Putcha! Buntis ka Shaina? Bakit mo naman ito ginawa?" Hindi siya sumagot, bagkus ay patuloy lamang ito sa kanyang pag iyak kaya sinermonan ko na siya. "Yan na nga ba ang sinasabi ko sayo eh! Alam mong hirap na hirap na tayo sa sitwasyon ni Papa tapos mag dadagdag ka na naman ng bagong palamunin dito sa bahay natin? Sino ang tatay ng dinadala mo ha?" Niyakap na lamang niya ako ng mahigpit dahil alam niya na kahit gaano ako kagalit, isang yakap lang ay kumakalma na ako. Tatlong katok sa pinto ang nagpahinto ng drama naming dalawa. "Punasan mo ang luha mo Shaina, hindi pwede na makita ka nilang ganyan." "Teka ate, wala ka bang planong sabihin kay mama ang tungkol sa biglaang pag bubuntis ko?" "Stress na si mama at sigurado akong magagalit siya sayo. Baka nga palayasin ka pa niya eh! "Ano ba buksan niyo nga ang pinto!" malakas na sigaw ni Mama sa labas, "Jane mayroon kang sundo sa labas! Yun yata ang sundo mo papunta sa bahay ng client mo." Nagulat ako sa narinig ko. Ang akala ko pa naman ay bukas ang usapan naming dalawa ng client ko pero ineksaktong araw pa talaga niya ang pagbisita. Mabuti na lamang at nakaligo na ako at balak ko pa naman sanang magpunta sa mall. Subalit naiba ang lakad kong bigla. Itinago ko naman ang pregnancy test kit ni Shaina sa bag ko. "Teka ate, ano ang binabalak mo?" tanong niya. I smiled at her, "Basta ako ang bahala, gagawin ko ang lahat para sa pamilya natin pero hindi iyon nangangahulugan na natutuwa ako sa ginawa mo. Mamaya natin ipagpapatuloy ang pag uusap nating dalawa. Kaya ayusin mo muna ang sarili mo." Lumabas na ako ng kwarto at nilagpasan ko si mama dahil sa taranta ko. Lumabas ako kaagad at nakita ko ang driver na naghihintay sa akin sa labas. "Pasensya ka na Ma'am, aalis kasi si Sir Charles bukas kaya ngayon ka niya kailangan pumunta," sambit ng driver nang makasakay na ako sa loob ng kanyang sasakyan. "Okay lang po sa akin. Top priority ko naman po ang client ko," mabilis na sagot ko sa kanya. "At mayroon po akong good news para sa kanya mama." Sumandal ako ulit sa dingding ng sasakyan, nakatingin sa labas, parang inuusig ako ng konsensya ko na wag lokohin ang client subalit dahil sa naiisip ko ang kalagayan ni papa, kailangan kong maging praktikal na tao. Siguro naman ay mayroon ulit mangyayari sa amin mamaya kaya temporary lamang ang pag sisinungaling ko sa kanya. "Saktong sakto dahil darating ngayon ang asawa ni Sir Charles na galing sa Canada. At sabi sa akin ni Sir, gusto ka raw makita ng asawa niya." Mas lalo akong kinabahan dahil sa sinabi niya and I was given a false hope. "Saglit, ang akala ko po ay next year pa uuwi ang asawa ni Sir?" "Yun din ang akala ko eh. Sorry pero driver lang naman ako rito kaya hindi na ako masyadong nagtanong pa." "Wala pong problema." Mabuti na lamang at iniligtas ako ni Shaina sa kapahamakan pero hindi talaga ako natutuwa sa ginawa niya sa amin. Eksaktong 12 pm ng makarating kami sa mansion ni Mr. Charles. Sinalubong naman niya ako ng ngiti at mayroon pang romantic set up. Basta kahit anong mangyari, kailangan pilitin kong may mangyari sa aming dalawa ni Mr. Charles! Naghila siya ng upuan at pinaupo niya ako. Napangiti ako sa ginawa niya. Nilagay ko ang bag ko sa tabing upuan. Siguro naman tatlo lang kaming uupo ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD