Halos mawindang ang mundo ni Sailor ng pangahas na halikan siya ni Ace, ni hindi siya naka-iwas ng angkinin nito ang kanyang labi. Noong una hindi siya makapaniwala, ngunit ng tumagal pakiramdam niya ay idinuduyan na siya sa alapaap. Kaya naman kusa na siyang napapikit, grabe ang feeling ganon pala talaga parang iyong sa mga romance pocketbook na kanyang nababasa. Lalo na ng tawagin siya nitong misis, gulat na gulat talaga siya. Parang ang sarap sa pakiramdam na tawagin siya nitong misis, tsaka ng honey pero alam naman niyang nagloloko lamang ito. Tsaka ang halik na iyon, siguro dahil din sa kalokohan nito iyon. At dahil lamang doon, nawala ang kanyang first kiss na napakahalaga sa kanya. Ayaw niyang umasa kaya sasakyan na lamang niya kong ano ang trip nito, kesa naman puro away silang