Chapter 7

2113 Words
"Lola, nandito na po kami." nakangiti wika ni Sailor, tsaka mabilis na lumapit sa kanyang lola para magbless at humalik sa pisngi nito. Nakasanayan na niya iyon na kapag darating ei ito na agad ang sasalubong sa kanya. Parang hindi niya kayang uuwi ng bahay na wala ng lolang mayayakap at mahahalikan niya. Sabihin mang ampon lamang siya pero ito ang nag-iisang taong pinakamamahal niya sa mundo. Ito lamang kasi ang nag-iisang taong nagparamdam sa kanya ng pagmamahal at pagmamalasakit. Hindi niya alam kong ano pa ang kahahantungan niya kapag nawala ito pero sa nakikita niyang itsura nito. Parang totoo nga ang sinabi ng doctor sa kanila, na kahit ang hirap paniwalaan pero sa itsura at kilos nito ngayon na kababakasan ng matinding paghihirap na itinatago lamang nito sa matamis na ngiti nito, kahit sino ei mapapaisip talaga. "Mga apo ko, k-kumusta ang maghapon ninyo sa school?" medyo hirap na tanong nito sa kanila. "Okey lang naman po Lola, bakit nandito pa po kayo sa labas dapat nasa room nyo na lamang po kayo," wika niya dito. "Oo nga naman po Lola, dapat nagpapahinga na lamang po kayo," wika naman ni Ace. "Naku mga apo ko, gusto ko lamang kayo ay salubungin sa inyong pagdating. Maghapon ko kayong namiss ng sobra, g-gusto ko nga sanang makasama kayo palagi kaya lang kailangan ninyong pumasok sa eskwela," nakangiting wika nito. "Hayaan nyo po Lola, sa weekend po maghapon nyo po kaming makakasama ni Sailor. Gusto nyo po mag outing tayo sa dagat?" wika ni Ace. "Ano ka ba Ace, nanghihina na nga si Lola ei gusto mo pa mag-outing tayo," saway niya dito. "Oo nga pala sorry po Lola, uhmm dito nalang po tayo sa bahay," wika nito. "Naku parang gusto ko iyon mga apo ah, p-parang gusto kong masilayan muli ang karagatan bago manlang ako b-bawian ng buhay. Mas gugustuhin ko pa nga na sa napakagandang lugar na iyon magpahinga mga apo," nakangiting wika nito kahit na medyo hirap na. "Lola naman po ei, wag ka pong magsalita ng ganyan. Hindi pa po kayo pwedeng magpahinga, k-kailangan ka pa po namin ni Ace," garalgal ang boses na wika niya pero ayaw na niyang umiyak pa sa harap ng kanilang lola. Gusto niyang ipakita dito na strong na siya hindi katulad dati na napakaiyakin niya, dito kasi siya nagsusumbong kapag inaaway siya ni Ace. "La, kailangan ka pa po namin. Hindi pa po kami handa ni Sailor lola. H-Hindi ko po kaya kapag mawala kayo, ikaw na lang po ang nag-iisang taong n-nagmamahal sakin. Please lola, lumaban po kayo para sa amin," naluluha ng pahayag ni Ace. Nakaramdam tuloy siya ng awa dito, kung masakit sa kanya ang pinagdadaanan ng kanyang lola, mas masakit ito dito dahil ito ang totoong apo. Katulad niya wala na siyang mga magulang kaya ipinapangako niya na aalagaan ito kahit na pagsungitan pa siya nito. Tungkulin naman niya iyon bilang asawa at nag-iisang kapamilya nito kahit pa nga hindi naman siya nito itinuturing na asawa. “Mga apo ko, ang nais ko maging malakas kayo kapag dumating na ang araw na iyon. P-Palagi nyong tatandaan na kahit wala na ako sa tabi ninyo. Palagi pa rin akong nandiyan para kayo ay gabayan, hindi nyo man ako nakikita o nahahawakan alam ko nandiyan ako sa mga p-puso ninyo at isipan kaya parang magkakasama pa rin tayo mga apo. Ang nag-iisa ko lamang k-kahilingan sa inyo. Sana dumating ang panahon na matanggap nyo na ang isa’t-isa at matutunan ninyong magmahalan,” nahihirapang wika nito, umaagos na rin ang luha sa mga mata. Maging si Nanay Salud na nakikinig lamang sa kanilang usapan ay umiiyak na rin. “T-Tama na po iyan Lola, naiiyak na po kayo baka po m-magkapano pa kayo. Gusto nyo po Lola ipagluto ko po kayo ng lugaw? Diba po gustong-gusto ninyo ang lugaw na niluto ko sayo dati, o kaya gusto nyo po lagyan ko ulit ng manok para po mas malasa?” wika niya, pilit niyang pinasaya ang boses kahit ang totoo ei naiiyak na siya. Nakikita niya kasi si Ace na nagpapahid na ng luha, ang kanilang lola naman ei lumuluha na kaya pilit niyang pinipigil ang luha dahil baka magkapano pa ang kanilang lola. “Huwag na apo ko, magpahinga na lamang kayo alam ko pagod din kayo. P-Pero may niluto na meryenda diyan ang Nanay Salud ninyo magmeryenda muna kayo bago kayo m-magpahinga,” wika nito kahit medyo hirap na. “Sige po Lola, pero gusto ko po nasa tabi mo kami, okey lang po ba lola?” nakangiti na niyang tanong dito. “N-Naglambing nanaman ang pinakamaganda kong apo! S-Sige dito na lamang tayo sa v-veranda,” nakangiting wika nito. “S-Salud, pwede bang paki-asikaso ang meryenda ng mga apo ko? G-Gusto ko silang k-kasabay kumain,” nakangiting wika naman nito kay Nanay Salud. “Ay, oo naman po Donya Adelaida. Saglit lang mga apo ha, kukuha lamang ako ng pagkain,” wika nito, tsaka umalis na. “Akin na ang bag mo Sailor, ako na ang magdadala sa room mo para may kasama dito si Lola.” Wika naman ni Ace, ito ang unang beses na nagpresenta itong magdadala ng bag niya kaya nag-iisa at dalawa siya kong ibibigay. Mukhang nainip ito kaya naman ito na ang kusang kumuha sa kanyang likuran niyon. Pagkaalis nito, naupo naman na siya sa tabi ng kanilang lola. “Sailor apo,” wika ng kanilang Lola tsaka ginagap ang kanyang palad. “B-Bakit po lola?” tanong naman niya. “Ikaw na ang bahala kay Ace ha, mag-asawa na kayo ngayon kaya sana mahalin mo siya. Mangako ka sakin na kahit hindi ka niya agad-agad matutunang mahalin sana wag na wag mo siyang iiwang nag-iisa. M-Mabait kang bata, m-mapagmahal kaya hindi ka mahirap mahalin apo. A-Alam ko i-isang araw, matututunan ka ring mahalin ni Ace. Ngayon kasi parehas pa kayong bata at batid ko na napilitan lamang siya apo at syempre ikaw din dahil sa akin. Pero tandaan nyo apo na mahal na mahal ko kayo, gusto ko lamang maging okey na ang lahat para kapag nawala na ako sa m-mundong ito. H-Hindi na kayo mahihirapan pa, sana maintindihan ninyo ako,” mahabang pahayag nito. “Lola wag na po kayong magsalita ng magsalita pa. Pinapangako ko po na k-kahit ano pa ang mangyari, mananatili lamang po ako sa t-tabi ni Ace. P-Pakamamahalin ko po siya at aalagaan kaya po, please po lakasan nyo po ang loob ninyo dahil mas ngayon po namin kayo kailangan Lola. P-Papano po namin susuungin ang panibagong yugto ng buhay namin bilang mag-asawa kong w-wala po kayo. Kaya po please Lola mangako po kayo na h-hindi nyo po kami iiwan ni Ace,” umiiyak na pakiusap din niya dito. “Salamat apo ko, salamat dahil alam kong tutuparin mo ang nais ko.” pasasalamat nito tsaka niyakap siya nito ng mahigpit. Maya-maya lamang ay dumating na si Nanay Salud at kasunod na din nito si Ace kaya naman pasimple niyang pinahid ang kanyang luha. Tsaka masayang inabot ang kanyang meryenda, malagkit iyon na binilog-bilog tsaka nilagyan ng asukal at gata ng niyog. Ang kanilang lola naman ay gatas at malambot na tinapay lamang. Natapos ang hapong iyon na sandaling nakalimutan nila ang lungkot dahil kahit papano ay napasaya nila ang kanilang lola at syempre siya din. Kahit pa ang pakunyaring pagsubo sa kanya ni Ace ng kinakain nila ei alam niyang peke lamang iyon dahil batid naman niyang nandidiri ito sa kanya. Pero dahil mahal na mahal nito ang kanilang Lola, nagagawa nito ang mga hindi nito nagagawa dati. Kinagabihan. Sa silid nanaman ni Ace natulog si Sailor at gaya ng dati inis na inis ito. Sa sahig nanaman siya natulog, pumuslit lamang siya ng comforter at ang kanyang life size na teddy bear. Ito kasi ang palagi niyang yakap kapag natutulog siya, dati noong maliit pa siya kapag natatakot siya tumatabi siya sa kanyang lola matulog pero nong time na awayin siya ni Ace dahil nagseselos ito kapag doon siya pinapatulog ng kanilang lola kahit natatakot pinipilit na lamang niyang matulog mag-isa. ''Hoy, pwede ba hinaan mo naman yang hilik mo! Nakakairita ei, ang lakas-lakas na nga parang hilik pa ng bakulaw! Hayss kong hindi lang dahil dahil kay lola never kong gugustuhing makasama kang matulog sa isang kwarto ei! Tsaka, wag ka ngang tingin ng tingin diyan! Nakakadiri yang mukha mo! Panget na nga puno pa ng kadiring pimples!" galit na singhal nito sa kanya. Umiwas na lamang siya ng tingin dito, tsaka inayos na ang higaan niya. Hindi naman na bago ang mga sinasabi nito sa kanya kaya ipinapasok na lamang niya sa isang tenga at labas din sa isang tenga. Pero kadalasan pa rin ei naluluha siya kaya lang wala rin naman siyang magagawa, totoo naman ang sinasabi nito. Maya-maya ay may kumatok sa pinto, siya na ang lumapit doon para buksan iyon. "Oh, Nanay Salud bakit po?" takang tanong niya dito. "Naku anak, may naghahanap sa iyo sa labas. Zion daw ang pangalan, kaibigan mo daw siya. Sa pagkakatanda ko, anak siya ng bagong may-ari ng bahay diyan sa kabila. Naalala ko kasi ako ang nagdala ng invitation card ng kasal ninyo sa kanila, siya itong kumuha niyon dahil wala ang Mommy at Daddy niya," "P-Pero ano daw po ang kailangan niya Nanay? Tsaka gabi na po, bakit pa sya nagpunta dito?" takang tanong niya dito. "Naku hindi ko rin alam anak, sige na harapin mo muna siya." wika nito saka umalis na. Nilingon niya si Ace, masama lamang siya nitong tiningnan tsaka nagtalukbong na ng kumot. Nagpasya naman na siyang umalis para harapin si Zion, hindi na siya nagpaalam pa kay Ace alam naman niyang wala itong paki, baka nga insultuhin pa siya nito. "Zion! Bakit nagpunta ka dito? Tsaka alas otso na oh, dapat natutulog ka na kasi maaga pa tayo bukas," wika niya dito. "Ha? Natutulog ka diyan, ang aga pa kaya. Sa Manila nga pinakamaaga kong tulog alas dose ng gabi ei. Uhmm, nababagot lang kasi ako sa bahay kasi wala pa sina Mommy kaya naisipan kong dalawin ka, kaya lang mukhang matutulog ka na yata," wika nito sabay hagod ng tingin sa kanya. Nakadamit pantulog na kasi siya. "Maaga talaga kaming natutulog dito, mahihiga na nga lang ako ng tawagin ako ni Nanay Salud ei. Uhmm pero sige, dito na lang tayo sa may veranda magkwentuhan. Hindi pa rin naman ako inaantok ei," wika niya dito, nahihiya naman siyang paalisin ito kasi nag-effort pa itong puntahan siya tapos paaalisin lamang niya. Tsaka ito ang unang beses na nagkaron siya ng bisita sa bahay nila. "Kumain ka na ba?" tanong niya dito. Wala siyang ibang maisip na sasabihin kaya tinanong na lamang niya ito. "Oo naman tapos na, uhmm hindi ba magseselos ang hubby mo kapag nalaman na kausap kita?" tanong nito. Agad naman niyang natakpan ang bibig nito dahil sa takot na baka marinig ni Ace ang lahat. "Pasaway ka talaga, wag kang maingay baka marinig ka ni Ace. Malalagot talaga ako don kapag nalaman niya,” saway niya dito. Kanina narinig ni Ace na ito ang nag-recieved ng invitation card pero hindi alam ni Ace na nadon ito sa kasal nila. “Uhmm, sorry. Sabay ulit tayong mag-lunch bukas ha,” nakangiting wika nito. “Oo naman, no problem basta ba hindi ka masuka sa pagmumukha ko ei,” nakangiti naman niyang biro dito. “Sira, sabi ko sayo bulag lamang ang mga taong nagsasabing panget ka,” wika nito, napangiti na lamang siya. Kung ano-ano lang naman ang napagkwentuhan nilang dalawa, ito nga halos ang nagkukwento ng tungkol sa naging buhay nito sa Manila. Libang na libang naman siya dahil gustong-gusto talaga niya ang mga kwentong tungkol doon. One time lang kasi sila doon nadala ng kanilang Lola. Noong birthday niya na hiniling niya dito na magtungo na lamang sila sa MOA ang mall na pangarap niyang mapuntahan sa Manila. Hindi na nga nila napansin ang oras dahil aliw na aliw naman siya sa mga kuwento nito. “Hoy Sailor! Ano ba yan, hindi pa rin ba kayo tapos mag-usap ng mokong na iyan! Anong oras na oh, inaantok na ako!” wika ni Ace na nasa likuran na pala nila. Napaigtad naman siya dahil sa pagkagulat. Hindi kasi niya akalaing pupuntahan siya ni Ace. Napatingin siya kay Zion na napakibit-balikat na lang, tsaka tuluyan ng nagpaalam sa kanya. “Sige Zion, salamat sa pagdalaw. Mag-iingat ka sa pag-uwi,” wika niya dito tsaka kumaway dito, kumaway din naman ito tsaka nagpatuloy na sa paglakad. Masamang tingin naman ang ipinukol ni Ace sa kanya, tsaka sa papalayong si Zion. Bago ito walang imik na bumalik na sa loob. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD