"Yes, asawa ko si Sailor! Kasal kaming dalawa kaya pwede ba Miles, tantanan mo na kami! At kayo, kung ayaw nyong mapatalsik sa school na ito, tigilan nyo na ang pang-bubully sa asawa ko! Nagkakaintindihan ba tayo?! Oh gusto nyo masampulan na ngayon?!" galit na wika ni Ace sa mga ito. Hindi makapaniwala si Sailor na gagawin ni Ace ang ganitong bagay, nagawa nitong isiwalat ang tungkol sa kanilang kasal. Para tuloy maluluha siya sa sobrang saya, mukhang totoo na nga ang lahat ng ipinapakita sa kanyang kabutihan ni Ace. Hindi tuloy niya maiwasan ang hindi umasam na baka mahal na rin siya nito. Napatingin siya kay Zion, napansin niya na nakasimangot ito tila hindi nito nagustuhan ang ginawa ni Ace. "A-Ace, s-sabihin mong nagbibiro ka lang oh. Sabihin mong hindi totoo ang lahat, halos 3