Chapter 1
"Hoy umalis ka nga dito! Mamalasin paninda ko dahil sayo ei! Tsupe!" galit na saway ng tindera ng bakery.
"P-Pwede po ba makahingi ng kahit isang tinapay, nagugutom na po kasi ako Ate," pakiusap ng batang pulubi sa babae.
"Lumayas ka sabi ei!" singhal nito sabay tulak sa bata.
Kitang-kita lahat ni Señora Adelaida ang naganap sa bata na tamang-tama namang nakapark ang kotseng kinalululanan di kalayuan sa may bakery. Nasa talipapa sila ng kanyang driver noon dahil dumaan sila sa palengke para bumili ng paborito lechon ng kanyang apo. May isang sikat na lechonan ng baboy sa maliit na talipapang iyon. Minsan niyang sinubukang bumili at natuwa siya ng magustuhan iyon ng kanyang apong si Ace. Napakapihikan sa pagkain ng kanyang apo at dahil nagustuhan nito ang lechon sa lugar na iyon, naging regular costumer na sila dito kaya pag napapagawi sila sa lugar bumibili talaga siya.
Napapailing habang nakatingin si Señora Adelaida sa bata, maya-maya ay nagpasya siyang bumaba ng kotse at linapitan ang batang pulubi.
"Hija, nagugutom ka na ba?" mahinahong tanong ng Señora sa batang babae. Tumingin naman ito sa kanya na tila naiiyak tsaka tumango ng bahagya.
"Sige sandali lang ha, ibibili lang kita ng pagkain mo," nakangiting wika niya dito tsaka bumili siya ng tinapay at juice sa tinderang kanina lamang ay sinusungitan ang bata. Nais sana ng Señora na pagsabihan ang babae ngunit minabuti niyang hayaan nalang ito ngunit nakikita niyang tila nahihiya sa kanya ang babae.
Halos mabulunan ang bata sa pagkakain ng tinapay, halatang gutom na gutom ito. Hinaplos niya ang buhok nito.
"Dahan-dahan lang hija, baka mabulunan ka," nakangiti niyang wika sa bata. Ngumiti din ito sa kanya at tila nagpuppy eyes pa. Tila may kung anong mainit na bagay ang humaplos sa kanyang puso ng makita ang ngiting iyon ng bata.
Mataba ang bata kahit pa ito ay palaboy lamang, maputi ngunit napakadungis nito at kapansin-pansin ang ngipin nitong hiwa-hiwalay ngunit hindi iyon nakapangit sa masayang ngiti ng bata. Isama pa ang mata nitong napaka-enosente at animo parating nakangiti. Batid niyang mabait na bata ito, sayang nga lang at isa itong palaboy.
"Anong pangalan mo hija?" nakangiti niyang tanong dito.
"Ako po si Sailor Vuenafe lola, wala na po ang nanay ko iniwan niya na po ako," sagot ng bata na animo normal nalang ang mga sinasabi dito dahil patuloy lamang ito sa pagkain ng tinapay. Parang hinaplos nanaman ang kanyang puso ng tawagin siya nitong Lola. Kung hindi siya nagkakamali kasing edad lamang ito ng kanyang apo.
"Gano'n ba hija? Saan kana ngayon umuuwi?" muling tanong niya.
"Wala na po akong bahay, pinaalis na po ako nong may-ari ng bahay na inuupahan ni Inay dahil wala naman po akong pambayad doon," sagot nito habang umiinom ng juice.
"Ibigsabihin pagala-gala ka lang dito?" di makapaniwalang tanong niya dito. Napakabata pa nito para danasin ang ganong hirap, isa pa babae ito at delikado dito ang manatili sa lansangan.
"Opo, Lola wala naman po akong ibang mapupuntahan dahil ang alam ko po inampon lang din po ako ni Inay. Iniwan daw po ako ng tunay kong Nanay sa kanya kaya nga po hindi po niya ako l-love, at kaya niya po ako i-iniwan ng basta," medyo gumaralgal ang boses na sagot nito sa kanya.
"Kung wala ng naghahanap sayo hija, gusto mo bang sumama sakin? Sa bahay ko na ikaw titira, kesa naman nandito ka sa lansangan," nakangiting sabi niya dito.
Namilog naman ang mata nito, animo nagustuhan ang kanyang sinabi.
"Talaga po Lola?!" masiglang tanong nito, ikinasiya ng kanyang puso ang muling pagbanggit nito ng lola sa kanya. Kaya naman mas naging pursigido siyang ampunin na lamang ito, isa pa tamang-tama lamang dahil may makakalaro at may makakasama na sa pagpasok sa school ang kanyang apo.
"Oo hija, pumapayag ka ba sa alok ko?" masayang tanong niya sa bata, ewan ba niya talagang magaan lamang ang kanyang kalooban dito.
"Opo Lola, gustong-gusto ko po!" masiglang sagot ng bata.
"O siya, halika na uuwi na tayo sa bago mong tahanan." nakangiti niyang sabi dito tsaka inakay na ito pasakay ng kotse, tamang-tama namang dumating na rin ang kanyang driver.
"Wow, napakaganda naman po ng kotse ninyo lola! Ibigsabihin po ba lola mayaman po kayo?At dahil inampon ninyo na po ako, ibigsabihin po ba na mayaman na din po ako?" nangniningning ang mga matang tanong ng batang paslit na namumutok ang pisngi dahil sa katabaan.
Nakakahawa ang kasiglahan at kainosentehan ng paslit kaya naman pati ang kaniyang driver na si Alex ay natutuwa din dito. Sobra din pati ang kadaldalan nito kaya naman giliw na giliw siya dito, kahit na galing ito sa lansangan ay hindi ito nawawalan ng kwento at marunong gumamit ng po at opo. Hindi din niya alintana ang maduming katawan nito, kahit pa panay ang siksik nito sa kanya animo totoo niya itong apo. Mga ilang sandali pa ay narating na nila ang kanilang bahay, mabilis na bumaba ang bata sa kotse, marunong itong magbukas kaya deri-deritso ito sa pagbaba at natawa si Señora Adelaida sa reaksyon nito ng ganap na masilayan ang bahay.
"Grabe Lola! Ito po ba ang sinasabi ninyong bahay ninyo?! Wow, napakaganda po at napakalaki!" bulalas ng bata.
"Oo apo, ito na ang magiging bahay mo simula ngayon," nakangiti niyang turan habang pinagmamasdan ang kasiyahan sa mukha ng bata.
Maya-maya'y tumakbo ang bata sa may gawi ng hardin, siya naman ay minabuting sundan ito ngunit narinig niyang tinawag siya ng mayordomang si Aling Salud.
"Señora Adelaida, ihahayin ko na po ba itong letchong baboy para kay Señorito Ace?" tanong nito.
"Ay mabuti pa nga Salud, teka nasaan na pala ang batang iyon?" tanong niya dito.
"Nasa may hardin po yata Señora," sagot nito.
"Ay ganon ba? Oh sya sige, ako na ang tatawag sa kanya," wika niya dito, ngunit hindi pa nga siya nakakahakbang patungong hardin. Narinig ng Donya ang malakas na iyak ni Sailor.
Kunot noong napasugod sila ni Salud sa hardin. Naabutan nilang umiiyak si Sailor habang si Ace naman ay masa ang tinging ipinupukol sa bata.
"Ace, anong ginawa mo?!" tanong niya sa apo.
"Lola kasi iyang panget na batang iyan, hinawakan itong laruan ko!" pasinghal na sagot ng apo niyang si Ace, sabay sinamaan nanaman ng tingin ang bata.
"Ace, simula ngayon huwag mo ng aawayin pa si Sailor ha dahil dito na siya titira kasama natin," nakangiti niyang pahayag sa apo.
"W-What?! No way! Iyang panget na yan! Never, ayoko sa isang panget na katulad nya!" galit na sagot ng kanyang apo tsaka matalim ang matang pinukol ang umiiyak pa ring si Sailor.
"Apo, tumigil ka na. Hindi ko itinuro sayo na manlait ka ng kapwa mo!" suway niya dito.
Tumingin sa kanya si Ace halata ang pagkadismaya sa mga mata nito.
"Basta ayoko sa panget na iyan!" turan nito saka mabilis na tumakbo papasok sa loob bahay.
Napabuntunghininga na lamang siyang nasundan ng tingin ang apong papalayo.
"L-lola, p-panget po ba talaga ako?" umiiyak pa ring tanong ng batang paslit sa kanila ni Salud. Nagkatinginan naman silang dalawa at kahit isa sa kanila ay walang nais sumagot.
ITUTULOY