Chapter 8

2034 Words
Pinipilit ni Ace na makatulog pero hindi talaga siya dalawin ng antok kahit malapit ng mag alas diyes. Kadalasan kasi wala pang alas nwebe tulog na siya dahil maaga nga silang papasok sa school. Nakailang balik na siya sa may sala para alamin kong hindi pa umaalis ang bisita ni Sailor. Inis na inis na siya sa lalaki at syempre kay Sailor, nakakainis ang halakhakan ng dalawa. Dahan-dahan siyang sumilip sa may bintana kong saan kita ang dalawa at nakita niyang aliw na aliw talaga si Sailor sa mga kwento ng lalaki. May pinapakita pang mga picture ang lalaki dito na halos maihi-ihi sa kakatawa si Sailor. Naiinis siya na ewan parang gusto na niyang sugurin ang dalawa. Kaya lang baka iba naman ang isipin ni Sailor kapag ginawa niya iyon, assuming pa naman ang bakulaw na iyon. Kaya paulit-ulit din siyang bumabalik sa kanyang kwarto. Pero parang nakikita pa niya ang tawanan ng dalawa, lalo na ng huli siyang sumilip ei nakita niyang pinisil ng lalaki ang pisngi ni Sailor. Kaya naman napilitan na siyang labasin ang mga ito. Parang gusto niyang sugurin ng suntok ang lalaki pero ayaw naman niyang gumawa ng gulo lalo pa at may sakit ang kanyang Lola kaya pinagsabihan na lamang niya si Sailor. Parang gusto pa nga niyang batukan ito dahil pakaway-kaway pa ito sa lalaki. "Ano yon ha? Boyfriend mo? Aba, baka nakakalimutan mo Sailor kasal tayo! Ayokong magmukhang tanga sa harap ng iba, kaya hindi ka pwedeng lumandi sa iba hanggat asawa kita!" inis na singhal niya dito ng tuluyan ng makalayo ang bisita nito. Napansin naman niya ang pamumula ng pisngi ni Sailor, dahil sa maputi ito ei halatang-halata kapag nagba-blush ito. Yon nga lang, siguro ng magsabog ng pimples ang Diyos ei sinalo nitong lahat dahil ang pimples na nasa mukha nito ei talagang mata na lamang yata ang hindi nalalagyan. Ilang beses na itong pina-derma ng kanyang Lola ei talaga yatang nasa lahi nito kasi hindi talaga mawala-wala. Kaya mas naging panget ito sa kanyang paningin, inis na inis na nga siya sa ipin nitong tila may mga siwang lalo pa at talagang lumba-lumba ito. Iyong tabang hindi na talaga normal kasi sa edad nitong 16 ei baka nasa 80-90 kg na ang timbang nito. Hindi kasi ito nai-diet ng kanyang lola, kasi naman kapag sinusubukan itong i-diet, umiiyak ito at sinasabing gutom na gutom na ito. Ang kanyang lola naman ay naaawa kaya ayan, hanggang ngayon lamon pa rin kong ito ay kumain. Kaya naman ang mga bilbil nito ay naglalapsutan. Halos magtatlo na rin ang baba nito. At maging ang mga hita at braso ei talagang napakalaki. Wala na ngang magkasyang damit dito kaya talagang may mananahi ang kanyang lola para dito. Hirap na hirap din ito kapag sumasakay sa kotse dahil sa kalakihan nito. Tsaka isa pang kinaaasar dito, napakaputi nito pero ang batok nito ei talagang nangingitim. Kahit sino naman, hindi talaga matutuwang ikasal sa katulad nito. Pero di bale, darating ang araw na makakalaya din siya sa babaeng ito. Naiinis lamang siya sa lalaking nakikipag-kaibigan dito, baka mamaya ei umasa lamang doon si Sailor na may pag-asang totoong maging kaibigan ito pero yon pala baka gino-good time lamang pala ito ng lalaki. Ayaw niyang iiyak ito ng dahil sa iba gusto niya sa kanya lang. Tuwang-tuwa kasi siya kapag napapaiyak niya ito. Tsaka gustong-gusto niya kapag nanlalaki ang mga mata nito. Kong tatanungin siya kong ano ang gusto niya kay Sailor. Ang mga mata nito. Medyo malaki kasi iyon na animo parating nakangiti, pero naku-cutan siya kapag namimilog iyon lalo na kapag tila natatakot sa kanya ito. Inis na inis siya dito pero minsan nakakaramdam din naman siya ng awa. Yon nga lang ayaw niyang masabihang may alalay na panget kaya talagang hindi niya ito pinapansin sa campus. Sabagay kahit dito naman sa kanilang bahay bibihira niya itong pansinin. "Kaibigan ko lang sya Ace, tsaka classmate natin siya kaya hinayaan ko na lamang na mag-stay sya dito. T-Tsaka, alam ko naman na a-asawa kita kaya hindi ako gagawa ng ikasisira mo," wika nito na nabubulol pa. "Buti naman kong ganon, matulog ka na! Maaga pa tayo bukas, istorbo kasi yang bisita mo!" inis na singhal niya dito. Alam niya na kapag sinabi nitong hindi gagawa ng ikakasira niya, tototohanin nito iyon. Kaya kampanti naman siya. Nakita niya sa gilid ng kanyang mata na nahiga na rin ito kaya umayos na siya ng higa. "Uhmm, Ace b-bakit hindi ka nalang naunang matulog? Pwede namang mauna ka na ei," wika nito. "Bakit ba marunong ka pa?! Sa hindi nga ako makatulog diba?! Tsaka malay ko ba kong maalimpungatan ako sa pagpasok mo! Alam mo namang ang hirap ng makabalik ulit sa pagtulog. Oh baka naman naiinis ka sakin dahil naantala ko ang masarap ninyong kwentuhan ng mokong na iyon!" galit na sagot niya sa tanong nito. Pero sa sarili naman niya, hindi talaga niya alam ang sagot sa tanong nitong iyon. Dati-rati naman kapag humiga siya ng 8pm, nakakatulog na agad siya. Hindi kasi siya iyong taong mahilig gumamit ng gadget. Ganon din si Sailor pero may mga cellphone naman sila, sa katunayan new model pa nga ng isang sikat na brand ng cellphone ang kanyang gamit ngayon. Si Sailor lamang ang hindi dahil ayaw nitong palitan ang phone na binili dito ng kanilang lola noong 13th birthday nito. Napakahalaga daw niyon para dito dahil ang kanyang lola ang mismong pumili at bumili sa MOA. Hindi kasi ito pumayag na maghanda ng 13th birthday nito dahil mas gusto nitong igala na lamang sila ng kanilang lola sa pinakamalaking mall sa Manila. Akala nito gala lamang pero binilhan ito ng kanilang lola ng cellphone kaya naman pinakaiingatan talaga nito iyon. Kahit nga tatlong taon na ang nakararaan ei parang bago pa rin iyon dahil hindi naman nito iyon halos ginagamit. Palagi lamang din iyong nasa magandang case nito kaya ni wala pa manlang gasgas. "Aahh, s-sorry," narinig niyang paumanhin nito. "Matulog ka na nga! Ingay mo!" singhal niya dito. Kahit ang totoo ei gusto lang niyang mapatigil ito sa pagtatanong. Ilang sandali lamang ei dinig na dinig na niya ang malakas nitong hilik, kagabi bwesit na bwesit siya pero ngayon parang normal na lamang sa kanya ang hilik nitong iyon. Ilang sandali pa ay nakatulog na rin siya. Kinabukasan. Pababa na si Ace ng kotse ng matanaw niya ang kaklase nilang bisita ni Sailor kagabi. May dala-dala itong kape na nabibili sa kanilang canteen. Nasa magandang lagayan iyon kaya hindi basta-basta matatapon at mapapaso ang taong iinom niyon. Mabilis itong lumapit ng makita yatang bumaba na rin si Sailor. "Sailor!" tawag nito. "Zion! Aba ang aga mo yata ah," wika naman ni Sailor, mababakas ang kasiyahan sa mukha nito. "Oo ei, gusto ko kasi mauna sayo para mabilhan kita ng kape. Uhmm, tara don sa may bench na nasa ilalim ng puno ng talisay. Sabay tayong magkape don, maaga pa naman ei. Hindi pa kasi ako nag-aalmusal sanay kasi akong kape lang sa umaga," aya nito kay Sailor na ikinakunot noo naman niya. "K-Kumain na ako ei, pero sige sasabayan na lang kitang magkape," nakangiting pagsang-ayon dito ni Sailor. Salubong naman ang kilay na iikot na sana siya sa kabilang side ng kotse para makalapit sa mga ito pero nakita niyang hinawakan na ni Zion ang kamay ni Sailor at naglakad na ang mga ito patungo sa puno ng talisay. Nagpupuyos ang kanyang kalooban habang tinatanaw ang dalawa. Hindi kasi binibitiwan ng kumag na iyon ang palad ni Sailor hanggang sa paupuin na nito si Sailor doon. Ito pa ang nagpagpag ng upuan bago pinaupo si Sailor. Badtrip na badtrip talaga siya, ni hindi na nga nagawang magpaalam sa kanya ni Sailor para lamang samahan ang lalaking iyon. Madilim ang anyong nagtungo na siya sa kanilang room, ni hindi niya pinansin ang tatlong kababaihang naghihintay sa kanya. Ni hindi niya tinapunan ng tingin ang mga regalong inaabot ng mga ito basta nakatingin lamang siya sa dalawang masayang nagtatawanan na magkatabing nakaupo sa bench na nasa ilalim ng mayabong na puno ng talisay. "Hey babe! Nalate ka yata ngayon ha, kanina pa kita hinihintay ei. Tara sa locker, tambay muna tayo don. Uhmm, miss ko ng paglaruan yang ano mo ei," malanding wika sa kanya ni Miles. Nakasalubong niya ito pero hindi agad niya napansin kasi nakatuon pa rin ang paningin niya sa dalawa. Naramdaman niya ang pasimpleng pagdantay ng palad ni Miles sa pagitan ng kanyang pantalon pero hindi lang niya iyon pinansin. Maya-maya'y hinalikan siya nito sa labi pero tinabig niya ito ng bahagya. "Wag ngayon Miles, medyo masama ang pakiramdam ko." wika niya dito tsaka mabilis na nagpatuloy na sa paglakad. Nakasimangot naman na sumundo sa kanya si Miles. Samantala. "Oii, aminin mo sakin Sailor. Sa iisang room kayo natutulog ni brat noh? Oops, wag ng mag-deny. Kaya nga naiinis sya kagabi kasi hindi sya makatulog ng hindi ka katabi no?" panunudyo sa kanya ni Zion. Hindi tuloy niya maiwasang hindi mamula ang pisngi. Kasi naman ang dumi ng iniisip nito sa kanila. "Yong totoo, nagkiss na ba kayo? O kaya naman—," "Sira! Manahimik ka nga diyan!" saway niya dito, hindi na nito natapos ang sasabihin dahil nabatukan niya ito ng wala sa oras. "Aray naman, nagtatanong lang ei," reklamo nito. "Hindi kasi ganon yon, ang dumi ng utak mo ei!" mariing wika niya dito parang gusto na niya itong sakalin. Nanginginit na kasi ang pisngi niya sa sobrang pagbablush. "Ei ano naman kaya ang ginagawa ng isang lalaki at babae sa iisang kwarto lalo pa at kasal sila? Ano, don't tell me nagdadasal lang kayong dalawa!" natatawang pang-aasar pa nito. "Baliw ka talaga Zion, isa pa talaga sasamain ka na sakin! Nakikita mo tong mtatabang braso na to, baka kapag nasampulan ka nito maiyak ka talaga," naiinis na banta niya dito. "Ay sorry na po Miss Masungit! Uhmm, curious lang naman kasi ako," wika nito. "Sa tingin mo talaga papatulan o pagnanasaan ako ni Ace? Hello, sa mukha ko pa nga lang masuka-suka na iyon sa mga bilbil ko pa kaya! Kaya ikaw kong nabubulagan ka ei dapat magising ka na. Matagal na akong nag-aaral sa school na ito ei wala manlang kahit isang nagtangkang kaibiganin ang isang katulad ko ei, ikaw lang nga ang nagtyaga pero sure yan iiwan mo rin ako," may bahid ng pait ang kanyang boses. Sumeryoso naman ang mukha ni Zion. "Sailor, ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag na wag mong ida-down ang sarili mo ha? At ilang beses ko na rin sayo sinabing hindi sa panlabas ng anyo nasusukat kong dapat ka bang kaibiganin o hindi. Kong toxic ang mga estudyante dito, wag mo naman akong igaya sa kanila lalo na sa brat na iyon! Dahil para sa akin, you are beautiful inside and out. Nakakasama lang ng loob na parang lumalabas na ang babaw ng tingin mo sakin, at hindi ka seryoso sa pagtanggap mo sakin bilang kaibigan," seryosong wika nito. Naalarma naman siya. Ayaw niyang mawala ito bilang kaibigan niya. Ang tanga lamang niya dahil pilit niya itong itinataboy kahit ramdam naman niyang sincere ito sa pakikipagkaibigan sa kanya. "S-Sorry, basta mag-promise ka friends forever!" naiilang na wika dito. Baka kasi galit na ito sa kanya at ayaw na siyang tanggapin pa bilang kaibigan nito dahil medyo nasaktan niya yata ito sa nasabi niya. Pero agad siyang napangiti ng makita ang maaliwalas nitong mukha pati na ang malawak nitong pagkakangiti. "Syempre naman! Friends forever!" masayang wika nito tsaka hinawakan nito ang kanyang palad. Maya-maya ay narinig na nila ang pag-bell tanda na magpa-flag ceremony na. Hinawakan nito ang kamay niya at nagmamadaling nagtungo sila sa kanilang room para ewan ang kanilang bag. Hindi na niya napansin si Ace kaya batid niyang nasa labas na ito. Pagkalapag nila ng kanilang bag, mabilis na silang nagtungo sa pagdarausan ng flag ceremony. Hawak-hawak pa rin ni Zion ang kanyang kamay, pinagtitinginan sila lalo pa at hindi nito binibitiwan ang kanyang kamay. Ang iba, naiinggit at karamihan ay nangungutyang tingin ang ipinupukol sa kanya. Ngunit nanlamig siya ng makita si Ace, tila nanggagalaiti ito sa galit lalo na ng mapatingin sa kamay niyang hawak-hawak pa rin ni Zion. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD