Nagbabasa ng pocketbook si Sailor ng marinig niya ang sunod-sunod na katok sa kanyang pinto. Batid niyang si Ace yon, kinakabahan siyang i-open ang pinto pero baka emergency dahil sunod-sunod ang katok nito. Binuksan niya para lang magulat, agad siyang kinabig ni Ace at siniil ng mapusok na halik. "Ace bit—," wika niya ngunit hindi natapos dahil sa patuloy nitong paghalik sa kanyang mga labi. Nagpumiglas siya pero mas malakas ito dahil kahit na mataba siya ei malaki din naman ang pangangatawan nito at matangkad pa. Ito na rin ang nagsara ng pinto ng kanyang kwarto kaya mas lalo siyang kinabahan. Wala pa naman si Nanay Salud at ang isa pa nilang kasambahay. Pilit niya itong itinutulak at iniiwas niya ang kanyang bibig pero sapo-sapo nito ang kanyang ulo kaya hindi niya iyon maigalaw.