"Dyosko, anong nangyari sa iyo Sailor?!" nag-aalalang salubong ni Nanay Salud sa kanila. Inalalayan naman ni Ace si Sailor dahil hirap itong bumaba ng kotse. "Naku Nanay, na-bully po ng mga classmate namin," ayan binasa siya ng magtungo siya sa cr. "Ano?! Ay mga salbahe ang mga batang iyan ha! Magdali ka Ace, pupunta tayo sa school para maparusahan ang mga salbaheng iyon!" galit na wika ni Nanay Salud. "Naku Nay, hindi na po kailangan kasi ito pong si Sailor ei gumanti na. Hindi ko nga po akalain na gagawin niya iyon ei kasi palagi lang niyang hinahayaan ang mga iyon, pero kanina tatlo ang nambubully sa kanya pero wala pong nagawa ang mga iyon ng gumanti na si Sailor kaya sa tingin ko po Nanay hindi na po kailangang mag-report tayo," mahabang wika ni Ace. "Oo nga po Nanay, ha