Chapter 6

1939 Words
"Uhmmm, oo actually nandon ako kahapon sa kasal mo," pag-amin nito na lalo niyang ikinagulat. "Shhh, please lower your voice Zion b-baka may makarinig sayo patay ako kay Ace nito," suway niya dito. "Maybe, alam ko na ang reason, sa tingin ko kasi isa rin siyang spoiled brat na katulad ng mga kabataang nag-aaral sa school na ito. Isa rin siyang may pamantayan sa pakikipagkaibigan at syempre isa siya sa nangmamaliit sayo. Ang ipinagtataka ko lang, papanong pumayag siyang magpakasal kayo?" mahabang wika nito. "Uhmm, sorry nagiging madaldal na yata ako," muli sabi nito. "Basta may dahilan ang lahat, uhmm pwede bang secret na lamang natin ito? Hindi kasi pwedeng malaman dito sa campus ang tungkol sa amin," pakiusap niya dito. "Okey, pero alam mo hindi ko gusto ang ugali ng Ace na iyan, kitang-kita ko kahapon kong paano ka niya tingnan at kapag nakatingin ang kanyang Lola saka lang siya ngumingiti, ngiting aso pa," wika muli nito. Hindi na lamang niya pinansin dahil medyo nasaktan siya sa sinabi nito. Sabagay alam naman niya iyon, pero kahapon totoong saya ang naramdaman niya. Hindi niya alam kong ano ang nararamdaman niya kay Ace pero kapag kasi nandiyan ito palaging bumibilis ang pintig ng puso niya. Palagi din niyang iniisip ang mararamdaman nito. Nangyari iyon noong mga panahong palaging itinatakbo sa ospital ang kanilang lola. Parang feeling niya nagiging kuya niya ito lalo na kapag umiiyak siya. Noon naman kasi palagi siyang nangangatwiran dito at palagi niya itong isinusumbong sa kanilang lola kaya siguro naiinis ito sa kanya pero noong mga panahong takot na takot siya kapag kinailangang isugod sa ospital ang kanilang lola, inaalo siya nito. Kahit hindi mahinahong pag-alo sa kanya feeling pa rin niya may care ito sa kanya. Simula non, hindi na siya lumalaban dito at hindi na rin niya ito sinasagot. Sinusunod na lamang niya ang gusto nito kahit minsan ei sobra na ito kong magsalita sa kanya. "Hayaan mo na ganon talaga iyon ei. Salamat ha, sana mapanghawakan ko iyang sinabi mo. Hindi kasi talaga pwedeng malaman sa buong campus. Ayokong masira siya ng dahil lamang sa isang kagaya ko," wika niya dito. "Walang anuman, nakapunta naman ako kahapon sa kasal mo kasi inaya ako ni Mommy. Inimbitahan kasi siya ni Donya Adelaida, ei wala si Daddy kaya ako ang isinama niya. Siguro hindi mo lang ako napansin kasi tutok na tutok ang mga mata mo sa Ace na yon. Kanina naman, kaya tinanong kita kasi gusto ko lamang matiyak kong sino sa inyo ang totoong Del Valle," wika nito. Namula tuloy ang mukha niya, mabilis pa naman siyang mag-blush kasi maputi siya. Iyon nga lang punong-puno siya ng tagihawat sa mukha, ilang beses na rin siyang sinubukang ipaderma ng kanyang lola pero ewan ba niya isinumpa na talaga yata ang kanyang mukha para magkaron ng mga tagihawat. Noon namang maliit pa siya, animo nanunuyo iyon at nagbabalat-balat pa kaya nga sobrang panget ng tingin sa kanya ni Ace. Isa pa mas domoble ang kanyang taba ng nagdalaga na. Batok nga niya ei maiitim na, maputi siya kaya kitang-kita iyon kaya palagi nalang siyang nakalugay ng buhok. Dati parang mga alambre ang kanyang buhok, hindi naman kulot medyo wavy lang kaya lang talaga parang walang sustansya. Ngayon naman straight na iyon at mukhang may sustansya na dahil alaga na siya sa salon. Noong kaya pa ng kanyang Lola ito ang kasama niya palagi pero ng hindi na nito kaya kay Nanay Salud na siya nito pinapasamahan. "Ahh, tayo na malapit ng magbell. Baka malate tayo, teror pa naman ang teacher natin sa English," aya niya dito, sabay tayo. "Okey, pero ang cute mong asarin ha, parang kulay kamatis na iyang mukha mo ei," wika nito. "Sira, g-ganyan na talaga yan dahil sa sandamakmak na pimples na nakasabog sa mukha ko. Hindi na nga natutuyo ang mga iyan," palusot niya. "Hmmm, hindi naman ganon kalala ang pimples mo. Bulag lamang ang taong nagsasabi sayong panget ka," wika muli nito. "Naku, nambola ka pa tayo na nga," wika niya. Biglang tumunog ang bell, ibigsabihin tapos na ang lunch time nila kaya kinakailangan na nilang pumasok sa school. Sa pagkagulat niya, bigla nitong hinawakan ang kanyang kamay at tsaka mabilis na naglakad kaya mabilis din siyang nakasunod dito. Nasalubong naman nila sina Ace at Miles na nagmula sa may cr ng school, napansin pa niyang medyo magulo ang buhok ni Miles at ang necktie naman ni Ace ay wala sa ayos ang pagkakalagay. Napatingin ito sa kanya, at ganon din siya. Ngunit ng mapadako ang tingin nito sa kamay niya na hawak ni Zion ay napatiim bagang ito kaya naman bigla siyang napabitaw sa kamay ni Zion. Ngunit napalingon sa kanya si Zion, nakita nito si Ace at madilim ang mukhang tumitig dito. Animo nagsusukatan ng tingin, si Miles naman ay maarteng inaaya na si Ace na pumasok sa room. Ilang sandali lamang at natapos din ang sukatan ng mga mata nito. Pero biglang hinawakan muli ni Zion ang kanyang kamay at hinila na siya papasok ng room. Hinatid siya sa upuan niya na nasa may bandang gitna man pero walang nais makatabi siya kaya naman nag-iisa lamang siya sa panig na iyon. Pero nagulat siya ng umupo si Ace sa tabi niya. "Simula sa araw na ito, palagi ka ng may katabi sa upuan. Syempre friends tayo kaya hindi ko hahayaang mag-isa ka lang palagi," nakangiting wika nito sa kanya at bahagya pang pinisil ang kanyang pisngi. "Naku, okey lang naman akong mag-isa dito Zion, wag mo na akong alalahanin," simpatikong wika nito. "Hoy bakulaw! Alis! Don ka sa may likuran!" napalis ang kanyang ngiti ng makita ang isa sa kanyang classmate na nasa likuran. Sabay nilang nilingon ito ni Zion. "Hindi mo ba ako narinig ha?! Umalis ka diyan! Don ka sa dati kong upuan, dyan dapat ako kasi nandiyan si Zion!" inis na wika nito, kaya napilitan siyang tumayo. "Excuse me Miss, upuan niya iyan kaya diyan lamang siya. Ang daming bakanteng upuan oh, pili ka na lamang ng isa diyan," seryosong wika ni Zion dito. "Ei kasi naman Zion, tayo na ngang dalawa ang magkatabi ei, tapos dito ka pa tatabi sa bakulaw na iyan!" nagdadabog ng wika nito. "Miss hindi kita kilala okey! Kaya please lang, umalis ka na dito o bumalik ka kong saan ka mang lungga nanggaling dahil si Sailor lang ang gusto kong katabi! Wala ng iba, naiintindihan mo ba iyon ha?!" inis na wika na nito sa babae. Parang gusto niyang maluha dahil ito pa lamang din ang kauna-unahang nagtanggol sa kanya. Si Ace naman hinahayaan pa nga siya nitong mabully ng iba nilang mga classmate. Basta sarili lamang nito ang palagi nitong iniisip. Napatingin siya sa kinaroroonan nito at ni Miles. Matiim na nakatitig lamang ito sa kanila ngunit agad na nag-iwas ng tingin ng makita siya nitong nakatingin sa mga ito. Nagdadabog na umalis ang kanilang kaklase sa class room na iyon. Inayos naman nito ang upuan at sumenyas na umupo na siyang muli. "Salamat," mahinang wika niya dito. Napa 'yes' naman ito ng sabihin niya iyon. Todo pa ang ngiti nito. Natapos ang klase nila ng maayos. Palagi siyang napapangiti dahil sa kakulitan ni Zion, super jolly ito tsaka hindi talaga ito naiilang sa kanya. Kahit na super taba niya na kadalasan ei iyon ang dahilan sa pangbubully sa kanya. Dito parang normal lang iyon, ni hindi nito pinapansin iyon. Sa labasan naman nila, sinamahan siya nito hanggang sa gate ng school tsaka sabay nilang hinintay ang mga sundo nila. Nakita niya si Ace na nakatayo sa may unahang waiting shed. Nakasimangot ito ng mapatingin sa kanila. Si Zion naman ay ang kulit-kulit, kong ano-ano ang mga kinukwento nito. "Oi, hubby mo oh," wika nito sabay turo kay Ace. "Shhh, ano ka ba Zion? Diba napag-usapan na natin ito? Baka marinig ka nya," saway niya dito. "Okey, sorry na. Uhmm, wag ka ng sumabay sa brat na yan. Sakin ka nalang sumabay, ang samang makatingin ei akala mo mangangain," wika nito. "Normal na iyan sa kanya, ikaw ba naman ang may makasabay at makasama sa araw-araw na panget. Kahit ikaw maaasar talaga," napabuntunghininga na sabi nito. "Panget? Ikaw, panget?! Sira ulo ba sya, nabubulagan lang ang kumag na iyan. Para sa kanya ang kagandahan ay nasa panlabas na anyo lamang. Hindi ba niya napapansin na maganda ka sa panloob? At maganda ka rin sa panlabas dahil walang nilikha ang Diyos na panget! May pimples at hindi lang perfect ang katawan pati na ipin ei panget na sa kanya? Tsskk, napakababaw naman ng brat na yan! Basta wag kang mahihiyang isumbong sakin kapag sinaktan ka nyan ha, kahit na bago lang ako sa lugar na ito, talagang sasapakin ko ang brat na yan kapag nalaman kong kinakawawa ka nyan!" seryosong wika nito. Parang nais nanaman niyang mapaluha, sana lahat ng tao katulad nito at ng kanyang Lola Adelaida. Kaya lang karamihan kasi puro mapanghusga. Lalo na sa katabaan niya maging ang bilbil niya napapansin pa ng mga ito, minsan nga sadyang pinipisil pa iyon ng napakariin. Minsan nakikita siya ni Ace na binubully pero wala itong paki. "Salamat po Mr, oh ayan na ang sundo ko babye na," wika niya. "Sabi ko na kasi na dito ka nalang sakin sumabay ei, nandiyan na rin naman ang sundo ko," wika muli nito. "Naku, hindi na po, baka magalit si Lola kapag hindi ako sumabay kay Ace ei," nakangiting wika niya dito. "Weehh, baka naman dahil asawa mo sya," pang-aasar nito. "Sira talaga to, syempre hindi noh, ayaw ko lang kasing magalit sakin si lola may sakit kasi sya kaya ganon," pangangatwiran niya dito pero ang totoo, mas inaalala niya si Ace. Kanina pa kasi ito masamang nakatingin sa kanila. "Okey, so mauna na ako baka hinihintay na rin ako ni Mommy ei," paalam nito. "Sige, ingat nalang," sabi niya dito. Kapag kuwa'y sumakay na ito sa kotseng sumundo dito. Kumaway pa ito sa kanya bago tuluyang isinara ang pinto ng kotse. Sumakay na rin siya sa kotse at sumunod naman si Ace. Parang hangin lamang siya kong ituring nito kahit naman dati pa halos mabibilang lamang sa kamay kung kausapin siya nito. "Sino yon?" tanong nito bigla na ikinagulat niya. "Ah, classmate natin iyon si Zion," tipid na sagot niya dito. Medyo nakakapagtaka lang na nagtatanong ito tungkol sa lalaki, sabagay ito naman kasi ang unang beses na may nakipag-usap sa kanya ng ganon. "Ah kaya pala," wika nito. "Kaya palang ano?" kunot noong tanong niya. "Kaya pala nakikipag-kaibigan sa isang katulad mo," seryosong wika nito. "Anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong niya dito pero ang tanga niya sa part na iyon, talagang nagtanong pa siya. Kahit ang totoo ei alam din naman niya ang dahilan kahit nga siya hindi pa rin makapaniwala na may isang Zion na makikipagkaibigan sa kanya. Sumimangot lang si Ace tsaka tiningnan siya mula ulo hanggang paa, sa mga mata nito mababakas ang pagkadisgusto sa paghagod ng tingin nito sa kanyang katawan. Lalo ng umasim ang mukha nito ng mapadako sa kanyang mukha ang tingin nito. Andon nanaman yong pakiramdam na parang hinihiwa ng kong ano ang kanyang puso. Ang sakit kasing isipin na kahit kelan hindi manlang ito naging mabuti sa kanya kahit pa nga sabay naman silang lumaki. "Basta wag kang magdidikit sa lalaking iyon. Siguradong darating ang araw mabubwesit din iyon sa pagmumukha mo. Mas masakit kapag ginawa niya iyon, wag kang umasang may makikipagkaibigan sa iyo ng totoo. Sa panget mo na yan!" pang-uuyam pa nito. Napaluha siya pero agad na pasimpleng pinahid iyon tsaka kunwa'y tumingin na lamang siya sa labas para maitago ang kanyang pagluha. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD