"Ay Ace, mauna na kayo sa room punta lang ako ng cr," wika niya sa dalawa. Natutuwa naman siya sa mga ito dahil parang okey na din ang dalawa. Ni hindi nagkairingan kanina ang mga ito at minsan ei tila natatawa din si Ace kapag nagpapatawa si Zion. Sana nga magtuloy-tuloy na ei para naman hindi na siya mahirapan sa mga ito. "Samahan na lang kaya kita," sabi naman ni Zion. "No need na Zion, kaya na ni Sailor yan," wika naman ni Ace, medyo nakasimangot ito. "Okey lang ako Zion, mauna na kayo ni Ace," nakangiti namang sabi niya kay Zion para hindi na mabadtrip si Ace. Tsaka naglakad na siya patungo sa cr ng kanilang school, ng lingunin naman niya ang dalawa nakita niyang paakyat na ang mga ito sa second floor. Kaya naman nagpatuloy na rin sa paglakad patungo sa cr. Ihing-ihi na si